Chapter 46 Saddest Reality
"Darling, just keep on fighting."-I.
Third Person Point of View
"Can I hug you?" Sambit ni Amisha sa kaharap na si Dame. Matapos ng pagharang ni Daewon kanina ay ibinaba ni Emillio ang baril na hawak nito saka pinaalis sa puder ang mga ito.
Nagtungo sa mansyon ng mga Alvarez sina Daewon, Dame, at ang mag-asawang Alvarez. Pinauwi naman na ni Daemon sina Lee at Cha. Pinayagang makaalis ni Emillio ang mga ito sa hindi malamang dahilan.
"Maaatim niyo bang yakapin ang isang tulad ko matapos ng mga nakita niyo?" Saad nito.
Nanginginig ang mga kamay na lumapit si Amisha at niyakap ang anak nito.
"Athania my daughter." sambit nito habang yakap yakap ang anak niyang nawalay sa loob ng labing pitong taon.
Ramdam ni Dame ang kakaibang pagtibok ng puso nito, at maging ang panlalabo ng mga mata niya ay hindi na din kaya pang maitanggi't pigilin.
Kumalas na sa pagkakayakap ang ina niya sa kanya ngayon naman ay napatingin siya sa kanyang ama.
Nanatiling tahimik lang si Daewon at tila wala parin sa sarili.
Nakatingin parin si Dame sa kanyang ama. Nakikita nito ang mga mata niya rito. Pagkaraan ay lumapit si Daemon ngunit humakbang naman paatras si Dame. Na ipinagtaka ng ama niya.
"Ikaw ang dahilan kung bakit ko tiniis na hindi kayo makapiling at lumayo, pinili ko ang magpakalayo ng panahong natuntun ko na kayo..."
"Patawad, napakalaking pagkakamali ang nagawa ko sayo at sa mga magulang mo" naglakad na paalis ang lalaki ngunit pinigilan niya ito.
" May magulang po ako? " tanong niya rito saka nilapitan at hinawakan sa kamay ang lalaki. "Maari ko po bang malaman kung nasaan sila? Gusto ko na pong umuwi ngunit sabi ni Master wala naman daw po akong uuwian dahil wala akong magulang. Mister gusto ko po silang makita isama niyo po ako palabas parang awa niyo na" napaluhod siya habang nagsusumamo at hindi na niya magawa pang pahiran ang luhang nagraragasa mula sa mga mata niya.
Umupo ang lalaki para pantayan siya. Tumingin naman siya rito.
"Gustong gusto kung gawin iyon ngunit hindi maaari. Hindi lang buhay ko ang malalagay sa panganib ngunit maging ang buhay mo ay maaari ding mawala. At iyon ang hindi ko hahayaang mangyari. Minsan ko ng nakita kung gaano siya kahangal, na maging ang malapit na kaibigan ng kanyang matalik na kaibigan ay 'di niya sinanto." nanlulumong salaysay ng matandang lalaki sa kanya "Kaya kung, kung gusto mong makita sila kailangan mong magpalakas. Lumaban ka at pagmalakas ka na gawin mo ang lahat ng makakaya mo para makawal rito at hanapin sila. Tandaan mo walang ibang makakatulong sayo kundi ang sarili mo. Magpakatatag ka, 'wag mong katakutan ang dilim, pagsubok lang siya!" Sa murang edad ay natutunan niya kung paanong gamitin ang isip at puso sa pakikipaglaban. Ngumiti lang siya rito tumayo siya para kunin ang birthday cake niya sa tabi ng higaan niya dahil iniwan 'yun ng lalaki doon.
"Hinanap ko kayo noong ako'y tumuntong na sa labing apat na taong gulang, alam ko nang panahong iyon na sapat na kakayahan ko para hanapin kayo. At hindi nga nagtagal ay nakilala't nakita ko na kayo. Ngunit labis akong nanlumo ng malamang napakamarangal ng pamilyang meron ako, at isang kapangahasan at dungis lang ang mailalapat ko sa pangalan niyo sakaling tangkain kung ipakilala ang sarili ko bilang anak niyo." Napakagat ito sa kanyang labi pagkaraan ay nagtuloy ito sa pagsasalita. "Kaya naman pinili ko nalang ang lumayo at manatili muli sa dilim ng mundong naging bilangguan ko na sa haba ng panahon. Mas lalong napariwara ang buhay ko ng dahil doon, halo halong dugo ang muling dumagdag sa dungis ng kamay ko."
Tinangka siya muling lapitan ng ama ngunit lumayo lang muli siya.
"Dalawang libo't labing apat, Ika-trese ng buwan ng agosto, araw ng linggo. Iyon ang araw na nasilayan ko na sa mundong ito, ang itsura ng mga taong dahilan ng pagsilang ko. Dalawang araw matapos noon, hiniling niya sa akin ang inyong kamatayan. Matatag akong tumanggi, kapalit, buhay ng nakararami."
"Anak ko." Mahinang usal ng ama nito, nanghihina't nasasaktan.
"Wala pong karapatan ang isang tulad ko na yakapin ng isang marangal na tao." sambit nito. Nangiti ang ama niya sa sinabi nito.
"Aside from being the Fbi's Director and being one of the protector of the people and state, I'm also a father... a father who's been longing for his child for seventeen years now." inilang hakbang nito ang pagitan nila ni Dame atsaka ikinulong ang anak sa mga bisig nito.
Tumulo ng tuluyan ang luha ni Dame at tuluyang napahagugol.
"I'm sorry sweety! Everything will be alright Daddy promised you that." Napansin niya ang pasimple ding paghikbi ng ama niya.
'No one can ever compare anything against a father's warmth embrace.'
Naglakad si Daewon palabas ng masaksihan ang nangyari. Tinungo nito ang daan pabalik sa lugar na kanina lamang ay kanilang nilisan.
Hindi naman siya nagawang pigilan ng mga tauhan ng ama niya dahil desidido itong umalis.
Pagdating niya sa lugar na iyon ay bumaba agad siya. Hinarang siya ng ilan sa mga tauhan ni Emillio ngunit pagkaraan ay pinapasok din.
Nadatnan niyang tumutungga ng alak ito, nang magisa sa napakalawak na silid.
"Anong kailangan mo at naparito ka?" Tanong nito sa kanya.
"ANONG KLASENG HAYOP KA? " nabitawan nito ang baso ng alak sa narinig.
"Daewon! Bumalik ka na sa pamilya mo, umalis ka na rito!" Nagtitimping tugon ni Emillio.
"Ano pang babalikan ko do'n?" Iling nito. "ANO PANG BABALIKAN KO KUNG SINIRA MO NA ANG BUHAY NA MAYROON AKO." napatayo ito sa pagkakaupo at naibato sa sahig ang hawak na basong naglalaman ng alak.
"DAPAT LANG IY--!" Sigaw niya rito
"ENOUGH PA!" 'Di napigilang sigaw nito "you've already ruined everything! Hindi pa ba sapat iyon?" Natigilan ito sa narinig.
Na tila ba nalunok nito ang dila at hindi nakapagsalita sa kanyang nadinig. Isang salita ang bumuhay sa nahihimbing nitong diwa.
"K-kailan pa?"
"...."
"K-kailan mo pa alam na ako ang a-ama mo?" Nauutal nitong sambit.
"Simula pa ng una kang ipakilala sa akin ni Daddy, I was 7 back then. They told me that you're my real father, andami ko noong katanungan, kung bakit iba ang apelidong ginagamit ko sa apelidong nasa birth certificate ko, katanungan kung bakit lumaki ako sa piling nila at hindi sa puder mo?" sumbat nito.
"Nagluluksa noon at halos mawala sa katinuan si Amisha kaya kita--"
"Dahil dinukot mo ang anak nila! Paano mo nagawa iyon? Bilang tunay na ama ko paano mo nagawang ipaaruga ang sarili mong anak sa iba. At paano mo nagawang saktan ang anak nila! Gawain ba iyon ng isang amang may anak na?"
"NAGAWA KO IYON PARA SA MAMA MO!" Natigilan siya sa narinig.
"Dapat ay si Daemon ang namatay noong araw na iyon ngunit hindi, hindi dahil iniharang ng mama mo ang sarili nitong katawan para salagin ang bala at mailigtas si Daemon. Nabubuhay pa sana ang mama mo at masaya sana tayo't buo kung--"
"Kaya sinira mo ang buhay nila? How unfair of you, to do that to your bestfriends family! Kung nagbuwis man ng buhay ang mama ko, ay walang kasalanan doon si Daddy. My mama is an agent and you are part of the FBI's officials too, and you, of all people should be the one who knows what an agent's motto. Si mama? siguradong namayapa siya ng masaya dahil nagampanan niya ng tama ang kanyang tungkulin. Ikaw an--"
"WAG MO AKONG PAGSALITAAN NA PARA BANG ISA AKONG CRIMINAL!"
"Hindi nga ba?" Natigilan ito.
"Hindi nga ba, HA! YOU'VE RUINED EVERYTHING," sigaw nito, ibinagsak niya ang dalawang kamay niya sa lamesang kinapapatungan ng alak dahilan para ito'y matumba.
"NOT JUST MY OWN LIFE..." pinipigilan nito ang luhang kumawala sa mga mata ngunit 'di naglaon ay tuluyan na itong bumuhos at 'di niya napigilan sa sumunod na binigkas ng mga labi niya. " BUT EVEN THE LIFE OF THE WOMAN I DREAMED OF HAVING AS MY WIFE."
Hindi nakapagsalita ito sa narinig na sambit ng sariling anak. Kitang kita nito ang sakit sa lumuluhang nitong mga mata.
"You've ruined her life," napapailing nitong muling sambit.
"Paano ko pa sasabihing mahal ko siya kung ako ang anak ng taong sumira sa buhay at pamilya niya?"
"I want to spend the rest of my life with her, she mean the whole world to me, but life's been cruel for letting me have you as my real father," mabibigat na salitang sambit muli nito saka pumihit patalikod.
"You should be proud of her as your wife, like how much I look up to her as my mom." sambit muli nito saka naglakad palayo.
Mundo ko ding itinuring ang mama mo, kaya ako nagkaganito.
***
"Where's Daewon?" Tanong ni Amisha nang mapansing wala ito sa loob ng silid.
Napatingin naman agad si Daemon sa paligid at sa sofa kung saan nakaupo kanina si Daewon ngunit wala roon ito.
Pumasok sa loob ang isa sa tauhan nila.
"Sir umalis po si Sir Daewo--" sinenyasan niya ito na tumahimik dahil alam na nito kung anong gagawin ni Daewon.
"Hon, baka kung anong mangyari kay Daewon." umiling naman si Daemon.
"Hindi niya sasaktan ang sarili niyang anak. And Daewon is a Great man kasi pinalaki mo, natin siya ng maayos." sambit nito saka lumapit sa asawa at niyakap ito.
Napatingin sila kay Dame na ngayon ay tahimik lang hindi man ito magtanong ay alam ni Daemon ang gusto nitong malaman.
Lumapit ito kay Dame at humawak ito sa kamay ng anak. "If you're thinking that you and Daewon were siblings," napatingin si Dame rito "No sweety, Daewon is Emillio's son." gulat ang rumehistro sa mukha ni Dame.
"The day na nawala ka, you're mom almost lost her mind. Saksi si Emillio roon, that time mahigit isang taon na si Daewon, he lost Anika his real mother when he was just a months old. Anika is an agent ibinuwis nito ang buhay niya para mailigtas ako. I owe her my life iha. Ang pagkamatay ni Anika ay ang ugat pala ng lihim na galit sa akin ni Emillio. I and Emillio we're childhood bestfriends. Sabay kaming nangarap na paglilingkuran ang bansang ito at ang mga taong nabubuhay rito. Ngunit hindi ko lubos akalain na muuwi ang lahat sa ganito. Noong nawala ka Daewon's became your mom's treatment. Daewon brought back the joy of your mothers life na nawala noong nawala ka sa buhay namin. Umabot sa puntong naging malapit na ang loob nito kay Daewon, I tried so hard na ilayo ang mom mo but, everytime I tried, your mother always end up hurting herself. Hindi na kasi pwedeng magbuntis ang mom mo. Naging saksi din si Emillio doon, hanggang sa dumating sa bahay si Emillio isang araw matapos maospital ang mom mo, that was the day Emillio let us borrowed his son, Daewon. Hanggang sa tumuntong ng pitong taong gulang si Daewon. And we confessed him the truth about his life. We told him that Emillio was his real father, he got mad at us yes. But instead of leaving us and going back to his real father, he stayed with us."
Napayuko si Dame sa narinig. 'Iba pala kung maglaro ang tadhana.'
***
Sa ilalim ng libo libong bituin at sa buwang ngayong gabi'y nakasilip. Isang musika ang umalingawngaw sa buong paligid.
Oohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob Squarepants.
"Hello babygirl, namimiss ka na ni kuya." ipinatong nito ang isang stuff toy na spongebob sa ibabaw ng puntod ng nakababatang kapatid. Halos mapuno na ng spongebob stuff toys ang buong puntod nito.
Pagkaraan ay umupo na ang lalaki at pinagmasdan ang pangalang nakaukit sa lapida.
'Princess Sofia L. Milecio'
If nautical nonsense be something you wish "Spongebob Squarepants" Then drop on the deck and flop like a fish! "Spongebob Squarepants"
Kababakasan ng lungkot ang mga mata nito.
"Wag kang magalala bukas na bukas din mabibigyan na ng katarungan ang pagkamatay niyo ni Daddy. Kuya and mommy will do that for you, okay?"
READY? Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants SPONGEBOB!! SQUAREPANTS!!."
'It's my turn, Dame Alferza or should I call you Athania Alvarez. The long lost daughter of Mr. and Mrs. Alvarez.
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro