Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34: You reap what you sow

34.

You reap what you sow

Third Person's POV

Akmang makikipagkamay na sana si Serenity kay Dexter nang bigla siyang may mapansing kakaiba sa kaliwang kamay nitong hindi gumagalaw.

"Ang kamay mo... " Nauutal na sambit ng dalaga.

"Artificial." Bahagyang tumawa si Dexter nang mapansin ang reaksyon ni Serenity. Walang ano-ano'y bigla niyang tinanggal ang artipisyal na kamay dahilan para makita ni Serenity na putol ito hanggang sa pulso.

"Ouch." Hindi maiwasan ni Serenity na mapangiwi pero tumawa lamang ulit si Dexter saka muling ikinabit ang artipisyal niyang kamay.

"Masakit sa umpisa pero sa dami ng pinagdaanan ko, parang kagat nalang 'to ng langgam. Maswerte parin ako kasi buhay pa ako." Taas-noong sambit ni Dexter na animo'y walang bakas ng lungkot o pag-aalala.

"Ano bang nangyari? I mean, if you don't mind." Usisa ng nahihiyang si Serenity habang nakangiti.

"Medyo tanga kasi ako, sa totoo lang mahabang kwento—" Natigil si Dexter sa pagsasalita nang bigla na lamang may umakbay sa kanya—si Ponzi.

"Sensya na brad, wala siyang oras sa mahabang kwento. Kailangan niya pa kasing pumasok sa susunod niyang subject, baka ma-late pa siya." Nakangising sambit ni Ponzi sabay tapik sa balikat ni Dexter bagay na ikinakunot ng noo nito.

"Hala oo nga pala!" Gulat na sambit ni Serenity at dali-daling kinuha ang mga gamit mula sa mesa.

"Tara na." Giit ng atat na atat ng si Ponzi saka nagsimula ng malakad habang nakasilid ang bulsa sa mga kamay.

"Bye! Nice meeting you." Nakangiting pamamaalam ni Serenity sabay kaway at dali-daling sinundan si Ponzi.

Napasinghal na lamang si Dexter at napangisi nang tuluyang makalayo ang dalawa.

Pasimpleng naglakad si Dexter patungo sa pinakadulong bahagi ng library na animo'y sinisigurong walang ibang makakarinig sa kanya pagkatapos nito'y agad siyang may tinawagan.

"Opo Tatang, kasama niya parin yung Agapito. Gawan ko na po ba ng paraan?" Tanong nito at ilang sandali pa'y tumango-tango, "Hindi ko alam pero mukhang nakita ko na siya noon, di ko lang maalala kelan. Sige po, babalitaan ko nalang po kayo kung may mapansin akong kakaiba. Pangako hindi na po mauulit ang pagkakamali ko noon..."

***

"Ponzi sandali, hintayin mo nga ako." Giit ni Serenity pero imbes na huminto o lumingon ay mas lalo lamang binilisan ni Ponzi ang paglalakad dahilan huminto si Serenity at maglakad na lamang sa ibang direksyon.

"Teka, saan ka pupunta?!" Inis na sambit ni Ponzi nang makitang naglalakad na palayo si Serenity.

Gaya ng kanina pa ginagawa ni Ponzi ay hindi rin siya nililingon o pinapakinggan ng dalaga. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad na animo'y walang naririnig na tumatawag sa kanya.

"Serenity naman eh, ba't di mo na ako sinusundan?" Nakangiwing sambit ni Ponzi na para bang isang batang nagtatampo. Hindi parin siya nililingon nito kaya naman agad niyang hinigit ang braso nito upang mapaharap ito sa kanya ngunit laking gulat niya nang bigla itong mapaiyak sa sakit at mapaupo sa gitna ng daanan.

"Serenity sorry!" Natatarantang sambit ni Ponzi at dali-dali ring napaupo pero laking gulat niya nang bigla na lamang kumurba ang pilyang ngisi sa mukha ni Serenity.

"I kid only fool." Taas noong sambit ng dalaga at tumayo sabay flip ng kanyang bangs gamit ang daliri lamang. Ngunit nang tuluyan na siyang mapatalikod mula kay Ponzi ay hindi na niya naitago pa ang labis na sakit na naramdaman kaya napakagat na lamang siya sa kanyang labi at pinigilan ang sariling maluha.

Napabuntong-hininga na lamang si Ponzi at inakbayan ang dalaga, "You're going down the Sisa road. Please don't stop."  

"Teka okay ka lang?" Kunot-noong sambit ni Ponzi nang mapansing namumutla ito.

"With my faith in God, I'm more than okay 24/7." Pagmamalaki ni Serenity habang pilit na itinatago ang iniindang sakit sa kanyang braso.

Tumango-tango na lamang si Ponzi, "Oo na, ikaw na ang banal. Nga pala saan ka pupunta?" Tanong niya dahilan para agad na huminto si Serenity sa paglalakad.

"Ewan ko, sabi mo late na ako eh. And in case you forgot, kinuha mo ang kopya ng schedule ko. Buti ka pa alam mo schedule ko." Napabusangot na lamang ang si Serenity.

"Wala akong sinabing ganun! After one hour pa ang theology class mo. Tara tambay—" Natigil sa pagsasalita si Ponzi at napaubo na lamang nang bigla siyang makalanghap ng usok, magsasalita rin sana si Serenity pero maging siya'y napaubo na lamang lalo na nang makita ang usok na animo'y nasa direksyon na nila.

Kapwa naguluhan sina Serenity at Ponzi nang bigla na lamang sumulpot sa harapan nila ang walang kaemo-emosyong si Jojo. May kulay itim na bandanang nakatali sa ulo niya at may kasama pa itong mga dahon ng bayabas. May dala-dala itong insensong umuusok pa at sa kabilang kamay naman ay mga palaspas.

"Ponzi..." Mahinang sambit ng natatakot ng Serenity at napahawak na lamang sa binata dahilan para mapangisi ito bigla kahit pa naguguluhan sa sitwasyong dulot ni Jojo.

Iniyuko ni Jojo ng bahagya ang kanyang ulo at mariing tinitigan ang mga mata ni Serenity. Unti-unti niyang itinaas ang palapas at itinutok sa mismong mukha ng dalaga.

Ilang sandaling nagkatitigan sina Jojo at ang labis na naguguluhang si Serenity. Maging si Ponzi ay natahimik din at hindi na nakapagsalita sa labis na kalituhan sa nangyayari.

Makaraan ang ilang sandali ng titigan at nakakailang na katahimikan ay nagsimulang maglakad ang wala paring kaemo-emosyong si Jojo patungo sa isang halamanan kung saan niya iniwan ang kanyang bisekleta na ngayo'y may training wheels na dala ng aksidenteng si Ponzi rin naman ang may kagagagawan.

"What just happened?" Mahinang sambit ni Serenity na hindi parin halos makagalaw dahil sa gulat at lito.

"Hindi ko din alam." Walang emosyong sambit naman ni Ponzi.

Ilang sandali pa ay muling dumaan sa harapan nila si Jojo na ngayo'y nakabisikleta na at wala paring kaemo-emosyon habang nakatitig kay Serenity. Mabagal lamang ang galaw ng bisekleta dahil sa training wheels na ikinabit ng nanay ni Jojo rito.

"Seriously Ponzi, nag-aalala na ako sa kanya. Baliw nga talaga siya. He really needs Jesus." Nag-aalalang sambit ni Serenity dahilan mapangisi si Ponzi.

"Baliw ka din noon, 'wag mo siyang husgahan." Giit ni Ponzi.

"At least di gaya mo, manyak." Pasaring na lamang ni Serenity.

"Mas manyak si Jojo!" Giit ni Ponzi!

"Hindi nga ako Manyak! Isa akong Pornography enthusiast!" Biglang sigaw ni Jojo na hindi pa pala lubusang nakakalayo at nagawa pang marinig ang usapan nila.

***

"Maraming salamat sa pagbabahagi mo hijo. Masaya ako dahil sa wakas, binigyan mo na ako ng pagkakataong makausap ka. Sana kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam mo." Natutuwang sambit ng bulag na pastor saka dahan-dahang napatayo sa tulong ng tungkod at alalay din ni Dustin.

 "Salamat din po Pastor Will." Tipid na sambit ni Dustin at inalalayan na lamang din ito hanggang sa makarating sa labas kung saan naghihintay ang mga pulis na aalalay rin dito.

"Hijo tandaan mo 'yung sinabi ko ha? Ang pagpapatawad nagsisimula 'yan sa sarili bago mo makamit mula sa iba." Paalala ng Pastor, "Bukas uli, pagpalain ka." Paalam pa nito saka tuluyan ng umalis.

Nang maiwang mag-isa na lamang sa hospital room na tinutuluyan ay naupo na lamang si Dustin sa harap ng bintana hawak ang isang bibliya. Hindi man sanay, sinimulan niya ang pagbabasa nito. Makaraan ang ilang sandali ay napabuntong-hininga na lamang si Dustin at lumingon sa kanyang kama kung saan naroroon ang urn na naglalaman ng abo ni Tammy.

"Ate siguro masaya ka kasi heto ako't nagbabasa ng bibliya." Nakangiting sambit ni Dustin kahit pa alam niyang wala namang sasagot sa kanya.

Nagulat si Dustin nang bigla na lamang may kumatok sa pinto niya at ilang sandali pa ay pumasok si Chief Hidalgo na may bitbit na isang makapal na folder at isang recorder.

"Mabuti naman at sa wakas pinagbigyan mo na si Pastor Will na makausap ka. Kawawang matanda, halos araw-araw 'yong nandito para lang kausapin ka. Ipapaalam ko 'to sa judge, baka makatulong 'to sa pagpapagaan ng sentensya mo." Nakangiting sambit ng pulis dahilan para muling mapabuntong-hininga si Dustin na animo'y nababagot.

"Nasabi ko na ang lahat ng nalalaman ko. Kung ayaw mo akong paniwalaan, problema mo na 'yon." Malamig na sambit ni Dustin at muling ibinalik ang pansin sa bibliyang binabasa.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa hijo, wala ako dito para humingi ng salaysay. Nandito ako para humingi ng opinyon mula sayo tungkol sa isang kasong hinahawakan ko." Pag-amin ng pulis dahilan para maisara ni Dustin ang bibliya't muling mapaharap sa pulis.

"Opinyon?" Napasinghal si Dustin at ngumisi, "Nagbibiro ka ba?" Natatawang sambit ni Dustin saka dahan-dahang inilapag ang bibliya sa mesa.

Napabuntong-hininga ang pulis at naupo na lamang.

"Hindi ako nagbibiro. Kailangan kong tingnan ang bawat anggulo at posibilidad." Giit nito kaya napakamot na lamang sa kanyang ulo si Dustin.

"Bakit ako?" Muling tanong ni Dustin.

"Kasi may pananaw kang iba sa lahat—pananaw ng isang mamamatay tao." Pag-amin ng pulis dahilan para muling matawa ng bahagya si Dustin.

"Kakabasa ko lang ng bibliya Chief... Hay ewan... Sige na nga..." Napabuntong-hininga na lamang si Dustin, "Sabihin mo sa akin ang kahit na anong progress tungkol sa imbestigasyon niyo sa Jemaima Program bilang bayad sa opinyon ko." Taas-noong sambit ni Dustin kaya walang ibang magawa si Chief Hidalgo kundi tumango na lamang.

"Impormasyon lang." Giit ng hepe kaya naman napangisi si Dustin at tumango.

"Sa anong kaso mo ba kailangan ang demonyo kong utak?" Tanong ni Dustin dahilan para muling mapabuntong-hininga ang hepe.

"Tungkol sa pagkamatay ni Lucia Grady at pananambang sa mag-ama niya."

Agad na nawala ang ngisi sa pagmumukha ni Dustin sa narinig at sa isang iglap ay muli na namang bumakas ang galit sa mga mata niya.

"Dapat mamatay si Lucia Grady. Yan ang opinyon ko at hinding-hindi yan magbabago." Giit ni Dustin.

"Hijo alam kong may galit ka sa kanya pero isantabi mo muna ito. Ibigay mo sa akin ang opinyon ng isang mamatay-tao. Kung ikaw ang pumatay kay Mrs. Grady at sa mag-ama niya, bakit mo ito gagawin?" Muling tanong ng hepe kaya muling napabuntong-hininga si Dustin.

"Simple lang," Napasandal si Dustin sa kinauupuan at muling ngumisi, "Dahil sa paghihiganti."

Nasapo ng hepe ang kanyang mukha na animo'y dismayado, "Hijo kalimutan mo ang galit mo kay—"

"Hindi mo naiintindihan." Giit ni Dustin na kalmado man, seryoso parin sa bawat salitang binibitawan, "Makinig ka Chief, Iba ang galit sa paghihiganti. Pag ang tao galit, sa mismong kaaway siya gumaganti. Pag ang tao naghihiganti, lahat ng makakasakit sa kaaway niya ay gagawin niya kabilang na dito ang pananakit sa taong mahalaga sa kaaway niya. Pusta ko, pinatay si Mrs. Grady sa dalawang rason—upang ma-protektahan ang programa at upang maghiganti."

Hindi man makapaniwala sa narinig ay pilit na ipinagtagpi-tagpi ng hepe ang mga pangyayari sa isipan niya, "Kung paghihiganti, sino ang maaring gumawa nito?"

Tumawa si Dustin, "Malay ko basta hindi ako o si Kuya Kirk kasi nakakulong na si kuya. Kung buhay pa si Calix, siya ang masasabi kong gumawa nito kay Mrs. Grady pero patay na si Calix kaya imposibleng tungkol 'to sa nangyari kay Ate. Marami ang mga biniktima ng Crimson Ripper, mahaba-haba ang listahan ng suspect mo chief, Good luck nalang." Sabi pa nito.

"Kinikilabutan na talaga ako sayo." Walang emosyong sambit ng hepe at napatayo na lamang.

"Sinusubukan ko pong magbago pero ginugulo mo ako." Biro ni Dustin dahilan para mapailing-iling na lamang ang hepe.

Lalabas na sana ang hepe nang muling magsalita si Dustin.

"Chief, paano kung may myembro ng programa na naghiganti kay Mrs. Grady dahil napatay nito ang isang mahal niya sa buhay?" Natawa si Dustin, "Mahaba-habang listahan pero mukhang may patutunguhan."

END OF CHAPTER 34.

Note: Just to clarify, hindi po nakita ni Ponzi si Dexter kasi based sa statement niya noon, inatake siya from behind tas nawalan na ng malay. Name lang na Dexter ang alam niya :)

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro