The Art of Killing : Epilogue
"Ugh! What an idiot you are!"-K.
Third Person Point of View
Malalim na ang gabi at oras na ng pagtulog ng mag-asawang Alvarez, ngunit napalabas ang mga ito ng makarinig ng putukan.
Nakita agad nila ang bagsak ng mga tauhan nila, at ang mga armadong lalaki, napaatras ang mga ito ng lumabas si Emillio at tutukan sila nito ng baril, sumugod si Emillio sa mansyon ng mga Alvarez bitbit ang mga tauhan nito.
"ANO NANAMAN ITO EMILLIO?"
"Ikaw ang puno't dulo ng lahat ng 'to."
"Emillio ibaba mo ang baril m--"
"At bakit ko iyon gagawin? Namatay si Anika ng dahil sa iyo, dapat ay ikaw ang namatay noong gabing iyon at hindi ang asawa ko--"
"Emillio alam mong hindi ko din inaasahan na ibubuwis ni Anika ang buhay nito para sa aki--"
"Wag na 'wag mong babanggitin ang pangalan ng asawa ko dahil wala kang karapatan para gawin iyon. Sinira mo ang pamilya ko Daemon, at ngayon maging ang anak ko kinamumuhian na din ako."
"It's because of you-"
"TUMAHIMIK KA!"sigaw nito kay Amisha na sinubukang ipagtanggol ang asawa.
"Papatayin ko na kayo at uunahin kita Amisha, para naman malaman ni Daemon kung gaano kasakit ang mawalan ng Asawa--"
"Dadaan ka muna sa akin bago mo iyon magawa." matapang na sambit naman ni Daemon saka nito itinago sa likod niya ang kanyang asawa. Napakapit si Amisha sa asawa nito ng mahigpit.
"Sa mga inaakto mo Emillio ay mas gumagawa ka ng paraan para kamuhian ka talaga ng anak mo." sambit pa ni Daemon.
"Itigil mo na ito at sumuko ka na!" Dugtong pa nito.
"Sumuko? Ako susuko? Ano ang tingin mo sa akin Daemon, susuko ng buhay? Magsamasama tayo sa impreno--" natigil ito nang marinig ang tinig ng kanyang anak.
"Hindi sila mapupuntang impreno gaya mo Pa." sambit ni Daewon.
"Daewon what are you doing here, stay in your room" sambit ni Amisha rito.
"No mom, I won't let him do what he want this time," sagot nito.
"You've ruined everything already, ano pa'ng kailangan mo?" Tuloy nito.
"Hindi ako ang kalaban mo Daewon, sila!" Turo nito kila Daemon at Amisha "sila ang dahilan kong bakit nawala sa atin ang mama m--"
"TAMA NA PA!" Sigaw nito "Tama na ang paggamit sa pangalan ng mama ko," nagulat ang lahat sa sinambit nito "Namayapa na ng masaya ang mama ko at tahimik na ito 'wag mo na siyang idamay pa sa mga pinagagagawa mo."
"Hindi mo ako naiintindihan Daewo--"
"IKAW ANG HINDI MAKAINTINDI PA, MOM DIED IN PEACE MAHIRAP BANG INTINDIHIN IYON."
"Daewon son uminahon ka," awat ni Daemon rito.
Napaupo si Emillio sa narinig nito. "Tama ka your mom died in peace how unfair of her, wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya ngunit bakit? Bakit ibinuwis niya ang buhay niya ng hindi man lang inisip ang mga maiiwan niya?" biglang tumulo ang luha nito, at maging sila Daemon at Amisha ay hindi makapaniwala sa kanilang nasasaksihan mas lalo na ang tahimik na ngayong si Daewon.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng nawala siya, ni ang ipagtimpla ka ng gatas hindi ko magawa, ang patulugin ka sa gabi ay hindi ko din kinaya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa tuwing naririnig ko ang iyak mo habang sinisigaw mo ang salitang "mama", gulong gulo ako noon, and then I saw them," turo nito kila Amisha" masaya sila at buo ang pamilya habang ako nagluluksa. Masaya sila ngunit ako hindi malaman kung anong ginagawa." Pagkaraan ay naging matalim ang tingin nito saka tumayo at pinahid ang mga luha't itinutok muli ang baril kay Daemon.
'Bang'
Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng silid ngunit nagulat ang lahat ng humarang si Daewon at sinalo nito ang bala na dapat ay kay Daemon.
"NO!!"
"DAEWON SON!"
Nanlalaki ang mga mata ni Emillio sa nasaksihan nito, nakatayo lamang ito na tila ba naestatwa sa kinatatayuan. Isang pangyayari, pangyayaring gumuho na minsan sa mundo niya ang muling naitala sa pangalawang pagkakataon.
'Sabi nila, walang karapatang magalit ang isang anak sa magulang niya dahil kailan man ay hindi namili ang magulang sa kung sino ang magiging anak nito, but how about us being their child? namili ba kami ng magulang? Life is fair but some people think that life's unfair.'
'My mom died in peace, because of love. A kind of love that depicts Friendships, cause when you love, you forget to think of what would happen next and will only think on what was happening at the moment.'
I just did the same.
***
"Oohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob Squarepants" If nautical nonsense be something you wish "Spongebob Squarepants"
"Honey, Daewon... was shot!"
Sa pagkarinig nito sa mga salita ay agad itong tumungo sa kanyang sasakyan saka pumasok rito't binuhay ang makina't pinaharurot ito ng mabilis.
Halos magsihawi ang mga kasalubong nitong sasakyan sa bilis nitong pagmamaneho. Nang makarating siya sa bahay nila ay nakita nito ang napakaraming mga ambulansya.
Inihinto niya agad ang sasakyan niya saka tumakbo, lumingon lingon siya sa paligid nito para makita ang mga magulang at sakto namang natuon ang tingin nito sa kaliwa kung saan naroon ang ama niya.
Tumakbo siya papunta roon, at nakita agad niya ang nakahigang si Daewon na kasalukuyang inaayos ng mga rescuer para dalhin na sa hospital.
Napatingin ito sa ama niya."Sumugod si Emillio rito kasama ang mga tauhan nito, ako dapat, but Daewon--"
Hindi na nito pinatapos pakinggan ang sasabihin ng ama niya sa halip ay tumakbo muli ito.
"ATHANIA!" narinig niyang sigaw ng ama niya ngunit nagtuloy parin ito sa pagtakbo pabalik sa kanyang sasakyan saka muli itong pinaharurot.
Tinahak niya ang daan patungo sa lugar ni Emillio.
May ilang humarang sa kanyang tauhan ni Emillio ngunit nanlaban siya rito, may ilang bumunot ng baril ngunit malinis niyang naiilagan ang mga balang rumaragasa sa kanya, pagkaraan pa'y sabay sabay na sumugod ang mga ito ngunit nakagawa siya ng paraan upang ang mga ito mismo ang magkasakitan.
Pagkaraan pa ng ilang minuto, ay bagsak na ang tauhan ng matanda, ang ilan ay namimilipit sa sakit dahil sa mga tinamong bali sa katawan mapa kamay man 'yan o paa.
Pinulot ni Dame ang baril na nakalapag sa baba saka ito isinukbit sa kanyang likod at naglakad papasok. Pagpasok niya ay sumalubong agad sa kanya ang musikang pamilyar sa kanyang pandinig simula pa ng magkamalay siya sa totoong nangyayari sa buhay niya.
"Oohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob
"Napakagaling mo na." Bungad ni Emillio sa kanya.
"Napakaganda ng musika hindi ba? paborito iyan ng anak ko." napangiti ito.
Squarepants" If nautical nonsense be something you wish "Spongebob Squarepants" Then drop on the deck and flop like a fish! "Spongebob
"Paborito iyan ng anak ko, katulad ng kung paano mo ito naging paborito." sambit muli nito.
Squarepants" READY? Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants SPONGEBOB!! SQUAREPANTS!!."
"Anong klase kang ama, anong ginawa mo sa anak mo!" Tiim bagang sagot ni Dame.
Umiling ito bilang tugon sa kanya "Hindi" iling nito "KASALANAN IYON NG AMA MO!" sigaw nito saka bumunot ng baril at itinutok ito kay Dame ngunit mabilis ding binunot ni Dame ang kanyang baril.
"Ano pa bang gusto mo?" Sambit ni Dame "sinira mo na ang buhay ko na kahit anong gawin kong paglimot nakatatak na puso't isipan ko ang mga sakit na ipinaranas mo sa akin."
Natigil si Emillio, ngunit nakatutok parin sa kanya ang baril nito.
"Alam mo ba kung anong ginawa ng anak mo? ALAM MO BA KUNG ANONG GINAWA NG ISANG DAEWON? lumapit siya sa akin... lumapit siya sa akin para ihingi ang isang tulad mo ng tawad." halos manginig ang tuhod ni Dame habang nagsasalita ito.
"Lumapit siya sa akin para ihingi ng tawad ang taong walang alam kundi puro kasamaan!"
"Hindi ka ba nahihiya?" Halos pumiyok na sambit ni Dame."At ngayon, at ngayon... hindi ko alam kung ano ng mangyayari sa kanya!"
"ANONG KLASE KANG AMA!!!" sigaw nito.
Naibagsak ni Emillio ang baril nito at halos matumba sa kinatatayuan nito.
Lumapit ito kay Dame at itinutok nito ang baril na hawak ni Dame sa sarili nitong noo.
"Tapusin mo na ako! Patayin mo na ako." mahinang usal nito, dahilan para mapangisi si Dame. Pumihit si Dame palikod at naglakad palayo rito pagkaraan ay humarap din.
"Wala ka nga talagang alam! Gusto mong patayin kita? Paano naman siya? Gustong gusto kung ng iputok ang baril diretso sa noo mo, ngunit sa tuwing susubukan ko, naiisip ko ang anak mo! Kahit ngayon lang magpakatatay ka naman!"
"Tinuruan mo 'ko kung paanong lumaban kahit duguan!" Tumingin si Emillio kay Dame ng may nangingilid na luha.
"Tinuruan mo ako, kung paanong tumayo kahit na nahihirapan."
"Tinuruan mo ako kung paanong humawak ng baril at iputok sa kalaban! Kahit na labag iyon sa aking kalooban."
"Tinuruan mo ako kung paanong sumuntok at bumugbog ng walang kahit na anong masamang intensyon."
"Tinuruan mo akong kumitil ng buhay!"
"Tinuruan mo akong mabuhay sa dilim ng magisa! Sinira mo ang buhay ko!"
Tahimik lang na nakikinig si Emillio sa mga sinasabi nito, hanggang sa makarinig siya ng sirena ng pulis sa labas.
"EMILLIO SUMUKO KA NA, NAPAPALIGIRAN KA NA NAMIN!" narinig niyang sambit ng kanyang ama, napangiti siya rito. Naglakad siya palapit sa pinto at nagulat si Emillio ng makitang isinara nito ang pinto at inilocked.
"Ngunit alam mo kung anong gusto kong gawin sa iyo ngayon?"
"Gusto kong ituro sa iyo, kung paanong ibaba ang baril sa pagkakatutok nito sa kalaban at kung paanong kalasin ang mga balang laman nito." sambit niya habang tinatanggal ang bala ng baril na hawak nito.
"Please don't kill me."pagsusumamo nito habang nakaluhod. Hindi siya nadadala sa mga pagsusumamo at pag mamakaawa narinig na niya ata lahat ng mga iyon na iisa lang naman ang ibig sabihin nais nilang mabuhay. Natatawa nalang siya pag may nakikitang ganun na para bang hawak niya ang buhay ng mga ito sa kanyang kamay. Na totoo naman, dahil isang kalabit lang niya makikita na nila si kamatayan.
"Bayad na ako eh!" sagot nito nang may nakakalokong ngiti.
"I can give you anything, everything that you wanted, Money? House? Just please don't kill me." umiiyak na siya ngayon. Napailing iling nalang siya at Napangisi. Sinenyasan niya itong tumahimik na para bang siya'y naririndi, Kasabay ng pagputok ng baril ang pagtunog ng relos niya hudyat na tapos na ang dahilan ng ipinunta niya roon agad na bumulagta sa sahig ang katawan ng nakakaawang si Melecio. Isang tama nang baril sa noo ang bumawi sa buhay nito.
"Ituturo ko sayo ang mga bagay na nagawa nilang itanim sa puso ko't pagkatao at nagawa namang limutin ng iyo."
"Uy! Ark wag kang ganyan! Umayos ka nga!" Gising ni Lee sa kanya umalis pa ito sa pwesto niya at pumunta sa tabi ni Daewon na naging dahilan para matumba si Ark patungo sa akin ngunit mabilis ang mga kamay kong sinalag ang likod niya sa pagpagsak gamit ang kanang kamay ko.
Nagulat nalang ako ng may sumigaw sa harap namin.
"SMILE"
'CLICK!'
Nasilaw pa ako sa flash ng camera nakuhanan kami nito at ang nakakainis lang ay ang mga reaksyon namin at ang kasalukuyang naming pwesto't sitwasyon.
Hindi ko alam ngunit sabay sabay kaming limang biglang tumawa, maging si Ark na kagigising lamang ay nakitawa din sa amin.
Samo't saring flash ng camera mapa Dslr man o camera lang ng phone ay hindi nagpatalo sa pagkuha ng litrato sa amin.
We became Superstars for more than an Hour.
"Ituturo ko sayo kung paano sumaya at tawanan ang problema."
"Pagtumigil ka ba ka hindi kana makauwi ng buhay nangangain ang mga tao dito, lalo na kong may dugong bughaw!" She whispered. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Sorry to cut your moment but, hindi ako dugong bughaw! Mine is Red!" Pangiinis ko din. Napatawa naman siya ng sobrang lakas! Yung totoong tawa kumbaga. na naging dahilan ng sobrang katahimikan, yung mga nagiinuman napatigil din at ipinukol kay Dame ang tingin, yung mga nagdadaldalan naman para bang pinasukan ng insekto yung mga bibig sa sobrang walang imik, at maging si Manong Pandong napatigil din and I saw him smile for a bit.
"Ituturo ko sayo kung paanong makipagkaibigan, ituturo ko sayo ang mga bagay na nakalimutan mo."
"Stop it Daewon--"
"Isn't it obvious? I FUCKING LIKE YOU! " napatigil si Dame. " I don't care about your favorite Food, Anything about your wants and dont's all I care about is that--"
"Bakit? Bakit ako?"
"......."
"BAKIT AKO!!! Marami diyang ib---"
"I LIKE YOU.... and please........don't ask why!"
"Ituturo ko sayo kung paanong, kung gaano kasarap ang mahalin."
Kumaway lang ito sa papalayong sasakyan ni Daewon. Nanatili pa siya sa labas at pinagmasdan ang mga nagkalat na tala sa langit at maging ang nakangiting buwan.
Ipinikit nito ang mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin.
"Ang sandaling ngiti at sayang namutawi sa maikling panahon ngayon ay tuluyan na niyang binabawi" sambit nito habang nakapikit parin ng mariin ang mga mata nito.
"Tuturuan kita, tuturuan kita kung paanong tumingin sa taas at humingi sa Kanya ng tawad."
"Ngunit ngayon ibinahagi mo sa akin na may pag asa pa ang mundo hanggang narito pa ang mga tao, Naiiba ka nga, Tanggapin mo ang pagpupugay ng lahat sa iyo" saad ng matanda bago ito mawalan ng malay.
Isang pagpupugay ang bagong naitala sa kapirasong pahina.
"Tuturuan kita kung paanong sumuko ng bukal sa puso."
"I-i can't brea--" natigil ito ng may lumapat sa labi nitong isang malambot na bagay.
At hindi siya mangmang para hindi malamang labi ng lalaki ang lumapat sa labi nito.
Itutulak sana niya ito ng maramdaman ang hanging bumulusok sa loob ng bibig niya nagmumula iyon sa lalaki. Na tumutulong sa kanya para makahinga.
Tinutulungan siya nito upang makahinga. Kumalabog ang dibdib niya ng dahil rito na para bang pamilyar ang kabog na nararamdam ng dibdib nito.
"Tuturuan kita kung paano magmahal." Sambit nito habang nakangiti.
"Dahil iyon, iyon ang mga bagay na itinuro nila sa akin, sa maikling panahong nakasama ko sila. Itinuro nila sa akin kung ano ang buhay at kung bakit ito mahalaga."
"Tinuruan nila akong muling mabuhay, ngunit ikaw, You made me who I am today."
Lumapit siya kay Emillio at pumunta ito sa likod saka nito hinawakan ang leeg ng lalaki at itutok ang baril sa sentido nito, kasabay ng pagbukas ng pinto at pagpasok ng mga FBI SWAT team.
"A-anong ginagawa mo? Walang bala ang baril na hawak mo." takang tanong ni Emillio. Napangiti si Dame rito.
"Balang araw malalaman mo kung anong dahilan ng ginagawa ko. Ngayon, nais kong turuan ka kung paano magpaka-ama." sambit ni Dame nagtaasan ang balahibo ni Emillio sa narinig nito, hindi dahil sa takot, kundi sa mangyayari.
"You taught me the Art of killing and now it's my turn, I'll show you how to rest in peace, Master."
Nakita ni Dame ang ama niyang matamang nakatingin sa kanya. Pagkaraan ay nagsipasukan na din ang iba, ang ina niya, si Cha at maging si Asp.
"Pagbinitawan na kita maglakad ka lang palapit sa kanila 'wag na 'wag kang lilingon sa akin." sambit ni Dame kay Emillio.
Nakatutok na ngayon kay Dame ang baril ng lahat ng FBI, pagkaraan ay itinaas niya ang kanyang kamay para pakawalan si Emillio at gaya ng sinabi ni Dame ay naglakad nga si Emillio palapit sa mga ito.
Lalapit na sana si Daemon kay Dame ng nginitian siya nito, kumabog ng bigla ang puso nito na para bang alam na niya ang gagawin ng anak.
Umiling ito ngunit nanatiling nakangiti si Dame.
Pinagmasdan niya sandali ang mga mukha ng taong bumago sa takbo ng buhay niya.
Pagkaraan ay bigla nitong itinutok ang baril patungo sa mga SWAT saka kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak niya at alam niyang walang kahit na anong balang panlalaban...
"NO! " narinig niyang may tumakbo palapit sa tabi niya, ang taong hindi man kilala ng mga mata niya ay nasisigurong kilala ng puso niya.
'Bang, bang, bang'
"HOLD YOUR FIRE!" sigaw ng ama niya ngunit huli na.
"D!"
"DAME!"
"ATHANIA!"
Natigil sa paghakbang si Emillio, habang nakapikit ang mga mata nito at kumakawala ang kanyang luha. Pinigilan niya ang lumigon gaya ng sinabi ni Dame sa kanya.
Natigil ang pagbaril ng mga SWAT kasabay ng pagbagsak sana ni Dame ngunit nasalo ito ni Rukh.
Binalot agad ng pulang likido ang buong suot ni Dame.
"No, no!" sambit ni Rukh, hindi nito inasahan ang sunod na ginawa ni Dame.
Pilit pinipigilan nito ang paglabas ng dugo sa ilang parte ng katawan ni Dame.
Narinig ni Dame ang papalapit na yabag ng mga taong malapit sa kanya.
Ngunit hindi niya ito pinansin, tumingin ito sa lalaking hawak hawak siya, nakasuot ito ng itim na hoodie at mask at tanging ang mga abong mata lang nito ang hindi natatakpan.
"A-abo," bulong na sambit ni Dame rito. "Sabi ko na e, ikaw si Abo." tuloy pa nito.
Tahimik lang na nakatingin si Ark sa kanya.
"I -i c-ant b-breathe..." nahihirapang sambit ni Dame.
Napayakap si Amisha sa asawa nito ng makita ang sitwasyon ng anak. Maging si Asp at Cha ay tahimik na napapahikbi. Ang ama naman niya ay hindi maitago ang lungkot at sakit na nararamdaman sa mga mata nito.
"I c-ant b-reathe..." sambit muli nito, niyakap siya ng mahigpit ni Ark saka dinampian ng halik ang noo nito.
"Idiot!" tanging naging tugon ni Ark rito, na nagpangiti kay Dame."You got me there!"
Sa libo libong bituin at sa nakangiting buwan, hindi man siya nito nasilayan, at hindi man niya ito nakita. Ay ramdam niya ang lungkot ng mga ito. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Ngunit isang ngiti ang namalagi sa kanyang mga labi.
'Now, I feel better, better than the word itself.'
Itutuloy~~~
One last chapter to go, and we're gone.
Brace yourself for the story is just about to be done.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro