Chapter 27: Epilogue
27.
Epilogue
Third Person's POV
THREE DAYS LATER
Binuklat ni Dustin ang hawak na yearbook at agad na bumungad sa kanya ang litrato kung saan magkakasama sina Tammy, Calix, Tyler, Quinn at Milky. Magkakaakbay ang lima at abot-tenga ang ngiti habang suot-suot ang mga toga nila sa araw ng kanilang Highschool Graduation.
"Ganda ng kapatid mo dudung." Biglang sambit ni Jojo sabay turo sa mukha ni Tammy na napakasaya. "Anyare sayo? Naabsorb ba ni Tammy lahat ng bitamina ng nanay niyo kaya wala ng natira para sayo?" Tumatawang sambit ni Jojo kaya natawa na lamang si Dustin ng bahagya at muling pinagmasdan ang iba pang litrato sa pahina.
"Ang manyakis talaga ng hitsura ni Ford pag nakabungisngis." Komento pa ni Jojo nang makita ang litrato nito.
"Ikaw din naman ah? Mas malala nga yung sa'yo kasi mukha kang Rapist na sumasideline bilang batang hamog sa kanto. Lahat ng mga nakakasabay mo sa jeep, napapahawak ng mahigpit sa mga bag nila. Manyakis na nga, mukha pang holdaper." Pabirong pasaring ni Dustin kaya agad na suminghal at ngumiwi si Jojo.
"Tangina Consulacion, parang inuunsulto mo na ang kaluluwa ko ah? Hindi ka ba marunong umintindi? Pornography Enthusiast ako at hindi manyakis! Mukha akong isang gangster, hindi holdaper!" Pagdidiin ni Jojo at lalaumin na sana ang baong kwek-kwek nang bigla niyang makita ang litrato kung saan magkakasama sina Ford, Dustin at Ponzi, "Paano ba 'yan Dustin? Mukhang ikaw nalang ang natira?" Biro pa nito.
Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Dustin.
Napalunok si Jojo at dahan-dahang napatingin kay Dustin at halos mamutla siya nang makita ang galit sa mukha nito.
"Ikaw ang isusunod ko." Walang emosyong sambit ni Dustin pero bigla na lamang tumawa si Jojo dahilan para makunot ang noo ni Dustin. "Hindi ka naniniwalang papatayin kita?" Kunot-noo nitong sambit.
"Naniniwala pero sa huli ikaw parin naman ang kawawa eh. Isang galos lang sakin, lagot ka sa nanay ko. Isang linya lang mula sa dambuhalang bunganga ng nanay ko, tanggal ilong mo." Pagmamayabang nito kaya napabuntong-hininga na lamang si Dustin at muling ibinalik ang tingin sa yearbook.
Inilipat ni Dustin ang pahina at sa isang iglap ay kapwa nawala ang ngiti nila ni Jojo nang makita ang litrato ni Sisa. Mag-isa lamang si Sisa sa litrato, gaya ng dati ay kasingpula ng buhok niya ang lipstick at napakakapal pa ng eyeliner nito, nakangiwi ito habang naka peace-sign.
"Nasabi niyo na ba sa mga magulang niya ang nangyari sa kanya?" Basag ni Jojo sa katahimikang bumalot sa kanila at sa unang pagkakataon ay bigla itong naging seryoso sa pananalita.
Isinara na lamang ni Dustin ang yearbook at napasandal sa kinauupuan. Napabuntong-hininga ito saka umiling. "Hindi pwedeng mailibing si Sisa nang hindi pa nagigising si Ponzi, kailangan pang kumpletuhin ng mga pulis ang imbestigasyon." Nanlulumong sambit ni Dustin saka napalingon sa direksyon ng wala paring malay na si Ponzi.
"Antagal namang magising Agapito, hindi niya pa ako nababayaran sa utang niya." Nakangiwing pasaring ni Jojo kaya muling lumingon sa kanya ang walang emosyong si Dustin.
"Umuwi ka nalang nga sa inyo, pag ako hindi makapagpigil, magiging pasyente ka din sa ospital nato." Pagbabanta ni Dustin pero tumawa lamang si Jojo.
"Nga pala brad, makakapunta ka din ba sa libing ni Ecleo o pagbabawa—" Biglang natigil sa pagsasalita si Jojo na siyang ipinagtaka ni Dustin. Mistulang napako ang tingin ni Jojo kay Ponzi kaya napatingin rin dito si Dustin at laking gulat niya nang makitang unti-unti ng gumagalaw ang mga kamay ni Ponzi at animo'y nagigising na ito.
"Inspector Hidalgo!" Agad na napasigaw si Dustin.
****
"Si Sisa? Nasaan siya?" Agad na bulalas ni Ponzi nang makita ni si Chief Hidalgo. Namumutla pa ito habang may bendang nakapulupot sa ulo pero mistulang wala itong pakialam sa sarili niya.
"Hijo kumalma ka muna. Maaring nahihilo ka pa." Giit ng doktor pero wala ritong pakialam si Ponzi.
"Nasaan si Sisa?!" Halos magwala ito lalo na nang walang sumasagot sa kanya kaya pinalabas na lamang ni Chief Hidalgo ang mga doktor at pati narin sina Dustin hanggang sila na lamang dalawa ni Ponzi ang natitira.
"Hijo bago ko sagutin ang tanong na 'yan ay sagutin mo muna ang mga katanungan ko. Kumalma ka muna." Kalmadong giit ng hepe kaya nasapo na lamang ni Ponzi ang ulo at paulit-ulit na suminghap.
"'Wag kang mag-aalala, hindi ko na sinabi sa mga magulang mo ang nangyari." Paniniguro nito saka bumuntong-hininga, "Naitanong ko na ito kay Dustin Consulacion pero kailangan mo rin itong sagutin—Bakit kayo nagpunta sa lugar na iyon?"
Huminga ng malalim si Ponzi saka sumandal sa headboard ng kama. Gamit ang dalawang kamay ay hinawakan nito ang noo na para bang pilit na inaalala ang nakaraan, "S-si Ecleo... T-tumawag si Ecleo.." Nauutal nitong sambit.
Tumango-tango ang hepe, "Nang makarating kami sa address na ibinigay mo, sila agad ni Dustin ang naabutan namin. Wala ng buhay si Ecleo samantalang si Dustin naman ay parang wala sa sarili at nagwawala. Inakala ng mga unang rumispondeng pulis na si Dustin ang pumatay kay Ecleo kaya agad nila itong dinakip sa pamamagitan ng pag-tazer. Pinasok nila ang Kapilya at natagpuan nila ang isang lagusan pero tinutupok na ito ng apoy, walang ibang nahanap doon maliban sa inyo—"
"Wala na akong pakialam! Gusto kong malaman, nasaan si Sisa?!" Muling giit ni Ponzi na hindi na mapakali.
"Ponzi nahanap mo ba si Sisa nang pumasok ka sa lagusan?" Tanong naman ng hepe kaya sa isang iglap ay bumaha ang aalala sa isipan ni Ponzi hanggang sa unti-unting umagos ang butil ng luha mula sa mga mata niya.
Muling nasapo ni Ponzi ang ulo at napapikit, "She begged me to stay but I had to look for a way to get her out of that burning room. She was so scared, she was crying, she begged for me not to leave..." Napailing-iling si Ponzi na animo'y pilit na inaalala ang iba pang nangyari, "Naghanap ako ng kahit na ano para maapula ang apoy para makalabas siya pero biglang sumakit ang ulo ko, paggising ko....paggising ko.." Nanlaki ang mga mata ni Ponzi nang muli siyang may maalala, "Si Sisa! Nasaan siya?! Parang-awa mo na, sabihin mo na sakin nasaan siya!"
Napabuntong-hininga ang hepe na animo'y nagdadalawang-isip sa mga sasabihin, "Ponzi... Nahirapan ang mga pulis na pasukin ang lagusan dahil sa lakas ng apoy pero nagawa ng isa sa kanilang mahanap kayo. Nakita kayo ng isa sa mga pulis na nakabulagta sa sahig, Ponzi... si Sisa ba 'yung kasama mo?"
Walang pag-aalinlangang tumango-tango si Ponzi at agad na kumurba ang ngiti sa labi niya ngayong narinig na nahanap rin si Sisa,"Saglit akong nagising at nakita ko siyang nakahiga sa tabi ko pero muling dumilim ang lahat! Nasaan siya? Okay lang ba siya?" Sunod-sunod na sambit ni Ponzi na sabik na sabik sa sagot ng pulis.
Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Ponzi nang hindi sumagot ang pulis. Sa puntong ito'y mistula siyang may naramdamang kakaiba, alam niya sa sarili niyang isang masamang balita ang maari niyang matanggap.
"Ponzi nang makita kayo ng isa sa mga pulis, masyado ng malala ang apoy kaya isa lang sa inyo ang nagawa niyang mailabas agad, may nakitang babaeng nakahiga sa tabi mo pero wala na itong buhay kaya naman ikaw na lamang ang inilabas niya. Tinangka ng iba pang balikan ang babae pero hindi na nila ito kayang pasukin ulit agad... Nang maapula ang apoy, doon pa namin nakuha ang bangkay niya... A-ang bangkay ni Sisa." Nauutal na sambit nito kaya napatingin na lamang si Ponzi sa kawalan.
"Hijo wala na siya... Wala na si Sisa..." Sabi pa nito kaya napapikit na lamang si Ponzi saka tumango-tango.
Unti-unting pumatak ang luha mula mga mata ni Ponzi, "Pwede po bang iwan niyo muna ako?" Kalmado nitong sambit kaya walang nagawa ang pulis kundi lumabas na lamang ng kwarto at iwan si Ponzi na mag-isa.
****
THREE WEEKS LATER
Walang emosyong nakahiga si Ponzi sa kanyang kama. Hindi ito gumagalaw, nakatitig lamang sa kisame habang umaalingawngaw sa buong kwarto niya ang napakalakas na rock music. Araw-araw sa tuwing mag-isa ay ito parati ang sitwasyon niya, nakatulala at mistulang wala sa sarili.
"Anak ano ba?! Kanina pa kita tinatawag!" Bulyaw ng inang bigla na lamang pumasok sa kanyang kwarto pero kaswal lamang na napatingin si Ponzi sa direksyon niya.
"Ponzi ano ba talagang nangyayari sayo?! Tatlong linggo ka ng umaabsent sa school at hindi bumabalik ng Crimson Lake?" Nag-aalalang sambit ng ina kaya naupo na lamang si Ponzi at umiling saka nginitian ito. "Ayan ka na naman! Ganyan ka nalang ba parati? Sinusubukan ka naming kausapin ng Daddy mo pero puro ngiti lang ang sagot mo! Ano bang nangyari at nagkakaganyan ka?! May nakaaway ka ba? May pinagtataguan ka ba?"
Muling ngumiti si Ponzi at pinatay ang kanyang laptop na siyang pinanggagalingan ng musika. "Sorry po ma, okay lang po ako." Kalmadong sambit nito habang nakangiti parin pero imbes na maging kalmado ay lalo lamang namroblema ang kanyang ina.
Napabuntong-hininga ang kanyang ina saka nasapo ang sentido nito, "Hay ewan... Andito pala ang kaibigan mo mula sa Crimson Lake, gusto ka daw niyang isama sa Crimson Lake Cathedral para magsimba. Sumama ka ng makahinga ka naman ng sariwang hangin at nang matangay ang kung ano mang masamang espiritong sumasapi sayo." Sambit pa nito kaya natawa na lamang si Ponzi.
"Sino pong kaibigan?" Tanong na lamang ni Ponzi.
"Jojo daw." Sabi pa ng ina kaya lalo lamang na natawa si Ponzi.
"Ah yung mukhang akyat bahay? Ma wag kang maniwala dun, kasali yun sa budol-budol gang. Ge, matutulog muna ako." Sabi pa ni Ponzi at muli na naman sanang hihiga sa kayang kama pero agad na hinila ng nanay niya ang tenga niya dahilan para manatili siyang nakatayo.
"Agapito Zosimo, lalabas ka sa bahay nato at lalanghap ka ng sariwang hangin o kung ayaw mo talaga, kunin mo nalang ang mga natitira mong gamit doon sa Crimson Lake!" Giit ng ina kaya tumango-tango na lamang si Ponzi bagay na ikinagulat ng ina.
"Anak ayaw mo na ba talaga sa Crimson Lake?" Kalmado at nag-aalalang sambit nito.
Ngumiti at tumango si Ponzi bilang sagot.
"Kung 'yan ang gusto mo... Pero anak paano si Sisa?" Muling tanong ng ina kaya unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Ponzi. Imbes na sabihin ang pagkamatay ng dalaga ay nanatili na lamang siyang tahimik.
*****
Buong byahe, tahimik lamang si Ponzi. Nakatulala ito habang nakatanaw sa labas ng bintana, ni hindi nito magawang makipag-usap kay Jojo na siyang nagmamaneho ng sasakyan.
"Tangina Jojo, ikaw na talaga. Para sa pornograpiya, magtiis ka. Makakaganti ka rin." Mahinang sambit ng inis na inis nang si Jojo sarili.
Hapon na nang tuluyang makarating ang dalawa sa Crimson Lake Cathedral. Iilan na lamang ang mga tao sa labas at ang karamihan ay nasa loob na at nakikinig ng misa palatandaang nahuli na sa pagdating ang dalawa.
"Pre bumaba ka na bilis!" Bulyaw ni Jojo pero nanatiling nakatingin sa kawalan si Ponzi na animo'y hindi naririnig ang mga sinasabi niya.
Napansin ni Jojo ang earphones na gamit ni Ponzi kaya dali-dali niya itong inagaw para makuha ang pansin ng binata at napangiwi na lamang siya nang mapagtantong wala naman pala itong kantang pinapakinggan.
"Ulol ka ba?! Kanina pa ako—"Hindi na nagawang tapusin pa ni Jojo ang sinasabi nang bigla na lamang lumabas si Ponzi mula sa sasakyan. Gustuhin man ni Jojo na murahin si Ponzi ay hindi niya magawa ngayong nasa tapat sila ng mismong simbahan.
Habang naglalakad papasok ng simbahan ay bigla na lamang napako si Ponzi sa kinatatayuan at napatitig sa isang dalaga na nakatayo sa altar at kumakanta ng Salmo. Parang huminto ang mundo ni Ponzi habang pinagmamasdan ang dalagang animo'y napakasaya sa ginagawang pagkanta para sa diyos.
Hanggang batok lamang ang kulay itim na buhok ng dalaga, may bangs ito at kulot ang hulihang bahagi ng buhok. Nakasuot ito ng isang kulay puting bestidang hanggang tuhod lamang na lalong nagbibigay sa kanya ng isang inosenteng aura.
Sa isang iglap ay bigla na lamang napatingin ang dalaga kay Ponzi dahilan para saglit na magtama ang mga mata nila. Kasabay ng mula na namang pagpatak ng luha ni Ponzi ay ang pagkurba ng isang napakalapad na ngiti sa mukha niya.
"Sisa!" Biglang napasigaw si Ponzi ng napakalakas at sa isang iglap ay bigla na lamang nahinto ang lahat sa kanilang ginagawa at napalingon kay Ponzi.
Nanlaki ang mga mata ni Jojo nang mapansing pinagtitinginan na sila ng lahat ng mga nasa loob ng simbahan at ang ilan pa sa mga ito'y kakilala ng mga magulang niya.
"Ibarra!" Sigaw na lamang ni Jojo dahil sa kahihiyan at dali-daling hinila si Ponzi papalabas ng simbahan.
END OF CHAPTER 27.
Note: Pambawi bwahahahahaha. Just to be clear, hindi pa tapos ang kwento, title lang ang epilogue hee hee hee. We're just getting started. Hee hee hee
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro