Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

B1.2: Red Oak Academy


Red Oak Academy
by TheIntrovertStories

Kung ako ang reader at binasa ko ang blurb mo, hindi ko babasahin ang kuwento mo. Karamihan sa mambabasa, sa story description bumabase kung babasahin niya ba ang kuwento o hindi. At isa ako roon.

Oo, sabihin nating maganda sa pandinig ang English pero kung hindi mo ito gamay, wala rin. Mas maganda kung gagamitin mo iyong lengguwahe na kumportable ka. I love your Filipino words. Malawak ang bokabularyo mo sa Filipino. Iyon ang strength mo, kaya dapat gamitin mo iyon at hasain.

Wala akong mapupuna sa title. Ayos siya para sa akin. Sana lang mabigyan mo ito ng kahulugan, kung bakit gano'n ang name.

--
Characters

Cap. Margot. Agua.

Hanggang ngayon ay question mark pa rin sa akin silang tatlo. Marami pang unrevealed secrets ang kuwento na hindi ko pa rin alam. Maliban na lang sa sinabi mo kung sino sila at ano iyong mga ginagawa nila. Iyon lang ang alam ko.

Sa totoo lang, sumakit ang ulo ko sa pagbabasa ng kuwento mo. In a good way. Iyong tipong uulit ako sa pagbabasa dahil parang ang gulo. Bakit ito iyong nangyari? Nasaan ba sila? Sino ba si Cap? Sino si Agua? Sasakit talaga ang ulo mo kasi kahit umabot na ako ng sampu, hindi ko pa rin sila gaanong kilala. XD

Kaya kung interesado ka talaga, babasahin at babasahin mo ang kuwento.

Pero(!) iyong ibang reader, mabo-boring kapag hindi unti-unting binubuo ang characters. Naka-focus ka sa plot agad, hindi mo hinubog muna ang mga characters bago ang mga kagila-gilalas na eksena. Kaya hindi mo maa-attach agad sa story mo ang mga mambabasa. Opinyon ko lang ito. Nasa sa 'yo pa rin kung maniniwala ka o hindi.

--
Plot

Ang totoo niyan, naiisip ko ang Jigsaw sa story mo. Lalo na sa unang kabanata kung saan iyong mga masasama at nagkasala ay tinuturuan ng leksyon. Then, sila-sila rin ang papatay sa mga sarili nila dahil sa pag-aasam na mabuhay.

Hindi ko pa tapos ang kuwento. Kaya wala akong masyadong masasabi. Pero, para sa akin, maganda ang concept ng kuwento. Ituloy mo sana ang pagsusulat nito.

Sa transition, malabo. Hindi mo alam kung kahapon lang ba nangyari iyon o ano. Sa transition din talaga sumakit ang ulo ko e. Haha.

--
Setting

Malabo. Hindi ko sasabihing kinulang ka sa description. Sobra ka pa nga minsan. Ang kaso lang, hindi ko alam kung bakit hindi ko mailagay ang sarili ko sa mismong eksena kahit paulit-ulit kong basahin ang kuwento.

Dapat kasi, nai-imagine ng mambabasa ang mismong nangyayari sa story. Kung hindi niya na-imagine, ibig-sabihin may kulang pa. Mamaya ko sasabihin kung ano iyon.

--

Narration

Marami-rami akong sasabihin dito. Unang-una na iyong emotion. Iyong tipong nandoon na ako, maiiyak na ako kasi nakita kong may kasamang iba iyong lalaking mahal nang biglang-wala na. Bitin iyong emosyon.

Iyong tipong nandoon ka na sa mismong eksena, bigla kang nawala. Hindi mo pa nga nananamnam iyong masarap na pagkain, inagaw na sa 'yo. Gano'n iyong pinaramdam mo sa akin. Kaya siguro hindi ko rin na-feel ang story. More on telling.

• Sabi ko nga, gusto ko ang Filipino words. Nga lang, may ilang salita na hindi akmang gamitin akong nakita. Halimbawa ang isang ito:

Nagkalat ang dugo sa sahig. Maski ang pinagpuputol-putol na katawan.


Maanlisangsang? Anong salita ito? Hindi ko pamilyar sa salitang ito.

Kung ako iyan, ganito lang ang gagawin ko: Uminat ako at pinakiramdaman ang init na nagmumula sa araw.

Alam mo kahit ganiyan lang, ayos na siya. Minsan kasi, hindi na natin kailangang laruin ang mga salita para ipaalam kung ano iyong nangyayari. D'yan papasok ang: learn when to show and when to tell.

• Katulad din ng Facing Death, pag-aralan ang paggamit ng action and dialogue tag. Ang paggamit ng NG at NANG. At iyong pinagkaiba ng rin, raw, roon, at din, daw, doon. Malaking tulong ito sa story mo. Kung gusto mo ng file na naglalaman ng rules para sa nasabi ko sa itaaas, i-pm mo sa akin ang gmail mo para mabigyan kita ng PDF.

• Sa mga dialogues din. Kung p'wedeng i-paraphrase o i-edit na lang, i-edit. Lagi mo tatandaan na kapag dialogue ang pinag-uusapan, dapat normal lang. Hindi siya pangit pakinggan at mahirap bigkasin.

*na lang
*noo

Tanong:

Masyado bang magal ang takbo ng kuwento?

>> Medyo. Kasi nga hindi ko pa rin sila gaanong kilala kahit umabot na ako ng sampu. Pero nasa sa iyo pa rin iyan kung babaguhin mo o hindi. Ikaw pa rin ang writer.

Hindi ba OA ang narration?

>>Hindi OA ang narration kulang lang sa emosyon.

OVERALL COMMENT

Nag-enjoy ako sa pagbabasa ng story. Maganda ang concept at may laman ang kuwento kaya sana ay ipagpatuloy mo ito. Sulat lang nang sulat!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro