Chapter 40 Bloody Dame
"I got your back."-S.
Third Person Point of View
Sa ilalim ng nakangiting buwan at maging sa mga talang nagniningning. Isang trahedya ang siyang sasailalim.
Agad niyang hinabol ang lalaking kanyang pinakawalan, inipitan nito ng isang traking device ang damit ng lalaki. Saka niya ito pinalaya.
Pagkarating niya sa labas ay nakita niyang sumakay ang lalaki sa isang motor siklo na agad nitong binuhay ang makina. Napangisi siya nang dahil rito.
Bali ang kanang kamay nito at siguradong hindi din maganda ang lagay ng kaliwang braso nito ngunit sa paraan ng pagkakahawak nito sa manibela ay para bang wala siyang iniindang kahit ano.
Napansin nito na para bang hinahamon pa siya, hindi nakawala sa paningin niya ang isa pang lalaking tumatakbo sa kabilang kanto, siguradong iyon ang lalaking nilagyan niya ng traker.
Napangisi siya, itinakwil na nito ang sariling kasama. Oo nga naman bakit mo pa isasama kung pabigat lang naman.
Pagkaraan pa'y naglabas ito ng baril at pinaputukan ang kasamang tumatakbo sa kanto.
Hangal!
Tumingin naman siya sa paligid at napansin ang motor ng kabitbahay niyang kasalukuyang nakaparada pa sa labas.
Agad niya itong sinakyan, masuwerte siya't naroon ang susi.
"Teka! Anong ginagawa mo--' hindi na niya dininig ang daing ng lalaking nagmamayari ng motor kung kaya'y mabilis nitong pinaharurot ang motor para habulin ang taong tinatanaw ng kanyang mga mata.
Hindi ang lalaking nakahandusay na sa daan ang pinuntahan niya kundi hinabol niya ang lalaking sakay ng motor. At ito ang pinuntirya.
Hindi pa masiyadong malalim ang gabi kaya naman nagkalat pa ang mga tao't sasakyan sa lansangan.
Sakto lang ang pagpapatakbo niya, hindi nababahala na baka maiwanan siya ng hinahabol niya.
Mabilis naman ang pagpapatakbo ng lalaki na para bang dito nakasalalay ang buhay niya. Ngunit pagkaraan pa'y biglang naging mabagal ang takbo ng sasakyan nito at pagkaraan ay tumirik na sa daan.
Bumaba siya at tinignan saglit ang diperensya ng sasakayan niya at nakitang tumutulo ang gasolina rito.
Napangisi naman si Dame ng makitang nakahinto na ang sasakyan ng lalaki sa gitna ng daan ngunit pagkaraan lang ay agad siyang nagpadaudus sa gitna dahil lumiyab ang apoy sa nakatirik na motor.
Nakita niyang napangiti ang lalaking hinahabol niya na ngayon ay nakasakay na sa panibagong motor. At napansin din niya ang nakahandusay na lalaki't duguan na maaaring nagmamayari sa motor na ngayo'y kinasasakyan ng lalaki.
Hindi magkamayaw ang mga taong nakasaksi sa nangyari, ang iba pay nagtititili at nagsisisigaw na para bang hindi makapaniwala sa nangyari.
Maririnig mo agad ang sirena ng mga pulis at ang tunog ng sasakyan ng ambulasya at maging ang sasakyan ng mga bombero. Ay nagtungo rito.
Naharangan tuloy ang kanyang tinatahak na daan ng mga sasakyan at mga tao.
Naiinis na napamura siya sa nangyari! Mga inosenteng sibilyan ang nadamay rito.
Tinanaw niya ang lalaking palayo na.
Binuhay niya muli ang makina ng sasakyan nito saka mabilis na lumiko sa kabilang lane kung saan makakasalubong niya ang mga sasakyan.
Mabilis parin ang pagpapatakbo niya, hindi ito lumilihis sa mga nakakasagupa sa halip ay ang mga nakakasalubong nito ang lumilihis kung kaya'y nagkakarambola ang mga ito sa gilid.
May iilan pang napapahinto't binibigyan siyang daan na para bang alam nila kung para saan ang ginagawa niya.
Agaw atensyon ang ginagawa nito, imbis na matakot ang mga taong nagkalat sa labas ay parang naaliw pa ang mga ito't nagsisigaw. Pinapanood nila ang kung ano mang susunod na mangyayari.
Nagulat naman ang lalaki nang mapansin nito si Dame na ngayon ay kapantay na niya ngunit magkaiba ngalang ang daang tinatahak nila.
Pagkaraan pa ng ilang sandali ay bumunot ito ng baril at pinatamaan ang driver ng kasalubong na malaking truck ni Dame.
Dahilan para mawalan ng control ang driver sa minamaneho nitong truck.
Humarang ito sa dinaraanan niya, ngunit hindi nabahala si Dame at sinuong nito ang maliit na espasyo sa silong ng truck at doon pinadaan ang sasakyan.
Ramdam niya ang hapdi sa kanang paa nito. Gawa ng pagsayad nito ng suungin nito ang silong ng truck. Ngunit ganoon pa man ay patuloy parin siya sa pagsunod sa lalaki.
Pagkaraan pa'y nakabalik na ito sa linyang tinatahak ng lalaki.
Sa pagkakataong iyon ay mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo ngunit isa itong malaking pagkakamali ng mapansin ang mag-ina na patawid sa daang tinatahak niya.
Malakas niyang iprineno ang sasakyan ngunit ganoon pa man ay siguradong aabutin parin nito ang batang hawak hawak ng kaniyang ina.
Napuno ng hiyawan ang buong paligid ng dahil rito. Ang iba'y nakapikit pa ang mga mata na tila ba ayaw masaksihan ang ano mang mangyayari.
Kaya naman buong lakas niyang iniliko ang motor niya sa nakahintong truck. At doon ibinangga ang sasakyan.
"BLAGGG!"
Sa lakas ng impact ng pagtama niya rito ay nayupi at sirang sira ang motor na kinasasakyan nito.
Naririnig niya ang mga yabag ng taong papalapit sa kanya.
Iminulat nito ang mga mata at nakita ang halo halong mukha ng mga taong nakapalibot sa kanya.
Ramdam niya ang dugong nagmumula sa noo niya, nakaramdam din siya ng matinding pagkahilo kaya naman nanatili siya sa gano'ng p'westo.
Pagkaraan pa'y sinubukan na nitong tumayo. Nagsiatrasan naman ang mga taong pumapalibot sa kanya, may iilan namang naglakas loob na lumapit at tumulong upang maitayo siya.
Nang makatayo ay saka niya tinanaw ang nakalayo ng lalaki.
Napansin niya ang mga taong patuloy paring nagtitinginan sa kanya. Maging ang batang inilagan nito ay matamang nakatingin sa mga mata niya.
Lumapit siya rito, hahawakan sana nito ang buhok ng bata ng makitang may bahid ng dugo ang mga kamay niya.
Kaya naman binawi nito ang kamay na sana'y dadapo sa buhok ng bata.
Halos matumba siya nang makaramdam ng matinding kirot at hapdi sa kaliwang bahagi ng tiyan nito. Inalalayan naman siya ng mga taong nasa likod niya.
Pagkaraan ay narinig na niya ang sirena ng pulis na papalapit.
Ngunit bago pa makalapit ang mga pulis ay humarang ang mga tao rito. Na para bang pinoprotektahan siya.
Ilang sandali pa ay nasilaw ito sa liwanag na nagmumula sa sasakyan ng isang taong paparating.
Pinagmasdan lang niya ito hanggang sa kusang huminto ang motor sa harap niya lulan ng isang pamilyar na lalaki.
"Hop in!"
"Ikaw pala, helmet boy! Saktong sakto, pagod na din ako." nakangiti nitong sagot, saka humawak sa kamay nitong nakalahad sa kanya at umangkas.
Napatingin naman ito sa likod niya, kung saan makikita ang napakaraming taong pilit hinaharangan ang mga pulis na makalapit sa kanya.
Itinaas nito ang kanang kamay na para bang sinasabing lubos siyang natutuwa at nagpapasalamat sa mga ito.
Agad namang pinatakbo ng lalaking nakahelmet ang motor nito. Ilang sandali pa ay nagsimula ng kumirot ang sentido ni Dame dahilan para mapakapit siya ng mahigpit sa bewang ng lalaki para hindi mahulog. Isinandal din nito ang ulo niya sa likod nito.
Habol habol na niya ang paghinga. Kay bigat ng katawan niya't nagsisimula ng kumirot at humapdi ang mga natamo nitong sugat.
Humigpit pa ang pagkakayakap niya rito at mula sa ganoong sitwasyon ay naramdaman niya ang kakaibang pagtibok ng puso niya.
Pagkaraan pa'y lumiko na ang lalaki't tinungo ang lugar kung saan niya ito huling natatandaang dinala.
Ramdam niya ang pagkakayakap nito sa kanyang baywang nang mahigpit at maging ang paghahabol hininga nito dinig na dinig din niya ang kakaibang pagtibok ng puso ng dalaga.
Sa ilalim ng libo libong mga bituin at sa buwang nakasilip. Ay magkasama nilang tinatahak ang napakatahimik na daan. Saksi ang lahat ng ito sa hirap na dinaranas nila.
Pagkaraan pa ng ilang sandali ay narating na nila ang condominium kung saan minsan na niyang naihatid ito.
Sumalubong sa kanila ang nagaalalang si Asphere. Na kanina pa hindi mapakali sa kakahanap kay Dame. Pinuntahan niya ang bahay ni Dame para sana ayain itong maghapunan sa bahay niya ngunit,
Nadatnan nito ang dugong natuyuan na sa may pintuan at sahig. At ang kaunting gulo sa loob ng apartment ni Dame.
Kaya naman aligaga siya sa paghahanap rito. Kararating lang nito sa labas ng building ng condo nito ng mapansin ang agaw pansing motor.
At nakita nga niyang angkas nito ang nanghihinang Dame Alferza.
"Fuck Dame! Ano nanamang ginawa mo?" bungad niya rito, ngunit ngiti lang ang isinagot ni Dame saka bumaba sa pagkakaangkas.
Inalalayan siya agad ni Asp. Sinubukan pa nitong tignan ang lalaking muling tumulong sa kanya.
Ngunit nakalayo na ito. Kasabay ng paglaho nito sa paningin niya ay ang pagsakop naman ng dilim sa kanyang paningin.
Binuhat siya ni Asphere at dinala sa unit nito. Agaw pansin sila sa lobby dahil makikitang duguan ang buhat buhat niya.
May ilang lumapit pa at nag-offer ng tulong ngunit tinanggihan lang niya ang mga ito.
Nang makarating sila sa loob ng unit niya ay agad niyang dinala si Dame sa kwarto nito saka inilabas ang cellphone napansin nito ang nakakaawang sitwasyon ngayon ng dalaga.
Punit punit ang suot nito sa gawing tuhod niya at isang malaking sugat ang natamo niya doon.
Napansin din nito ang dugong nagmumula sa noo nito. Ngunit ang labis na ikinabigla niya ay ng makitang may tama pa ito sa kaliwang bahagi ng tiyan nito.
Hindi niya mahawakan ng maayos ang cellphone nito para tawagan ang isang taong makakatulong sa kanya.
"She needs you!" Bungad agad nito sa kausap.
Pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumunog na ang doorbell nito hudyat na nakarating na ang tinawagan niya.
Pinapasok niya ang babae at dinala sa kwarto kung saan kasalukuyang nakahilata si Dame.
Halos mapatakip ng bibig ang babae nang makita ang lagay ni Dame. Sariwang sariwa pa ang mga sugat nito maging ang mga dugo nito ay patuloy parin sa pag agos.
Agad niyang inilabas ang mga dala nitong gamit.
Nilinisan nito ang mga sugat na natamo niya sa braso't paa maging sa noo.
Tinahi din niya ang malaking sugat na gumuhit sa kaliwang bahagi ng tiyan nito.
Nagtungo naman sa labas si Asp dahil hindi nito kinaya ang nasaksihan. Nagtungo siya sa kusina at naglabas ng tubig mula sa fridge at agarang tinungga na para bang ilang daang taon itong hindi nakatikim ng tubig.
Pagkaraan pa'y may pumasok sa loob ng unit niya. Sinalubong niya agad ito ng isang malakas na suntok sa panga.
"Ang sabi mo poprotektahan mo siya, FUCK! MUNTIK NA SIYANG BAWIAN NG BUHAY!!!" Sigaw nito.
Hindi naman nakasagot ang lalaki, pinahid lang nito ang dugong nagmula sa labi.
Nalingat lang ang atensyon nila ng sumigaw ang babaeng nasa taas at gumagamot kay Dame.
"MASYADONG MADAMING DUGO ANG NAWALA SA KANYA, HINDI NA KINAKAYA NG KATAWAN NIYA!" she exclaimed.
Napatakbo sila sa taas ng dahil doon.
Malungkot ang mukhang napatingin ang lalaki sa walang malay na Dame.
"What's her blood type?" Pagkaraan ay tanong nito.
"AB."
Inilahad nito ang braso.
"Have mine!"
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro