Chapter 12: Pass the message
12.
Pass the message
Sisa
She snapped. Olive snapped. How long was she in here to end up losing her mind? Did she even try to escape? Did she even try to fight back? Did the torture and Isolation cause her to kill herself in a very violent way? Are we bound to end up like her?
"Olive anak, anong ginawa mo?!"
Natatarantang sigaw ni Tatang habang dali-daling isinasakay ang duguan, lupapay at tila ba walang buhay nang katawan ni Olive sa stretcher.
Habang dumadaan sila sa harapan namin, kitang-kita ko ang pagkalaglag ng dugo't laman sa sahig na nagmumula sa ulo at leeg ni Olive. Napapikit na lamang ako nang mapagtantong piraso na ng utak ang nakikita kong nalalaglag. Hindi ko alam kung saan siya dadalhin ni Tatang pero kung tama ang pagkakaintindi ko sa reaksyon ni Tatang, may balak itong iligtas si Olive mula sa kamatayan.
"Olive Mae Quinez ang pangalan niya. Kung may makakaligtas man na kahit isa sa atin, sabihin niyo sa nanay niya na kailanman ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob dito. Na mahal na mahal niya ang nanay niya. Sabihin niyo sa tatay niya na napatawad na siya ni Olive matapos sila nitong iwan para sa ibang babae. Sabihin niyo sa kapatid ni Olive na alagaan niya parati ang nanay nila." Biglang basag ng walang kaemo-emosyong ni Rose sa katahimikan gamit ang walang kaemo-emosyon niyang boses.
"There were others who didn't make it too... Beth Corpuz, Anna Marnueva, Rachel Tinson, Elizabeth Joy Dorsal, Charlotte Gambez, Julianna Jade Montecillo—"
"Wait Julia was here?! Does that mean Julia's dead too?!" Biglang tanong ni Paris matapos marinig ang mga binanggit na pangalan ni Kerry.
Bigla kong naramdamang para bang may nakatingin sa direksyon ko kaya napatingin ako dito—Si Ada pala. Mukhang may gusto siyang sabihin sakin pero hindi niya magawa kaya ako na lamang ang naunang magsalita.
"Ada naalala mo ba ang missing posters na ipinamimigay ko noon sa inyo noong bago pa ako sa school? Nabigyan kita noon diba? Napagtanungan kita tungkol sa pagkawala ni Julia?" Tanong ko na lamang sa kanya nang maalala kong isa siya sa mga una kong napagtanungan noon kay Julia nang bago pa ako sa Crimson Lake.
Nakita kong unti-unting umagos ang luha mula sa mga mata ni Ada.
"By the time I saw Julia's face here, that's when I realized that I was in trouble. Naalala ko agad siya mula sa mga missing posters na pinapamigay mo." Aniya pa.
"A-alam ba ni Julia na hinahanap ko siya? Ada alam niya bang andito ako? A-alam ba niya?" Nauutal kong sambit habang pinupunasan ang luha ko.
"I told her you were looking for her... Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pangha-harass mo sa amin para lang tulungan ka naming mamigay ng missing posters." Pabirong sagot ni Ada saka ngumiti.
Napakasakit ng buong katawan ko. Napakasakit ng mukha ko. Hindi ko pa maigalaw ang kabila kong mata. Napakasakit umiyak—literally—pero wala akong magagawa, kusa ng bumubuhos ang luha ko.
"Mula nang malaman ni Julia na hinahanap mo siya, lagi na siyang ngumingiti. Minsan nga naiinis kami kasi kahit pinapahirapan na siya, ngumingiti parin siya. Naniniwala siyang mahahanap mo siya, na mahahanap mo kami... Nahanap mo nga kami, kaso naging kabilang ka na sa amin." Sabi pa ni Rose kaya napahiga na lamang ako sa sahig at lalong napaiyak.
"Lagi kang pinagmamalaki ni Julia sa amin. Wala ka daw kinakatakutan kaso iyakin nga lang. Ininom mo daw ang wine na para sa pari kaya pinagalitan ka ng todo ng nanay mo. Tapos nanghahabol ka pa daw ng aso na dumadaan sa tapat ng bahay niyo. Come on, diba dapat aso ang humahabol sa tao?" Tumatawang sambit ni Kerry kaya natawa na lamang din ako kahit pa bumubuhos parin ang luha ko. Jusko, mababaliw na ata ako lalo nito.
"'Wag kang umiyak... Sabi ni Julia ayaw na ayaw niyang umiiyak ka..." Sabi pa ni Ada kaya napakagat na lamang ako sa labi ko't napatitig sa kisame.
Wag iiyak? She's dead but before she died she suffered! She was kept in captivity for so many years, tortured, beaten up... How will I not cry knowing I lost the person I value the most?
"Did she leave any messages to pass for those who can survive?" Tanong ko na lamang.
"Lahat kami nag-iiwan ng mensahe just in case... alam mo na..." Narinig kong huminga ng malalim si Kerry, "Julia says that if she doesn't make it... we have to tell her parents the truth... na hindi siya naglayas... na pumunta lang siya ng Crimson Lake para magbakasyon ng ilang araw at hindi maglayas. Na ni minsan hindi siya nagsasawang kumain ng Pizza na gawa ng tatay niya. Sabihin sa Mommy niya na hindi siya nagd-drugs, lasinggera lang siya pero hindi drug addict." Saagot ni Kerry.
"A-at sabihin sa bestfriend niyang si Sisa na 'wag umiyak kung may mangyari mang masama sa kanya. Na kahit wala na siya babantayan ka parin niya. Kung nami-miss mo siya, tingnan mo lang daw ang sarili mo sa salamin...." Dagdag pa ni Ada kaya napatakip na lamang ako sa bibig ko.
"Pero wala na akong pulang buhok... Wala na ang pinaghirapan niya..." Napapikit na lamang ako.
"Basta ako, kung mamamatay man ako... Please kung may makakaligtas man sa inyo, pakisabi sa nanay ko na wag ng tingnan ang laman ng computer ko. Baka kasi ma-heart attack siya sa dami ng kabulastugan ko dun eh." Tumatawang sambit ni Rose.
"Hinahanap kaya ako ni Mama? Iniisip ba niyang naglayas ako?" Tanong ni Ada kaya agad akong napaupo.
Naalala ko ang Mama ni Ada. Nakita ko siya ilang araw na ang nakakaraan. Umuulan man, namimigay parin siya ng Missing Posters ni Ada.
"Your Mom is looking for you. She never stopped. I saw her giving out missing posters the other day. She's never giving up." Giit ko dahilan para gumuhit ang ngiti sa mukha ni Ada at kasabay nito ang pagragasa lalo ng luha niya.
"Serenity... Paris... Hindi naman sa tinatakot namin kayo pero kung sakaling may mangyari ngang masama, mayroon ba kayong mensaheng gustong ibigay?" Tanong ni Kerry dahilan para matigilan ako.
"Sisa bukod sa mga magulang mo sino ang gusto mong iwan ng mensahe? Si Dustin ba?" Tanong ni Ada habang nakangiti ng nakakaloko. Wow, alam pala niya na patay na patay ako dun? Halata ba talaga ako?
Pero mensahe? Psh! 'Wag na. Baka mamaya kulang pa. Pag mamatay nalang ako, mumultuhin ko nalang sila Mommy at Daddy para magbigay ng mensahe. Less hassle at mas formal pa.
"Tatang..." Biglang sambit ni Rose kaya dali-dali kaming nagsiayos sa pag-upo.
Andito na naman siya.
"Kasalanan mo 'to!" Bigla na lamang tumambad sa harapan ng selda ko si Tatang. Natatakpan parin ng face mask ang ibabang bahagi ng mukha niya. May napakaraming dugo sa damit niya. Nanginginig ang mga kamay niyang dinuduro ako—galit na galit siya... galit na galit siya sakin.
Sa isang iglap bigla akong nakaramdam ng napakatinding kirot sa mga paa ko gawa ng napakalakas na daloy ng kuryanteng nanggagaling sa ankle bracelet. Nararamdaman kong nangatog ang kalamnan ko sa sakit kaya tili ako ng tili. Ayaw tumigil ng sakit kaya tili ako ng tili. Gusto kong sumigaw, gusto kong magmakaawang itigil na niya pero sa sobrang sakit ay hindi ko maigalaw ang bibig ko.
I gritted my teeth as I lost control of my body. Pakiramdam ko mababali na ang buto sa mga kamay ko dahil sa pagkakastrech nito. Naninigas ang buo kong katawan sa sobrang sakit. Dahil hindi ako makasigaw o magmakaawa, paulit-ulit ko na lamang na hinahampas ang kamay ko sa sahig. Paulit-ulit.
I kept on tapping my hands hoping he'll stop.
I can't breathe.
I can't take it anymore.
God if you hear me, I'm begging you, please just kill me.
Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko sa sobrang sakit.
Nagbilang ako ng tatlo saka muling idinilat ang mga mata ko.
"I can't lose you." Sabi ni Ponzi sakin habang katabi ko siya dito sa loob ng sasakyan.
Wait? What the hell? Paano ako napunta dito? Diba nasa selda ako? Why the hell am I seeing him?
"Ponzi..." Ito na lamang ang nasabi ko. Nalulunod na naman kasi ako sa mga mata niya. Leche.
"Serenity I'm tired of people being drifted away from me by death. It's better this way. Alam kong hindi mo ako mapapatawad pero alam kong ito lang ang paraan para mailigtas ka." Aniya pa.
Narinig kong bumukas ang pinto sa gilid ko kaya nilingon ko ito. Nakita ko si Dustin na nakangiti sakin, siya pala ang nagbukas ng pinto. Hindi siya nag-iisa, kasama niya sina Neo at Zepp sa likuran niya. Sabay-sabay nilang inilahad ang mga kamay nila sakin na para bang pinapalabas nila ako mula sa kotse.
"Hindi ko alam kung bakit mo nasabing traydor si Ponzi pero sinasabi ko sayo, nagkakamali ka. Mahal ka niya. Hindi mo lang napapansin, pero mahal ka niya." Biglang sambit ni Dustin habang nakangiti. Inuulit niya sakin ang mga sinabi niya noon.
"Ponzi totoo ba ang sinasabi niya? Mahal mo ba ako?!" Lumingon ako saka napahawak kay Ponzi pero laking gulat ko nang mapagtantong hindi na ito si Ponzi.
"Mahal kita at gagawin kitang isang mabuting tao.... Anak." Sabi ni Tatang na siyang katabi ko na ngayon sa loob ng sasakyan. Bigla na lamang nasara ang mga pinto at bintana ng sabay-sabay. Napatili na lamang ako nang bigla niyang pinaharurot ang sasakyan.
Lumingon ako at nakita ko si Ponzi na nakatayo kasama nila Dustin.
"Ponzi! Ponzi!" Sigaw ako ng sigaw pero hindi niya ako nakikita. Ni hindi sila lumilingon sa direksyon ko.
"Ponzi!"Kasabay ng pagsigaw ko ang muling pagdilat ng mga mata ko. Humahangos ako, nahihirapan akong habulin ang hininga ko. Tagaktak ang pawis ko. Panaginip lang pala.
Sinubukan kong gumalaw ngunit laking gulat ko nang mapagtanto kong nakahiga na naman ako sa isang metal na higaan. Hindi ako makagalaw dahil nakatali ang mga paa at kamay ko sa mesa. Pati ang ulo ko ay hindi ko rin maigalaw dahil sa itim na garter na nakakabit sa leeg at noo ko na nakakabit sa kama.
May ilaw sa ibabaw ko... Nakakasilaw... Para akong nasa operating room.
Diyos ko anong gagawin niya sa akin?
"T-tatang..." My voice keeps on cracking. Hindi ko na maitago ang panginginig at matinding takot sa boses ko. Takot na takot na ako. Ayoko ng masaktan. Natatakot ako sa gagawin niya sa akin.
"Nakita mo na ang ginawa mo?! Dahil sa pagmumura mo, nakuha ni Olive ang tinidor at ngayon patay na siya!" Nanggagalaiti niyang sambit kaya napapikit na lamang ako at lalong napahagulgol sa takot.
Nasa likod ko siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya at anong gagawin niya.
Puputulan rin ba niya ako ng dila gaya ng ginawa niya kay Julia?
Puputulan rin ba niya ako ng mga paa gaya ng ginawa niya kay Paris?
"Leviticus chapter 24. If anyone curses his God, he will be held responsible; anyone who blasphemes the name of the lord must be put to death. The entire assembly must stone him." Natigil siya sa pagsasalita at narinig ko ang tunog ng mga kutsilyong tila ba kinukuskos sa bawat isa. Nakakapangilabot kaya lalo akong naiyak.
Mommy, mommy please tulungan mo ako! Mommy ayoko na dito! Mommy gusto ko ng umuwi!
"Pero kung papatayin agad kita, para narin kitang sinusukuan. Ayaw kong sumuko sayo ng napakaaga pero kailangan mong matuto ng leksyon."
Tuluyan akong napatili nang tumayo sa harapan ko si Tatang. Sa kaliwa niyang kamay ay isang kutsilyo at sa kabila naman ay isang malaking martilyo.
Pilit akong nagpupumiglas pero sadyang balewala dahil sa mahigpit na pagkakatali sakin sa kinahihigaan ko. Ni hindi ko magawang maitagilid ang ulo ko. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang maikuyom ang kamao ko't, umiyak at tumili.
"Mga daliri sa kamay o mga daliri sa paa? Alin ang gusto mong matira?" Malamig niyang sambit kaya lalo pa akong napatili at napahagulgol. Paulit-ulit akong nagpupumiglas pero sadyang sa kama parin ako humahantong. Pakiramdam ko'y naiihi na ako sa sobrang takot. Nasusuka narin ako. Pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait kakaiyak at kakasigaw.
"Shh, walang makakairinig sayo anak." Aniya saka hinawakan ang tuhod ko kaya lalo pa akong natakot.
"P-parang awa mo na...." Napahagulgol na lamang ako't napakagat sa labi ko. Masakit sa loob ko tong mga sasabihin ko pero mas gusto kong mabuhay. Napapikit na lamang ako. "G-gagawin ko ang lahat ng gusto mo! Please tatang wag mo akong sasaktan! Magpapakabait ako, gagawin ko ang lahat ng gusto mo! H-hindi na ako magmumura! Please! Please parang awa mo na! Wag!" Pagmamakaawa ko sa pagitan ng mga hikbi ko. Kung kaya ko lang, luluhod na ako agad sa harapan niya para magmakaawa. Ayoko ng masaktan, hindi ko na kaya. Takot na takot na ako ayoko na.
"P-patawarin mo ako sa pagmumura... hindi na ako uulit." Paulit-ulit akong napahikbi, "Hindi na ako ulit magmumura, susunod na ako kasi alam kong para ito sa ikabubuti ko. Tatang sorry... Tatang patawarin mo ako. Please bigyan mo ulit ako ng pagkakataon." Pagmamakaawa ko.
Humagulgol na lamang ako ng humagulgol at napapikit.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko... Para bang pinupunasan ang luha ko.
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita kong hindi na niya hawak ang kutsilyo at martilyo.
"Sinasabi ko na nga bang hindi ka kagaya nila." Aniya na para bang ibang tao na ang pananalita. Sa isang iglap mistula niyang napakabait... Para ngang isang ama kung magsalita. Napatingin ako sa mga mata niya at masasabi kong nakangiti nga siya ngayon.
"May nakikita akong pag-asa sayo Serenity. Alam kong mabait kang bata at naligaw lang ng landas. Pakiramdam ko magkakasundo tayo."
Aniya pa saka bigla na lamang naglakad palayo.
Para akong nabunutan ng napakalaking tinik kaya napabuntong-hininga ako, pero sa kabila nito ay ayaw paring tumigil ng luha ko. Kumakabog parin ang dibdib ko. Ayaw paring tumigil sa pangingnig ng mga kamay at paa ko.
"Dahil mabait ka at mabilis kang matuto, may regalo ako sayo."
Napasinghap ako nang mapansing nakatayo siya sa gilid ko. May hawak siyang isang bagay—Isang cellphone.
"Hahayaan kitang marinig ang boses ng mga magulang mo bilang inspirasyong magbago pero sinasabi ko sayo, subukan mong magsalita at magiging ulila kang lubos. Alam ko ang lahat ng tungkol sayo at sa kanila, isang pilyang galaw at may mangyayaring masama. Ayaw mo naman sigurong may mangyaring masama sa kanila diba? Ayaw mo naman sigurong ako nalang ang matitira mong ama?" Aniya kaya napakagat na lamang ako sa labi ko't napapikit habang hinahayaan ang luha kong umagos.
Hindi siya nagsisinungaling. Alam kong kaya niya itong gawin.
Unti-unti niyang inilapit ang cellphone sa tenga ko kaya huminga na lamang ako ng malalim.
"Samonte Residence. Sino to?"
Mommy...
Gusto kong sumigaw. Gusto kong humagulgol. Gusto ko siyang kausapin at sabihin sa kanya ng paulit-ulit na mahal na mahal ko siya kaya lang ayoko siyang masaktan.
Miss na miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong marinig mula kay Mommy na magiging okay ang lahat gaya ng lagi niyang sinasabi.
"Honey sino yan?"
Daddy...
Parang pinipiga ang boses ko habang naririnig ang boses nila. Gusto ko silang yakapin. Gusto ko na silang makita. Kung alam ko lang na aabot ang lahat sa ganito, sana araw-araw ko silang tinatawagan noon. Sana matagal ko ng sinabi kung gaano ko sila kamahal.
"Hindi ko alam eh, hindi naman nagsasalita."
"Ibaba mo nalang, tara na, male-late na tayo sa misa."
Sa isang iglap ay bigla na lamang naputol ang tawag. Nang wala na akong narinig sa kabilang linya ay napasigaw na lamang ako't tuluyang pinakawalan ang hikbi't hagulgol na kanina ko pa pinipigilan.
END OF CHAPTER 12.
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro