Nang Magising ang Kika ni Loysa
TANGA SA PAG-IBIG.
'Yan marahil ang pinakamadaling paraan para ilarawan si Loysa. Ilang beses na siyang nasaktan, umasa, at nagpakatanga. It almost seemed like it was her routine and she was like the epitome of stupidity. Stupid is forever at kahit na wala namang forever, patuloy na isinasabuhay ni Loysa ang pagkatanga dahil nahuhulog pa rin siya sa maling tao over and over again.
But the main question is, kailan niya ba balak gumising sa katangahan niyang ito?
"Hoy, gaga. Kanina ka pa iyak nang iyak diyan. Para ka na namang tanga. Feel na feel mo talaga ang pagiging tanga, ano?" iritadong sabi ni Chelle pagkakita niya sa umiiyak na si Loysa.
Nahuli kasi ni Loysa ang boyfriend niya—ex na niya ngayon—na nakikipaghalikan sa iba. Imbis na i-confront ang bwisit na lalaki, sinisi pa ni Loysa ang sarili niya kung bakit nagkagano'n. Kesyo may kulang daw sa kanya, hindi raw niya nabibigyan ng sapat na panahon, at kung ano-ano pang walang kwentang litanya. Paulit-ulit na ito ng sinasabi kaya naiirita na ang kasama niya ngayon sa coffee shop na si Chelle.
"E kasi naman... Kung naibigay ko lang sana kay Travis ang mga hinahanap at kailangan niya, hindi naman sana aabot sa ganito... Kasalanan ko talaga 'to, e..." naiiyak na namang sagot ni Loysa. Napasabunot naman na si Chelle sa sobrang frustration.
"Ay tanga nga talaga. Ilang beses mo na bang sinuko ang Bataan para diyan sa hayop na 'yan, ha? Ano pa bang gusto niya? Yung mas masikip ulit kasi nilaspag ka na?"
"HOY!" eksaheradang sigaw ni Loysa kay Chelle. Tinaasan lang naman siya nito ng kilay, halatang hindi man lang affected sa kabalbalang sinabi nito kanina.
"Wake up, girl. Hindi mo kawalan 'yang si Travis. Sure, sabi mo napapaligaya ka lagi lalo na pag gabi pero 'yon lang ba talaga ang habol mo sa kanya? Aba, e di sana bed warmer na lang hinanap mo at hindi jowa."
"Kasi naman, Chelle! Di mo kasi naiintindihan. Siya na ang longest relationship ko! Malapit na nga kaming mag-anniversary, o!"
"Pero hindi nangyari, 'di ba? Girl, hindi porket mahaba, masaya na," seryosong sabi ni Chelle and Loysa giggled out of nowhere. Chelle immediately rolled her eyes the moment she realized kung bakit tumatawa ang kaibigan sa harapan niya.
"Hoy gaga. Tatawa-tawa ka riyan. Nilumot na naman 'yang utak mo. Now, dahil mukhang tapos ka nang magngangawa riyan bilang tumatawa ka na nang mag-isa, I have to go. May client meeting pa ako sa BGC. Bye!" dere-deretsong sabi ni Chelle and before Loysa could even protest, nakatayo na ito at naglalakad na palabas ng coffee shop.
Defeated and alone, tahimik na inubos ni Loysa ang mga order niya—isang slice ng blueberry cheesecake, isang order ng carbonara, at isang large na caramel frappe. Pati nga ang kalahating slice ng Oreo cheesecake na naiwan ni Chelle ay pinatulan na niya. Kinakailangan niyang mag-stress eating to try and forget what happened between her and her shithead ex-boyfriend.
How did it even come to this point? Sa pagkakaalala ni Loysa, okay naman sila ni Travis. She actually believed that they were great together. They met through a dating app, and they got instant connection. After chatting for a few days, they decided to meet up in person, and the rest was history.
Did Loysa fall too fast? Masyado bang mabilis ang nangyari sa kanila? Hindi naman sila aabot ng halos isang taon kung masyado silang mabilis. Mali ba ang pagkakakilala niya sa ex niya? May kulang ba talaga sa kanya at sa naibigay niya? A lot of questions were running inside her mind pero hindi naman niya malaman kung saan hahagilapin ang mga sagot.
Loysa kept on thinking deeply hanggang sa hindi na niya napansin ang nangyayari sa paligid niya.
"Is this seat taken?" biglang tanong ng isang baritonong boses na nagpatigil sa pag-iisip ni Loysa. She was about to shout and ask the guy to scoot and find another table pero para bang nawala ang lahat ng katarayan sa sistema niya nang makita niya ang itsura ng lalaki. Chinito ito, mapuputi ang ngipin, may dimples, matangkad, at mukhang may tinatagong abs.
Ay shit. Bakit 'yon agad ang napansin niya?! Loysa scolded herself dahil sa mga naiisip niya. Hindi ngayon ang oras para lumandi. Brokenhearted pa nga siya, 'di ba?
"Uhhh... Kanina, oo pero umalis na yung kasama ko," wala sa sariling sagot ni Loysa.
"Oh, great! Can I have this seat then?" tanong muli ng lalaki.
Kahit ako, kunin mo na, okay lang. Loysa wanted to answer pero buti na lang at napigilan niya. She mentally slapped herself and gave the guy a nod instead. Paubos na nga sana ang frappe na iniinom niya pero para bang gusto niyang um-order ng isa pa para lang makasama nang mas matagal itong lalaki sa harapan niya.
Just when she was about to stand up and order another drink, bigla namang nag-vibrate ang phone niya. Annoyed, she fished the phone from her bag at nakasimangot na binasa ang message ng kung sino mang hudas na nagpadala ng message sa kanya.
KG (Kilig is Gone)
Mojojojooooo
Girls, Valk naman tayo mamaya!
I badly need a drink!
Cassuuuuuy
Anong meron?
Endeengeeeered
Libre mo ba?
Kung libre mo, G!
Chellizaaaard
Nasa BGC na ako pero pass!
Huhuhaha.
Kayod is layfeu muna ako.
#AlipinNgSalapi
Loysaklap
May gwapo ba diyan?
Kung wala, pass.
May gwapo na sa harap ko ngayon e.
Endeengeeeered
HOY PA-SEND NG PICTURE!!
Bilang isang masunuring kaibigan, Loysa tried to take a pic of the guy in front of her. Minsan lang siya makatagpo ng gwapo nang ganito kabilis. Gwapo na mismo ang lumapit, sino ba siya para mag-inarte? Pero the moment she pressed the capture button, parang gusto na lang niyang magpalamon bigla sa lupa.
Her phone was not on silent.
Her phone made a sound the moment she pressed capture.
Her phone's flash was on.
In short, nilaglag siya ng sarili niyang phone.
"OH SHIT! TANGINA! GAGO!" natatarantang mura ni Loysa the moment na nag-sink in sa kanya ang kalokohan at kapalpakang ginawa niya. Sa sobrang pagpa-panic niya, dali-dali niyang hinablot ang bag niya at nagtatakbo na siya palabas ng coffee shop. Agad siyang pumara ng taxi at kahit na wala talaga siyang balak na sumama kina Jo, dumeretso na siya papuntang Valk. Mukhang alak na nga ang kailangan niya at hindi kape.
Ah, leche. Meet cute na, naging nakakatakyut pa.
***
Wasted na wasted si Loysa pagdating niya sa condo niya. Hindi na niya nabilang kung ilang shot at bote ba ng alak ang nainom niya kasama ang mga kaibigan niya. She literally drank the night away in an attempt to forget everything that has happened to her in the past 48 hours. Grabe-grabeng kamalasan na ang naranasan niya at gusto na lang niyang magpakalunod sa alak at makalimot.
Gegewang-gewang siyang naglakad patungo sa sofa at basta na lang sumalampak doon. Itinaas pa niya ang dalawang binti sa center table at saka pinakawalan ng buntonghiningang kanina pa niya pinipigilan. Her life has been so shitty for the past few days at hindi na niya alam kung paano pa ba siya makakausad. She actually planned and hoped for a bright future with Travis pero hindi rin naman pala matutupad.
Well, gano'n din naman ang ginawa niya noon sa mga ex niya. Lahat inisip niyang magiging the one na niya. Masyado siyang naging invested kaya ang ending, warak na warak siya palagi kapag bigla siyang iniiwan ng mga 'to.
"Ano ba kasing mali sa akin?" biglang tanong ni Loysa sa kawalan. If it was her hurt ego talking o kung sadyang lasing lang ba talaga siya, hindi na rin sigurado si Loysa. Gusto na lang talaga niyang ilabas lahat ng sama ng loob niya.
"Pangit ba 'ko? Kapalit-palit ba 'ko? Then why? Bakit lagi na lang nila akong iiniwan?" pagpapatuloy ni Loysa, palakas pa nang palakas ang pagbigkas ng bawat salita. Maya-maya lang, dumaloy na ang mga luhang akala niya ay naubos na.
Nasa kalagitnaan ng pag-iyak si Loysa nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Iniluwa n'on ang isang kukusot-kusot ng mata na si Sol, halatang kagigising lang.
"Tangina naman, Loysa. Para ka na namang tanga. Ayusin mo nga sarili mo," deretsang sabi ni Sol sabay pasok muli sa kwarto niya. Mukhang nagising lang talaga ito dahil sa pagngawa ni Loysa.
At that moment, biglang natauhan si Loysa. Para siyang sinampal nang pagkalakas-lakas ng Kika niya. Ginising talaga siya nito kung kaya't agd niyang pinahid ang luhang patuloy na tumutulo mula sa mga mata niya at isininga na rin niya ang sipon na parang bumabara na sa ilong niya. Kinuha rin niya ang cellphone niya at agad na binuksan ang dating app dito. Kung nakahanap agad ang tarantadong ex niya ng kapalit niya, dapat siya rin!
***
Sabog would be an understatement sa nangyari kay Loysa. Sa dami ng naka-match niya sa dating app na kinausap at nilandi niya magdamag, it was safe to say na matindi-tinding damage ang ginawa niya sa buhay niya. Sobrang sakit na ng ulo niya ngayon dahil sa ininom niya kagabi, dumaragdag pa ang sunod-sunod na notifications ng phone niya mula sa mga lalaking hindi niya matandaan na kinausap pala niya. Hangover malala. Parang gusto na lang niyang maglaho bigla.
Nang mag-ring ang phone niya with the ringtone na naka-assign sa lecheng ex niya, agad na binato ni Loysa ang phone niya sa lapag. Ano pa ba ang kailangan nito sa kanya? He cheated on her. Bakit biglang may pagtawag pa bigla?
Nakahinga nang maluwag si Loysa nang tumigil ang pagtunog ng phone niya. Akala niya ay sumuko na ang ex niya pero nang mag-ring ulit ito, bwisit na tumayo siya mula sa pagkakahiga, dinampot na rin niya ang phone niya, at pabalang na sinagot ang tawag ng hayop na akala mo naman gwapo.
"Ano na naman bang kailangan mo? Tapos na tayo, 'di ba? You cheated on me, remember? Bakit tumatawag ka pa, ha?" dere-deretsong litanya ni Loysa. Ni hindi man lang siya nag-hello sa kausap. Para saan pa nga ba? They were past that stage already. Sama na lang yata ng loob ang nararamdaman niya ngayon sa kausap.
"Look, babe, I'm so—"
"Luh. Babe ka riyan. Sino ba talaga ang lasing? Ikaw o ako?" pagputol ni Loysa sa sinasabi ni Travis. At bago pa ito makahirit ulit ng sasabihin, ibinaba na ni Loysa ang tinawag. Blinock na rin niya ang number nito. Pati sa lahat ng social media at dating apps, naka-block na rin ang loko.
Pero speaking of dating apps...
"Ah, shit! Ano'ng gagawin ko rito sa lagpas 100 na notifications dito? Di ko nga matandaang kinausap ko 'tong mga 'to, e!" reklamo ni Loysa habang tinitingnan ang phone niya.
I-a-uninstall na lang sana ni Loysa ang naturang app nang bigla na namang may pumasok na notification. Hindi pamilyar sa kanya ang pangalan ng lalaki pero nang makita niya ang itsura nito sa profile picture na gamit nito, bigla siyang napasinghap. It was the same guy from the coffee shop!
Dylan:
Hey, I hope you're feeling better now.
If kailangan mo ulit ng kausap, feel free to video call ulit.
Tumigil ang mundo ni Loysa upon comprehending what the guy has just said.
VIDEO CALL?! KAILAN SILA NAG-VIDEO CALL?!
Pinipilit ni Loysa tandaan ang mga nangyari kagabi pero wala siyang natatandaang kinausap niya through video call. Alam niya marami siyang naka-chat pero video call? Wala talaga siyang matandaan.
And so she decided to finally click the notification at literal na nanlaki ang mga mata niya at halos bumagsak na lupa ang panga niya nang makitang may history nga sila ng video call nitong lalaking ito. Halos isang oras ang itinagal ng video call at wala man lang siyang natatandaan dito! Shit. Paano na lang kung nag-striptease pala siya sa harap nito? Naku po! Nakakahiya!
Panic was starting to fill Loysa's whole being. Hindi na niya malaman ang gagawin. She was torn between forgetting everything that happened and actually asking the guy kung ano ba talaga ang nangyari.
At bilang isang marupok na nilalang na mahilig sa mga gwapo at gusto nang maka-move on mula sa ex niya, she did the latter.
Loysa found herself typing a message for Dylan, half-hoping na wala nga siyang ginawang pagsisisihan niya buong buhay niya.
Loysa:
Henlo?
Luh. Anong henlo?
Shuta, wait
Ito na talaga
Hello?
Look, I can't really remember anything that I said last night.
Kung may nasabi man akong kabalbalan, please forget it.
Forget I even existed.
Sorry talaga!
Nakakahiya
Huhu
Dylan:
LOL
Cute ka pa rin pala talaga even when you're sober
"Ay tangina. Ewan ko na sa 'yo," mahinang sabi ni Loysa sabay bagsak ng phone sa kama. One could actually think na naka-move on na siya sa pagpapahiya sa sarili niya at ilalayo na niya ang sarili sa karupukan but Loysa being Loysa, mahina pa rin talaga ang self-control na mayroon siya.
Loysa:
STAHP!
IBA-BLOCK NA KITA!
Dylan:
HAHAHAHAHAHA
Can I call?
Saglit na nag-isip si Loysa. And before she could come up with a rational decision, she just found herself pressing the call button to talk to a person she barely knew.
Tanga nga talaga.
***
"Hoy Loysa! Ano na naman 'yong pinost mo sa IG Story mo, ha?" deretsong tanong ni Endee pagpasok na pagpasok niya sa condo nina Loysa at Sol.
"Oo nga! Ano 'yon?" segunda naman ni Cassie sabay lakad papuntang kusina. Nagsimula na itong magbukas ng mga cabinet pati na rin ng ref, probably looking for something to eat.
"Bibi, stop that na! Umorder na lang tayo ng milk tea at pizza!" sigaw naman ni Jo. Nagtitipa na ito sa cellphone at nagsisimula na ngang bumili ng pagkain for delivery.
"Itong kaibigan niyo, lasing na lasing na umuwi kagabi. Nagdadrama one minute, lumalandi the next," panlalaglag ni Sol kay Loysa which earned a lot of reactions from the group. Halos lahat sila, sumisigaw na. Puro may violent reactions. Puro gustong batukan si Loysa. Kaka-break lang daw nito pero kumekerengkeng na agad. Hindi raw tama ang pagkakaroon ng rebound. Ang daming mga sermon na para bang hindi naman na nada-digest ni Loysa.
Tuloy-tuloy lang sila sa ganoong scenario nang biglang bumukas ang pintuan ng condo at iniluwa n'on ang isang Chelle na mukhang puyat na puyat.
"Anyare sa 'yo, teh?" tanong ni Cassie pagkaupong pagkaupo ni Chelle sa tabi ni Jo.
"Sinong pumuyat sa 'yo?" panloloko naman ni Endee.
"Ulul," maikling sagot ni Chelle na umani ng tawanan mula sa barkada.
"Bakit pala ang ingay niyo kanina? Rinig na rinig sa labas yung ingay niyo. Akala ko nalipat na yung simbahan dito sa tindi ng sermon," tanong ni Chelle kaya natahimik ang magkakaibigan. Lahat nga lang sila, nakatingin kay Loysa.
"So ano? Walang mag-e-explain? Manghuhula ako mula sa mga pagmumukha niyo?" pagtataray ni Chelle kaya wala nang choice si Loysa kung hindi ikuwento ang lahat ng nangyari sa kanya kahapon. From the moment na iwan siya ni Chelle sa coffee shop hanggang sa nakipag-video call siya sa lalaking hindi niya naman matandaan ang pinagsasasabi niya.
Loysa waited patiently and quietly habang hinihintay ang hatol ni Chelle sa kanya. Being the eldest in the group, madalas ay dito talaga humihingi ng advice ang magkakaibigan. Pero dahil hindi rin uso ang filter dito, grabe-grabeng kaba ang nararamdaman niya. She knew she has a fault din naman pero hindi niya talaga mapigilang matakot sa kung ano mang sasabihin ni Chelle sa kanya.
"Una sa lahat, gusto ko lang sabihin na leche ka," deretsong sabi ni Chelle kaya biglang umalma sina Cassie. Masyado raw harsh ang simula ni Chelle. Tinaasan lang naman nito ng kilay ang mga kaibigan kaya tumahimik na lang ulit sila.
"Ang sabi ko sa 'yo kahapon, mag-move on ka sa ex mong mukhang pinaglihi kay Squidward. Hindi ko sinabing maghanap ka agad ng kapalit na baka naman kamag-anak na ni Plankton."
Napayuko si Loysa pagkarinig sa sinabi ni Chelle. Hindi niya malaman kung nasaktan ba siya dahil sa na-call out siya sa panlalanding ginawa niya kagabi o dahil sa sinabi nitong pinaglihi kay Squidward ang ex niya. Either way, tinamaan siya sa sinabi nito at sobrang guilty na siya ngayon.
"Sorry na!" biglang sigaw ni Loysa. Napatingin ang lahat sa kanya and they were all wondering kung para saan nga ba ang sorry niya.
"Ilang beses ba dapat naming sabihin sa 'yo na hindi mo kailangang tumalon agad from one relationship to another para lang maging masaya? You would only really feel genuine happiness kapag sinimulan mo munang mahalin ang sarili mo. Sure, hindi ka kikiligin sa sarili mo and the butterflies won't be there pero hindi naman guguho ang mundo kung wala kang jowa," Chelle said at unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ni Loysa.
"True. Saka iba kaya yung satisfaction kapag nagiging successful ka on your own. Tipong you achieved things nang hindi ka umaasa sa iba. Saka ikaw nga mismo ayaw mong maging rebound tapos ikaw, naghahanap bigla ng rebound? Parang mali naman 'yon," segunda naman ni Cassie.
"Nasasabi niyo lang naman 'yan kasi hindi pa kayo nagkakajowa," hindi napigilang sagot ni Loysa.
"HOY FOUL!" sabat naman ni Endee pero halata namang nagpipigil ng tawa. Nang samaan siya ng tingin ni Chelle, bigla na lang siyang pumihit ng pagkakaupo para hindi na muna niya makita ang kaibigan.
"Well at least hindi ako mukhang jelly fish na tinintahan ng pusit dahil sa kakaiyak kahit na hindi naman waterproof ang mascara," mataray na sagot naman ni Chelle which caused Loysa to panic. Agad itong tumayo at tumakbo papuntang CR and she immediately said every curse that she knew and in different languages, too.
Shit. Nakipag-video call siya nang ganito ang itsura niya? Kaya naman pala tawang-tawa sa kanya ang kausap niya!
"Jusko namaaaaan!!!"
Pabalang na naghilamos si Loysa. Inis na inis niyang kinuskos ang mukha para mabura ang makeup pati na rin ang kahihiyan niya. She wanted the earth to swallow her whole pero hindi rin siya sure kung paano. Maliit pa man din ang butas dito sa banyo.
Nang matapos siyang maghilamos, para siyang natauhan bigla. Her Kika made her realize things at para bang ang malamig na tubig na pinanghilamos niya lang pala ang naging way para magising siya sa katotohanan. Dahil doon, nakayuko siyang naglakad pabalik sa mga kaibigan.
"Sorry na sa nasabi ko kanina. I know you're just looking out for me pero kasi akala ko makakaganti lang din ako kay Travis kung gagawin ko rin ang ginawa niya. Kaya nga nakipag-usap ako sa iba, hoping to find a fling tapos hahalikan ko rin tapos—" Loysa stopped herself from babbling nang mapansing masama na ang tingin ng mga kaibigan niya sa kanya. She then swallowed hard, probably including the nonsense things that she was about blabber a while ago.
"Actually, I managed to talk to guy that I saw at the coffee shop kahapon. Yung sinabi kong pogi? For some reasons, bigla kaming nagka-chat sa app. I can't remember how we matched pero nung nagkausap kami, maybe I had that tiny bit of hope na baka siya na nga ang the one kasi fate made us meet again pero ngayon, ewan ko na. Bakit ba kasi ako ganito? Bakit ba ang malas ko? Gusto ko lang naman ng stable at happy relationship, e!" ngawa ni Loysa at hindi na niya napigilan ang luhang kanina pa namumuo sa mga mata niya.
"Kusa naman kasing darating 'yan. Don't rush things," payo ni Jo na tipa pa rin nang tipa sa phone. Mukhang may ka-chat na naman na hindi ipinapaalam sa barkada.
"Oo nga. Tingnan mo ako. Hindi nag-e-effort pero may pila ng manliligaw," pagmamayabang ni Endee. Binato naman siya ng unan ni Chelle para manahimik na siya.
Loysa looked at her friends slowly. Gets naman niya ang mga pinupunto ng mga ito pero she can't help but think about Dylan. Paano nga kung siya na talaga ang the one tapos pinakawalan pa niya?
Loysa shook her head and then she took a deep breath.
Mali. Hindi dapat ganito ang mindset niya. Makaka-move on siya. She will get better. And soon, in the future, she will find the one. Ayan, that's better.
"Manage your expectations din naman kasi. Hindi porket nagkausap kayo at nag-click kayo agad, e 'yon na nga 'yon. Hindi lahat ng bagay ay dapat bigyan ng meaning," singit naman si Sol.
Napaisip ulit si Loysa dahil sa sinabi ni Sol. Gano'n nga yata ang nangyari sa kanya sa lahat ng past relationships niya. Binigyan niya agad ng meaning at motibo ang lahat kaya ang ending, lagi siyang umuuwing luhaan at warak.
"We're not saying that you should overthink din naman gaya ng ginagawa mo ngayon. Ang sa amin lang, learn to love yourself, enjoy things on your own, and let old wounds heal. Aminin mo man o hindi, nandiyan pa rin yung mga sugat mula sa previous relationships mo. Palagi mong bitbit ang mga 'yon kaya kapag hindi na umaayon sa 'yo ang mga nangyayari, you end up blaming yourself kahit na yung mga ex mo naman talaga ang gago," Chelle said at para bang nagising bigla si Loysa sa katotohanan. Hindi man siya nito sinampal physically pero matindi-tinding sampal din yata itong natanggap niya ngayon.
"Saka pwede ba. Hindi ginagawang hobby ang pagpapakatanga sa jowa," dugtong naman ni Jo and Loysa felt her heart crack. Mas masakit pa yata sa breakup 'tong naririnig niya sa mga kaibigan niya ngayon.
"E ano na ang gagawin ko ngayon?" Loysa asked, completely clueless kung ano nga ba dapat ang next move niya sa life.
Cassie pinched Loysa's cheeks at saka ito binigyan ng matamis na ngiti.
"Gagala tayo. Ano, G?" Cassie asked. Before Loysa could even answer, kanya-kanya nang suggestion ang magkakaibigan kung saan dapat pumunta para maka-move na talaga si Loysa.
Loysa then grabbed her phone at saka in-uninstall ang lahat ng dating apps sa phone niya. Siguro nga hindi pa ito ang time para maging mas malapit sila ni Dylan. If totoo nga ang iniisip niya na pinagtagpo sila ng tadhana, fate would definitely make them meet again the future. But for now, susundin niya ang payo ng mga kaibigan niya—she would let herself heal and she would love herself first. At sa oras na maging okay na talaga siya at ang puso niya, she would gladly thank her Kika dahil ginising siya nito sa katotohanang mas importante ang sarili niya at ang peace of mind niya.
The End
***
Author's Note:
Kung inakala niyong bastos ang Kika ni Loysa, issaprank! Kika lang ang tawag niya sa konsensya niya. Kung naabutan niyo ang commercial ng Safeguard dati na may konsensyang kumakausap sa bida, gano'n din ang role ng Kika ni Loysa. Kbye~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro