Special Chapter
"Sa'n ba kasi tayo pupunta?"
"Just shut up!"
"Putang ina Abo! Pag hindi maganda 'yang pagdadalhan mo sa akin. Makakatikim ka sa akin ng sapak with upper cut!"
"Why can't you just shut your mouth and just wait! Huh?"
Sinimangutan ko lang siya. Namimiss ko na kasi sila Asphere. Ano kayang magiging reaksyon nila sakaling makita nilang buhay ako?
I wanna prank them, hihihi.
"Miss ko na si Asp! Si Lee tapos si Da--"
"Mas lalong 'di kita dadalhin do'n!"
Napaka talaga niya. Pag usapang Dae lagi siyang burido. Sarap tuloy niyang asarin. In a relationship na nga status ng kapatid niya at si Dae e. Nakipagbuno pa ako kay Abo para mapilit siyang magkwento.
At no'ng nalaman ko 'yung love story ni Dae at Cha na naudlot dahil kay Abo. Ginawaran ko siya ng mga sipa at suntok dahil doon.
Paano parin niya kayang nagawang mahalin, si Dae? Knowing that the person behind his father and lolo's death is Dae's Dad?
"Miss ko na talaga sil---"
"Tsk!"
Konting konti nalang talaga, mauubos na ang pasensya ko. Kanina pa namin tinatahak 'tong daan na 'to ni hindi ko nga alam kung may dulo ba't hangganan.
Kasakit na din kaya ng p'wet ko!
Maano ba kasing sabihin niya kung saan kami tutungo. Baka mamaya niyan dalhin pala niya ako sa lugar na tahimik madilim at walang ibang katao tao kundi kami.
"That won't happen, unless you wanted to... you know" napaawang ang bibig ko ng marinig ang sinabi niya. Teka! Nasabi ko ba iyon ng malakas?
"A-anong --"
"But I much prefer it after marriage, though." saad nito.
Napairap naman ako sa sinabi niya. Pero nang magsink in sa akin 'yung thought ng sinabi niya...
"PUTANG INA MO TALAGANG ABO KAAAAAAAA!!!!"
Ang gago tinawanan lang ako.
Natigil lang ako sa pagsigaw ng mabilis na nagpreno si Abo na halos pumakat na 'yung gulong sa daan, lumilikha iyon ng matinis at nakakangilong tunog.
"Fuck!" Narinig kong mahinang mura nito. Never ko pa siyang narinig magmura ng sobrang lakas.
Abo, he is the type of a person na kapag naiinis nagagalit at nasasaktan ay mas nanaisin nalang tumahimik at huwag kang pansinin. Tapos pag nainis sobrang hirap niyang suyuin.
And one more he's too fuckingly mysterious but I was lucky that he openly let me solved the mysteries that lies and parted him as a person.
Napatingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. At nakita ko roon ang dalawang nakaparadang itim na mga sasakyang van.
Pamilyar...
"PUTA!"
'Di ko napigilang mapamura, nagsilabasan roon ang mga taong nakapostura ng itim. Ngunit hindi armado.
Nagawi din sa likuran namin ang tingin ko at nakita din roon ang dalawa pang van at pagbaba ng mga nakaitim ding mga kalalakihang naglalakihan ang mga katawan.
Kasalukayan parin kaming nakaangkas ni Abo sa ducatti nito nang magsalita siya.
"I'm sure you miss this," ramdam kung nakangisi ito ngayon sa akin. Hindu ko kasi makita ang mukha niya nang dahil sa tinted na helmet na suot nito. Tinitigan ko naman siya ng masama. Putik talaga.
"Hindi na masama, namiss ko nga." tugon ko naman. Maano bang sakyan natin ang kalokohan niya.
"It's been four years Dame, show me your thirst."
"Kahit padamihan pa tayo ng mapapatumba." Hamon ko naman.
Sa apat na taong pagkakakulong ko ay si Abo lang ang naging punching bag ko, wait. Matatawag bang punching bag kung gumaganti din naman?
Sa paguusap namin ay bigla silang umatake.
Humawak ako sa magkabilang balikat ni Abo, then reflexes my body as I kicked my feet aiming the two persons who bravely had the guts to attacked us first.
I aimed the back of their heads.
Bullseye!
"Two, zero." I whispered. "Come on Abo show me how deadly your Rukh's side is." I said as I jumped off his Ducatti.
Ilang sandali pa ay nakita kung napangisi ito. Saka nito ibinaba ang shield ng helmet nito't bumaba sa pagkakaangkas sa kanyang sasakyan.
Hindi ko napigilan ang mapangiti ng dahil doon. He's wearing his usual outfit. Black leather jacket, black pants and a leather shoes. Of course with his black helmet, covering his head.
Hinila ako saglit nito palapit sa kanya. "'Pag may nakita akong kahit maliit na galos sa katawan mo, tatamaan ka sa akin!" Mahina ngunit ma-awtoridad nitong sambit. Kalakas talaga ng dating niya 'pag nagsasalita ito ng hindi banyagang salita.
"Aye aye captain!" I joked. Saka pumuwesto sa likuran niya.
Ilang sandali pa ay umatake na nga sila. Hindi bababa sa trenta ang mga ito. Matitikas at batak ang mga katawan nila. Nasisiguro ko iyon dahil sa bawat sipa at suntok ko ay kasamang nasasaktan ang mga paa't kamao ko.
"6"
"8"
Napatingin ako kay Abo sa narinig kong bilang nito.
"Paanong eight e lamang ako kanina!"
"I took them by two's, darling." rinig ko ang pagmamalaki sa boses nito.
Hambog din pala.
Wait!
Did he just called me, Darling?
Oh-shit!
Nagpatuloy pa ang pakikipaglaban namin. Lumipas pa ang ilang sandali...
"Kinse,"
Napaupo ako matapos kung mapatumba 'yung pang kinse. Nakakapagod. Sobrang batak ng katawan nila. Para akong nangangapa sa pakikipaglaban. Putik talaga...
Ambang susugod sana 'yung isa pa ng titigan ko ito ng masama. Napaatras naman ito at naupo din.
Nagawi kay Abo 'yung attensyon ko at halos mapanganga ako ng mapagmasdan kung gaano siya kabilis at alisto.
Sobrang bilis ng mga pinapakawalan niyang suntok at sipa. Ni hindi ko makitang dumapo 'yung mga suntok at sipa ng taong kalaban niya.
He's the epitome of the word elusion.
Sobrang galing niyang umiwas sa mga suntok at umilag sa mga sipa.
Tumayo na din ako matapos siyang mapanood. Para akong ginanahan sa nakita ko...
"20!"
"Bente!"
Napatingin kami sa isa't isa nang dahil doon. Tie?
Tie kami?
Sa inis ko ay tinanggal ko 'yung helmet ko at tinitigan siya ng masama." Dinadaya mo na ata ako e?"
Tinanggal din niya 'yung helmet niya at tinawanan lang ako nito."Cheating isn't my thing, Idiot." dipensa nito.
Now, where's the darling in that?
Balik muli sa Idiot!
Maiinis na sana ako at gagawin na sana siyang pang bente uno ng mapansin ko ang isa pang lalaking nakaitim na nasa likuran niya at ano mang oras ay aatake na palapit kay Abo.
Uunahan ko sana ito at handa ng sumugod. When he turn his back on me at ginawaran ng mabilis na sipa sa mukha ang taong aatake sana sa kanya.
"21."
"PUTA!"
"You lost," asar pa nito sa akin. I had enough, I throwed a kick a on him, ngunit mabilis siyang nakailag. Ginawaran ko pa siya ng sunod sunod na sipa at mga suntok ngunit talagang forte niya ang umilag.
Kainis.
Tawa lang siya ng tawa habang inaatake ko siya. Nang sumuntok muli ako ay mabilis niyang hinuli ang kamao ko at ikinulong ako nito sa mga bisig niya.
Now he's hugging me.
I was about to kick what lies in between...
When we heard a loud claps and laughs.
His hug tighten, sabay naming ipinukol ang tingin sa taong bumasag sa katahimikan ng paligid.
"MALIGAYANG PAGLAYA, IHA."
Nasilayan ko mula roon ang nakatayong isang matandang lalaki na nakaitim na suit at may nakakalokong ngiti.
Napatingin ako kay Abo ng nababahala, ngunit kalaunan ay napangiti din ng makita ko ang manipis na pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi"LONG TIME NO SEE OLD MAN!" bati pa nito.
"PUTANG INA, KAILAN KA PA NAKALAYA?" Sigaw ko naman. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Abo at saka tumakbo palapit kay tanda.
Kala ko kasi kaaway ang tingin ni Abo rito kaya kinabahan ako.
May pa yakap yakap ng mahigpit pa kasing nalalaman. Chansing lang pala 'ng habol.
Ganda ko talaga.
Sinalubong naman ako ni tanda nang yakap. Ngunit hindi ko iyon tinanggap "Kalalaya ko lang din ngayong araw, Iha." nangunot ang noo ko sa sinabi nito.
Teka. Napatingin ako kay Abo, naglakad naman ito palapit sa amin at nang makarating na ay niyuko saglit nito ang ulo niya bilang paggalang.
Iyon ang ipinagtaka ko. Hindi gano'n si Abo.
"He's now the newest deputy Director of FBI." sambit nito ng napansin ang expresyon ko. Nagawi kay tanda 'yung tingin ko nang maglahad ito ng kamay.
"I'm the newest reborn deputy director Diosdado Ruderte of FBI." pakilala nito sa sarili.
Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang iyon.
Tulad ko'y naging alipin din siya ng masakit na alaala ng nakaraan. Ngunit tulad din ng ibang tao, ay may karapatan din kaming baguhin ang ano mang nais namin sa buhay.
Hindi kailan man maibabatay ang aming kinabukasan sa kung anong nagawa namin sa nakaraan.
"Kung ganoon tauhan mo 'yang mga pipitchuging mga iyan?"turo ko sa mga tauhan nitong bagsak at pagsasawalang bahala ko sa pagpapakilala nito.
Napahawak naman ito sa noo niya at napahinga ng malalim "Mukhang kailangan pa nila ng matinding training, hindi pa pala sapat ang mahigit tatlong taon nilang pagsasailalim sa training!" Tugon nito.
Magsasalita pa sana ako nang magsalita siyang muli "Ngayong nakalaya na si Dame iho, maaari mo na bang tanggapin ang alok kung sumailalim ang mga baguhang agents sa iyo ng pagsusulit?"
Tinignan ko si Abo. Tinitigan naman ako nito ng pabalik. Madalas naming pagusapan ang tungkol sa trabaho namin no'ng nasa kulungan pa ako.
He wanted me to have a normal life, just like what I wanted before. Pero matapos ng lahat ng nangyari. Mukhang hindi ko na talaga maiaalis sa sistema ko ang maglingkod muli sa bayan at mamamayan.
Matama akong nakatingin kay Abo at naghinhintay sa kung ano man ang isasagot nito.
Kung ano man ang desisyon niya, irerespeto ko.
"Yes," napangiti ako ng marinig ang naging sagot niya.
Halos takbohin ko ang pagitan namin at gawaran siya ng sipa sa mukha sa sobrang saya.
Kidding, I'd rather pull him for a kiss. At least dun sigurado akong 'di siya iilag.
"Count me in tanda."
Napangiti lang naman si Diosdado sa naging sagot namin.
Nagawi ang tingin ko sa mga lalaking bagsak at nakahilata sa kalagitnaan ng daan. Hindi na bago ang ganitong senaryo sa akin. Ilang beses na itong nangyari.
Pero kung may isang bagay mang pinagkaiba ang senaryong ito sa senaryo noon.
I'm used to bloody fight and used to leave the battleground with no one's breathing but me.
Pero ngayon, ibang iba. Himbing na himbing sila sa pagtulog at ang ilan ay naghihilik pa. Ibang iba, sobra.
Hindi ako lubos makapaniwala na ang bagay na naging dahilan ng pagkasira ko ay siya rin palang bubuo sa akin.
Na ang bagay na pilit kong nilalayuan noon, ay siya rin palang hahatak pabalik sa akin ngayon.
END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro