Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7 Barking at the Wrong Tree!

"Mine's true, mine's real, won't deceive you."-T.

Won Alvarez

"Nang minsang napunta siya dito sa detention. Buwan iyon ng Agosto, kung hindi ako nagkakamali. Mag iisang oras palang siyang nandoon sa loob ng makarinig ako ng kalabog at hiyaw, hindi ako nagatubiling pumasok para makita kung anong nangyari, ngunit nang makapasok ako halos hindi ko makilala ang batang pinapasok ko sa loob ng nakangiti dahil para sa kanya sanay na siyang mamalagi doon, duguan ang dalawang kamao niya, may bahid ng pulang likido ang sahig at dingding, hindi ko alam pero ng mga sandaling iyon nakaramdam ako na para bang kailangan niya ng karamay kaya niyakap ko siya at mula roon ay napahagulgol siya ng sobra, hinding hindi ko makakalimutan ang araw na nasilayan kong lumuha ang mga mata niyang kay sagana ng saya."

I needed to fucking see her!


Third Person Point of View

"Pinaghihinalaan mo ba ako?" Diretsahang tanong niya.

"Isang araw matapos mangyari ang pagsagot mo sa kanya nangyari 'yung pananaksak s--" Hindi na natapos pa ni Ms. Chua ang sasabihin niya dahil bigla nalang nagtaas ng boses si Dame. At napatayo ito mula sa prenteng pagkakaupo.

"PINAGHIHINALAAN MO BA AKO?"

"Kakampi mo ako, kaya pakiusap sabihin mo ku--"

"TINATANUNG KITA PINAGHIHINALAAN MO BA AKO?" Sigaw niya pa muli saka nito itinaob ang lamesa. Nagkalat ang mga tirang pagkain sa lapag at basag na salamin. Napatayo at napaatras si Ms. Chua sa naging akto niya. Tinitigan niya ito sa mata.

"NAKITA KA NG ISA SA MGA ESTUDYANTE NO'NG ARAW--"

"OO O HINDI LANG, Oo o hindi lang pinaghihinalaan mo ba ako?" Pagsusumamo tanong nito. Pagkaraan ay napaupo siya sa narinig niyang sagot sa kanyang hinahangaang guro.

"O-oo, matibay ang hawak nilang ibedensya dahil nakuhanan ka sa cctv no'ng araw na 'yun." sambit nito. Napahilamos siya dahil dito.

"Bakit? Bakit ngayon pa?" tanong niya sa sarili niya. Pinipigilang kumawala ang mga luha sa mga mata niya.

"Nakita ka ng isang estudyanteng pumasok sa opisina ni Ms. Kagura, nakakapanghinala daw ang akto mo nang araw na iyon! Balisa ka daw paglabas mo ng opisina niya, kaya anong gagawin k.."

"Putangina! hindi hibang ang utak ko, at hindi din ito kinakalawang para gumawa ng isang bagay na alam kung ikapapahamak ko! Check me up if you want! Ano ako baliw? Ano ako mamamatay tao?" Kababakasan ng pagkadismaya ang boses nito.

"Ilang minuto nalang dadating na dito ang mga pulis para arestuhin ka, kaya pakiusap sabihin mo ang nalalaman mo para matulungan kita." pagmamakaawa sa kanya ni Ms. Chua na halos maluha na din sa nangyayari.

Napalapit na ang loob nito  sa kanya, kaya hindi ito makapaniwala na magagawang gawin ni Dame 'yun ngunit, kahit anong gawing pagtatanggi niya  hindi niya maikakailang may posibilidad na si Dame nga ang may gawa noon.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo, lalo na kung--" 

"Ako lang ang kakampi mo dito, kaya pakiusap Dame pakinggan mo naman ako!"

"Bakit ako hihingi ng tulong sa taong pinaghihinalaan ako? Kaya ko ito ng mag isa! Hindi kita kailangan." Sagot nito, saka tumayo at akmang aalis na nang matigilan siya.

"Akala ko kilala na kita? Isang estudyanteng hambog pero matalino, isang estudyanteng an--"

Hinarap niya ito saka dumalawang hakbang para bawasan ang nakalaang espasyo sa pagitan nila hanggang sa maging isang metro nalang ang layo nila sa isa't isa.

"Hindi mo ako kilala" iling nito."dahil kung talagang kilala mo na ako mahihiyang kumawala ang mga salitang lumabas diyan sa bibig mo." dagdag niya saka niya ito tuluyang tinalikuran.

Napatulala si Ms. Chua sa huling salitang binitawan ni Dame

"At kung balak ko siyang patayin, gagawin ko iyon sa pulidong paraan! Nakalimutan mo atang, Dame Alferza ang ngalan ko."

Won Alvarez

Babalik sana ako sa canteen sakaling nandoon na siya, nang makarinig ako ng sirena ng pulis. Teka bakit may pulis dito? Madaming tao ang nagkukumpulan sa may labas ng opisina ni Ms. Chua so I run my way there.

Nakipagsiksikan ako para makapunta sa harap. Pinaliligiran ng mga pulis ang buong opisina at mula roon ay lumabas ang taong kanina ko pa hinahanap.

Walang emosyon siyang lumabas doon with Ms. Chua's following her. Agad siyang hinawakan ng mga pulis. Madaming nagtatanungang estudyante kung ano ang nangyayari, maging sila ay walang alam kagaya ko.

"You have the right to remain silent--" they were about to handcuffs her, nang itulak niya palayo ang mga ito sa kanya saka naglakad papasok sa police mobile.

"Anything you say will use against you in the court of law. You have the right to an attorney, and if you desire an attorney and cannot afford one. An attorney will be obtained for you before police questioning." Patuloy ng police kahit nasa loob naman na ng sasakyan 'yung binabasahan niya.

Gulat na gulat ako sa nangyari, gusto kung ihakbang ang mga paa ko papunta sa kanya at hilain siya palabas ng sasakyan at ilayo. But, my mind just can't do what my heart wants. I can't even take a step forward for damn's sake!

Pinanuod ko lang siya, pinanuod ko lang kung paano siyang tuluyang naglaho. Shit! Wala man lang akong nagawa.

Nagsialisan na ang mga taong kanina lamang ay nagkukumpulan para makasagap ng balita, naiwan akong mag-isang nakatanaw sa daang tinahak ng sasakyan sakay si Dame.

Ano bang meron at bakit dinakip siya?

May hindi ba ako nalalaman?

Tumingin ako sa pintong pinanggalingan niya, at mula roon ay nakita ko ang tulalang si Ms. Chua.

"What have I done?" Narinig kong sambit niya, nilapitan ko ito.

If there's someone who knows what really just happened earlier, it's her.
It's Ms. Chua.

I wonder what's the cause behind that fucking accusation.

"Can I talk with you ma'am?"

Napatingin naman siya sa akin, ngunit hindi nagtagal ay pumasok siya sa opisina niya. Sinundan ko naman siya at mula roon ay nakita ko kung gaano kagulo ang opisina niya, madaming nagkalat na pagkain at basag na salamin. Isinara ko ang pinto.

"I doubted her!" Simula niya.

Naupo siya sa isa sa mga sofa nakahilamos ang kamay sa mukha at pagkaraan ay napatayo na tila balisa at 'di makapakali mayamaya ay naupo muli ito.  Paulit ulit lang ang sinasabi niya, ni hindi nga rin siya makatingin sa akin.

"Maa'ri ko po bang malaman kung anong tunay na nangyari?" Kuha ko sa atensyon nito napatingin naman siya sa akin na para bang tinatanong kung bakit gusto kung malaman at ano namang mapapala ko kung sakali.

"I know it will sounds weird but, I just wanted to know her, and to help her if she needed to!" Tinignan niya ako sa mata na para bang sinusuri kong mapagkakatiwalaan ba ako.

"You are?"

"I'm Daewon Alvarez, classmate kami ni Dame and believe it or not she's a friend of mine."

"Kung gano'n nasaksihan mo ang naging banggaan nila ni Ms. Kagura?"I nodded.

Bakit nasali si Ms. Kagura dito?

"Yes! Ang totoo niyan ako 'yung dahilan kung bakit nangyari po iyon," nagtaka naman siya sa sinabi ko kaya ikwinento ko kung ano 'yung nangyari bago kami mahuli at mapagalitan siya ni Ms. Kagura.

"Sandali ano naman pong kinalaman ni Ms. Kagura dito?" I asked out of curiousity. Natigilan siya at sandaling natahimik. Pakaraan ay nagpatuloy din.

"Nasa hospital ngayon si Ms. Kagura at kritikal ang lagay niya matapos siyang pagsasaksakin sa loob ng kanyang opisina."

What the! Anong namang kinalaman ni Dame sa...'wag mong sabihing, napatingin ako ulit kay Ms. Chua at nakuha naman niya ang ibig kung sabihin.

"Si Dame ang suspek, may nakakakita daw sa kanya ng mga araw na naganap ang pananaksak at nakuha din sa cctv 'yung anggulo at base doon masasabi kung si Dame nga ang babaeng nakuhanan sa vide--"

"Sandali!" Putol ko rito. " Sigurado ka ba? Ano naman daw ang motibo niya?" 'Di ko napigilang itanong, hindi ako naniniwalang siya ang...

"Matagal ng hindi maganda ang relasyon ni Ms. Kagura at Dame naging saksi ka sa isa sa mga iyon. Paghihiganti daw ang motibo niya."

Naalala ko 'yung sinabi ni manong guard kanina. Parang may mali! Kung 'yun ang magiging basehan hindi magiging perpekto ang isang puzzle, kung ipipilit mong isapwesto ang isang puzzle piece salungat sa kinakailangan nito.

"Ah manong alam mo ba kung bakit dito siya nagaaral?" Curious kong tanong.

"Ah natanong ko din yan sa kanya noon, at ang sabi niya "hindi naman sa mayabang manung pero matalino daw ako eh" 'yan 'yung saktong salitang sinabi niya sa akin" hindi nga nakapagtataka.

"Hindi naman sa mayabang manong pero Matalino daw ako eh"

"Gaano katalino si Dame para makapasok sa paaralang ito?" Tanong ko kay Ms. Chua.

"Graduate ng Valedictorian sa pampublikong paaralan si Dame, ngunit kahit ganoon pa man, napahanga ang Presidente ng paaralang ito ng minsang talunin ni Dame ang isa sa ipinagmamalaking estudyante ng paaralang ito, ang alaga ni Ms. Kagura si Wesley Sanford sa isang Open Quiz bee. Madaming nagoffer ng scholarships para kay Dame at isa na doon ang eskwelahang ito, todo efforts ang iba't ibang paaralan para makuha siya, kinausap ko ang presidente at sinabing bulagin namin siya ng mga palamuting salita at regalo para piliin ang eskwelahang  ito ngunit hindi pumayag ang presidente at sinabing 'wais ang taglay niyang talino, isang kapangahasan ang paggamit ng pera at luho para lang makuha siya' 'yan ang sinabi niya kaya walang ginawa ang eskwelahan ngunit laking gulat ko nalang nang piliin niya ang eskwelahang ito. The moment she became a Salledean she then started to pull up the University's level, she's the person behind the University's success. She always ace it! For she's an ace herself. " nakangiti niyang kwento. Presidente? The Salle de University's President? Seriously? I didn't know that!

Nevermind.

"Pero bakit walang nakaka-alam?"

"Hiniling niyang 'wag ipaalam, nakita mo ba ang sasakyan niya?" 'Yung kambal ni baby veyron? Tumango ako.

"Nakikita ko siya laging nakatingin sa sasakyan ni Mr. President minsan nahuhuli ko din siyang sinusuri at linalapitan ito kaya ipinaalam ko kay Mr. President iyon, natuwa siya sa sinabi ko at hindi nagdalawang isip na niregaluhan niya ito ng sasakyan, may kamahalan ang sasakyang iyon at alam kong mahihirapan akong pilitin si Dame para tanggapin ito, ngunit laking gulat ko noon ng tanggapin niyang walang hirap ang sasakyan, natatandaan ko pa kung gaano kasaya ang itsura niya ng mga oras na 'yun." Tuluyan na siyang napaluha sa huling sinabi niya.

He did? He gave Dame a car? Not just a fucking simple car for pete's sake! A buggati veyron man! Bugatti! Sumilay ang ngiti sa labi ko. Sa narinig ko imposible talagang siya ang may gawa noon.

"Sa mga nabanggit mo masasabi kong matalino nga talaga siya, at imposibleng siya ang may gawa ng pananaksak." napatingin siya sa akin sa sinabi ko.

"You've seen how brilliant and as the same time wise Dame Alferza is, and it's a sign of discrimination to look down on her capabilities and judge her in such an unjustifiable act, na ibinibintang sa kaniya, hindi kikilos ang isang Dame Alferza sa ganoong paraan." sambit ko.

Napapatango naman si Ms. Chua na para bang nakuha ang nais kung iparating. "Tama ka!" sagot niya na para bang hiyang hiya.

"Paano ko nagawang paghinalaan ang taong tulad niya?" Dagdag pa niya. "Help me, tulungan mo 'kong ipagtanggol siya." hinawakan niya 'yung kamay ko ng sobrang higpit. Umiling naman ako.

"No need to ask for it, cause I will" 

Dame Alferza

Nandito ako ngayon sa interrogation room, kanina pa tanong ng tanong 'tong isang pulis dito. Eh wala pa nga akong attorney ah. You have, you have the right to an attorney pa siya tapos! Issss.

"Aminin mo na kasi na ikaw ang sumaksak sa biktima diba?" Tanong niya ulit. Pang ilang beses na niyang tanong 'to?

"Patawag muna kasi, kukuha akong attorney ko" sagot ko.

At gaya ng tanong niyang paulit ulit ganyan din ang naging sagot ko ng paulit ulit. Matira matibay tayo. Napatayo siya habang hawak hawak ng dalawang kamay niya ang buhok niya na para bang tangang sinasabunutan ang sarili.

"Aminin mo na kasi--"

"Patawag na kasi." putol ko wala naman siyang ibang nagawa kundi pagbigyan ako sa gusto ko.

Buti na lang talaga bestfriend ko si math. Tinawagan ko 'yung taong alam kung tanging nagtitiwala sa akin.

"Fuck! Who's this?" Bungad niya.

"I need you."

~***~

"Is it good? Masarap ba sa pakiramdam ang paglaruan ang buhay ng mga tao?"

"Oo naman lalo na kung kasama ka pa rito, bakit hindi mo ba nagustuhan ang itinira ko? May panibagong thrill nanaman ang buhay mo. Galingan mong mag imbestiga kasi malay mo katabi mo na pala siya." halakhak ng lalaki.

"Enjoying a fucking game huh! Just be sure na kontrolado mo pa rin ang laro, cause I'll do everything to turn that fucking table in favor of me! Keep that in your impotent mind!"

Juztin Lee

Kanina ko pa hinahanap si Won, nabalitaan ko kasing inaresto daw ng mga pulis si Dame bakit naman kaya? Aalis na sana ako para pumunta nalang sa prisinto at baka nandoon na si Won nang makarinig ako ng boses sa may parking lot malapit sa sasakyan ko. pinakinggan ko ng maiigi 'yung boses na 'yun, parang si Won 'yun ah!

"I'll do everything." sambit nito maistorbo nga 'tong gagong to kanina ko pa hinahanap eh!

"Uy! Nandito ka lang pala!" Nagulat naman siya sa inasta ko na para bang ngayon lang uli nakakita ng gwapo.

Itutuloy~~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro