B1.6: Ruler of Armageddon
Ruler of Armageddon
by bimaia
Story description
Swak para sa akin ang description ng story. Nandoon iyong curiosity as a reader. Pero dahil TagLish ang kuwento mo, mas maganda kung hindi pure English ang story description. May nakapagsabi kasi sa akin noon, isa sa mga staff ng isang pubhouse na kung ang nobela mo ay hindi naman TagLish, mas mainam na hindi pure English ang description.
Kasi magkakaroon ng confusion. Halimbawa, nabasa ng isang reader ang description mo sa story, dahil English nga iyon, at English din ang panimula mo, aakalalin niyang English novel iyon pero ang totoo ay hindi naman. Iyon ang point ko rito.
--
Characters
Para sa akin unique ang characteristic na ginawa mo sa bidang babae. Nagustuhan ko iyon. Pero (ito talaga iyon e) masyado lang naging madaldal ang dalawang lalaki sa story mo para sa akin.
Sana, alamin natin kung paano ba magre-react ang isang lalaki sa isang sitwasyon. Kung playboy, paano ba dapat siya mag-react nang makakita ng magandang babae? Kung medyo strict at masungit, paano ba siya dapat mag-react? Nagustuhan niya na ba kaagad?
Napansin ko rin na masyadong ginagalang ng lalaki (ewan ko kung siya ba iyong bida sa kuwento) iyong kapatid niya. Hmm, ilang taon ba ang tanda nito sa kanya? Kung kakaunti lang naman ang tanda, p'wede nang hindi masyadong magalang ito sa kuya niya. Ibase pa rin natin ito sa realidad.
Isa rin sa napansin ko na ang bilis nilang na-fall sa gandang taglay ng babae. Medyo curious ako kung may charming powers chuchu ba iyong bida. Hmm. Hindi ko pa kasi siya tapos basahin. Pero kung wala, parang ang bilis naman nilang na-fall sa babae?
--
Plot
Kakaiba ang plot ng story para sa akin. Sinong mag-aakalang may ganitong kuwento? Hanggang ngayon ay curious din ako kung saan nanggaling ang babae.
Maganda ang kuwentong ito. Kaya nagtataka ako kung bakit on hold ang story. Hmm.
--
Setting
Una na sa lahat na hindi masyadong na-explain iyong ibang setting. Isa ang setting sa mahalagang sangkap sa kuwento.
May mga eksena rin na medyo hindi na-explain at nabigyang linaw kasi napuno ng telling ng dalawang lalaki. Halimbawa na lang iyong doon sa babaeng sinisante (spoiler alert, pasensya kailangan ko lang talaga magbigay ng example) hindi pinakita ang eksena kung saan tinaboy mga no'n iyong matanda. Sinabi lang no'ng bida na gano'n ang nangyari.
Isa pa, iyong pinapaliguan ng lalaki si ano, hindi ko malinaw sa akin ang nangyari roon. Sana, sinabi mo roon kung ano iyong mga pagkakamaling nagawa niya, kasi nga, hindi siya gaanong makatingin sa babae 'di ba? Halimbawa na lang, nahulog niya iyong sabon. Iyong mga ganoon.
Hindi ko rin na-imagine ang kuwarto no'ng bidang lalaki. Maski ang ambiance at atmosphere nang pumunta na sila sa mall. Hindi ba pinagtitinginan sila? Paano mo ba ito mailalahad nang mas malinaw pa?
Hindi rin naipakita nang maayos iyong eksena kung saan naabutan nung kapatid niya iyong posisyon nilang dalawa.
Saka saan ba kinukuha nung babae iyong papel at ballpen na gamit niya? Haha.
--
Narration
Para sa akin, ayos ang narration ng story. Pero, may ilan lang akong napansin.
• Sa dialogues nila, iyont feeling na filipino ang narration tapos ang dialogue, english? Anong mayroon? Medyo hindi swak ang ganoon. Para sa akin, ewan ko lang sa iba.
• You committed a sin. You broke the fourth wall. Ipapaliwanag ko ito kung hindi mo alam, ang sinasabi rito ay iyong time na kinausap ng narrator iyong reader. Ganoon lang kasimple.
• Hindi ko masyadong nafi-feel ang mga emosyon ng characters. Dahil first person point of view ang ginamit mo, dapat mas attach ang readers sa mga nararamdaman ng narrator.
Sa technicalities naman, tungo ka sa writing tip #1. Matututuhan mo roon ang mga teknikalidad na kailangang mong malaman para kapag na-edit mo na itong story ay maayos na at wala nang typo at mga error lalo na sa wastong gamit at pagbabay ng mga salita.
Tanong:
Maayos ba ang writing style? Iyong pagkaka-narrate ba sa story ay hindi magulo?
*Maayos ang writing style. Hindi siya boring basahin dahil sa tingin ko ganoon talaga ang pananalita ng mga teens ngayon. Iyon nga lang, hindi yata bagay ang ganoong mga voice sa lalaki. May mga ilan kasi akong nakita kung saan medyo OA na iyong reaksyon ng narrator. Halimbawa na lang iyong bumalik iyong kapatid niya then nahuli sila sa kuwarto na you know what I mean. Selos agad. Galit agad. Hindu bagay sa personality niya ang ganoong reaksyon.
Hindi naman magulo ang narration, iyon nga lang medyo naparami yata ang tell dito. Isa na sa halimbawa iyong sinabi niya kung ano sila nung nakita iyong nakataob na frame. Iyong pinakilala niya si Reese, hindi ko masyadong na-imagine ang muka ng kaibigan niya. Iyong mga ganoon lang naman.
OVERALL COMMENT:
Para sa akin, may ibubuga ang story na ito kung aayusin, tatrabahuhin, at pag-aaralan ang writing voice ng dalawang lalaki. Kasi, mukhang kakaiba ang plot at may interesting din na mangyayari pagdating mo sa chapter 8. Hmm. Lagi mo lang tatandaan dito na dapat bago muna tayo magsulat ng isang sitwasyon o eksena, alam natin iyong reaksyon ng dalawa. Hindi naman p'wedeng parehas sila ng reaksyon. Huwag mong kakalimutang magkaiba sila. Iyon lang naman. Good luck sa story mo!
--
All of these are only my judgments.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro