
CHAPTER II - EMBRACING HIM
NAIA'S POINT OF VIEW
"Maybe you're just tired, love. I think you need to rest, maybe the reason why you are saying that is because of your head injury. I think you need to rest, love," Sagot naman ni Louis. Sabay alalay niya sakin sa paghiga. Humiga naman ako.
Magulo parin ang mga bagay-bagay sa isip ko. Pero pinili ko na lang manahimik para i-observe pa ang paligid.
"My Lady, siguro ay kailangan na muna natin iwan mag-isa ang Viscount para makapagpahinga siya at isa pa, pinapatawag kayo ng hari ngayon sa palasyo," Sabi ng maid. Tinanguan naman siya ni Louis bilang tugon at tumayo na siya.
Hinawakan naman ni Louis ang kamay ko at hinaplos-haplos ito at sinabing, "Love, maiwan muna kita. Ako na muna mag-isa ang pupunta sa palasyo para sa meeting, ipapaalam ko na lang sayo ang mga mapag-uusapan doon."
Tinanguan ko naman siya. Kaya, nagsimula na silang lumakad palabas, at nang maisara na nila ang pinto ay huminga naman ako ng malalim at saka tumayo sa higahan ko at pumunta agad sa mga drawer para hanapin ang diary ni Naia na sasagot sa buong pagkatao niya. Ngunit wala akong mahanap na diary, kahit sa bookshelf ay wala rin.
"Fuck! Where's your diary, Naia? I need that to understand you and your life!" Frustrated na sigaw ko at saka bumalik ulit sa bookshelf. Nalaglag naman ang kulay red na libro na mababasa ang title na Sheodican Runes.
Naalala ko naman bigla ang na-mention sa book tungkol sa kapangyarihan ni Naia, isa nga pala siyang Rune Scholar kung saan may kakayahan siyang gamitin ang mga simbulo na mas kilala bilang runes para makagawa ng magic. Binuksan ko na ang libro at sa pagbukas ko ay isang papel ang nahulog.
Pinulot ko naman ito at nakita ang iba't ibang runes at sa ibaba nila ay may naksulat dito na binasa ako naman, "To unveil my enigmas, you must decipher my Rune's dilemmas."
Nang makita ko ang mga simbulo ay napansin kong ito ang mga tinatawag na Sheodican Runes na laging makikitang ginagamit ni Naia para itago ang nga gamit na sentimental para sakanya.
Kumuha naman ako ng papel, kinagat ang hinlalaki ko, at sinimulang magsulat sa papel gamit ang dugong tumatagas sa daliri ko.
Sabay banggit sa kahulugan ng mga pinagsamang Sheodican Runes, "Woi Urtr Inho Hai: Unlock the Enigmas, I deciphered the Rune's dilemmas!" Sigaw ko.
Nakuha naman ng liwanag na nanggagaling sa malaking portrait ni Naia ang atensyon ko.
"What is happening?" Bulong ko.
Bigla namang parang may lock na bumukas at parang medyo nag-loose ng kaunti ang pagkakadikit ng portrait sa pader. Kaya nagmadali akong tumakbo papunta doon at binuksan ito ng tuluyan.
"Woah!" Sambit ko nang makita ang napaka-organize na files at books na nakahilera ngayon dito sa secret volt bookshelf.
May napansin naman akong isang papel na nasa lapag. Kaya naman pinulot ko ito at binasa ang nilalaman.
"When you read this, I know I'm no longer myself. You already took my body for its betterment. I prepared this information so that you will learn the things that you must learn about this world-cordially, Naia."
Tinupi ko na ang sulat at saka ito binulsa. Pagkatapos ay nag-umpisa na akong mangalkal para tignan muna ang files o books na pwedeng magpaalam sakin ng mga bagay-bagay dito sa Sheodica Kingdom. Thankfully, may nahanap akong dalawang libro na may title na "Sheodica and the Regions" at "The Systems of Shei." Nakahanap din ako ng mangilan-ngilang file about kay Naia, kaya kinuha ko narin at sinara na ang vault.
"Kayo muna ang pag-aaralan ko. Let's start to embrace Naia and try to hide Andrei for the meantime," Sabi ko at saka humiga sa kama at nag-umpisa ng magbasa...
-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈
SOMEONE'S POINT OF VIEW
"Everything has a cost, so what can you give me to compensate?" Tanong sakin ng nilalang na nakasuot ng mahabang black cloak na tumatakip sa kanyang ulo hanggang paa at ang tanging kita ko lang ay ang kanyang kulay asul na nag-aalab na mga mata at maitim at payat na mga kamay na may hawak sa bagay na kailangan ko-ang Baal Relic na isang maliit na isinumpang rebulto na may korte ng ulo ng sa kambing at katawan ng sa tao. Pinaniniwalaang kaya nitong magdala ng sakuna o natinding sakit sa isang bansa.
"Kaya kitang bigyan ng isang baul ng ginto, ibigay mo lang sakin iyang Baal Relic," Sabi ko.
Umiling-iling naman ito at tumawa ng nakapangingilabot.
"Eshnoiro Kalamanti everisko yueta!" Galit na sigaw nito gamit ang Hark Language.
[Translation: Flesh of Shei are what I want!]
"Opetum eguwaru estoirte," Nakangising sabi ko na mukhang nagpagulat naman sakanya.
[Translation: I thought so.]
"Alam mo ang Hark Language? Half Hark ka ba?"
[Hark: Demons that trapped inside the Dungeon.]
Binigyan ko lang siya ng ngisi at saka ko tinuklap ang kalahati ng mukha ko na nagpapakita naman unti-unti ng tunay na itsura ng kalahating mukha ki na namana ko sa aking ama na isang Hark-may mukha ng isang violet na ahas na may walong pares ng mata, may pares ng sungay, at may matutulis na ngipin.
"Kalahi mo ako, tulungan mo akong makuha ang kaharian ng Sheodica at ipnapangako kong ibibigay ko ang kalahati ng populasyon ng kaharian na ito para paglingkuran ka o para may makain ka," Sabi ko na nagpangisi sakanya.
"Very well, here's the relic."
Inabot niya sakin ito na agad ko namang kinuha.
"Ilagay mo yan sa lugar na hindi makikita ng sino man, sapagkat kung mabasag ito ay sisingilin ka naman nito ng sampung beses sa hihilingin mong sakuna."
Tinanguan ko naman siya at tinitigan lang ang baal at sinabing, "Alam ko. Huwag kang mag-alala, magaling ako sa pagtatago ng mga bagay-bagay. Sige, babalikan na lang kita kapag nagtagumpay na ako sa plano. Sa ngayon, may daraanan muna akong nilalang na makatutulong para palakihin ang tyansa ng tagumpay ng planong ito."
Tinawanan niya naman ako at sinabing, "Hihintayin ko ang pagbabalik mo."
Tumalikod na ako at lumabas sa Dungeon kung saan nakakulong ang mga Hark...
-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈
THE SHEODICAN RUNES THAT I USED:
Rune Name: Woi
Symbol: ᚨ
Meaning: Protection
Rune Name: Urtr
Symbol: ᚦᚨᛚᚩᚾ
Meaning: Wisdom
Rune Name: Inho
Symbol: ᚢᚨᛚᚱᛁᚨ
Meaning: Strength
Rune Name: Hai
Symbol: ᚦᛖᛋᛋᚨ
Meaning: Balance
Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro