Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42 Catalan System

"That's it, Darling, play fair."-E.

Dame Alferza

Pagkaraan pa ng ilang sandali ay lumayo na ito sa akin. Kasabay nang pagsigaw ni Asp.

"DAME!"

Lumapit ito sa akin, hindi ko siya nakikita dahil magpasa-hanggang ngayon ay nakapiring parin ang mga mata ko. Naririnig ko lang ang papalapit na mga yabag nito.

Ilang sandali pa ay agad nitong tinanggal ng pagkakapiring ng mga mata ko saka ako nito niyakap.

"Pasaway ka talaga!"

"Nakita mo ba siya?" Tanong ko rito.

"Si Daewon? Nakasalubong ko siya kanina at siya din ang nagturo sa akin kung nasaan ka. Sinapak ko nga e ng malamang iniwan ka!" Makatotohanang sagot nito.

"Daewon?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Oo, may iba pa ba?"

Umiling lang ako. Saka kami naglakad palabas ng gymnasium.

Si Asp na ang nagdrive sa paguwi namin. Inalalayan ako muli nito patungo sa taas ng kwarto.

Pagkahiga ko sa kama ay naramdaman ko ang pagkirot ng tahi ko sa kaliwang bahagi ng tiyan.

"Patingin!" Sabi naman ni Asp at nakita nitong medyo bumuka ang pagkakatahi nito.

Kumuha si Asp ng panlinis at saka nilinisan ang sugat ko. At nang matapos ito ay sandaling nanatali pa si Asp sa tabi ko.

"Matutulog na ako!" Saad ko, saka umayos na ng pagkakahiga.

"Is this yours?" Bato sa akin ni Asp ng panyo.

'Yung panyong ginamit no'ng lalaki kanina para piringan ang mga mata ko.

Isang puting panyong may burda sa ibabang bahagi isang ngalan ang naroon, ngalan na minsan ko ng nakita.

'Rukh'

Agad na tumibok ng mabilis ang puso ko. Na para bang sayang saya sa kung ano mang nalaman nito. Napahawak ako sa labi ko.

"Don't!"

"Si Helmet boy!" Mahinang usal ko.

"Sino?" Tanong naman ni Asp umiling lang ako. Lumapit naman si Asp sa akin saka niya ako kinumutan.

"Sweerdreams D." saad nito saka nagtungo na sa may pinto.

"Asp!" Pagkaraan ay tawag ko rito dahilan para matigil siya sa paghakbang palabas.

"Hmmm?"

"Ma-mas-masakit ba akong mahalin?" Nakayukong tanong ko.
May kumirot muli sa puso ko.

"Sinabi niya iyon? If yes, he's a shit who doesn't deserves a single piece of your heart! " sagot lang nito na para bang nagtitimpi ng galit saka lumabas ng silid.

You're wrong Asp, I'm the one who doesn't deserves him.

Chariot Santiago

"Dae! Ano ba lasing ka na tama na iyan!"

"Ishtop c-calling me Dae, you're r-remin-ding me of s-someone" lasing na lasing na siya, ngunit ayaw paring magpaawat. And he doesn't want me to call him Dae anymore.

I took a deep breath as I quickly wipe some of my traitor tears.

Nandito kami ngayon sa condo niya, may victory party ngayon ding gabi at naroon si Ark at Lee ngunit hindi sumama si Dae at eto siya nagpaparty mag-isa.

"All I want is nothing more but her," nakatingin siya sa mga mata ko ng sabihin niya iyan.

Ansakit, ansakit marinig na ngayo'y iba na ang gusto niyang nasa tabi niya at alam kung hindi na ako iyon.

"Is it too much to ask?" Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Lungkot na minsan ko ng nakita at isa iyon sa pinagsisisihan ko.

"At least she came, malay mo may aberyang nangyari kaya hindi siya nakapunta? O kaya nama-"

"No! Hindi lang talaga niya ako gusto!" putol nito sa akin. Nabigla ako sa sinabi nito. Ngunit hindi iyon ang nakikita ko sa mga mata ni Dame.

Hindi nga ba?

"She never look at me the way on how she look at him!" Dagdag pa nito. Matamang nakatingin ito sa baso ng alak. Is he refering of Ar?

"Everytime I tell her how much I love her, she would just smile at me instead of saying she loves me too." Sandaling natahimik ang buong silid sa sinabi nito.

Sobrang bigat ng mga binitiwan niyang salita.

Natigil lamang ako ng magsalita muli ito. At sa sinabi niyang iyon ay tila ba umurong ang dila ko't iniwasan nitong magsalita."She never loved me!"

"She never did! I'm such a fool!" Pagkaraan ay napayuko ito at alam ko sa sarili kong umiiyak siya."Why do people leave me when I get to love them the most?"

Pagkaraa'y tumingin ito sa akin "Why did you left me hanging? Why did you left me Cha?"

Hindi ko na din napigilan ang mapaiyak matapos marinig ang sinabi niya. 'I'm sorry.'

I've known him as a tough man. Ngunit ngayon. Ibang iba na siya.

He's crying.

Tila may napunit na kung ano sa dibdib ko ng marinig ang paghikbi nito. We're lovers before yes, ngunit ngayon ko lang nasaksihan ang pagiyak niya ng ganito.

Ang sakit! Ang sakit makitang iba na ang dahilan ng mga luhang iyon. I can't blame him though. Like what he said, I left him.

Bata palang ako ng una ko siyang makita. Nagaway kasi kami ni Kuya noon dahil ayaw ako nitong makalaro. Kinukulit ko siya halos sirain ko nga 'yung pinto, ngunit hindi parin niya ako pinapansin.

Sa tuwing darating si lolo Vando sa bahay ay lagi sila nitong nageensayo, si lolo nalang ang meron kami. Namatay si mommy right after kaming ipinanganak ng kambal ko si Kuya.

Si Daddy at lolo nalang ang natirang pamilya namin. Ngunit namatay din si Dad. At sabi ni lolo ay ipinapatay si Dad ng taong iyon.

Tinulungan kaming lumaban ni lolo, ngunit ang mas ipinagtaka ko ay kung bakit niya kami tinuturuan ng palihim. Kung pwede naman niya kaming i enrolled sa isang school for martial arts. Kilala si lolo dahil isa siya sa magaling na agent ng FBI.

Ngunit namatay din siya. Lagi nitong sinasabi na kung mamamatay man siya ay ang taong pumatay din sa Dad namin ang siya ring salarin din kung sakali man.

Nang mamatay si lolo ay ipinadala kami sa isang lugar, lugar kung saan kami hinubog sa kung ano man kami ngayon ng Kuya ko.

Isang pagkakamali ang nagawa niya kung iniisip man niyang wala kaming alam ng kuya ko sa kung ano ang napasok namin, nagkamali siya. Pinapasok niya sa sarili niyang teritoryo ang mga taong magpapatumba at magpapabagsak sa kanya balang araw.

Hindi na kami nagkita pa ni Dae noon. At lumipas ang ilang taon hanggang sa tumuntong kami ni Kuya ng labing tatlong taong gulang.

At ang araw namang iyon ang paglaya namin sa lugar na iyon. Namuhay kami ni Kuya ng normal gaya ng kung anong ginagawa ng isang ordinaryong kabataang tulad namin.

At nagkita kami muli ni Dae, hindi niya ako naalala. Ngunit nagdaan pa ilang araw at nagkamabutihan kaming dalawa. Pilit akong pinalalayo ni Kuya sa kanya at hindi ko alam kung bakit.

Lagi niyang sinasabing hindi kami ang para sa isa't isa, napaka niya!

Kapag tinatanong ko kung ano ang dahilan niya sa mga sinasabi niya ay lagi lang ako nitong tatalikuran. Naging malihim siya sa akin. Na tila ba may alam siya na hindi nagawang sabihin sa akin ni lolo.

Naging kami ni Dae at walang nagawa roon si kuya, ngunit ilang araw pa ang lumipas ay tuluyan ng gumawa ng paraan si kuya para mailayo ako kay Dae.

Iniwan ko siya ng walang paalam, pinanuod ko sa malayo ang reaksyon nito ng malamang tuluyan na akong nakaalis. At iyon ang dumurog sa akin, ang makita ang taong pinakamamahal kong malungkot at dismayado ngunit wala akong nagawa kundi ang panoorin lang siya.

Pinadala kami sa Korea para sa isang misyon, nagtagal kami doon ng ilang taon at doon na din kami nag-aral, ngunit sa ilang taon na iyon ay laging missing in action ang magaling kong kapatid. Hanggang sa ipinatawag muli kami at pinababalik ng Pinas.

Bago kami umuwi ni kuya ay may ipinakita itong litrato sa akin. Litrato ng isang babae. Biniro ko pa siya noon, na baka girlfriend niya ito ngunit nakatikim lang ako ng isang batok galing sa kanya.

Sabi niya sa akin ay bago daw naming misyon iyon. Ang protektahan ang babaeng nasa litrato. Sumunod lang ako.

Ngunit pagdating naming Pilipinas ay nabalitaan ko kay Biskup na hindi naman nagbigay ng bagong misyon ang nakatataas para sa pagbabalik namin.

Ngunit gano'n pa man ay sinunod ko si kuya. May hindi siya sinasabi sa akin kung ano man iyon alam kong kabutihan ko lang ang iniisip niya.

Mahal ko si Daewon at walang nagbago roon, ngunit alam kong may nagbago na sa pagtingin niya at hindi na ako iyon.

Tinitigan ko siya.

Lumapit ako rito at hindi napigilan ng mga kamay ko ang yakapin ito. Hinahanap ng mga dila ko ang tamang salitang maaaring bigkasin nito.

"Baka hindi pa talaga siya handa para pumasok sa isang relasyon? O baka naman ay natatakot ito sa kung anong susunod na mangyayari sakaling naging kayo na? "

Hindi ito sumagot. Ngunit ramdam kung mabigat parin ang loob niya.

"Natatandaan mo ba no'ng ikwenento mo sakin 'yung pag-amin mo sa kanya noon at ang ginawa nito'y tinakbuhan ka? Try to think deeper Dae, ano sa tingin mo ang magiging resulta when she said she never had anyone at her side when she needed them the most? Base sa mga sinabi mo sa akin, ramdam kong malungkot ang naging buhay niya, at dapat ay ikaw ang mas nakakaalam noon kung talagang tunay ang pagmamahal mo sa kanya."

Natigil lang ako sa pagsasalita ng marinig ang paghilik nito. Nakatulugan na nito ang pagiyak.

Paano pa kaya kung kilala mo na kung sino talaga siya?

Magagawa mo parin ba siyang harapin? O kaya'y mahalin?

"I'm sorry Dae, if I had to leave you that day."

~N~

"ohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob Squarepants" If nautical nonsense be something you wish.

Sinagot nito ang tawag bago pa matapos."Catalan System, that's the name of their organization. What will you gonna do now?"

"Catalan? Hmmm..." napapatango ito na para bang wala sa kabilang linya at kaharap lamang ang kausap niya. "Naging mainit sila sa akin ngayong nagdaang araw, hayaan mo munang pahupain ko iyon."

"That's the wises tactic I've ever heard so far from yo--"

"Bago ko ibigay ang payment mo, maaari mo bang i-research na din  kung anong ibig sabihin ng Catala--"

"They named it after a chess opening. And based on my research Catalan system is a quite dangerous chess opening in favor of white."

"Hmmm hindi naman siguro ako mauupo sa isang silyang kaharap ng katunggali ko habang napapagitnaan namin ang isang lamesa saka makikipaglaro ng chess hindi ba? Kaya wala akong dapat ikabahala tama ba?" Natatawang sagot niya rito."Salamat sa impormasyon." paalam agad nito.

"Catalan, how 'bout I play Sicilian?"

Nahh! I better used what they're good at! Then find a hole after.

I'll play their game using my own rules.

Itutuloy~~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro