Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER VII - THE EVENT

NAIA'S POINT OF VIEW

Nakangiting nakatitig ako ngayon sa araw habang palubog ito. Dahil sa memories ni Naia na nakikita ko ngayon about sunset eh na-apprciate ko ang ganda ng phenomenon na ito.

"Hey, there Naia!" Sabi naman ni Captain Chronos na kumuha ng pansin ko at nakitang nasa taas narin pala siya ng crow's nest. Nginitian ko naman ito at binaling uli ang tingin sa sunset.

"Hey there, C, how are you?" Tanong ko, dahil base sa mga ala-alang nakikita koy Naia ngayon ay once din silang naging best friend noong bata pa, pero nabuwag ang pagkakaibigan nila nang ma-fall itong si Chronos kay Naia.

"I'm okay, though I really miss our younger days when we were still close to each other," sabi nito kaya napabuntong-hininga ako at nag-giggle.

"I also miss that," sagot ko naman, syempre on behalf na sa original Naia.

"Sorry for ruining our good times," sabi naman nito, Kaya napatingin ako sakanya at saka nakitang nakatitig din pala ito sa sunset.

"It's okay, we can't dictate our heart to choose who to love. I think, you should appriciate the beauty of sunset more," sabi ko na nagpangiti sakanya.

"Yes, the sunset is beautiful, isn't it?" Ani nito na nagpangiti sakin. Kaya binalik ko ulit ang tingin sa sunset na makikitang pinapalian na ng papalitaw na moon ngayon.

"Yeah..." Tanging nasabi ko na lang.

"Captain Chronos, Navigator Naia! Bumaba na kayo riyan, handa na banquet!" Sigaw naman ng matandang kamukhang-kamukha ni Aproli na nakasuot naman ng ranger outfit at brown hat and boots.

"Sige, susunod kami Dr. Agri!" Sigaw naman ni Captain Chronos at saka ito tumayo. Nagulat naman ako ng i-offer nito ang kamay niya sakin. Kinuha ko naman ito para hindi maging kabastusan at saka tumayo gamit ito.

"Tara na," sabi ko at saka naunang bumaba. Kababa namin ay nandito na sa mismong deck ang napakalaking table na punong-puno ng mga pagkain. Kumalabog naman ang buong deck nang nilabag ang napakalaking red barrel na naglalaman ata ng high quality beer dahil sa kulay ng barrel nito.

"Capatain, ito na po yung niregalo sa aatin ng hari. Gawa raw po sa fermented vomit of the baby horned dragon ito," sabi naman ni Jerson, isa sa mga servant namin dito. Napangiwi naman ako dahil sa sinabi nitong galing sa suka ng dragon ang wine.

"Yes, ang sarap niyan. Sige, lagyan mo na ang bawat pitchel ng wine na yan," utos ni Chronos. Kaya binuksan na nila ang barrel at parang sumabog naman ang hindi mapaliwanag na amoy. Hindi ito mabaho, in fact napakatamis na medyo mangasim-ngasim na medyo mapait-pait ang amoy nito.

"Woah! Ang sarap naman ng amoy niyan," sabi ko at saka naman kunot-noong nagsalin ng wine sa baso si Chronos at ibinigay ito sakin.

"Parang first time mo namang makaamoy ng fermented dragon's vomit, eh paboritong-paborito mo ito," sabi nito. Kaya nagksmot ako ng batok at ngumiti ng awkward.

"Don't mind me na lang," sabi ko at saka nilagok ang alak at napa-nganga naman ako sa sarap ng lasa nito, "A-Ang sarap, lasa siyang pinaghalong honey, apple, pineapple, grapes, melon,manggosteen, at strawberry. May after taste din itong chocolate, na may kaunting lasang milk at coffee. Wow!" Nasabi ko na lang na nagpa-giggle sa lahat ng narito. Binigyan ko naman sila ng awkward na ngiti at itinaas ang baso ko.

"Cheers for the future success of thisn Voyage!" Sigas naman ni Chronos na nagtaas ng baso.

"Cheers!" Sabay-sabay na sigaw namin at nag-umpisa na ang tugtugan, sayawan, pagkain, at pag-inom. Napakasaya ng gabi namin ito, ang panalangin ko lang ay huwag sanang mangyari iyon...

Morning came...

I woke up because of the pain I felt in my head, and I am currently here at the crow's nest of the ship, sipping coffee while looking at the beautiful sun rise...

"Shit! Ang sakit ng katawan ko mukhang magkaka-trangkaso ata ako," dinig kong sabi ng isang boses. Kaya napasilip ako sa baba at nakitang si Engineer Zlzuet pala ito.

"I think magpatingin ka na kay Salve Aproli para maagapan agad 'yan," suhesyon ko naman dito. Nag-nod namaan ito sakin at nginitian ako.

"Thank you, Navigator Naia," sabi nito at saka na naglakad papunta sa may fore castle kung nasaan ang room ni Aproli, ang salve namin.

"Pagkatapos ng usapan naming 'yon ay nagpatuloy ako sa paghigop ng kape, nabigla naman ako nang biglang gumalaw itong crow's nest at 'yon naman pala eh pumunta na naman pala si Chronos dito.

"Oh, parang gusto mo na ata akong palitan sa pagnanavigate ah, lagi kang nandito sa crow's nest?" Sarkastikong tanong ko at saka humigop ng kape.

"Hindi naman, magpapahangin lang sana saglit. Lakas kase ng tama ng Dragon's Wine, sumakit ng maatindi ulo ko," sabi nito habang hinilot sentido niya. Nang paglingon ko para sana tignan ang sut rise eh ang nakita ko naman ang isang whirlpool na malapit samin. Kaya binitawan ko ang kape ko at saka tinapik-tapik ang balikat ni Chronos.

"Daliaan mo, i-liko mo ang barko. Papalapit satin ang whirlpool!" Sigaw ko habang tiantapik parin ang braso ni Chronos.

Madali naman siyang tumalon sa crow's nest at saka nagmadaling tumakbo patungo sa deck kung nasaan ang wheel o ang helm ng ship. Nang maabot na niya ito ay madaliaan niya namang inikot ito ng pakanan. Napahawak naman ako sa nest dahil sa biglaang tumagilid ng mabilis ang barko.

"Josh, ibaba ang layag!" Sigaw ni Chronos. Kaya yung isa sa mga servant namin ay nagmadaling umakyat ito sa yardarm at pinutol ang rope na nagtatali sa mga layag, dahilan para malaglag ang mga tela at maging daan para magbalance ang barko.

"Thank God," nasabi ko na lang nanag malagpasan namin ang whirlpool. Bigla namang kumalabog ang pinto ng forecastle at iniluwa nito ang takot na takot na si Salve Aproli.

"Navigator Naia, masama na po ang lagay ni Engineer Zalzuet ngayon!" Sigaw sakin ni Aproli parang bumalik naman ang ala-ala ko no'ng binabasa ko pa ang libro.

"Fuck!" Nasigaw ko na lang, "Huwag kayong lalapit sa forecastle!" Babala ko pa.

"Anong nangyayari sayo Navigator Naia?" Tanong naman ni Dr. Agri na lumapit pa sa anak.

"T-Tama, huwag kayong lumapit sakin." Sabi nito sabay suka ng dugo at sunod na nangyari ay nahimatay na ito.

"Nasa barko na natin ang Bono-Crisis Maldy!" Sigaw ko naman sakanila na naging dahilan para mamutla silang lahat...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro