B2.9: Parallel Fate
These are only my judgments and opinions.
Alam kong matagal mo itong hinintay. Sana makatulong ang mga sasabihin ko rito. Kahit ang totoo ay feeling ko wala namang gaanong kapuna-puna sa story mo dahil talagang pinaglaanan mo ng effort isulat ito dahil nag-search ka pa ng mga bagay-bagay na susuporta sa statements ng heroine. Kudos to you!
Prologue
Ginagawa ang prologue para magkaroon ng catchy na panimula ang isang nobela. Na-appreciate ko ang effort mo sa prologue pero para sa akin, hindi siya page turner. Try to revise it. Make it interesting.
Keep in mind na hindi porque English, maganda na. Put interesting events to hook the readers.
Characterization
Stockers. Gustong-gusto ko iyong pagiging straightforward niya, competitive, observant, at loner. Para sa akin, ang cool ng dating ng heroine mo sa kuwento. Marami rin siyang beliefs at based on facts ang mga sinasabi niya. Kaya kung sakaling isasabak ito sa debate at anomang uri ng talastasan, mapapaniwala niya ang mga tagapakinig.
Griffin. Maayos sa akin ang pagkaka-execute ko kay Ed. Nakitaan ko naman ng consistency ang pagiging malayo niya sa mga tao.
Bolton. Cute ang friendship nila ni Stocker. Gusto ko kung paano sila nagsimulang maging magkaibigan (tama ba iyong term? Haha). You make it unique kaya kudos sa 'yo!
Napansin ko na maraming pangalan sa story mo. At dahil foreign names, hindi madaling tandaan.
Ang problema talaga rito ay pangalan nila. Make it realistic. :)
Description/Plot/Setting
• Maayos para sa akin ang pagkaka-describe ng mga bagay-bagay. Nakita kong makakapal ang talata mo, pero kahit gano'n, hindi siya nakaka-bored basahin kasi maganda ang pagkakabuo sa characterization ng heroine, na siya ring narrator. Maganda ang thoughts and beliefs niya dahil may mga supporting details. Haha.
Ang downside nito, minsan nakakaligtaan mo nang magpakita ng mga eksena kaya nagiging puro telling ang kuwento.
• Medyo lito pa ako sa plot ng kuwento. May mga tanong pa kasing bumabagabag sa isip ko na kailangan mong sagutin sa kuwento mo. Pero dahil hanggang Neuf palang naman ako, at hanggang dito palang din naman ang naisusulat mo, sana mabigyan mo ng pansinin ang mga sasabihin ko para mas mapaganda mo pa ang istorya at kapag natapos ay hindi maiiwanan ng mga katanungan ang mambabasa. Ici-cite ko para hindi ka na mahirapang mag-isip. XD
*Pinagmulan nilang dalawa.
*Dahilan para mapadpad sila sa Earth.
*Paano sila naka-survive sa Earth?
*Anong nangyari sa tunay nilang pamilya?
*Anong klaseng lugar at mga tao mayroon sa planeta nila?
*Sinong tumulong sa heroine.
*Bakit nag-iisa ang heroine sa mundo niya?
*Anong klaseng sistema ang mayroon sa pinagmulan nila at ano ang pinagkaiba ng Earth sa mundo nila?
Iyan ay ilan lang naman. :)
• Do not forget to use your five senses when describing a place. Makakatulong iyon para mas lalong ma-imagine ng readers ang larawan na gusto mong ipakita sa kuwento.
• Tanggalin ang mga eksena na walang kinalaman sa plot. Lagi mong tatandaan, kung maglalagay ka ng mga scenes at dialogues sa story mo, dapat ay may kinalaman ito sa mismong plot. Okay maglagay ng fillers, lalo na kung makatutulong ito sa pag-build up ng characterization ng characters. :)
Questions
1. Is the story worth reading and interesting enough? If not, what should the writer improves more?
Para sa akin, kung mabibigyan mo ng hustisya at sagot ang mga katanungan ko sa itaas na mayroong lohika at lahat ng nakapaloob sa kuwento ay may laman at may kinalaman sa plot, masasabi kong worth reading ang Parallel Fate. Kung sa interesting naman, interesting siya para sa akin. Kasi alam kong pinag-isipan mo ito. Try mo lang baguhin ang prologue o kaya ay i-revise mo para mas kaintere-interesante siya basahin. :)
Overall Comment
Nag-enjoy ako sa pagbabasa ng kuwento mo. Lalo na iyong sa parte na may mga science chenes. Haha. Parang binalik mo ako sa science class ko dati. Nagustuhan ko rin iyong paglalagay mo ng reference ng mga kinuhanan mong ideya. Kudos! Maraming matututuhan ang mambabasa sa kuwento mo kaya sana ay ipagpatuloy mo ang pagsusulat nito. ^^
Siya nga pala, may kinalaman ba sa Parallel Universe Theory ang kuwento mong ito? Medyo nalilito kasi ako sa title na Parallel Fate. Kapag parallel kasi, hindi magtatagpo iyan, tapos dinagdagan mo ng Fate. Hmm. Parang ang destined sila na hindi magtaragpo? Gano'n ba iyon? Please, enlighten me. Haha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro