B2.2: Malayo: Espada at Mahika
Note: For those who signed up for the batch 2 form, let me know if you already did the payments. Read, not vote.
Malayo: Espada at Mahika
ni Peterpalabuk
Chapter 0 - Chapter 6
All of these are only my opinions and judgments.
--
Hindi ko alam kung bakit gusto mong i-list down ko ang mga nakita kong maling barirala mo. Kasi nasabi ko naman na gusto kong i-critique ay iyong mismong content lang pero dahil dito mo ako gustong mag-focus, kahit tamad akong isulat iyong mga technicalities, sige gagawin ko. Haha. Kasi sa tingin ko wala akong gaanong maipupuna sa gawa mo.
Chapter 0 - Chapter 1
1. rito, rin, riyan, roon VS dito, din, diyan, doon
Ginagamit ang "r" kapag ang huling letra ng salita ay nagtatapos sa patinig (vowel) na: a, e, i, o, u, at ang dipthonggo na w at y.
Halimbawa.
Lagot k(a) (r)iyan.
Sumaya(w) (r)aw si Ann kagabi.
Tar(a) (r)ito.
Gingamit naman ang "d" kapag ang huling letra ng salita ay nagtatapos sa katinig (consonant).
Halimbawa.
Ali(s) (d)iyan!
2. NANG vs NG
NANG
Ginagamit ito kung ito ay sumasagot sa tanong na paano, gaano.
Halimbawa.
Huminga ako NANG malalim. (Paano huminga?)
Umupo siya NANG maayos. (Paano umupo?)
Kumuha siya NANG kaunti. (Gaano karami ang kinuha?)
Sa unahan ng pangungusap.
Ginagamit din kapag inuulit ang salita.
Halimbawa.
Kumain NANG kumain.
Sulat lang NANG sulat.
NG
Nagsasaad ng pagmamay-ari.
Sumasagot sa tanong na ano.
Hindi na ako magbibigay ng halimbawa rito. Basta ang mga salitang hindi nabanggit sa taas, NG na ang gamit.
3. Action tag vs Dialogue tag
Ginagamit ang action kapag ang dialogue ay may tag na action. From the word itself. Gingamitan ng malaking titik.
Halimbawa.
"Kumain ka na?" (L)umingon ako sa kanya.
Ang dialogue tag naman ay kung ang dialogue ay may nakalahad na: sabi niya, wika niya, etc. Maliit na titik ang ginagamit.
Halimbawa.
"Kumain ka na?" (n)ag-aalalang tanong niya sa akin.
Kung hindi mo lubos na naintindihan ang paliwanag ko rito, mangyari lamang na tumungo sa Naya's Writing Tip #1.
4. Alamin kung kailan ba dapat ginagamit ang ellipsis. Napansin ko na madalas mo itong gamitin sa huling pangungusap ng isang talata. May tamang gamit ito. Mas mainam kung tuldok ang gagamitin mo o kaya comma.
Tamang paggamit ng ellipsis.
Halimbawa.
"Hindi ko alam, natatako ako . . ."
Makikita ang dumanak na dugo . . .
Kung naguguluhan ka sa binigay kong halimbawa. Try mong i-search kay google para malinawan ka.
5. Ginagamit ang Manong (capitalized) kung may kasunod na pangalan. Gaya rin sa kuya at ate. Maging consistent. Kung capitalized ang Nanay, sa kabuoan ay naka-uppercase dapat.
Halimbawa.
Manong Kanor
Ate Coleen
Kuya Anton
Idagdag ko na rin dito iyong salitang 'yun at iyon mo. Kung 'yun ang gamit mo sa kabuoan, iyon na ang gamitin. Be consistent.
Ito na. Ang mga susumusunod ay ang mga nakita kong dapat mong i-edit.
*nandoon
*gano'n/ganoon
*Doon/do'n
*hindi ba/'di ba (hindi magkadikit iyan)
*buntong-hininga/bumuntong-hininga
*yata/'ata
*pa rin (magkahiwalay iyan)
*tingnan/tiningnan
*huminga nang malalim
*jejemon (maliit na titik)
*walang salitang "d'", 'di/hindi ang dapat gamitin
*naka-bold (paghiwalayin ang English at Filipino words)
*na rin (magkahiwalay iyan)
*noong/noon/no'n
*pinakamainam
*pinakakomportable (walang salitang "pinaka" kaya hindi siya p'wedeng ihiwalay)
*'pag/kapag (walang salitang "pag")
*naroon/naroroon/naro'n
*naka-jeje font
*pinagsusulat (hindi vowel ang s kaya walang dahilan para maglagay ng gitling)
*mase-secure
*isa't isa (hindi p'wede ang isa't-isa dahil kung bubuoin ang salita ganito ang kalalabasan: isa at- isa)
*mayroon/mayro'n
*hinihintay
*ano (hindi anu)
*p-um-ick-up
*sa 'yo/sa iyo
*na naman (magkahiwalay)
*nasurpresa
*sa akin (magkahiwalay)
*silid-aralan (may gitling)
*gagawa nang ganito
Chapter 2 - 6
Ang iba ay nabanggit ko na sa chapter 0-1 kaya iilan na lang ito.
*pang iba (magkahiwalay)
*napaka-out going
*nakikialam
*napakalungkot
*oo nga (magkahiwalay)
*kumusta
*presensya
*nakapag-isip-isip
*patpat (walang salitang pat kaya hindi na dapat lagyan ng gitling)
*pinakamahina
*maaari
I want to share some knowledge. Hindi naman ito required na gamitin pero gusto ko lang i-share.
Ah, eh, ih, oh.
Ito ay ginagamit kapag English ang medium.
A, e, i, o.
Ito ay ginagamit kung Filipino ang medium.
Content (including plot, characters, and narration)
Sabi ko nga wala akong gaanong maipupuna rito. Ayos siya para sa akin. Suwabe ang narration. Tamang-tama ang timpla. Hindi nasobrahan at hindi rin kinulang. Nagustuhan ko ang choice of words. Tamang-tama lang para sa point of view ng isang lalaki.
Hindi ka na siguro nahirapan dito dahil lalaki ka naman. Kaya madali na lang para sa iyo magsulat gamit ang pov na ginamit mo sa kuwento.
Kahit mahaba kada isang kabanata, walang patapon na salita. Lahat nagamit nang maayos. Kaya nag-enjoy ako sa pagbabasa nito.
Ang totoo nga niyan, kung magiging malinis pa ang gawa mo at maia-apply ang wastong barirala, magiging maganda ang kalalabasan ng kuwento.
Tingin ko nga, mas magaling ka sa akin e. May sarili kang boses as an author. Isa sa mga nagustuhan ko sa iyo. Habang binabasa ko iyong unang parte, kabanata isa, lalo na iyong sa utot at pa-fireworks may naalala akong isang tao mahilig ding magpautot. Isa rin siya sa hinangaan kong manunulat pero hindi sikat dito sa wattpad. Sikat siya sa mga kapuwa niya manunulat. Ewan ko kung kilala mo. Pero may pagkakahawig kayo ng writing voice. Haha. Well, nasabi ko lang.
So iyon, sa characterization, ayos naman ito sa akin. May distinction ang mga characters. At nakita ko iyon nang magpalit ng point of view. Iba ang pananalita ni Vince kaysa kay Ed. Kudos!
Curious ako kung anong mayroon kay Eriz. Sino siya? Bakit mukhang ang dami niya yatang nalalaman sa bida.
Isa rin sa napansin ko na sobrang lalim mag-isip ni Ed para sa isang 16 years old na lalaki. Parang marami yatang napagdaanan kaya ganoon na ang naging pananaw niya sa buhay. Pero mas angkop yata kung ibabagay mo ang way of thinking ng bida sa edad niya. Para mas akma. :)
Iyon lang naman.
Overall comment
Maganda ang konsepto ng kuwento. Pinag-isipan ang tungkol sa Malayo. Mukhang binabalot ng maraming sikreto ang lugar ng San Andres. Hmm. Maganda ito. Kakaiba. Dinagdagan pa ng maganda at nakakaaliw na pagkukuwento kaya hindi nakaka-boring. Ipagpatuloy mo ang pagsusulat nito. I-edit mo na lang kapag tapos na. O kaya mag-hire ka ng editor kung tinatamad kang mag-edit. Haha. Kudos! Keep on writing!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro