Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45 Deepest Scar

"I'm sorry, Darling, if I came too late."-M.

Third Person Point of View

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY TO YOU."

They sing on unison, rinig na rinig nito ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng lahat ng taong naroon.

Nakatayo lang ito na tila ba estatwa, nakangisi namang nakatingin si Emillio sa kanya na para bang sayang saya sa kanyang nakikita.

Pagkaraan pa'y lumapit sa kanya ang mga pamilyar na tao sa buhay niya.

"HAPPY BIRTHDAY DAMEEEEE!" Bati sa kanya ni Lee na ang akala niya'y nasa piligro kanina kaya siya nagpunta rito, boses kasi nito ang narinig niya sa linya.

"Pasensya ka na pala kung naloko kita kanina, sabi kasi no'ng Daddy mo mahilig ka daw sa surprises kaya 'yun." paliwanag nito.

Napansin naman niya ang katabi ni Lee na si Daewon na ngayon ay tahimik at tila ba hindi maipinta ang mukha simula ng nakita nitong si Dame pala ang inaantay nilang anak ng Deputy Director.

Hindi siya makapaniwala rito at tila ba kinukumbinse ang sariling ang lahat ay pawang kalokohan lamang at isa lamang masamang panaginip.

"Maligayang kaarawan Dame." bati sa kanya ng nakangiting si Cha.

Narito ang lahat, maliban sa isa.

Lumapit si Emillio sa kanya, na may dalang isang birthday cake at isang ngiting nakakaloko. Natigil ang lahat at ngayon ay nakatingin lang sa kanya at kay Emillio na may hawak na cake at sa tingin ng iba'y masayang mag-ama.

Ramdam niya ang napakabigat na pakiramdam na tila sinasakal siya nito. Lalo pa nang maglakad katabi ni Emillio ang dalawang taong sa malayo lang niya minsang nagawang pagmasdan.

Nakangiti ang mga ito sa kanya. Nanginig ang mga tuhod ni Dame ng dahil rito. Lalo pa ng makalapit na ito sa kanya.

Unang bumati sa kanya si Emillio "Happy Birthday!" sambit nito sa kanya.

Tinangka siya nitong halikan sa pisngi ngunit tinabig niya ang hawak nitong cake ng hindi napapansin na naging dahilan para matapon ito sa sahig at mapunta doon ang atensyon ng lahat.

Napangiti si Emillio sa ginawa nito. "Pansesya na nadulas sa kamay ko." paghingi ng paumanhin nito sa mga taong nakakita at nagulat sa pagkalaglag sa lapag ng cake na hawak nito.

"At siya nga pala narito ang dalawang matalik kong kaibiga --"

"Happy birthday sweety you look so pretty I'm your tita Amisha Alvarez, Daewon's mom." Bati sa kanya ng isang babaeng may napakaamong mukha. Hindi maitatago ang taglay nitong ganda kahit pa man may asawa na. Lumapit ito para dampian siya ng halik sa pisngi.

Mas lalong napangiti si Emillio ng makita nitong nanginginig na mula sa kinakatayuan nito si Dame.

Matapos bumati ng babae sa kanya ay pumalit naman ang lalaki rito. Napaka-pamilyar na mukha. Ang tindig, pangangatawan at maging ang kulay ng mga mata nito.

Binati din siya kasabay ng pag-akap nito sa kanya sana ngunit lumayo siya.
Nagulat ang mga ito sa inasta ni Dame.

"Call me tito Daemon iha, Daewon's Dad." saad nalang nito.

Tahimik lang siya, ngunit alam niyang ano mang minuto ay sasabog na siya at hindi na nito kakayanin pa.

"Hindi mo ba nagustuhan ang sorpresang inihanda ko ngayon. Happy legal age anak." nakangiti't makahulugang sambit ni Emillio.

Ipinilig niya lang ang ulo niya saka pumihit patalikod. Magsisimula na sana siya sa paglalakad, nang magsalita muli si Emillio.

"Ano ng gagawin mo ngayon! Hindi ka man lang nila nakilala, masa--"

Binunot nito ang baril na nakasukbit sa likod niya at saka itinutok iyon kay Emillio.

Halos magulat ang lahat sa ginawa nito. Nanlalaki ang matang napaantras ang lahat ng tao maging ang mga taong malapit sa kanila ni Emillio.

"Put it down iha!" 'Di makapaniwalang sambit ng daddy ni Daewon. Ngunit nanatili parin ang baril sa kinatututukan nito.

Pagkaraan pa'y biglang napatawa si Emillio"HAHAHAHAH!"

"Wala kayong dapat ikabahala, ganyan lang talaga kaming mag-ama."
Sabi nito. Ngisi lang naman ang itinugon ni Dame rito.

"Banggitin mo pa ang salitang mag-ama, sinasabi ko na paglalamayan ka!" Mabibigat nitong sambit.

"Dameee, anong ginagawa mo!" Narinig niyang mahinang usal ni Lee ngunit hindi niya ito pinakinggan.

Tahimik lang naman si Daewon nagaantay sa susunod na mangyayari.

Naglakad si Dame palapit kay Emillio. Itinaas naman ni Emilio ang dalawang kamay niya na para bang sinasabing suko na ito.

"Wag mo akong sisimulan dahil sinisigurado kong 'di mo magugustahan 'pag ako na ang nagtuloy, tatapusin ko 'to sa santong paspasan!" Mariing saad pa ni Dame rito. Pagkaraa'y inilaglag na nito ang baril saka sana muling maglalakad palayo ng magsalita nanaman muli si Emillio.

"Hindi mo man lang siya nakilala, ANONG KLASE KANG AM--"

Pumihit muli siya paharap saka sinipa ang baril dahilan para tumilapon ito pataas at saka pinagbabaril si Emillio.

"AHHHH!"

Nagsigawan ang lahat ng taong naroon ng marinig ang unang pagputok ng baril. Nagsilabasan ang mga ito. Nanatili lang sa loob si Daewon, Lee, Cha at ang mga magulang ni Daewon.

Napaupo na ngayon si Emillio, nakapikit ang mga mata nito at sa pagmulat nga ng mga mata niya ay nagulat ito ng makitang wala itong tama sa katawan, tanging sa gilid lang pala niya ang pinuntirya ni Dame.

"Emillio ano bang nangyayari rito?" Pagkaraan ay hindi napigilang tanong ni Daemon. Gulong gulo na rin maging silang nakakasaksi sa mga nangyayari.

Itinutok muli ni Dame ang baril nito at hindi na siya nagulat nang magsipasok ang lahat ng tauhan ni Emillio at tutukan siya ng mga ito ng baril.

Ramdam at alam niyang marami ang mga ito ngunit gano'n pa man ay hindi siya natinag.

"Subukan mo pang magsalita at sinisigurado kong ang huling bala ng baril na hawak ko ay didiretso na sa noo mo!" Banta nito.

Ngunit hindi din nagpatinag si Emillio. Lumapit ang dalawang tauhan nito at hinawakan sa dalawang kamay si Dame na noon ay parang wala ng lakas at hindi na nanlaban pa.

"Bakit ayaw mo bang malaman nila ang totoo? Hindi ka nagulat ng makita mo sila. Punyeta! sinasabi ko na nga ba! siguro'y matagal mo na silang kilala, ngunit kung ganoon, bakit hindi ka parin nila kilala magpasahanggang ngayon?"

Pagkaraan ay tumayo ito at tumingin naman siya kay Daemon.

"At ikaw Daemon, ikaw ang puno't dulo ng lahat ng 'to!" Nangunot ang noo ni Daemon sa kanyang narinig. "Nakakatawang hindi mo man lang nakilala ang sarili mong anak!" Pagkaraan ay tuloy pa nito.

Natahimik ang lahat nang biglang namatay ang lahat ng ilaw. At mula roon ay lumiwanag ang isang bahagi ng wall, dahilan para mapunta roon ang lahat ng atensyon nila.

At mula roon ay nagplay ang isang video. Kung saan makikita ang batang Dame Alferza.

Bumalik ang lahat ng sakit kay Dame na para bang sa puntong iyon ay nawalan na siya tuluyan ng lakas.

Halos manghina naman si Amisha at napakapit kay Daemon. Nagsimulang mangilid ang mga luha nito lalo pa ng makita ang umiiyak na Dame habang patuloy itong pinapalo sa kaliwang paa ng 'di kilalang lalaki. Dahil sinadya sa video na hindi makita at isama ang mukha nito.

"Tumayo ka! Hanggang diyan lang ba ang kaya mo? Sinasabi ko na hinding hindi ka mananalo sa ganyang akto! " pagod na pagod na siya tagaktak ang pawis na nagmumula sa kanyang noo, kasama na ang mga luhang naguunahan dahil sa sugat na natamo niya sa kaliwang paa.

Walong taong gulang palang siya ng mga panahong iyon ngunit para bang labing walong taon na siya kung ituring ng lalaking kaharap niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at inatake ang lalaki.

"Sige pa! Suntok pa! Napakahina mo naman." sigaw nanaman ng lalaki sa kanya.

Pinahid niya ang dugong nagmula sa kanyang noo, halos himatayin na siya sa labis na sakit na kanyang natamo ngunit hindi siya pwedeng magpadala rito.

Kailangan niyang lumaban kung hindi baka mawala ang pakinabang niya mula rito at baka tuluyan na siyang paalisin o hindi naman kaya'y patayin siya nito.

"Masterrrr! A-ayoko na po p-parang awa niyo!" Pagmamakaawa niya rito"Parang awa niyo na po, ayoko na po."

"Anong ayaw mo na ha!" Sabay palo nanaman ng lalaki sa kaliwang paa niya, halos kapusin siya sa hangin sa paghinga sa sakit ng paa niya, namuo na ng dugo ang kaliwang paa niya at halos mag kulay itim na ang kulay nito. "Tumayo ka!" namulat siyang walang ina ni amang nasa tabi niya. Puro mga nilalang na tao ngunit asal hayop ang kanyang kinamulatan.

Pagkaraan ay nabago ang panood makikita mo na ngayon ang batang Dame na nasa loob ng isang silid na kay dumi.

Sa murang edad ay natutunan niya kung paanong gamitin ang isip at puso sa pakikipaglaban. Ngumiti lang siya rito tumayo siya para kunin ang birthday cake niya sa tabi ng higaan niya dahil iniwan 'yun ng lalaki doon.

Pagkakuha niya sa tinapay ay nakangiti siyang naglakad palapit sa lalaki.
Ngunit nakakailang hakbang palang siya ng bumukas muli ang pinto at iniluwa noon ang isang armadong lalaki, kasabay ng pagputok ng baril ay ang paghandusay ng nakangiting lalaki mula sa kanya.

Umagos ang dugo sa sahig, ni hindi niya nagawang lumapit sa matandang lalaking walang buhay nang nakahandusay sa sahig, umihip ang malakas na hangin kasabay ng pag ka matay ng apoy sa kandilang nakatusok sa tinapay na bigay ng matandang lalaki sa kanya.

"T-TAMA NA, TAMA NA PAKIUSAP." Halos kapos na sigaw ni Dame ngunit nagpatuloy parin ang pagplay ng video, napakadaming ipinakita rito, ang pagpatay niya sa napakaraming tao.

"Please don't kill me."pagsusumamo nito habang nakaluhod. Hindi siya nadadala sa mga pagsusumamo at pag mamakaawa narinig na niya ata lahat ng mga iyon na iisa lang naman ang ibig sabihin nais nilang mabuhay.

"Have mercy!!!" Dagdag pa nito na ikinatawa niya. Natatawa nalang siya pag may naririnig na linyahang ganun na para bang hawak niya ang buhay ng mga ito sa kanyang kamay. Na totoo naman, dahil isang kalabit lang niya makikita na nila si kamatayan.

"Paano ba iyan nabayaran na 'ko. " sagot nito nang may nakakalokong ngiti.

"I can give ang offer you anything, everything that you wanted, Money? House? Just please don't kill me." umiiyak na ito ngayon. Napailing iling nalang siya at napangisi. Sinenyasan niya itong tumahimik na para bang siya'y naririndi.

*Bang*

Kasabay ng pagputok ng baril ang pagtunog ng relos niya hudyat na tapos na ang dahilan ng ipinunta niya roon agad na bumulagta sa sahig ang katawan ng nakakaawang Padre de pamilya ng mga Melecio.

Isang tama ng baril sa noo ang bumawi sa buhay nito.

Hanggang sa napunta na iyon sa huling ginawa nito ang bagay na lubos na pumatay sa kanyang pagkatao.

Isang batang babae ang palihim na humihikbi nakasoot ito nang uniporme at nakasukbit pa ang bag niyang spongebob ang design sa kaliwang braso. Tinignan niya ito sa mata at kababakasan ng takot ang mga mata nito.

Napahawak ang bata sa kaliwang dibdib nito at mula roon ay umagos ang naguunahang pulang likido.

Nanlalaki ang mga mata ni Cha ng matapos panoorin ang video. Si Daewon naman ay tila ba nabagsakan ng napakalaking tipak ng bato sa napanood nito.

May isa sa kasamahan niya sa loob ng silid na iyon ang nagtangis ang bagang ng mapanood ang huling palabas. Tumitig ito ng matalim kay Dame kahit pa hindi niya ito nakikita ng maliwanag.

Bumukas muli ang lahat ng ilaw at ngayon ay nakayuko na si Dame habang hawak hawak parin siya ng dalawang lalaki.

Hindi makapaniwala ang lahat maging si Daewon ay hindi lubos na makapaniwala sa kanyang napanood.

"M-my d-aughter." sambit ni Amisha rito tinangka niyang lumapit ngunit. Nanlaban si Dame sa mga taong nakahawak sa kanya dahilan para makalas nito ang pagkakahawak nila sa kanya.

Nang matapos ay humakbang ito paatras. Hindi naman halos makapagsalita si Daemon sa napanood nito.

"ANO DAEMON, GAANO KA KASAYA NGAYONG NAKITA MO ANG ANAK MONG BUHAY? 'YUN NGALANG AY PARA ITONG ASONG ULOL NA HINDI MAPIRMI ANG KAMAY NA PUMATAY!"

Isang suntok sa panga ang isinagot nito. "ITINURING KITANG KAIBIGAN PAANO MO--"

"ANG PAGKAKAIBIGANG SINASAMBIT MO AY MATAGAL NANG SIRA SIMULA PA NG MAMATAY ANG ASAWA KO!" Bumunot ito ng baril at tinutukan nito si Daemon, aatake sana si Dame ngunit nagulat ito ng humarang si Daewon at tumayo sa harap ni Daemon.

"ENOUGH!" sigaw nito.

Itutuloy~~~






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro