Chapter 49 Love Awakened
"You're welcome."-R.
Third Person Point of View
Dalawang araw na ang lumipas, matapos ang gabing iyon. Kusang sumuko ang organisasyon ni Diosdado matapos dalhin sa hospital ang walang malay na si Dame.
Madami ang naghihintay sa paggising nito. Ang ama at ina niyang kamakailan lang niya nakasama. Ang kaibigan niyang kailan man ay hindi nawala sa tabi niya. Ang mga taong tumulong sa kanya at pomoprotekta at mga taong nagmamahal sa kanya.
At maging siya na hindi niya kilala.
Pagsapit muli ng ikatatlong araw saktong umaga oras ng alas otso ay ang paggising nito.
Bumungad agad sa kanya ang mukha ng mga taong sabik masilayan ang paggising niya. Ang ina niya na agad na lumapit sa tabi nito at tinanong kung anong kailangan niya, at amang nakatayo sa gilid ng ina niya na matamang nakangiti sa kanya, sabik na sabik na masilayan ang mga mata ng anak na nagmula sa kulay abong mga mata.
Pagkaraan ay lumapit naman si Asp at pinitik nito ang noo niya kahit pa alam nitong may sugat siya roon.
"Masamang Damo ka nga talaga!" Sambit ni Asp rito. Nginisian lang naman ni Dame ito.
Nalingat ang tingin niya sa dalawang babaeng nakatayo 'di kalayuan sa kama niya. Nginitian siya ng mga ito, tinaasan lang naman niya ng kilay si Cha at Biskup.
At pagkatapos ay nabaling ang tingin niya sa paligid, nagbabakasakaling makita ang isang taong lubos niyang kinahihiyaan.
"Si nanay ba ang hinahanap mo? Kilala mo si nanay 'di niya iiwang mag-isa si Tatay!" sambit ni Asp sa kanya.
Binibigyan nila ng pampatulog si Pandong para malaman ng mga kalaban na bumaril sa kanya na kritikal parin ang lagay niya at hindi na muling balikan, isa na din dahil nakita mismo ng Tatay Pandong nito ang taong bumaril sa kanya, at iyon ay si Chua.
Isiniwalat ito ng tatay tatayan niya ilang linggo na ang nakararaan, nang minsang magising, nanatiling tahimik ang mga taong nakakaalam nito ng sa gayon ay hindi malaman ni Dame ang totoong nangyari dahil nasisigurado nilang sakali mang malaman ni Dame iyon ay baka sumugod ito kay Chua ayon sa bugso ng damdamin.
Kay Chua na pinagkakatiwalaan niya at minsan ding tumayong parang ina niya, sa taong ang hiling lang ay mabigyang katarungan ang pagkawala ng mahal niya sa buhay. Na tulad niya'y biktima ng bangungot ng nakaraan.
Napapikit si Dame ng mga mata at sa pagpikit nito ay tumulo ang kanyang luha. Natahimik ang buong silid at pinagmasdan lang si Dame na ngayon ay nakapikit parin. Nagkatinginan ang mga ito at nagkasundong bigyan muna ng ilang sandali upang mapagisa siya.
Lumabas sila ng silid ni Dame at saktong paglabas nila ng pinto ay ang tuluyang pagiyak nito, rinig sa apat na sulok ng kanyang silid ang labis na pighati nitong nararamdaman.
Napuno ang silid nito ng ingay ng pagluluksa niya. Napayuko naman ang mga tao sa labas ng pinto ng dahil rito.
***
Ilang sandali pa ang lumipas at may kumatok sa pinto ng silid niya. Pumasok ang isang taong ngayon niya na lang muling nakita. Pumayat ito at kakakitaan ang mata niya ng hindi maayos na pagtulog. Lumapit ito sa kanya.
"I'm sorry!!!" Diretsong sambit agad nito. "I'm sorry Dame! Hindi ko alam." Iling nito.
"For what? Hindi mo kailangang humingi ng tawad, dahil una sa lahat biktima ka lang."
"I'm sorry!"
"Ang sorry bang iyan ay dahil sa minahal mo ang isang tulad ko--"
"NO!" agad nitong sagot, na ikinangiti ni Dame.
"Kung ganoon hindi ko tatanggapin ang paghingi mo ng tawad dahil wala naman palang dahilan!"
"Dame, I'm sorry about my father's doings!" Nakayuko nitong sambit.
"Okay lang nangyari n--"
"No it wasn't okay! You suffered because--"
"Okay lang."putol ni Dame sa kanya.
"How can you say that you're just okay with it?" Tanong nito muli sa kanya.
"Maniwala ka maayos na a--"
"FUCK DAME, STOP TELLING ME THAT YOU'RE OKAY WHEN IN FACT YOU'RE NOT!!! MY FATHER JUST RUINED YOUR LIFE HOW CAN YOU TELL ME THAT YOU'RE JUST OKAY WITH IT!" hindi nito napigilan ang sumigaw.
Nagtangkang pumasok sana ang ina ni Dame dahil sa narinig na sigaw nito mula sa loob ng pigilin ito ng asawa.
"SINIRA NG PAPA KO ANG BUHAY MO, AT GINAWA KA PA NIYANG MAMAMATAY TAO, TAPOS SASABIHIN MONG OKAY LANG ANG LAHAT AT WALA LANG IYON SA IY--"
"Anong gusto mong gawin at sabihin ko kung ganoon?" Maalumanay nitong tanong.
"I JUST WAN--"
"GUSTO MO BANG LUMPUHIN KITA?" Pagkaraa'y naging sigaw nito.
"..."
"PALUIN ANG KALIWANG PAA HANGGANG SA MAMUO ANG DUGO AT MAMILIPIT KA SA SAKIT?"
"...."
"GUSTO MO BANG TURUAN KITANG HUMAWAK NG BARIL AT KUNG PAANO ASINTAHIN ANG NOO NG KALABAN SA MABILIS NA PARAAN?"
"..."
"GUSTO MO BANG TURUAN KITA KONG PAANO SUNTUKIN ANG PADER HANGGANG SA MAGDUGO ANG KAMAO MO?"
"..."
" GUSTO MO BANG IKULONG KITA SA ISANG SILID KUNG SAAN NAPAKARAMING IPIS DAGA AT KUNG ANO ANO PANG PESTENG HAYOP NA SIGURADONG MASUSUKA KA?"
"..."
"E, ANG KUMITIL NG BUHAY NG ISANG TAO NANG LABAG SA KALOOBAN MO?"
"..."
"GUSTO MO BANG SABIHIN KONG KINAMUMUHIAN KO ANG AMA MO?"
".."
"GUSTO MO BANG IPAGSIGAWAN KO KUNG GAANO AKO NASASAKTAN NGAYON?"
"..."
"ISIGAW KO SA MUNDO NA SANA NAMATAY NALANG AKO!"
".."
"IYON BA ANG GUSTO MO?"
".."
"ANG MAKITA ANG NAPAKAHINANG AKO?"
".."
"OKAY LANG AKO, ALAM MO KUNG BAKIT? DAHIL IYON TALAGA ANG NARARAMDAMAN KO. TANUNGIN MO AKO KUNG ANONG LAGAY NG MGA SUGAT KO, OKAY LANG! ANG TANGING ISASAGOT KO DAHIL ALAM MO KUNG BAKIT? NASANAY NA E, SANAY NA SA HAPDI, KIROT AT SAKIT."
".."
"TANUNGIN MO KO KUNG ANONG NARARAMDAMAN KO? AT ALAM MO KUNG ANONG MULING ISASAGOT KO OKAY LANG AKO. KASI ALAM MO KUNG BAKIT? PAGOD NA KASI AKO."
"..."
"I'M TIRED DAEWON, OF WAITING FOR SOMETHING THAT'S NOT GOING TO HAPPEN, DAHIL KAHIT KAILAN MAN NAKATATAK NA ISIP KONG HINDI NA AKO KAILAN MAN MAGIGING AYON SA KAGUSTUHAN KO. "
"I'm tired Daewon." pagkaraan ay sambit nito sa isang pagod na pagod na tinig.
Walang kamalay malay si Dame na kanina pa tumutulo at kumakawala sa mga mata niya ang kaniyang luha.
Pinagmasdan lang siya ni Daewon. Nang matapos ay lumapit ito at niyakap ng mahigpit si Dame na noon ay umiiyak na.
"Thank you!" dinig ni Dame na sambit ni Daewon. "Thank you for letting go and thank you for not holding back."
'Thank you Dame and now, It's my turn to let go.'
***
Nagtagal pa si Dame sa hospital ng halos dalawang araw upang bawiin ng katawan nito ang lakas na kumawala rito. Kinabukasan ay nakalabas na din ito.
Kasalukuyang nagco-counseling ngayon ang mag-inang Tristan at Sonia. Dahil sa dami ng nangyari ay kinakailangan talaga ng dalawang dumaan sa counseling therapy.
Si Tristan o mas kilalang Lee ay ang nakatatandang kapatid ni Princess Sofia na anak nila Sonia o mas kilala bilang Chua at Amando Melecio.
Tahimik na namuhay ang mga ito sa pagkawala ng mahal nila sa buhay.
Hanggang sa isang araw ay may kumatok sa kanilang pinto at inilahad nito ang kamay na kanila namang kinapitan sa pagaakalang mabibigyan ng katarungan ang pagkawala ng mga taong mahal nila. Ngunit iyon pala ang pinakamalaking pagkakamali nila sa buhay ang kumapit at humingi ng tulong sa taong tulad ni Ruderte.
Nalaman ni Dame ang lahat lahat ng gustong malaman ng utak niya, isa doon ang tungkol kay Lee at Chua at ang istorya sa likod ni Cha at mga kasamahan nito. Pareho silang mga agents at tauhan ni Emillio ngunit ang pinagkaiba lang ay hindi sila parehas ng napagdaanan.
Si Chariot ay ang apo ng taong namatay ng dahil sa pagtulong nito kay Dame ang taong habang buhay niyang hihingian ng tawad. Ayon dito magkaibigan ang lolo nito at si Emillio na tila anak nadin nitong itinuring.
Alam ng lolo niya na dinukot siya ni Emillio mula sa magulang nitong si Daemon at Amisha ngunit hindi nagawang kumanta nito dahil sa pagbabanta ni Emillio.
Ngunit isang araw ay sinubukan nitong kalabanin si Emillio, isa iyong malaking pagkakamali dahil pinapatay ni Emillio ang anak nitong si Rook ang ama ni Chariot. Mula nang nangyari ang bagay na iyon ay wala na din siyang ibang nagawa kundi ang maging sunod sunuran sa nais nito.
Sinanay ng palihim ni Servando ang mga naiwang mga anak ni Rook. At mula roon ay itinaga niya sa utak ng isang apo ang bagay na hindi niya nagawa at iyon ay ang tulungan at protektahan si Dame.
Nagsilbi silang agents ng FBI, dumaan ang ilang taon at nagawa nilang mai convert ang ilan sa mga tauhan ni Emillio sa daang tinatahak nila at ang mga naiwan lang sa puder nito ay ang iilang tapat nitong tauhan.
Hindi naging madali ang daang tinahak nila. Wala silang matinding ebidensyang magagamit para mapabagsak si Emilio. Pinagkakatuwalaan ito ng kanilang Director kaya nama'y wala silang nagawa.
At dahil din sa naging mailap si Dame sa kanila, bukod kay Dame ay wala ng ibang makakapagpatunay sa tiwaling pamumuno sa kanila ni Emillio.
At napagalaman din niyang kapatid ni Chariot si Rukh ngunit hanggang doon lang ang sinambit nito tungkol sa katauhan ni Rukh.
Kaya pala sa tuwing napapahamak siya ay laging merong rukh na nakasubaybay sa kanya.
"Kung sino ka man nais kitang makilala."
***
Dumating ang araw, ang nakatakdang araw na libing ng isang taong tumayong kaibigan at ama niya sa maikling panahon.
Nagtipon tipon ang lahat, nasaksihan ng lahat ang labis na pagluluksa ng mga taong malapit rito.
Hindi matigil ang pagiyak ng nanay Carmelita nito sa pagkawala ng asawa . Maging ang mga kaibigan ni Dame na dumalo ay tahimik lang, nagulat din siya ng ang buong estudyante ng Salle De ay narito din maging sila Snape at Kagura ay narito din.
At ang mas ikinagulat niya ay nang magpakilala ang ama niya bilang Presidente ng Salle De, pinaglapit na pala ni Chua ang mag ama ng hindi nito nalalaman.
"Yes sweety matagal na kitang kilala, malapit ang loob ko sayo sa hindi malamang dahilan iyon pala'y ikaw ang nawawala kong anak." sambit ng ama niya saka lumapit at dampian siya nito ng isang halik sa noo, nakangiti namang nakatingin ang lahat sa kanila.
Huling nagsalita si Dame para sa eulogy nito.
"Tay, napakadaming tao rito o, andami palang nagmamahal sayo. Ako kaya tay, paano kaya kung ako naman ang mawala ganito din ba karami ang dadalo--" hindi nito natuloy ang sasabihin niya nang binato siya ng bote ng tubig ni Asp. Natawa ang ilan dahil doon.
"Andami ko ng utang sayo tay!! Hindi pa ata ako bayad baka naman dalawin mo ko niyan at maging dahilan pa iyan para hindi ka makatawid sa kabilang buhay baka ako'y sisihin mo~~~
"May problema po ba iha at bakit ngayon ka lang ?"
Unang kaibigan ko to si tatay Pandong matagal na siyang guardya dito. Nang unang salta palang ako dito at minsan naiisipan kong mag cut para kumain sa labas dahil mahal dito sa loob eh walang hirap akong nakakalabas sa tulong ni tatay pandong. Dahil dun nakilala ko naman ang karinderia ni aling Susan.
"Tay nasarhan po ako sa library pagsabihan niyo nga ho yung Guardyang naglilibot." Sagot ko.
Napangiti naman siya at tumango. Aalis na sana ako nang maalala kong wala pala akong perang pangbibili nang pagkain. Nahihiya naman akong umutang ulet di pa nga ako bayad.
"Pwede po bang mahiram ang cellphone niyo tay?" Agad naman niyang inilahad ng cellphone niya. "Akala ko uutang ka nanaman eh" biro niya. Balak ko nga eh.
"Tay salamat." naging seryoso ang tinig nito at ang lahat ay nakikinig lang sa kanya. "Salamat kasi, naroon ka no'ng walang wala na ako."
"Salamat kasi no'ng panahong wala akong matakbuhan, pinagbuksan mo ako ng inyong pintuan~~~
"Ay napaka gwapo namang binata ito! Anong pangalan mo iho!" Sabi nito sa akin she also touch my cheeks! Alanganing Napapangiti naman akong tumingin kay Dame.
"Siya si Dae dae Nay, manliligaw ko po" halos mapaubo ako sa sinabi niya. Ako manliligaw niya? Asa!
"UYYYYYYYYYYYYYYYYYYY" narinig ko namang kantyaw ng mga tao dito
"Ikaw talaga iha, pinapahiya mo naman si sir Won halina nga kayo at pumasok sa bahay at ng makakain na"
"Salamat Tay, sa pagtayo bilang ama at matalik na kaibigan hik-hik." Mabilis nitong pinahid ang mga luha saka tumingin sa labi ng tatay nito.
"Patawad, patawad Tay, dahil hindi kita nagawang protektahan, patawad kasi wala ako sa tabi mo ng panahong sobrang kailangan mo ako. Patawad Tay."
Pumatak ang luhang kanina pa nananalagi sa mga mata niya, maging ang ilan ay napayuko, ang ina niya ay tahimik na umiiyak sa tabi ng kanyang ama tumingin si Dame sa gawi ng nanay Carmelita niya na ngayon ay hindi matigil ang pagiyak habang nakatingin sa kanya.
"Wag kang magalala tay, iyong babaeng pinakamamahal mo, 'yung tipo nang babaeng kay kulit na gusto laging nasa tabi mo, at alam kung ganoon ka din pagdating sa kanya~~~
"Hindi pa ba kayo uuwi nay?"
"Dito nalang ako iha, hindi din naman ako nakakatulog sa bahay ng maayos" pakiusap nito.
"Nay! Paano nalang po kung nagising si Tatay, gusto niyo po pang makita niya kayong ganyan? E baka naman po nay pag nagising si tatay kayo naman po ang pumalit diyan" turo ko sa hinihigaan ni tay pandong " mahirap na po yun pag ganun ang nangyari"
"Iha, ano bang pinagsasabi mo?"
"Nay ihahatid ka ni Asp pauwi mamaya pag dumating ito. Hindi po ba't sa bahay niyo na ngayon pansamantalang nakatira yung panganay na anak ni Aling Nari?"
"Oo nga't siya'y nanunuluyan ngayon doon ngunit iba padin pag si pandong ang kasama ko"
"Nanay naman e, wala tayong magagawa niyan alangan namang iuwi natin si tatay!"
"Dito nalang ako iha"
"Uuuwi ka nay, bawal ang makulit!"
"Dito lang ako, dito lang ako sa tabi ni Pandong"
"Nanay!"
"Sige na iha? Dito nalang ako, noong ako ang nagkakasakit hindi ako iniiwan ni pandong, makulit din siya kagaya ko pinapalayo ko nga siya minsan dahil baka mahawa siya sa akin. Ngunit sabi niya,' lalo lang akong magkakasakit kung papalayuin mo ako' Mas makulit pala siya sa akin."
"Tay hinding hindi ko siya papabayaan, at kung dumating man ang panahon na mas mauuna pa ako sa kanyang kunin ni Kamatayan, wala na akong magagawa no'n tay." tawa nito. Nakatingin lang ang lahat sa kanya.
"Paalam, paalam sayo na hindi nagdalawang isip na ako'y pagbuksan ng pinto"
"Paalam sayo na walang ginawa kundi iparamdam sa aking karapat dapat paring mabuhay ang isang tulad ko."
" .....paalam tay, paalam kaibigan."
***
Nang matapos ang libing ng tatay Pandong niya, tinahak nito ang daan papuntang Salle De, dinala siya roon ng mga paa niya.
Sumalubong ang gate ng paaralan napansin niya ang gilid ng gate kung saan laging nakabantay ang tatay niya. Binusinaan niya ito saka dumiretso sa loob ng Salle De.
Tahimik ang buong paaralan dahil wala ngayong pasok, ang paaralang pagmamayari pala ng pamilya niya.
Nang maipark na niya ang sasakyan niya ay dumiretso na ito sa lugar na gustong makita ng mga mata niya.
Ang lugar na minsan na niyang napuntahan.
"Teka! Bawal diyan a baka makaistorbo lang--"
"You choose, we'll go there together or I'll go alone?" Walang emosyon nitong tanong sa akin.
"Sabagay masarap gawin ang bawal".
Pinagmasdan ko naman ang buong silid. Napakaraming mga libro ang narito may mga malalaki ding chess piece sa kahit saang direkyon ka tumingin.
Ang mga disenyo ng upuan ay knight, na pag siguradong inupuan mo ay magmumukha kang Cavaliero. Ang bawat haligi ay may nakadisenyong bishop maging ang napakahabang lamesa ay pinagsamasama ang walong pawn na magkakadikit. Ang sahig naman ay nakadesenyo ayon sa chess mat.
Napatingin ako sa taas at nakitang doon naman nakadesenyo ang king, tumingin pa ako kung saan ngunit hindi ko na mahagilap ang rook at ang queen.
Ipinapatayo palang ang eskwelahan ng Salle de ng nawala si Dame sa puder ng mga Alvarez, muntik nang hindi matuloy tuloy ang pagpapagawa ng paaralan dahil halos maubos na ang pera nila sa paghahanap sa anak nila.
Hanggang sa nagpatuloy ang pagpapatayo sa tulong ng isa sa matalik nitong kaibigang nagngangalang Rook, ngunit ng matapos nga ang Salle De University at naging isang ganap ng eskwelahan, tatlong taon ang lumipas ay namatay naman si Rook sinabi sa autopsy na suicide daw ang ikinamatay nito.
Alam ni Daemon na hindi suicide ang nangyari rito ngunit dahil nanatili ang ama ni Rook na tahimik ay wala itong nagawa kundi isara ang kaso nito.
At bilang alaala ng namayapa niyang kaibigan ay ipinatayo niya ang Hall of Chess.
Dahil sa hilig ni Rook sa paglalaro ng chess na kahit ang ngalan ng mga anak niya ay ngalan din ng Chess piece na Rook, 'Chariot is the original name of Rook' 'Rukh is a persian name for Chariot'. Ang asawa ni Rook na si Queen Nathalie ay namatay ng ipinanganak nito ang anak na kambal.
"Ayon kay Dad, ipinatayo ito bilang alaala ng yumao nitong matalik na kaibigan."
Pinagmasdan niya ang kabuoan ng building at ngayon ay nakikita na niya ang dalawang piyesa na hindi niya nagawang mahanap sa loob nito.
Nakadesign ang building ayon sa piyesang Rook at Queen, pinapagitnaan ng dalawang rook ang Queen kung kaya'y hindi mo mapapansin na Chess piece pala ang design nito.
"Salamat." sambit nito
September 5 at 3 pm.
'Love Awakened'
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro