
CHAPTER XIX - THE LAND OF CLOUDS
NAIA'S POINT OF VIEW
"Today, I declare the liberation of Emberion Wet Land from an oppressive leader, and I swear to handle this region when I return to the Sheodica Kingdom!" Sigaw ko na naging dahilan na man para magpalakpakan at maghiyawan ang mga tao.
Nakangiti na man ako habang pinapanood dito sa ere ang mga tao. Nakalutang ako ngayon sa tulong ng Fly Rune para makita at marinig ako ng lahat. Bumaba na ako at saka na man nilapitan ang mga kasamahan ko.
"Tara na, Captain?" Tanong ko rito, nginitian niya na man ako at inakbayan.
"You did a great job, Viscount Naia," sabi ni Captain Mat. Naka-thumbs up na man sila Er, Dr. Morijole, Clara, at Bea sa akin. Kaya nag-thumbs-up din ako pabalik.
"Tara na at pumunta sa Epistos Floating Region!" Masayang sigaw ko.
"V-Viscount!" Sigaw ng pamilyar na boses na kumuha ng atensyon ko. Tumingin ako sa likuran ko at nakita si April na tumatakbo papunta sa amin.
"Bakit, April?" Tanong ko, huminga muna ito ng malalim.
"Pwede ba kaming sumabay sa inyo? Kase kailangan namim pumunta doon para kitain ang main ship kung saan ang may hawak ng mission para hanapin si Apostle Eastiel. Lulan din kase ang ang dalawa kong kapatid at si Uncle Bob na ship captain ng barko. Isa pa, baka akala nila kalaban pa nila kayo," paliwanag naman nito. Kaya tumingin ako kay Captain.
"The decision is yours, Naia," sagot nito. Nag-nod na man ako bilang sagot.
"Sige lang," sagot ko na man at yumakap na man sa akin ng mahigpit si April.
"S-Sorry, Viscount Naia," sabi niya na man at saka humiwalay sa pagkakayakap sa akin.
"It's okay," sagot ko.
"Kami po ba ay pwede ring sumabay pauwi?" Nagulat na man ako nang may mga naglakad na mga nilalang na may ulap sa ulo nila at may mga sira-sirang damit.
"What? Paanong napunta ang mga taga Epistos Floating Region dito?" Tanong ko sa kanila. May isang matanda na man ang lumapit sa akin.
"Legal po ngayon sa Epistos Floating Region ang pagkuha ng mga Shei na tulad naming baon sa pagkakautang sa lokal na gobyerno at ibinibenta kami sa mga kalapit na region bilang parusa sa amin," paliwanag na man nito na nagpakunot ng noo ko.
"Pero bakit kasama ang mga batang ito sa mga naibenta?" Tanong ko, dahil sa halos mga bata ang mga makasam nila.
"Pagkatuntong ng limangtaong gulang ng mga bata ay kailangan na nilang magtrabaho para makapagbayad ng tax," sabi na man nito na nagpangitngit ng mga ngipin ko.
"We, the Royalties of Sheodica Kingdom don't know about that things that going on to your region," sabi ko na man. Umiling na man ang isang bata na may salamin at saka naglakad papalapit sakin.
"Maybe the mid to lower rank Royalties don't know about the things that are going on here and in our region, but the King, Grand Duke, and the Duke were always visiting our region regularly to cut an eighty percent share to our region's accumulated taxes." Malamig na sabi nito na nagpabahala sa akin.
"That fucking king must face the consequences of his actions," May diin na sabi ko, "Let's go at take a voyage towards the Epistos Floating Region." Sabi ko sa kania at saka tumingin na kay Captain.
"Let's set sail!" Sigaw ni Captain at sabay-sabay na kaming naglakad...
Nang makarating na kami sa barko ay kita ngayon ang may malapad na ngiting si Apostle Southiery na kumakaway-kaway sa amin at sa mga kapatid niyang may sakong puno ng runes parin sa ulo.
"Northiette, Midaux, Westfei!" Sigaw ng Apostle at tumakbo papunta sa amin. Kaya binitawan na sila ni Er na siyang may bitbit sa tatlo.
"April, alisin mo na man ang runes," sabi ko sa kanya. Kaya lumapit siya s aamin at saka itinaas ang kamay niya.
"Purification Ball of Light!" Sigaw nito at parang namumuo ngayon ang liwanag sa mga fingertips niya at ilang saglit pa ay nakabuo niya ng tatlong bola ng liwanag sa middle, index, at ring finger niya. Pagkatapos nito ay idinikit niya ang mga bola ng liwanag sa sakong tumatalukbonh sa ulo ng tatlo.
Ilang saglit pa ay naging abo ang mga sako at makikita na ngayon ang tatlong kamukhang-kamukha ni Apostle Southiery na nagkaiba lang sa haba, ikli, at kulay ng buhok. Sabay-sabay silang nag-bow bigla.
"Greetings, I am Northiette, the Apostle representing the North wind," sabi ng babaeng may long braided purple hair.
"Pleasure to meet ya! I am Westfei, the Apostle representing the West wind!" Masiglang sabi ng lalaking may flattop green-blue hair.
"Midaux here, the Apostle representing the middle point," sabi nito. Yinakap na man sila ni Apostle Southiery at nag-iyakan sila sa isa't isa.
"Nasaan si Eastiel?" Tanong ni Apostle Southiery. Lumukot na man ang mukha ng tatlo.
"Hindi siya nahuli ng mga piratang mga ito, bagkus ay nahuli siya ng mga kalalakihan na may dark clouds sa uluhan nila sa Epistos Floating Region," sabi na man ni Apostle Northiette.
"Kailangan na nating makapunta doon ngayon," sabat na man ni Captain na tinanguan na man ng mga Apostle.
"Dito na sumakay ang mga taga Epistos sa barko na min," sabi na man ni April at saka na sila nagsi-akyat sa barko ni lang halos carbon copy ng King's Ship.
"You are the real bad guy," bulong ko na man habang nakatitig sa flag na nasa itaas ng crow's nest ng barko nila April.
"Pero, paano tayo makakaayat sa mga ulap at makapunta sa Skyline Pacifico?" Tanong ko na man sa kanila.
"We are going to fly," sabi na man sa akin ni Er. Tumingin na man ako sa kanya na nagtataka.
"What do you mean?" Tanong ko. At saka na kami pumanhik sa aming barko.
"Basta," sagot ni Er na nagpabusangot sakin.
"Dadalhin ko muna po kayo sa hold, para makapagpahinga," sabi na man ni Dr. Morijole sa mga Apostles at inassist niya ang mga ito papunta sa may hold, ang room kung saan din namamalagi ngayon ang mga Romanovs, para makapagpahinga pa ang mga Apostles.
"Mrami-rami ang mga palamunin ngayon, kaya mag-uumpsa na akong magluto," sabi ni Chef Clara at saka na ito pumasok sa kusina niya at nag-umpisa ng magluto.
"Come here, Naia," sabi ni Captain na nasa poop deck na ngayon. Madalian na man akong pumunta roon. Nagulat na man ako nang pagsampa ko ay hinila niya ng malakas ang wheel na kumokontrol sa barko.
"W-What did you do, captain?" Takang tanong ko.
"Watch the creation of Shipwright Bea," sabi niya na man at hinawakan ang kabitan ng wheel, doon ng ay lumabas ang kulay white na magic circle at biglaan na mang may tatlong malalaking pares ng pakpak na parang sa puting ibon ang lumabas sa may stearn o ang pwetan ng barko. Pumagaspas na man ang mga ito na nagpa-angat ng barko namin.
"Yes, another voyage to the floating sea above!" Masayang sigaw ni Er at mabilisan na mang umandar pataas.
"Paano sila April?" Tanong ko.
"Susunod na rin sila," sabi na man ni Captain. Kaya sumilip ako sa ibaba at nakitang may nakasunod din sila April na kasalukuyang pinapalutang ng mga ulap ang ibabang parte ng barko nila na nagpapalutang dito, "That's the natural magique of the Cloud Shei, they have the ability to make anything float." Sabi pa ni Captain na talaga namang nagpahanga sa akin.
"Malapit na tayo sa entrada," sabi na man ni Bea sabay hila sa braso ko, "Kailangan na nating magtago at baka mabasa ka, dadaan kase tayo mula sa baba para makapaglayag sa taas ng Skyline Pacifico." Dagdag pa nito. Kaya sumunod na lang ako sa kanya at pumasok na rin kami sa Hold ng barko.
Doon ay nakita na min ang apat na Apostles na nagtatawanan kasama ni Dr. Morijole na ginagamot ang mga sugat nila.
"Hello there, Naia," sabi ng apat na Apostle sa akin na nagpangiti sa akin dahil hindi na man ako nagpakilala sa iba pang Apostle pero alam nila ang pangalan ko.
"Hello ron po, how did you know my name?" Takang tanong ko.
"Our Brother Southiery likes your presence and he talks a lot about you," sagot na man ni Apostle Midaux.
Bigla na mang gumalaw ng malakas ang barko at nagulat ako sa biglang pagtapat sa akin ng magic circle ni Bea sa akin. Doon nga ay nabalutan na naman ako ng manipis na glass katulad ng dati.
"Thank you, Bea," sabi ko. Thumbs-up na man ang sinagot nito.
"Humawak kayo ng mahigpit sa mga haligi para hindi kayo tumilapon," sabi na man ni Dr. Morijole na sinundan na man namin...
Nagpatuloy ang paggalaw ng bayolente ng barko na halos magpatilapon sa amin, nagulat na man ako ng may tubig na rumagasa sa loob ng Hold na nagpalubog rito. Buti na lang at may proteksyon ako ni Bea.
"Naia!" Sigaw na man ni Bea at saka ako hinila, katapos no'n ay may dumaang matulis na spear sa kinalalagyan ko kanina.
"Shit! Muntik na iyon," sabi ko.
"Yup, alam mo na mang manipis lang ang glass na iyan at baka mabasag kapag nasanggi ng matalim na bagay." Sabi ni Bea sa akin at saka ako nito niyakap ng mahigpit.
"Grabeng yakap na man iyan, Bea," sabi ko. Tumingin na man ng seryoso sa akin ito.
"Dapat, Naia, ayaw kong may mangyayaring masama sa best friend ko," sabi nito na nagpangiti sa akin. The fact hat she called me her best friend melts my heart.
Ilang saglit ay unti-unting kumakalma na ang barko at unti-unting bumababa na rin ang tubig sa loob ng barko. Nang tuluyan na ngang nawala ang tubig ay bumitaw na man sa pahkakayakap si Bea sa akin.
"Tara na, sa tingin ko ay nasa surface na tayo ng Skyline Pacifico," sabi nito at saka naglakad palabas ng Hold.
Sumunod na man kami nila Dr. Morijole at ang mga Apostle sa kanya. Binuksan niya na ang pinto, sumalubong na man sa amin ang hangin na nakakalma sa pakiramdam na dama ko kahit pa nababalutan ako ngayon ng this glass. Pagkatapak ko sa labas ay natuala na lang ako sa ganda ng nakikita kong tanawin ngayon.
"Is this the heaven?" Tanong ko dahil nakikita ko ngayon ang napalawak na kulay rainbow na tubig at ang napakalaking araw sa kabilang dako at napakaliking buwan na man sa kabila, may mangilan-ngilang bitwin din na man sa itaas na min na kahit na umaga ay kumikislap parin.
"So this is the Floating Region, where the Sun, Moon, and Stars collide." Sabi ni Captain Mat na tumabi sa akin...
...
Don't forget to vote and share this book. Also, comment, so that I will know your thoughts and you really appreciated my hard work and efforts. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro