Chapter 47 Words can kill
"Be brave."-N.
Third Person Point of View
Oohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob Squarepants"
Sinagot nito ang tawag. Kasalukuyan siyang nasa loob ng Cr, para maghilamos ng mukhang natuyuan na ng luha.
"D, He's Gone..." halos mahulog nito ang cellphone sa narinig.
"Asp anong sinasabi mo?"
"He's gone D!" Ulit ni Asp at maririnig mo rito ang paghikbi ng lalaki.
"I'm on my way, walang gagalaw sa kanya!" Saad niya rito. Nangatog ang tuhod na tila ba hindi na makalakad ng maayos dahil sa nabalitaan.
Pagkalabas niya ng Cr ay pinagmasdan nito ang kasalukuyang magkatulong sa pagluluto sa kusina ang kanyang ama at ina, malalim na ang gabi nang mga oras na iyon.
"Hindi ko nasisiguradong babalik ako ng buhay pagsapit ng umaga. Ganoon pa man ay masaya na akong nakilala niyo ako." bulong niya. Saka mabilis na lumabas ng hindi napapansin ng kanyang mga magulang.
Madaming nakabantay sa labas, mga tauhan ng ama at guwardya ng mansyon. Ngunit madali lang niyang nalusutan ang mga ito. Pagkasakay niya sa sasakyan niya ay agad niyang pinaharurot ito.
Napatakbo naman palabas ang mag-asawa ng madinig ang ingay na nagmumula sa labas, ngunit wala na din silang nagawa ng makitang nakalayo na ito.
"Sir susundan po namin siy--"
Umiling ang ama niya.
"Babalik siya, she'll come back... I know she will." saad nito habang yakap yakap ang asawa at nakangiting nakatanaw sa papalayong sasakyan ni Dame.
'Come back to us sweety, we'll wait for you.'
***
Halos takbuhin niya ang daan patungo sa kwarto ng taong isa sa iniingatan niya. May mga ilang nakaitim na suits na mga lalaki ang nasa labas. Hindi niya pinansin ito at agad pumasok sa loob.
At mula sa pagpasok nito ay kakaibang awra agad ang bumungad sa kanya. Lumapit sa kanya si Asp at mabilis siya nitong niyakap.
Nakita din niya roon ang umiiyak ng Nanay Carmelita niya habang yakap yakap ito ng kanilang Aling Nari.
May dalawa pang nakaitim na babae sa loob ng silid si Biskup at Cha parehong nakayuko ang mga ito.
Kinalas niya ang pagkakayakap ni Asp sa kanya at tinungo ang nakahigang wala ng buhay na Tatay Pandong niya.
"DALHIN SIYA SA OR. OOPERAHAN KO SIYA," sigaw nito. "ASP TULUNGAN MO 'KO DALI DALHIN NATIN SIYA, TATANGGALIN KO LANG 'YUNG BALA." patay malisyang pagsusumamo nito kay Asphere.
"ASP ANO BA! DOCTOR KA DIBA HALIKA NA." umiling si Asp sa sinabi niya.
"D, w-wala na siya." sambit ni Asp rito. Pilit siya nitong niyayakap, ngunit pagkaraan lang ay bumuhos na ang luha niya.
"H-HINDI HINDI, KA-ILANGAN KO LANG TANGGALIN 'YUNG BALA PARA MABUHAY ULI SIYA." pilit nitong ipinagpipilitan na mabubuhay pa ang tatay Pandong nito kahit alam niya sa sarili niyang napakalabo nang mangyari pa iyon.
"Tay naman e, hindi mo man lang ako hinintay!" Saad nito.
Habang nakaluhod yakap yakap ang wala ng buhay na tatay Pandong niya. Ramdam ng bawat isa sa loob ng silid ang labis na sakit nitong nararamdaman.
"A-asp dalhin natin siya sa OR... tara na." Pagsusumamo nito.
"ASP A-ANO BA!" Dinaluhan siya ni Asp at niyakap siya nito ng mahigpit.
Isang panibagong buhay muli ang binawi sa gabi ng kanyang kaarawan.
Isang tama ng baril sa noo ang bumawi sa buhay ng tatay Pandong nito.
"Lintik lang ang walang ganti Tay!" sambit nito.
Kitang kita nito ang maliit na butas sa noo nito dahil ganito siya bumaril. Napagtuunan niya ng pansin ang kasalukuyang nakatayong si Cha. Dinakmal nito ang leeg niya at matamang tinitigan.
"ANONG NANGYARI SA SINABI MONG POPROTEKTAHAN MO SIYA HA!" Sigaw nito.
Pilit naman siyang pinigilan ni Biskup at Asp. "Sabi mo poprotektahan niyo siya. TANGINA! E BAKIT HINDI NA SIYA HUMIHINGA!" napansin ni Dame ang ilang galos sa mukha ni Cha at maging si Biskup ay meron din.
"B-bakit 'di na humihinga 'yung tatay ko?"
"D, mapapatay mo siya!" Nagsusumamong sambit ni Asp sa kanya. "Wag kang ganito, D let go of her." tuloy pa nito.
"They did their best to protect him pero malakas sila"dugtong pa ni Asp.
"Sino? Sino ang mapangahas na pumaslang sa kanya?" Matatalim nitong sambit sa bawat salita.
"NO!!! NO, D YOU'RE NOT GOING ANYWHERE!" naging sigaw naman ni Asp.
"Sino?" tanong muli ni Dame na para bang hindi narinig ng tenga niya ang pagsigaw ni Asp rito.
"TANGINA! TINATANONG KITA SINO, SINO ANG PUMATAY SA KANYA?"
Nanatiling tahimik ang lahat ng nasa loob walang nagtangkang sumagot sa tanong nito.
Pagkaraan ay pumihit ito patalikod at napangisi "Kung ayaw niyong sabihin ako ang aalam." saad nito saka nagsimula nang maglakad ngunit humarang si Cha at biskup rito.
"Tabi!" Umiling lang ang mga ito at patuloy parin sa pagharang.
Hinawi niya si Biskup at mabilis na tinamaan ito sa batok kung saan mabilis itong nawalan ng malay, ngayon na lang niya muling ginawa ito. Hindi naman na nakalaban si Cha dahil sinalo nito si Biskup.
Lumapit naman si Asphere sa kanila.
Nagsimula muling maglakad si Dame. Ngunit pagkaraan ay natigilan ito sa narinig.
"Catalan, hindi mo sila kaya, hayaan mong kami na ang trumabaho sa kanila." napangisi siya ng marinig ang salitang Catalan.
"Simpleng pagbabantay lang sa pasyente hindi niyo pa nagawa ang kaharapin pa kaya sila? Ako nang bahala!" saad nito saka naglakad.
"D, maghihintay kami sa pagbabalik mo." pagsuko ni Asp nang makita nitong wala na silang magagawa para pigilin pa siya.
"Masamang damo 'to." tanging sagot ni Dame saka muling naglakad.
Pagdating niya sa sasakyan niya ay agad nitong binuhay ang makina saka ti ungo na ang daan patungo sa teritoryo ng taong ihahatid na niya kay kamatayan.
May kalayuan ito, ngunit 'di nagtagal ay natunton na din niya.
"Pagbuksan siya ng pinto, ang sino mang kumakatok ay pinagbubuksan." nakangiti sambit ng matanda.
Isang malaking mansyon ang natunton niya. Bumukas ang pinto at napansin ni Dame na walang katao tao rito. Pumasok siya sa loob, sa pagpasok niya ay malakas na sumara ang pinto.
Ipinikit nito sandali ang mga mata para pakinggan ang paligid ngunit agad na tumugtog ang isang pamilyar na musika.
Oohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob
Dahilan para mapunta doon ang atensyon niya. Tila ba alam na ng kalaban niya ang bawat galaw niya.
Hindi niya magawang pakiramdaman ang paligid dahil sa lakas ng musika.
Pagkaraan ay naramdaman nalang nitong may sumipa sa paa niya ng sobrang lakas dahilan para muntik na itong mapaluhod.
Squarepants" If nautical nonsense be something you wish "Spongebob Squarepants" Then drop on the deck and flop like a fish! "Spongebob
Lumingon siya rito pero sa pagkakataong iyon ay muli nanaman siyang nakatikim ng sipa sa kaliwang paa niya, ang pinakamihanang parte ng katawan niya, napaluhod siya ng tuluyan sa nangyari.
Squarepants" READY?
Dahil sa nangyari no'ng bata siya, kung saan muntik na itong malumpo ng dahil sa kagagawan ng taong humubog sa kung sino na siya sa ngayon. Si Emillio.
Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants
Ipinikit niya muli ang kanyang mga mata ngunit lalo lang lumakas ang musika.
SPONGEBOB!! SQUAREPANTS!"
Isang malakas na suntok sa sikmura ang muli niyang naramdaman.
"HINDI MO NAMAN NASABING GANITO KA PALA MAKIPAGLARO NAGAANTAY PAMAN DIN AKONG PAUPUIN MO 'KO SA ISANG SILYA AT AYAING MAGLARO NG AHEDRES." sigaw niya rito.
Napaubo siya sa hapdi ng sikmura. Isang panibagong sipa muli sa kaliwang paa ang naramdaman niya.
Sinubukan niyang manlaban sa dilim ngunit lagi siyang nauunahan pagkaraan ay naging sunod sunod na ang pagatake ng mga ito sa kanya.
Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants
Napaubo muli siya at sa pagkakataong iyon ramdam na niyang dugo na ang inilalabas niya.
Hindi niya napigilang mapangisi.
Sinubukan niyang tumayo ngunit isang sipa sa sikmura ang kanyang natamo. Tumalsik siya at naramdaman ang pagtama ng likod niya pader.
"Ahhhh!" daing nito. Ramdam na ramdam niya ang sakit na nagmula sa likod at sikmura niya.
Bumagsak siya sa sahig at napayuko.
SPONGEBOB!! SQUAREPANTS!
Hinang hina na siya nang biglang bumukas ang lahat ng ilaw at natigil ang musika sa pagtugtog kasabay ng pagkarinig niya ng yabag ng isang tao.
Pinakinggan lang niya ito habang papalapit na sa kanya. Nakayuko parin siya at nakatitig sa sahig na may isang patak nang makikita. Patak ng dugo galing sa kanya.
Nabaling ang tingin niya sa pares ng sapatos sa harap nito. napaangat siya ng tingin upang pagmasdan ang taong nagmamayari.
Sa pagtaas niya ng tingin ay nasilayan ng dalawang mata niya ang taong kailan man ay hindi niya nagawang paghinalahang gagawan siya ng masama at may binabalak pala.
Nagtangis ang bagang niya na tila biglang bumalik ang lakas niya at handa nang mabugbug muli. Nginisian siya ito.
"SURPRISE DAMEEE!"
She just died...at that moment.
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro