04
HINDI MALAMAN ni Cara kanina kung paano ba sasagutin ang ama ng mag tanong ito tungkol sa resulta ng pag-uusap nila ni Mathew. Bakas kasi sa mata nito ang pag-asa na sana ay may maganda syang maibabalita.
“Ah, ayos naman po Dad. He was busy when I went to his office, kaya po hindi kami nakapag-usap ng matagal. He just told me to set another appointment so we could talk properly.”
“Thank you anak! Hindi nga ako nagkamali na nanghingi ako ng tulong sayo. I know you can handle it well and I am so proud of you.” Masaya nitong sabi bago lumapit sa kanya at binigyan sya ng mahigpit na yakap.
Pilit nalang syang napangiti sa ama. At nang umalis ito sa kanyang kwarto ay napabuga sya ng hangin. Dahil sa sinabi nya dito ay mas lalo nyang kailangan na makausap si Mathew. She need to know his condition upang tulungan sila ng binata. Pero hindi nya pa nagagawa ang una nitong inutos na burahin ang larawan ni Zerox sa kanyang cellphone at iblock ito. Sa tingin nya ay hindi nya iyon kayang gawin.
“Ahhhhhh!” sigaw nya na nakasubsob ang ulo sa unan upang hindi sya marinig sa labas. Nahihirapan na sya sa sitwasyon at kailangan nya ng kausap.
“Cesca, are you ok?” bungad sa kanya ng kaibigan pagkasagot na pagkasagot nito ng kanyang tawag.
“Hi Riz.”
“Ces, something wrong? Bakit ang tamlay tamlay ng boses mo? may nangyari ba? Do you need me there?” bakas sa boses nito ang pag-aalala.
Kahit kailan talaga ay napaka caring ng kanyang best friend. Natatandaan nya pa ang unang pagkikita nila ni Lorice sa amerika. Kaklase nya ito sa ilang subject noong college irregular kasi ang dalaga kaya sa iilang subject lang sila nagkikita. Pero gayumpaman ay naging malapit parin ito sa kanya, isa itong napakamasiyahing dalaga na parang walang anumang dinadalang problema. Lagi itong nakangiti at pala kaibigan sa lahat. Ito nga ang unang tao na nag approach sa kanya mula ng tumungtong sya sa paaralan.
Unang usap palang nila ay magaan na ang loob nya dito hangang sa maging matalik na silang magkaibigan. At habang tumatagal ay nakikilala nya ng husto ang dalaga. Behind her smiles and energetic bubbly personality lies a woman who was facing many trials more than what she has. Lorice Aloha Naklin is a provincial girl who was sold by her parents to an american citizen relative when she was 10 years old to ba a housemaid. Dinala sya ng mga nakabili sa kanya sa amerika. Doon ay ginampanan ni lorice ang trabaho na hindi naman talaga para sa dalagang nasa kanyang edad, naging kasambahay sya ng mga ito at yaya. At dahil binenta na sya ay hindi na sya pinapasahod, pero meron syang dalawang araw na pahinga. Para makapag-ipon ay ginagamit ni Lorice ang day-off upang mag part-time bilang isang janitress sa isang fast-food chain na pag mamay-ari rin ng kaibigan ng kanyang tiyahin. Ang sweldo nito ay hinahati ng dalaga sa ipon upang makapag aral at pang padala sa magulang. After few years of service ay nagpaalam si Lorice kung pwede ba syang mag patuloy sa pag-aaral at sinang ayunan naman iyon ng mga amo. She was a stay-in maid slash student assistant slash part time janitress. Hindi nga nya alam kung paano ba nito napag sabay sabay lahat ng mga iyon. Kaya naman pag naaalala nya ang lahat ng pinag daanan nito ay mas lalo syang humahanga sa kaibigan.
“Cesca?” sigaw nito na pumukaw sa kanyang pag-iisip.
“Yes I’m here sorry!”
“So, anong nangyari?”
“Nakausap ko na si Mathew.”
“Oh, and?”
“Gusto nyang burahin ko yung picture ni Zerox sa phone ko.” She told her honestly. Alam ni Lorice ang buong kwento tungkol sa kanila ni Mathew noon pati narin ang nangyari sa kompanya ng kanyang ama dito sa pilipinas. PAti nga ata pinakamaliit na detalye ng buhay nya ay alam din nito same goes with her to Lorice’s.
“Paanong gustong burahin? Pinakita mo yung picture ni zerox sa kanya?” naguguluhan nitong tanong.
“Inagaw nya yung cellphone ko while I was taking to Zer. Tapos yun nakita nya. He got mad and asked me to delete his picture and even blocked him.”
“Wait, you were with him when you talked to Zerox?”
“Yeah, I’m having meeting with him.”
“Aisst kaya naman pala.” Dama sya sa boses nito ang kaunting disappointment.
“Anong kaya pala? He’s a jerk. Ang kapal ng mukha nyang utusan ako ng mga walang kwentang bagay.”
“Maybe he is jealous.”
“What the hell!” napalakas nyang sigaw. Kasi naman si Lorice kung ano-anong sinasabi sa kanya.
“Malay mo diba?” tumatawa nitong sabi. “Nag selos sya kasi nakipag usap ka sa boyfriend mo habang ka meeting mo sya. Baka naapakan ang ego ni Mathew.”
“Lorice, stop it!” saway nya dito. Ayaw nyang isipin pa ang mga sinasabi ng kaibigan.
“Ok ok!” naririnig nya pa ang mahina nitong hagikgik. “But, seriously anong plano mo? don’t tell me i boblock mo nga si Zerox? At isa pa, alam na ba yan ng boyfriend mo? alam na ba nya na kailangan mong kausapin yung ex mo para maisalba yung kompanya nila tito?”
“Of course I will not. Hindi ko gagawin yun kay Zer. And with your last question, hindi pa. Hindi nya nga alam na ako yung nag aayos ng problema ni dad. Ang alam nya lang I am here for moral support.”
“Ces naman. Kawawa naman yung tao. Sabihin mo na sa kanya ng maaga para alam nung isa kung sakali mang matagalan ka dyan.”
“Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya. Yung huli kasi naming pag-uusap nagtatampo sya sakin dahil lagi ko nalang daw syang least priority. Kaya hindi ko alam kung pano ko ba sasabihin na matatagalan ako dito at si Mathew yung taong kinakausap ko.”
“Kung ako din naman kasi yung nasa kalagayan ni Zerox mag tatampo din ako. Imagine, yung dapat na celebration nyo ng anniversary nyo eh yung araw na umalis ka. And take note thru text ka lang nag paalam sa kanya. Nasayang ang yung effort ng tao sa paghahanda.”
“I know kaya nga naguguilty din ako. Pero kasi ngayon mas kailangan kong unahin yung problema dito. But I promise as soon as maayos ko to, babalik agad ako dyan at babawi ako sa inyo ni Zer.”
“Kahit wag na sakin sa boyfriend mo nalang.” Seryoso nitong tugon.
“I know you will say that.” Natatawa nyang sagot. Kahit kelan talaga ay napaka selfless nito.
“I’m serious Cesca, ipaalam mo na kay Zerox yung mga kailangan mong gawin dyan para hindi na masyadong mag-alala yung isa. Then settle all the thing you need to settle even those between you and Mathew. Alam naman natin na hangang ngayon may galit ka parin sa kanya.”
“Riz, matagal na yon.”
“Matagal na nga pero hindi mo parin nakakalimutan. Until now you still hate him. Mas maganda kung pati yung nakaraan nyo maayos mo na. By that mas magagawa mong I handle ng maayos yung relasyon nyo ni Zerox. Dahil sa totoo lang nararamdaman ko na hangang ngayon hindi ka parin masyadong nagtitiwala sa mga lalaki. You have Zerox pero parang ang layo layo nyo sa isa’t-isa. Feeling ko yung boyfriend mo lang yung nag-eefort sa relasyon nyo.”
Napahiya sya sa sinabi nito. Totoo naman kasi iyon, mula ng gabi na umalis sya ng pilipinas ay ipinangako nya na hinding hindi na sya magpapaloko sa mga lalaki. Ang gusto nga nya dati ay huwag nang mag karoon ng kasintahan kahit kelan. Pero Masyado lang talagang mapilit at matiyaga si Zerox. Mahigit dalawang taon itong nanligaw sa kanya. Kahit anong mga masasakit na salita ang sinabi nya dito at pag-iwas ang gawin nya sa binata ay hindi ito natinag, naging pursigido ito sa panliligaw. Noong una ay ayaw na ayaw nya dito dahil kagaya ni Mathew ay lapitin din ito ng mga babae at isang kilalang playboy, sikat kasi itong race car driver sa kanila kaya naman maraming babae ang nahuhumaling. Pero sa ipinakita nitong determinasyon sa kanya ay napasagot sya ng binata. Nakita nya kasi na sincere naman ito sa ginagawang panliligaw. Kahit nga ang lolo at lola nya ay niligawan nito. Pati rin sa mga magulang nya ay walang takot na nag pakilala ang binata. At isang taon mula ng maging sila ay ni minsan hindi nya pinagsisihan ang pag sagot dito. Dahil kagaya ng sinabi ni Lorice ginagawa lahat ni Zerox ang effort para mapaayos ang relasyon nila.
“Yeah I will do that. Kakausapin ko na sya ngayon din. Then I will do my job here. Pero habang ginagawa ko yun pwede bang manghingi ako sayo ng favor Riz?”
“Anything.”
“Take care of Zerox for me please. Pakibantayan ang boyfriend ko. Baka kasi mainip sya at maghanap ng iba. Kahit hindi ko masyadong pinaparamdam, mahal na mahal ko yan. And I promise right after this mess uuwi ako sa kanya at pakakasalan ko na sya.” She happily told her. Naisip nyang si Zerox na ang lalaking para sa kanya. Alam nyang dito hindi sya masasaktan. Aayusin nya lang ang mga dapat ayusin at babalikan nya na ito.
Pero bago iyon, ang lalaki munang walang ginawa kundi ang pasakitin ang kanyang ulo ang kanyang haharapin.
MAINIT ang ulo na binabasa ni Mathew ang report na ibinigay sa kanya ng finance department. Limang minuto mula ng buklatin nya ang libro ay napakaraming mali na ang kanyang nakita. Puro din adjustment ang ginawa ng mga ito tanda na hindi nila naayos sa tamang oras ang mga dapat ayusin kaya puros adjustment sa aklat nalang ang kanilang pinag gagawa.
“Lucille, call the finance controller now!”
“Yes sir!”
Ilang minuto lang ang kanyang hinitay bago nakarinig ng katok sa kanyang opisina. Pagkakita sa mukha ng taong gumawa ng report na kanyang binabasa ay agad nya itong sinigawan.
“You Are fired!”
Nakita nya ang pamumutla ng mukha nito pero wala syang pakialam. He doesn’t have room or incompetent people who’s just wasting their time and company’s money for nothing.
“Si---sir?”
“Don’t make me repeat my word.” May pag babanta sa kanyang tono. “Leave now!” Natataranta itong lumabas ng kanyang opisina.
“Lucille, call the HR department. Tell them to hire new controller. Sabihin mo rin sa kanila na this time siguraduhin nilang skilled yung makukuha nilang tauhan dahil kung hindi, lahat sila mawawalan ng trabaho.”
“Yes Sir. Anything else?”
“Wala na.” magalang itong tumango bago lumabas ng kanyang opisina. Sa totoo lang ay gusto nya itong tanungin kung nag pa schedule na ba ng meeting sa kanyang si Cara pero hindi nya iyon ginawa. Dalawang araw narin kasi mula ng makausap nya ang dalaga at hangang ngayon ay naiinis parin sya kada maaalala ang nangyari nang huli silang magkita. Kung paano nito sinagot ang tawag mula sa lalaking nag ngangalang Zerox Catnier.
Yeah! Kilala nya ang lalaki, kaibigan kasi ito ng isa sa mga kaibigan nya pero hindi nya pa ito nakikita sa personal. Ayaw nya rin mag krus ang landas nila dahil baka masapak nya ang lalaki pag nag kataon.
“Fuck! Fuck!” hinilot nya ang sariling noo. Mas lalo lang sumasakit ang kanyang ulo sa mga naiisip. Lalo pa pag naaalala nya ang larawan sa cellphone ni Cara. Pag naaalala ang ngiti ng dalaga sa larawan habang may ibang kasamang lalaki. Pati narin kung gaano kalapit ang mukha ng mga ito sa isa’t-isa ay gusto nyang magwala.
“Sir, excuse me. Nasa baba po si Ms. Gariente.” Pag iimporma sa kanya ng kanyang sekretarya mula sa intercom.
Nang tignan nya ang CCTV na nakapwesto sa lobby ay nakita nya nga doon ang dalaga. Nakasuot ito ng peach above the knee dress at white flat shoes. Ang simple lang ng suot nito pero napakaganda nito sa kanyang paningin. Bigla din gumaan ang kanyang pakiramdam dahil dito. Parang nawala aga ang kanina sakit ng ulo at stress na kanyang nararamdaman.
“Send her in.”
“Yes Sir!”
Mula sa lobby ay nakita nyang sumakay ito ng elevator. At dahil meron syang monitor na nakakonekta sa lahat ng CCTV ng building, idagdag pa na marunong syang mag navigate nito ay napagmamasdan nya ang bawat kilos ng dalaga. Nang makita nga nyang may nag aabang ng ilang lalaking empleyado sa 5th floor sa mismong harap ng elevator kung saan lulan si Cara ay agad nyang sinabihan ang security department na wag pahihintuin ang elevator sa ibang floor. Idiretso agad ito sa kanyang opisina na sinunod ng mga ito.
Nang huminto ang sinasakyang elevator ng dalaga sa palapag ng kanyang office ay agad syang nag ayos ng sarili. He calm his nerves and fixed himself even his facial expression. Ito ang pangalawang pagkakataon na makakausao nya ang dalaga after six years’ kaya sisiguraduhin nyang magiging maayos ang kalalabasan nito. This time hindi na sya papalpak. Hindi kagaya nung una nilang pagkikigta na init ng ulo ang umiral sa kanya. He will not let all his effort be wasted especially the time he spent just to see her again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro