Chapter 6 Least Expected
"Hey! Notice me!"-A.
Dame Alferza
'Tok!tok!tok'
Nagising ako sa katok na nagmumula sa labas ng pinto, tinignan ko ang orasan sa wall sa may taas lang ng pinto. Pasado alas kwatro palang ng umaga sinong mapangahas ang bumulabog sa tulog ko?
"D! open the door!"
"Fuck you Asp!" Sigaw ko saka nagtalukbong inaantok pa ako gago.
"Halika na, mag-jogging tayo tinatalo na ng fats 'yung abs ko!" sigaw pa muli niya. Inis akong tumayo bitbit ang isang unan pagbukas ko ng pinto pinaghahampas ko siya.
"Gago ka talaga, kita mo nang natutulog ako diba?"
"Aray ko!"
"Kung gusto mong mag jogging mag jogging ka mag-isa mo kailangan mo pa talagang sirain ang tulog ko!"
"Aray ko D ah masakit na!"
Reklamo niya habang pilit sinasangga ng kamay niya 'yung bawat palo ko ng unan sa uluhan niya.
"Sasusunod na sirain mo pa ang tulog ko kutsilyo na ang sasalubong sayo!" banta ko sa kanya agad naman niyang hinila 'yung unan saka pumasok ng apartment ko.
"Ang brutal mo talaga, magmumog ka na nga ang baho ng hininga mo!" Reklamo nito.
"Dameeee!!!" Nagtatakbo ako papuntang CR, sinikmuraan ko nga ang loko. Kung ganitong kulang ako sa tulog, pakiramdam ko, kulang din ang pagiisip ko.
Matapos kong gawin lahat ng gagawin ko dumiretso na ako sa sala.
"Makakatakbo ka ba ng maayos diyan?" Bungad nito sa akin.
Tinignan ko 'yung suot ko, okay lang naman ah, naka-jacket naman ako 'yung nga lang I'm wearing maong pants! May jogging pants naman ako kaya lang pagsinuot ko 'yun ngayon baka wala na akong maisuot bukas for our PE class.
That's just an excuse though, ang totoo 'di ko pa nakukuha sa laudry shop 'yung mga pina'laundry ko. Tinignan ko ang suot niya, hmmmm.
"Magpalit ka nga!" tuloy pa niya saka ako sinenyasan na umalis. Napakamot ako sa batok na sumunod.
Pagpasok ko sa kwarto ko, binuksan ko agad 'yung kabinet ko at naghalukay ng isusuot ng gaya sa kanya. Kaya lang wala eh, wala naman akong sandong puti na maayos tapos wala din akong shorts na kagaya no'ng kanya, pa'no na 'yan?
Pinagpatuloy ko lang ang paghahalungkat. And there I saw it. Matapos kong isintas ang sapatos ko ay lumabas na ako. Nakaupo parin siya sa sofa habang nagpipindot pindot sa cellphone niya, linapitan ko siya.
"Psssst!"
Agad naman siyang tumingin sa akin saka sinuri ang suot ko, ang gago tinignan ako mula taas pababa! Babatukan ko na sana siya nang hinawakan niya agad ang kamay ko saka ngumiti ng sobrang tamis.
"Tara na!" Tanging sambit niya saka ako hinila palabas. Issss.
Paglabas namin malamig na simoy ng hangin agad ang bumungad sa akin. madilim parin pero nasisinagan naman ng mga street lights 'yung daan kaya walang problema.
"Bakit mo naman naisipang mag jogging, ano nanamang nakain mo?" Tanong ko sa kanya habang tumatakbo.
"Eh ikaw bakit ka sumama?" Balik tanong niya?
"Kailan pa naging sagot ang tanong sa isang tanong?"
"Gwapo kasi ako." sambit niya.
"Anong konek? Tsk! Malala ka na!" I said then rolled my eyes on him after saka inunahan siya.
Napatigil lamang ako sa may bench ng makaramdam ng uhaw. Umupo naman sa tabi ko si Asp.
"Pagod ka na?" Tanong niya.
"Nauuhaw ako!"
"Sige hintayin mo muna ako dito hahanap lang ako ng p'wedeng mabilhan." sagot niya saka siya tumakbo paalis.
Nagpupunas naman ako ng pawis nang mapatingin ako sa kalangitan. Lumiliwanag na kahit papaano. Napapikit ako sandali para damhin ang hanging lumalapat sa balat ko.
That's where I heard some noise, rinig na rinig ko ang pagkawasak ng mga tuyong dahon gawa ng mga yabag na naririnig ko. Ambilis namang makabalik ni Asp, sa kabilang kanto pa 'yung bilihan ah!
As I openned my eyes, I saw an ape facing me.
"What are you doing? And why the hell you're wearing that kind of stuffs?" Sambit niya, habang nakaturo sa akin. Hindi parin niya nilalayo 'yung mukha niya sa mukha ko. Itinulak ko nga siya saka tumayo.
"Nag j-jogging bakit ikaw lang ba may karapatang mag jogging at anong mali sa suot ko eh ganito naman talaga ang suot ng mga babaeng nagj-jogging ah!" Dipensa ko.
"Hmmm, now you're thinking that you're a woman, 'cause of that?" He said mocking me. mali nanaman ba 'yung suot ko? Napapangiwi siya eh. Naiinis na ako ah!
"Ano bang mali sa suot ko?" Timping tanong ko.
"Hindi lang mali? Look at what you're wearing, hindi naman bagay sa katawan mo! " naririndi na 'yung tenga ko ah."you doesn't have the--" muntik ko na siyang masipa ng ituro nito ang hinaharap ko.
"ANO BANG PAKIALAM MO SA KUNG ANONG SUOT O ISUSUOT KO? HINDI PORKE'T LALAKI AKO KUNG UMASTA E HINDI NA AKO PWEDENG MAGSUOT NG GANITO! AT HIGIT SA LAHAT NAKAKADAGDAG BA NG PAGKALALAKI MO ANG HUBOG NG KATAWAN NG ISANG BABAE KAYA GANO'N MO NALANG AKO INSULTUHIN?"
"What?"
"OH BAKA NAMAN GUSTO MO PANG MAGPANTY AT BRA NA LANG AKO? PARA MAGING SOLID ANG DEVELOPMENT MO?"
"No that's not what I'm tryi..."
"OH HUMIRIT PA! Just tell me Mr. Alvarez, do you want me naked!" I sarcastically countered! Magsasalita pa sana siya nang dumating na si Asp.
"May kasama ka pala D, eto na 'yung tubig mo oh!" Sabay abot niya ng tubig tinignan ko lang siya.
"SA SUSUNOD NA BULABUGIN MO PA ANG TULOG KO PARA SA PESTENG JOGGING NA 'YAN HINDI KA NA MAKAKAUWI NG BUHAY" Bungad kong sigaw sa kanya saka linagpasan siya uuwi na ako! Nakakalimang hakbang na ako palayo ng makaramdam ako muli ng pagka-uhaw.
Naglakad uli ako palapit kay Asp saka hinablot 'yung bote ng tubig at binuksan ito saka uminom halos maubos ko na 'yun saka ibinalik sa kanya at tumakbo palayo. KAINIS may pasok pa ako.
Won Alvarez
So, she's with her boyfriend? Tsk ano ulit pangalan niya? As? Tsk.
Maaga akong nagising kaya napagpasyahan kong mag-jogging nang makita ko siyang parang tangang nakapikit habang nakaupo at nakatungo sa langit at higit sa lahat 'yung suot niya para siyang...
FUCK!
Kaikli no'ng suot niyang shorts matching it with fitted sleeveless shirt. Fuckingly fuck!
"Paktay! Ano bang nangyari dito habang wala ako?" Tanong no'ng As
"Hindi ko alam bigla nalang siyang nagalit nang sitahin ko 'yung suot niya." amin ko.
"Ah kaya pala, I'm Asphere, kaano ano mo siya at bakit mo kinausap?"
"I'm Daewon, we're classmates sa Salle de University, pasensya na kung naabala ko 'yung jogging date niyo."
"Date? Oh! How I wish bro!" He said, hoping.
"You're not together?"
"Nope, just her bestfriend!" Sagot niya. Pagkaraan ay nauna na din ito.
"Bestfriends lang pala eh" sambit ko sa sarili ko when my right brain interrupted "sa pagkakaibigan kaya nagsisimula ang lahat."
"Shut up!"
Umupo muna ako sa bench kung saan siya nakaupo kanina, hinintay kung magpakita ng tuluyan 'yung araw saka bumalik sa condo may pasok pa ako, magaalas sais na din.
Wait!
Let me clear something. SHE ISN'T MY TYPE!
I just love pissing her!
Juztin Lee
Ang saya ng umaga ko ngayong araw, kaya wala pang alas s'yete nandito na ako sa school roaming around. Pumunta akong room bandang 6:30am para naman kahit papaano ako naman 'yung Most punctual.
Pagkarating ko do'n. Tama nga ako wala parin si Won at Dame 'yung dalawang 'yun talaga kailan ba sila matututong pumasok ng maaga? Hindi nila ako gayahin mga pasaway! Umupo ako sa usual seat ko, saka nilabas ang cellphone at naglaro muna ng online game.
Matapos kung maglaro ng mga tatlong beses, Ranked game 'yun ah! Panalo lahat binuhat ko silang lahat eh! T'yaka isa pa cancer mga kalaban. Saktong alas s'yete dumating na si Dame. Dahil nga masaya ang araw ko babatiin ko siya.
"What's up Dame nakatulog ka ba ng maayos?" Inirapan niya lang ako saka dumiretso sa upuan niya. "Dame ayos ng suot natin a, plantyadong plantiyado" tuloy ko pa.
"MAGSALITA KAPA NG ISA, SUSUNUGIN KO 'YANG DILA MO!" She exclaimed.
Teka may nasabi ba akong mali? Nagtatanong lang naman 'yung tao ah! Pinuri ko pa nga ang suot niya. Napapakamot akong naupo ng maayos sa upuan ko. Sakto namang dumating si Won. Babatiin ko sana siya ng siya na 'yung nauna.
"Sup! Bro, Goodmorning!" nakakapanibago ang gago. Nakipag-high five pa eh. Teka I smell something meaty!
"Blooming ka ngayon ah!" Balik ko sa kanya. Kinidatan ako ng loko saka umupo.
"Hindi naman!" Tuloy pa niya, seriously para siyang TANGA!
"Kamusta naman 'yung tulog mo Juz, dapat pala tinext kitang mag jogging, nakakaburn ng fats 'yun."
Napatingin naman ako sa muscles ko sa sinabi niya. Wala namang ipinagbago muscles parin. Maganda ata talaga ang araw niya ah!
"'Wag mong sabihing nag jogging ka?"
Tumango lang siya habang nakangiti parin.
"Tapos habang nag j-jogging ka may nakita kang babae?"
Tumango uli siya. Shet sabi na nga ba!
"Tapos dahil may nakita ka, nilapitan mo 'to?"
Tango ulit. Napakatalino ko talaga. What's next?
"Kailan pa bumalik 'yang utak mo? Tama ka may nakita nga akong babae at alam mo napaka....."
"BWISIT KA TALAGANG LALAKI KA, OO HINDI NA AKO MAGANDA ANO NA MAN NGAYON KUNG PANGET AKO? IKAKASAYA MO BA HA! PWES KUNG GANO'N PADEVELOP MO YUNG PROFILE PIC KO, I FOLLOW MO DIN AKO SA IG PARA NAMAN KAHIT PAPAANO MAGING MASAYA KA! FUCK YOU!"
"Ms. Alferza why are you shouting? Umagang umaga sinisira mo 'yung...." hindi na din natapos ni Mr. Snape 'yung sasabihin niya nang tumingin ng napakatalim sa kanya si Dame, shet 'wag mong sabihing.....
"PASENSYA KA NA SNAPE NASIRA DIN UMAGA KO EH! SYEMPRE DAMAY DAMAY NA 'YAN!"
Sinigawan niya lang naman si Mr. Snape. Sinigawan lang naman niya ang isang professor. Shet! Kailan kaya ako masasanay sa ganitong akto niya? No'ng una ang iyakin niya tapos ngayon!
Lord give us back the crying Dame!
"MY OFFICE NOW!" Putik! ngayon ko lang narinig na sumigaw din si Mr. Snape! 'Yung totoo, ang ganda ng umaga ko tapos ganito lang mangyayari?
Hinablot ni Dame yung bag niya saka lumapit kay Won. Nginisian naman siya ni Won.
"FUCK!" Sinikmuraan nito si Won saka lumabas.
"How dare you!" Won shouted. "FUCK YOU" sigaw naman pabalik ni Dame.
Buti sana kung kami kami lang 'yung nandidito, ibang iba na 'yung Dame na nakilala ko sa Dame na nakikita ko ngayon. Pati 'yung mga tao rito napapailing nalang din. May ilan din namang natutuwa, ewan ko ba!
Lumapit ako kay Won"Ayos ka lang ba bro?"
"Let me try it on you, tapos tanungin din kita kung ayos ka lang!"
Akmang susuntukin niya ako ng umatras nga ako ng sobrang layo sa kanya. Ano bang nangyayari?
HINDI NA TALAGA AKO PAPASOK NG MAAGA. I SWEAR!!!
Dame Alferza
"Hindi ko nagustuhan 'yung inasal mo kanina! Wala ka na ba talagang galang sa akin?"
Hindi ko siya sinagot sa halip inilabas ko 'yung phone ko at tinawagan si Ms. Chua ilang ring lang sinagot naman niya agad.
"Nandito ako sa office ni Mr. Snape." bungad ko saka siya binabaaan.
Bumukas agad ang pinto, magkalapit lang naman 'yung office nila ni Snape kaya hindi na ako magtataka kung nandito na agad siya.
"What brought you here, Ms. Chua?" Bungad ni Snape.
Tumayo naman ako at sinenyasang umupo si Chua. Kahit naman papaano may respeto naman ako.
"I heard, that you're looking for a student to represent our school for the upcoming Local Quiz Bee? And I also heard that, you haven't yet found someone, suit to be our representative? Mr. Snape, I would love to hand a help, only if you wanted me to. And guaranteed,we'll ace it!"
Isssss. Nakakalaki din nang ulo 'yung makarinig ng ganito.
"You've had heard it all? At hindi ko na maitatanging, I badly need a help." saad naman ni Snape, Don't you worry Snape. I got you!
"Kaya nga ako naparito para doon, ngunit may hihingiin sana akong pabor."
"Ano 'yun Ms. Chua?"
"Kung ano mang nagawa ng batang ito sayo." turo niya sa akin "maaari bang ipagsantabi mo na muna at hayaan mong ako na ang kumausap sa kanya." napapangiti ako sa mga sinabi niya. Astig din talaga ni Chua kung minsan eh.
"Ngunit anong kinalaman--"
"Ang totoo niyan Mr. Snape may dinaramdam na karamdaman ngayon si Ms. Alferza," nanlalaki ang matang napatingin ako kay Chua anong karamdaman? "And I'm her incharge guidance councelor ngayong araw, naatasan akong bantayan ang bawat kilos niya."
What the fuck Chua?
Napailing iling naman si Snape at napapahawak sa baba saka ako tinignan na para bang sinusuri, nagiwas ako ng tingin baka hindi ako makapagpigil.
"Kung ganoon nga ang lagay ni Ms. Alferza, sige papalampasin ko ang pangbabastos niya sa akin." makapagsalita naman ito ng pangbabastos para namang hinipuan ko. Ang gwapo mo po sir!" Basta ba ipangako mong ikaw na ang bahala sa paghahanap ng isasali ko sa--"
"Oo naman Mr. Snape, alam mo namang may isang salita ako. Maraming salamat mauuna na kami." nakipagkamay siya rito bilang paalam niya saka ako hinila palabas. Nang makarating kami sa opisina niya tinanggal ko 'yung pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Anong karamdamang pinagsasabi mo? Ano ako---"
"Magpacheck up ka mamaya sasamahan kita, mukhang hindi maganda ang lagay mo ngayong nagdaang araw."
"Anong check up?"
"Pumupurol na 'yang utak mo, hindi ganyan ang Dame Alferzang kilala ko, nagiging utak langgam ka na." sumusobra na 'to ah pigilan niyo ko!
"Wag ka na munang pumasok matulog ka muna." turo niya sa sofa. Napangiti uli ako. Tama nga siya baka kulang lang ako sa tulog. Nahiga nalang ako saka pumikit."Gisingin mo 'ko bago lunch ah!" sambit ko pa.
Teka...napabangon ako muli.
"Sandali, kailangan ko palang pumasok, baka paginitan ako ni Kagura pag 'di ako pumasok."
"Na diagnose ng dengue si Ms. Kagura nasa hospital siya ngayon."
Natigilan ako sa sinabi niya. Ngunit pagkaraan ay nakabawi din. Hindi na ako sumagot at nahiga nalang muli.
Dengue? Tsk!
Won Alvarez
Where is she? Kanina pa siya wala ah, malapit na ding mag lunch wala pa siya. Dumating si kalbo kanina hindi naman siya kasama, saan nanaman tumambay 'yung babaeng 'yun? Pasulyap-sulyap ako sa paligid nagbabaka-sakaling makita siya pero wala talaga! Hindi kaya nasa detention room nanaman siya?
Why do I always need to feel this unknown kind of guiltiness whenever she's in trouble. I shouldn't have felt this thing for pete's sake! It's kinda irritating! I should enjoy it right? Since pissing, supposed to be enjoyed!
"Juz mauna ka ng mag lunch may pupuntahan lang ako saglit."
Juztin's smile fades the moment he heard me, I just ignored him, saka naglakad palabas ng room, dumiretso akong third floor sa may detention room nakita ko naman agad 'yung guard kaya nilapitan ko ito.
"May Tao ba sa loob manong?"
"Walang masyadong naddetention dito maliban kay dilaw pinagawa ata ang detention na ito para lang sa kanya." tawa nito.
"Sinong dilaw?"
"Si Ms. Alferza, loko kasi 'yung batang 'yun, last year halos araw araw siya ritong nananalagi. Tapos 'pag tinatanong ko ang laging sambit niya 'Mahal na mahal ako ni Kagura eh" kilala mo 'yun hindi ba si Ms. Kagura? Lagi niyang nakakabangga 'yun, balita ko nga binagsak pa siya eh pero tignan mo nandito parin siya? Naawa na nga din ako minsan doon sa batang 'yun."
Nagbago ang expression ng mukha ni manong, inaalala ang mga nakalipas na pangyayari.
Tsk! Bakit naman siya maaawa sa Amazonang iyon?
"Ah manong alam mo ba kung bakit dito siya nag-aaral?" I asked curiously. That question always lingered on my mind since the day I met her.
"Ah natanong ko din 'yan sa kanya noon, at ang sabi niya."hindi naman sa mayabang manong pero Matalino daw ako eh" 'yan 'yung saktong salitang sinabi niya sa akin."
Upon hearing manong, hindi nga nakapagtataka. Mayabang talaga siya.
"Nakakaaliw ang kakulitan ng batang 'yun." dagdag pa niya ng nakangiti.
Napawi ang ngiti niya ng may sabihin pa muli siya sa akin. Hindi ko alam pero nang marinig ko ang lahat ng iyon.
I think I just melted!
Shit! I wanna protect her.
I shitly wanna do. Swear!
But, How?
Is hugging her enough?
Is it enough?
Dame Alferza
Nagising ako ng may maamoy akong masarap na pagkain pagkamulat ko nakita ko ang umuusok pang sinigang na nakahain sa lamesa kasama ng napakaraming pagkain may adobong manok, pritong isda, may gulay din at syempre beef steak nakakatakam.
"Inorder ko 'yan kay Aling Susan, diba paborito mo ang mga iyan." narinig kung sabi ni Chua. Narito pa pala ito.
"Paano mo nakilala si Aling Susan?" Pagkaraa'y takang tanong ko sa kanya.
"Nakikita kita minsan nang nakaraang taon na pumupuslit palabas para lang makakain doon." And now, I'm curious.
Stalker ba siya?
Tsk! May kailangan 'tong taong 'to sa akin pustahan tayo. Hinayaan ko na lang siya saka kumain nagugutom na talaga ako.
"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko ng makitang tahimik lang ito.
"Tapos na akong kumain, inorder ko 'yan para lang sayo." sabi niya. Nakapagtataka na talaga.
Kakain muna ako bago siya kausapin ng masinsinan, masamang pinagaantay ang gracia.
Matapos kung kumain at uminom ng tubig ay kusa na itong naupo sa harap ko, napasandal naman ako.
"Spill the beans" simula ko tinignan niya lang ako.
"Gusto mo ba akong sumali sa quiz bee, wala naman din akong gagawin sa susunod na linggo kaya sige sasali ako." Inunahan ko na siya tutal 'yan naman 'yung sasabihin niya eh. Pero nagulat ako ng wala paring reaksyon ang mukha niya, titig na titig parin siya sa akin.
Nababahala ba ito na baka hindi ako makasali dahil malimit na ipinagbabawal sa akin ng nakatataas ang pagsali sa mga local na larangan sa pakikipagtalastasan?
Tsk! Pwede naman niyang kausapin ang officials a! Pwede ko siyang samahan kung gusto ni--
"Wala si Ms. Kagura ngayong araw." natigil ako sa pagiisip sa sinabi nito.
"Oo nga, diba sinabi mong nasa hospital siya ngayon dahil na dengue siya, isss kung uutusan mo akong dumalaw sa kanya para humingi ng tawad para sa nagawa ko hindi ko gagawi--"
"Hindi totoong na dengue siya, kritikal ang lagay niya ngayon sa kadahilanang may nagtangka sa buhay niya, multiple stab wounds! pinagsasaksak siya sa loob ng kanyang opisina." titig na titig siya sa akin habang sinasabi 'yan.
"Hindi pa naman pala siya patay? Anong gusto mong gawin ko?" Natigil siya sa, sa sinabi ko. Nabahiran ng takot ang kalmado niyang mukha.
'Wag mong sabihing pinaghihi...
"Pinaghihinalaan mo ba ako?"
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro