Chapter 8 The Prodigy and the Hacker
"Yeah, I knew. And you did, too."-H.
Third Person Point of View
"I need you."
Napabalikwas ito sa pagkakahiga nang marinig ang boses ng nasa kabilang linya.
"Asan ka?" Tanong nito at nang malaman kung nasaan ito ay hindi na siya nagatubiling lumuwas pa papunta roon.
"Ano na naman bang ginawa niya?" Tanong niya muli sa sarili.
Pagkadating niya sa police station ay hinanap nito agad kung nasaan ang pakay niya.
"Dame Alferza where is she?" Tanong niya sa isa sa mga pulis do'n, hindi siya nito sinagot sa halip ay tumayo ang pulis at naglakad papasok sa interrogation room na kanya namang sinundan. Pagbukas ng pinto.
"Aminin mo na kasi, kung aamin ka ngayon mas bababa ang sentensiya mo."
"You have the right to remain silent, Anything you say will use against you in the court of law,"
"Umamin kana! "
"You have the right to an attorney, and if you desire an attorney and cannot afford one,"
"Napakatigas ng ulo mo, aamin ka lang naman mga bata talaga ngayon naku!"
"An Attorney will be obtained for you before police questioning."
"Umamin ka na, nauubus na ang pasensiya ko sa'yo!"
"Antayin mo attorney ko sabi eh!"
"Umamin ka na!"
"Isa pang salita mo tatamaan ka na sa akin!"
"Tignan mo na, sa paraan ng pagsasalita mo mukha--"
"Can I have a talk with her?" Bungad nito.
Nadatnan niyang nagsasagutan ang mga ito at base sa mukha at ayos ng buhok ng pulis mukhang kanina pa naaburido sa kausap. Nang mapalingon naman siya kay Dame, nakaupo lang ito habang nakataas ang dalawang paa sa mesa at abala sa pagbibilang ng buhok niya.
"Anong kailangan mo at sino ka?" Tanong ng pulis tumingin siya muli kay Dame at sa ngayon para na itong 3 year old na nag bu-beautiful eyes sa kanya.
"I'm her Attorney!"
"Attorney?" Takang tanong ng Police.
"I am attorney Aphere tiu, at her service!"
"Wahhh! Asp huhuhu inaaway niya ako!" Patakbong lumapit ito at yumakap. "Huhuhu Asp ikukulong daw ako huhuhu!"
"Ano ba kasing nangyari?"
"'Yan, 'yang pulis na 'yan kanina pa ako kinukulit, gusto niya akong paaminin sa bagay na hindi ko ginawa!"
Itinuro nito ang pulis na kasagutan niya simula pa kaninang dumating ito. Napakamot naman ang pulis sa inasta niya.
"Will you mind to give us some time, I need to talk to my client."
"Sige po Attorney! Halika na Madrigal." hila nito sa pulis na kasama ni Dame.
Pagkalabas ng dalawang pulis.
"Cut the acting D, What the hell just happened and why the fuck you're here!" Timping sigaw nito.
"Asp ba't ang gwapo mo ata ngayon!" Malambing namang sagot ni Dame hindi parin nito kinakalas ang pagkakayakap kay Asp.
"DAME!"
Agad na kumalas ito sa pagkakayakap. Tumungo ito at naupo sa silya, kasunof naman niyang naupo si Asphere sa kaharap na silya nito saka humalukipkip.
"I'm waiting!"
"Tsk!"
"Dame!"
"Kilala mo naman si Kagura diba, 'yung teacher na lagi akong pinagiinitan. Napaginitan nanaman niya ako no'ng nakaraang araw, isang araw matapos maganap 'yung sagutan namin natagpuan siya sa opisina niyang duguan, pinagsasaksak daw siya kritikal ang lagay niya ngayon at ang suspek ay walang iba kundi, ako lang naman!"
"What! Paanong ikaw?"
"Sabi nila gusto ko daw maghiganti, naku! 'Pag ako naghiganti hindi ko na 'yun bubuhayin!" walang buhay niyang sagot.
Nagulat nalang siya ng hawakan ni Asphere ang magkabilaang pisngi niya at saka inilapit ang mukha nito sa kanya.
"Tignan mo 'ko sa mata." saad nito wala naman siyang ibang nagawa kundi ang sumunod.
"Asp alam kung inggit ka sa kulay ng mata ko, ngunit gano'n pa man wala kang magagawa para makuha 'to. What's mine, is mine alone!"
"Shhhhh!'wag kang maingay."
Totoong nakakainggit ang kulay ng mga mata nito, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya nahihindian ang dalaga, taglay nito ang kulay abong mga mata na pati ikaw na nagbabasa ay kaiingitan.
Nagtitigan sila sa loob ng animnapung segundo, walang nagtangkang lumihis ng tingin.
"Mahirap mang paniwalaan, Inosente ka nga."
"Anong mahirap paniwalaan? Inosente 'to gago!" Sumbat nito.
"Aalis na ako, sinisigawan mo naman ako, bahala ka diyan." tumayo 'to saka ambang aalis nang "fuck! D bitawan mo 'ko hindi ako makahinga." lumambitin kasi si Dame sa likuran niya yakap ang leeg nito.
"Ayoko ditoooooo! Attorney ka diba palabasin mo 'ko dito!" sambit niya habang ginugulo ang buhok ni Asphere.
"Oo na, bitawan mo na ako." pagmamaktol namang naging tugon nito.
Agad siyang bumitaw at bumalik sa pagkakaupo. Inayos pa naman muna ni Asp ang damit niya saka umupo habang inaayos 'yung buhok niyang ginulo ng dalaga.
"Attorney Asphere what now?" Nakangiting ani ni Dame rito. Ngumiti naman pabalik si Asp.
"You're my first client kaya let see kung anong magagawa ng isang first timer."
Attorney Asphere Tiu the child prodigy, an accelerated student from high school to College at the age of 13. He finished his studies at Aterio University. And at the age of 18 he top the licensure exam for Law at sa ngayon ay nagaaral pa siyang muli taking up Med.
Won Alvarez
It was two in the afternoon when Juztin and I got at the police station kung saan dinala si Dame, naiwan naman si Ms. Chua para kausapin si Mr. President sa kasong nasangkutan ni Dame.
Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng pagkapunta namin sa presinto ay sinabing nakalabas na si Dame sa tulong ng Attorney nito. Pansamantala lang naman habang inaaral pa ang kaso niya.
Pinuntahan namin ang apartment niya sakaling nandoon siya since natatandaan ko pa naman kung saan 'yun. Remember that fuckin' piece of crumpled paper that she and Lee used to had a conversation?
Well her address was written there. Ngunit pagdating namin doon ay wala parin siya.
I dialled Ms. Chua's number, agad naman niyang sinagot ito. "Can I get Dame's number? Wala siya dito."
"Paanong? Okay I'll forward it right to you." sagot niya then I ended the call, pagka-forward niya ng number ay tinawagan ko na ito.
Nakailang dial na ako wala paring sumasagot! Damn Dame answer the Goddamn phone!
Bumalik kami sa prisinto, para tanungin kung sino ang tumayong attorney niya. And here's what I get "Atty. Asphere tiu" ayon kay PO3 Danak, Asphere? Asphe? His name's familiar!
"Juztin! Locate him!"
Juztin Lee, A happy go lucky person ngunit magaling sa lahat ng bagay na related ang Computer or any Gadgets. His dream is to become a well-known Hacker.
Tsk tsk!
"Aye aye Captain." sagot nito saka sinimulan nga ang inutos ko.
Dinial ko ulit ang number niya hoping this time sagutin na niya. Ngunit wala parin ibababa ko na sana ng may biglang nagsalita.
"Who's this?" Ani ng boses na nagmumula sa kabilang linya.
"Is this Dame Alferza's phone?" Balik tanong ko. Nang marinig na lalaki ang boses na nagmula roon.
"Yes, she's asleep, but wait who's this?"
"This is Daewon Alvarez, friend of her, would you mind if I ask where you at?"
"Daewon, your name sounds familiar---"
"Oh! Is this Asphere Tiu?"
"Yeah, ikaw pala? You're the guy at the--" I cut him off
"Yeah, the jogging thingy!"
Nagkausap pa kami ng matagal then he assured me that Dame is safe and fine, we decided to work together para sa kaso ni Dame and he asked me to get some at the crime scene.
I don't know what he's pertaining about that some! But I am going to figure out that when I get there.
"Nalocate ko na!" Juztin's happily told me. Habang nakangiti na para bang pinaparating na walang bagay ang hindi niya magagawa. Tuktukan ko 'to eh!
"O, good for you ngunit alam ko na kung nasaan sila, balik tayo sa school." Sagot ko saka binuhay ang makina ng sasakyan ko.
"Teka! Nasa school siya?"
"Ugok! Wala siya do'n, may kailangan lang tayong tignan."
Pagkadating namin sa mismong crime scene ay sarado ito. Kaya pala walang naglalagi dito kasi sarado ang way papunta sa office ni Ms. Kagura. Sa unang tingin ay hindi kapansin pansin na may nagyaring krimen rito.
Ilang araw ng nasa hospital si Ms. Kagura ngunit nanatiling tahimik ang lahat. Mga estudyante ay walang alam paanong nagawang itago ng paaralan ang pangyayaring tulad nito?
Nakaseparate ang office ni Ms. Kagura 'di tulad ng ibang offices na halos magkakalapit lang, 'yung kanya nasa likod ng ikalawang building ng Math Club.
Naiiba siya sa mga ibang guro, kung may nerd student, isolated student at weird student meron din palang ganoong guro. Ayon sa sinabi ni Ms. Chua nagsimulang umakto ng ganoon si Ms. Kagura simula ng grumaduate at nawala sa kanya ang tanging nakakaintinding estudyante niya si Wesley Sanford.
Pagpasok ko palang makikita na mula sa kinakatayuan ko ang marka ng mga natuyong dugo sa sahig. Maayos ang mga gamit sa loob ng opisina, wala ni kahit isang gamit ang nakakalat sa sahig. Nilapitan ko ang lamesa niya at napansin doon ang naiwang paper works na halatang hindi pa tapos.
Then my phone vibrated, Ms. Chua's calling.
"Yes, ma'am?"
"Nag out of town si Mr. President, wala siya ngayon dito, hindi ko din siya matawagan malamang ay nasa taas nanaman siya ng bundok o 'di kaya'y nasa ilalim ng dagat, ang ibig kung sabihin ay mahilig ang Presidente na maglakbay sa mga lugar malayo sa impluwensya ng teknolohiya, kaya mahihirapan tayong humingi ng tulong mula sa kanya." saad nito.
Umalis siya? Pero kausap ko lang siya kanina a!
"Ms. Chua nang dumating ang mga pulis dito sa crime scene ano ang mga bagay na natuklasan nila, maaari mo bang alamin?"
"Maliban sa cctv footage na nakuha nila, basag na cellphone at laptop lang ang nakita na nakakalat sa sahig iyan ang alam ko." sagot niya pagkatapos ay tinapos ko na din ang tawag.
Basag na cellphone at laptop?
"Juztin!" tawag ko dito"'pag binasag ko ang laptop mo at cellphone ano ang mawawala sayo?" Tanong ko.
"Shit ka Won, wag naman! basagin mo na lahat 'wag lang ang laptop at cellphone ko?" Sigaw nito sa akin, nakalimutan kung buhay pala niya ang mga iyon.
"Kung sakali lang, ano ang mawawala sayo?" Tanong ko muli.
"Anong kung sakali, kahit na ano pa yan hindi ako makakapaya--Aray!" Binatukan ko nga.
"Answer me properly!" singhal ko.
"Communication!" Biglang sagot niya" 'pag nasira ang laptop ko at cellphone paano kita makokontak 'pag malayo ka, paano ako makakapag-hack pag wala akong laptop at cellphone at paano ako makakanuod n--Aray! Basketball ang ibig kung sabihin, batok ka ng batok ha kanina ka pa!" reklamo nito.
Naglakad lakad lang ako sa loob ng opisina, komunikasyon? Naagaw ng pansin ko ang nakalapag na papel sa lamesa, kanina ko pa 'to napapansin.
Nilapitan ko iyon at nakitang hindi tapos ang nakasulat dito. Itim na tinta ng ballpen ang ginamit rito. Ballpen? Hinanap ko sa kalapit nito ang ballpeng gamit ni Ms. Kagura sa pagsusulat.
Ngunit wala ni kahit presensya ng ballpen sa paligid ng naiwanang papel.
"Won look at this mark!" narinig kung tawag ni Juztin mula sa handle ng pinto. Lumapit ako sa kanya at nakita nga ang hinahanap ko.
"Is that an ink?" Tanong ko.
"Yeah! It's like someone locked her up and she's trying to open it? Did I guessed it right?" nagtataka nitong sagot. Then something popped up in my mind.
"Juztin, help me look for a black ballpen." utos ko sa kanya.
"Ano namang kinalaman ng ballpen?" Reklamo niya
"Hanapin mo nalang!" Kaasar talaga nito.
"Pati inosenteng bagay dinadamay mo! Anong magagawa ng ballpen sa ganong sitwasyon? Imposible namang isulat niya ang pangalan ng salarin baka equation of finding x pwede pa!" mungkahi nito, sira ulo finding x? Hindi ba Geo namin siya ngayon?
Itinuloy nalang namin ang paghahanap, bago mangyari ang krimen maaring may kasalukuyang ginagawa si Ms. Kagura sa kanyang table ng may biglang kumatok at pumasok sa loob ng opisina niya.
Kaya hindi niya nagawa pang tapusin ang sinusulat niya. Maaring kilala niya ang taong pumasok. Pagkatapos noon baka nagkaroon ng komosyon sa pagitan nila na naging dahilan ng pananaksak, sinira ang lahat ng bagay na maaaring magamit para humingi ng tulong. Ngunit!
Kung madami siyang tinamong saksak bakit kailangan pa ng salarin na sar'han at ikandado ang pinto cause for sure hindi na makakatayo para lumabas at humingi ng tulong si Ms. Kagura sa ganoong sitwasyon.
"Sinira niya ang laptop at cellphone ni Ms. Kagura ngunit hindi na nagabalang sirain din ang cctv!" Biglang sambit ni Juztin. Inilabas niya mula sa bag niya ang kanyang computer saka kung ano anong ginawa niya. Makalipas ang ilang sandali.
"Won tignan mo 'to" lumapit ako sa kanya. Nagawa niyang i-hack ang cctv.
"Kung pakatitignan mo ng maayos kulang ang laman at record na meron sa cctv, around 1 pm matapos ang lunch break, araw ng huwebes makikita mong pumasok si Ms. Kagura sa opisina niya, tama, nagsusulat nga siya ng bigla siyang napatingin sa harapan, maaring 'yung pinto ang tinitignan niya then, wala na nag-jumped 'yung oras into ten minutes madaming pwedeng mangyari sa loob ng sampung minutong iyon." tumingin siya sa akin na para bang kinukumpirma ang sinabi niya. Magsasalita na sana ako nang...
"Look!" turo ko sa laptop niya.
Makikita na ngayong nakaupo siya sa swivel chair niya hawak hawak niya ng panahon na 'yon ang ballpen niya makikita mula rito ang sirang laptop at cellphone niya sa ganoong pagkakataon bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng sinasabing si Dame nagulat si ms. Kagura sa nakita, napatayo ito ng nakita ang hawak ng taong kaharap bago pa siya makasigaw ay pinagsasaksak na siya.
Sandali, kung ganoon hindi ang salarin ang sumira sa laptop at cellphone niya. Kung hindi siya, maaring 'yung nauna o kaya naman ay, maaaring siya mismo ang sumira roon, si Ms. Kagura.
Hindi maaninag ang mukha ng salarin hanggang sa nag-jumped nanaman ng ilang segundo ang record sa cctv tapos makikita nanaman ang pananaksak na nangyari.
Tapos nag-jumped nanaman ng ilang segundo muli 'yung record. Ganoon lang ang nangyayari, kung kailan makikita na sana ang mukha ng salarin ay biglang maka-cut ang record.
"I got it Won!" biglang sambit ni Juztin.
"Nakapagtataka namang burado ang iilang scenes lang sa cctv ngunit hindi ang buong pangyayari, na para bang intensyon talagang burahin lang ang ilan." Tuloy niya.
"Sa mga scenes na hindi nabura makikita lang ang likuran ng salarin, maaring sa ilang scenes na nabura ay nakita ang mukha niya kaya 'yun lamang ang sinadyang burahin." Patuloy pa muli nito. "And looking at the cctv footage, we can't deny the fact that, it was Dame's back we're seeing!"
"Tama ka. At sa ngayon mahihirapan tayong kilalanin ang totoong salarin at ang makakatulong lang sa atin ay ang mismong biktima." Tanging naging sagot ko.
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro