B1.1: Facing Death
Facing Death by CrazyInPinkCupCake
Bilang reader, masasabi kong maganda ang kuwentong naisulat mo dahil dinala mo ako sa maliit mong mundo. Gustong-gusto ko ang pagkakahabi ng bawat eksena. Nandoon ang feels, intense. Keep up the good work!
Pero, bilang isang manunulat na katulad mo, bilang isang kritiko, hindi naging kapani-paniwala ang naging intro mo sa kuwento. Maganda sana kung naglagay ka ng dialogues, tutal komiks naman ang ginagawa ni Mira. Para nandoon ang intense.
Malaki ang naging parte ng komiks na ginagawa ni Mira sa kuwento, kaya sana na-emphasize mo iyon.
Pero(!) huwag nating kalimutan na kahit fiction ang sinusulat natin, kailangan may touch pa rin ito ng reality. No offense, pero hindi ko maiwasang matawa sa intro mo dahil hindi siya naging kapani-paniwala para sa akin. Lalo na sa parte kung saan nag-exist na rin sila sa mundo. Alam mo kung bakit? Kulang sa impormasyon. Kaya hindi naging kapani-paniwala.
Bilang writer, lalo na kung gumagawa tayo ng eksena o kuwento na hindi kapani-paniwala, trabaho nating gawin iyong realistic at paniwalain ang mga mambabasa na totoo ang mundo na ginawa natin gamit ang ating hinabing mga salita. Masasabi kong malawak ang imahinasyon mo dahil naisip mo ang gano'n. Nagustuhan ko iyon. Iyon nga lang, unrealistic ang dating sa akin.
Isa pa(!) maganda sana kung nabigyan mo ng eksplenasyon ang mga bagay-bagay para walang maiwang tanong sa mga readers mo. Katulad na lang ng time machine, paano ito gumagana? Iyong ipo-ipo na bigla na lang lumitaw, saan ito galing? Sinong gumawa no'n? Paano nagawa ni Wess ang bagay na iyon? Anong naging research ni Wess kaya siya ginunitang sikat na scientist?
Sa setting naman tayo. Maganda sana kung mas naipaliwanag mo pa ang hitsura ng laboratory. Sana dinala mo ako roon. Pati iyong bahay na tinutuluyan ni Mira, anong hitsura? Iyong outer space ba iyon na napuntahan niya? Anong hitsura? Nagulantang din ako nang may mabasa akong alien. Ito tip, para mas kapani-paniwala, magbigay ka ng datos o impormasyon. Iyon lang naman.
Sa characters naman tayo. Dahil one-shot nga ito, limited lang ang characters sa kuwento. Ayos lang naman ang mga characters. May villain, may hero at heroine. Ang kaso (ito talaga iyon e) anong naging motivation ni villain para gawin ang bagay na iyon? Anong dahilan niya? Anong relasyon nina Christian at Wess? Bakit sila magka-partner? Ano ba ang research na ginagawa nila? Sino o ano ba talaga ang villain sa kuwento? Alien ba siya? Hindi rin naging malinaw ang motivation ng male lead para tulungan ang female lead. Sana sinabi mo roon. Pati iyong eksena kung saan una silang nagkita ni ano (alam mo na iyon, iwas spoil tayo), tapos kakakilala palang sumama na kaagad? Hindi ba parang ang mabilis naman yata no'n. Maganda sana kung (suggestion ko lang ito) matagal na palang magkakilala iyong dalawa. Long time crush ng babae iyong lalaki at lagi niya itong sinusubaybayan kahit sobrang layo na nito sa kanya. Kaya noong nagkita sila at yayain siya no'ng lalaki, agad siyang sumama rito. Kasi nga may feelings siya. At gusto niyang makita ang lugar na pinagtatrabahuhan nito. Then, iyon na, mangyayari na ang mga susunod na mangyayari.
Sa narration, may ilan lang akong pupunahin.
• Pagkatapos ng isang bantas. Maglagay ng espasyo (space) para sa susunod na salita.
Halimbawa.
Mali: Nakita niya ako.Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.Napako ako sa aking kinatatayuan...
Tama: Nakita niya ako.(space)Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.(space)Napako...
Kinalabasan: Nakita niya ako. Nanlilisim ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napako ako sa aking kinatatayuan...
Hindi ba malinis tingnan?
• Action and Dialogue tags.
"[Kumusta] ang school?" (t)anong ni Mira.
"Ate, ako po ang pinakamataas sa Science at Math test namin," (n)akangitint saad ni Roy.
"Wow! Ang talino talaga ng Baby Roy ko! Kaya may prize sa 'yo si Ate." (K)umuha [ng] isang chocolate bar si Mira sa bag niya at binigay sa kapatid.
>>Ang action tag ay ginagamit kapag aksyon ang gagamitin natin pagkatapos ng dialogue.
Halimabawa:
"Are you okay?" (H)inawakan niya ako ang balikat ko at matamang tumingin sa akin.
"Hindi ko alam." (N)agkibit-balikat lang ako sa kanya.
Note: Laging capital letter kapag action tag.
>>Ang dialogue tag naman ay kapag ang dialogue ay may tag na "sabi niya", "saad niya", "nakangiting wika niya" etc.
Halimabawa:
"Are you okay?" (t)anong niya sa akin.
"Hindi ko alam(,)" (p)akli ko. L
"Alis d'yan!" (s)igaw niya.
Note: Kapag dialogue naman ay gumagamit tayo ng maliit na titik.
Kung naguguluhan ka pa rin. Mag-research ka. Para mas lalo kang malinawan.
• Proper use of capitalization. Alam mo na ito. Kung hindi naman kailangang i-upper case ang isang salita, huwag mo nang gawin. Marami akong nakitang ganito sa kuwento mo.
• Napansin ko rin na gumamit ka ng dalawang POV sa story. Dapat nag-stick ka na lang sa isang POV tutal one-shot naman ang sinusulat mo at wala rin namang magbabago kung third POV ang gagamitin mo dahil naka-focus lang naman ang story sa bida.
• Tungo tayo sa ending. Pamilyar ka ba sa kasabihang "less is more"? Maganda sana kung ang ang naging ending ay ganito: Dahil sa dami nang pinagdaanan nila at ngayon ay buhay pa rin sila, hindi nila maiwasang mapatawa sa isa't isa.
Tutal, wala pa naman yata silang feelings agad sa isa't isa. Matapos iyong nangyari, doon palang dapat na-develop.
O kaya, noong nag-kiss sila. I-end mo na.
• Mula rin sa litrato sa itaas. Imbes na nasabihing: binigyan niya ako ng maalab na halik. Bakit hindi mo ipadama sa readers mo kung gaano kaalab iyon.
Halimbawa: Nanlaki ang mata ko nang dumampi ang mga labi niya sa akin. Noong una, hindi pa ako makagalaw ngunit nang makabawi, ginantihan ko ang mapusok niyang halik.
Show more. Ilagay mo kami sa mismong sitwasyon.
• Alamin kung paano at saan ginagamit ang NG at NANG. Huwag ka lang basta gamit nang gamit. Dapat alam mo kung saan ginagamit ang dalawang iyan.
Tanong:
Maayos po ba ang story ko?
>>Revise, revise, revise, magiging maayos din ito.
Maayos po ba ang pagkakasulat?
>>Iyong bawat eksena at iyong pagkakabuo sa kuwento, para sa akin ay maayos naman. Teknikalidad lang ang problema rito.
OVERALL COMMENT:
Nag-enjoy ako sa pagbabasa ng kuwento. Iyong unrealistic events, creatures. Nasiyahan ako roon. Kaunting hubog pa rito. Magiging maganda rin ang one-shot na ito.
--
All of these are my just my judgments.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro