Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

B3.2 : Starry Distance

Note: I'm not a pro, I am just a writer who wants to help her co-writer.

This is only my opinions and judgments.

Starry Distance
by Amengssi
Starry Distance - Chapter 10

First, I want to commend you to your eye-catching title. Starry Distance. Title pa lang, interesting na. Kudos! Nakuha mo na agad ang atensyon ko ro'n.

Characterization

Female protagonist. Para sa akin, maayos naman ang character development ng heroine. Pero kulang pa. Kailangan pang tibayan at i-build up nang mabuti para mas mapaganda pa ang istorya. Like pakita ka ng scene tungkol sa buhay niya outside the school. Kung sino siya kapag wala ang mga kaibigan niya at kaharap niya ang ibang tao. Sino siya sa harap ng parents niya like that.

Male protagonist. Dahil hindi naman ito ang narrator sa story, okay sa akin ang pagka-mysterious ng lalaki sa kuwento (hindi iyong personality niya na mysterious ang tinutukoy ko kundi ang iniisip niya kasi wala naman siyang POV right?).

Other characters. Huwag kang basta-batsa magpapasok ng character sa story kung hindi mo kayang pangatawanan.

At maganda sana kung magpapakilala ka ng character, huwag mong kalimutang i-describe ang kaanyuan nila o kaya brief perspective ng narrator tungkol sa kanila. Sa ganoong paraan, magkakaroon ng kaalaman ang mambabasa tungkol sa tauhan na iyon. :)

Lastly, make your characters real.  Ituring mo silang tunay na tao nang sa ganoon, hindi ka mahirapan sa pag-build up sa kanila.

Plot

Clichè but relatable. Kahit paulit-ulit kang magbasa ng ganitong tema, iba pa rin ang dating. Kasi nga, nakaka-relate ka sa mga pa-simpleng tingin, pa-simpleng sulyap. Sana lang, mabigyan mo ng ibang panlasa ang istorya na ito. Iyong tipong twist na hindi kaagad malilimutan ng readers. Make your story unique in its own way. Idagdag mo na rin ang characters mo. Make them real. Make them unique. Bigyan mo sila ng buhay. :)

Minsan kasi, kapag clichè ang plot, ginagamitan ng matibay na character development para maipagpatuloy pa ng readers ang pagbabasa ng kuwento.

Ihalimbawa na lang natin sina Jonaxx at CC. Kahit parang paulit-ulit ang tema ng halos lahat ng story nila, tinatangkilik pa rin. Why? Because of the characterizations of the characters. Syempre dahil na rin sa magandang narration.

Setting

It's a good point na hindi mahirap sa 'yo ilarawan ang nakikita ng character at ang scenes sa kuwento. Maayos kong nai-imagine. Kaso kulang pa pagdating sa paggamit ng five senses. Sense of smell, touch, sight, hearing, and taste.

Napansin ko rin minsan mabagal, minsan naman mabilis ang pacing. Hindi consistent. Halimbawa na lang no'ng may bagyo raw, tapos pasukan na agad. Maganda sanang pagkakataon iyon para patibayin mo ang characterization ng characters. Ipakita ang buhay niya outside the school. Hindi sapat ang telling.

Narration

Wala akong problema sa narration. Maayos para sa akin ang pagkaka-narrate ng story. Pero iyon nga, kulang pa rin sa showing at paggamit ng five senses.

Isa ring problema rito, ang technicalities. Mukhang matatagalan ka sa editing phase, kung sakaling ikaw mismo ang mag-e-edit ng kuwento mo. Point out ko ang kailangan mong aralin para hindi ka mahirapang mag-edit sa story mo.

• NANG vs NG

• Action tag vs Dialogue tag

• Proper use of punctuation marks inside the quotation mark.

• Choice of words.

Iyan lang naman ang karamihan sa napansin ko. :) Iyong dalawang nauna, makikita mo iyon sa Naya's Writing Tip #1 sa book na ito.

Dialogue

Try to read out loud the dialogues para malaman mo kung maganda ba sa pandinig at natural lang. Isa rin kasi ito sa nagpapaganda sa story at mas nakikilala ng readers ang characters sa way ng pagsasalita ng mga ito. :)

Questions

1. Maayos ba ang pinanggagawa ko sa sinusulat ko?

What do you mean by this? Maganda sana kung specific ang tanong na ito. Kung sa lahat ang tinatanong mo, pagdating sa flow ng story, maayos sa akin. Pacing at technicalities lang talaga ang trabahuhin mo rito. :)

2. Are the characters effective, in a way na may sari-sarili silang boses?

Not enough. Walang distinction pagdating sa characters. Sabi ko nga, make them unique. Kailangan ipakita mo ang kaibahan nila sa ibang characters. The way they speak, mannerism etc. Pero ramdam ko naman ang ibang tauhan. Kaso kung lahat ang tinutukoy mo, kailangan monpa sigurong gumawa ng characters' profile at i-label ang bawat tauhan kung anong type ng character sila para hindi ka mahirapan. Medyo marami kasi yata ang characters mo. School kasi. Iyon lang naman. :)

Overall comment

I enjoyed reading your story. Relatable. Maganda kung bibigyan mo ito ng bagong panlasa kasi gamit na gamit na ang ganitong tema. Well, mukha namang mabibigyan mo iyon dahil nakikitaan kita ng potensyal sa pagsusulat. Maski ang story ay may potensyal din, kailangan lang i-revise at i-edit. Gawin mo iyon kapag tapos ka na. :) Hindi maganda mag-revise kung hindi ka pa tapos. XD So iyon, good luck sa story mo and keep on writing! Kudos!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro