Chapter 4 An Ordinary Day
"Thought I'd die, 'saw you smile."-I.
Asphere Tiu
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa malambot ngunit napakalungkot na kama para sana sar'han ang liwanang na gumising sa nahihimbing kong diwa. Napakurap kurap ako nang maalalang...
"Fuck! Dame where are you?"
Ang loko kasi 'di nagpaawat sa paginom halos itungga niya 'yung isang bote ng wine sakit sa ulo talaga ang babaeng 'yun kung pwede ko lang talagang dispatyahin eh!
Inilibot ko ang aking paningin nagbabakasakaling makita ko siya. Imposible namang makauwi iyon sa lagay niyang 'yun isang hakbang lang tumba na. I walk on the right side of my bed, and I was right, she's sleeping peacefully on the floor.
I look at her face, how lovely. Now tell me how can I dispatched an angel?
Lumapit ako sa kanya at yumuko para sana buhatin siya and lay her on the bed. Pero, hindi pa nakakalapit ang kamay ko nang magising na ito.
"Anong oras na?" She asked her eyes still shot. Napalayo ako sa kanya and look at the clock placed at the side table.
"It's passed 7,"
Agad siyang napatayo, dirediretso s'yang naglakad halos bungguin pa ako.
"Asp! Aalis na ako mal-late na ko sa klase ko. " Sigaw niya.
"Dito ka nalang magpalit, hindi ko pa naman tinapon 'yung mga gamit mo, nakalagay parin siya sa closet kong inangkin mo na. Go take a bath first ang baho mo na. I'll cook breakfast." I answered back.
"Sige maliligo na 'ko, pasalamat ka masarap luto mo! Teka tinulak mo nanaman ba ako kaya ako nahulog?" painosente niyang tanong.
"Malikot ka lang talagang matulog 'wag kang manisi!" Tumawa lang naman siya sa sinabi ko.
"I want rice for breakfast"
"How 'bout pancake?"
"Rice!" she said glaring at me.
I raised my hands saying "Okay rice," ngumisi lang siya saka pumasok muli sa kwarto ko bumaba na din ako para magkapaghanda ng almusal.
I love cooking simula no'ng araw na ipinakilala sa akin ni Dame na meron palang nag i-exist na masarap na pagkain sa tulong nadin ng karinderia ni Aling Susan s'yempre.
Since then, huminto na ako sa mga delivery foods, fast foods and so on, napapadalas na din kasi ang pagpunta dito ni Dame lalo na tuwing gabi 'pag wala siyang hapunan.
Ang galing niyang kumain ni hindi naman marunong magluto inaasa lagi sa akin, pero dahil sa kanya lumiwanag lalo ang mundo ko. Buti nalang talaga nakilala ko siya.
I know, among those cards she's holding she had an ace on it. But little did she knows that the game we're both playing is already in favor of me. Right from the very beginning.
Won Alvarez
Hindi sana ako papasok this day but, knowing mom she won't let me do that. It's passed 10 pm when I decided to go home. And if anyone wondering what I'm doing right now?
I'm with my baby driving happily. Oppss!!! Don't get me wrong, I just got back my baby veyron.
Malapit na ako sa school gate, I decided to take it slow. Way to go baby.
Masaya kong pinagmamasdan ang napakalaking gate ng Salle de University. Because of what happened on Juztin, mom got worried dahil sa sinabi kung naglalakad lang ako ng mag isa on my way home. So she gave me back my car.
Napawi ang ngiti ko at saka inapakan ang break nang halos mauntog pa ako sa manibela dahil may biglang sumulpot na napakabilis na sasakyan. Sinuri ko kung sino ang mapangahas na gumawa no'n sa akin.
"Fuck you Dame, Again!"
I parked my car beside hers, para talagang kambal 'yung sasakyan namin. As I then walk my way to our room ignoring those stares coming from those fucking people. Who tend to spend their time staring at me than to do something worthwhile.
I was just on time before the bell rang. And there I saw her sitting peacefully, head on the desk with an earphones plugged in. I walk near her and took my sit beside her. Although I owe her bacause of Juztin. I still hate her.
Ayon sa testimonya ni Juztin nang magising ito sa mga pulis napagdiskitahan daw siya. Pauwi na siya when someone blocked his way binusinaan naman niya daw ito pero hindi parin umalis kaya napagdesisyonan niyang bumaba at kausapin ang mga ito, pagkababa niya ay saka naman nagsilabasan ang mga kasamahan ng lalaki.
Matapos nilang kuhanin 'yung sasakyan niya binugbog pa siya ng mga ito. He tried to defend himself ngunit nasaksak siya kaya wala na siyang ibang nagawa kung hindi magmakaawa para hayaan siyang makaalis.
Matapos no'n nagtatakbo siya sa gitna ng daan pero natigil siya sa putok ng baril at mula roon ay umagos ang dugo sa kaliwang braso niya hanggang sa mawalan na siya ng lakas at nawalan ng malay.
Those bastards how dare them do that to my bestfriend?
I look at Dame, trying to push aside my anger towards those fucking bastards! I don't know but, my blood still boils whenever I get to be near or see her even though I owe her 'cause of Juztin.
It's time for us to get even!
"Hey man do you have a pen?" I asked the guy beside me. He then handed me a pen and look away.
Nilalaro ko ang ballpen sa kaliwang kamay ko na lumilikha ng nakaiiritang tunog mas inilapit ko pa sa tenga niya. Nang wala paring epekto sa kanya 'yung ginagawa napaisip ako kung bakit?
Fucking earphones, I silently work on getting her earphones off. Shit! siya lang ang nakita kung naka-earphones na hindi naman naka-connect sa cellphone.
She's totally crazy!
"Oh shit! The school building's on fire! Hey woman wake up!" Simula ko habang tinatapik siya. Gumalaw naman siya, pero hindi parin siya tuluyang gumising.
"Call a fire truck bro, I'm not a fireman for pete's sake!" She whispered, with her eyes still closed.
She's not honestly a fireman?...Ughhh!
"Shit! Mrs. Chua's Finally here! This terrorist will surely wreck a woman who's peacefully asleep. You better wake your ass up!" I shouted this time.
"Third subject pa siya incase nakalimutan mo." she answered fuck! That's totally a fuck up excuse! Think again Dae say something don't let her sleep just like that.
Ano nga ba ang kahinaan ng babaeng ito? Hmmm let's see if you can still resist this time.
"Who want doughnut?" I shouted as loud as I can.
Getting all the attention I hated, but fuck it I don't care. Wala pang tatlong segundo ay agad siyang napamulat at halos mapatayo sa narinig. I unconciously found myself smiling sa ginawa niya.
"Who has doughnut?" Tanong niya.
Wala kahit isa ang sumagot sa kanya, nagsibalikan sa kani kanilang gawain ang mga ito. Napatingin naman siya sa akin makikita mo mula sa expresyon niya ang dismayang hindi ko aakalaing makikita ko dahil lang sa pagkain.
Nginitian ko siya ng sobrang tamis nang magawi ang tingin niya sa akin. Kababakasan na ngayon ng pagkainis ang mukha niya.
Iritado siyang naupo at nangalumbaba. She looked really upset.
Diba dapat masaya ako kasi naasar ko siya't nasira ko ang tulog niya at nakabawi na ako kahit papaano sa ginawa niya sa akin? But why do I feel like, I wanted to buy her dozens boxes of doughnuts hanggang sa magsawa siya.
Natapos ang first subject ng wala siyang imik tahimik lang siyang nakatingin sa pisara. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya, nakinig ba siya o ano?
Sabagay kahit hindi naman siya makinig mukhang alam naman na niya ang bawat salitang binigkas ni Ms. Avilla. Hanggang sa matapos ito at makaalis at dumating nanaman ang bagong teacher wala parin siyang imik.
I think I preferred the crazy stupid Dame Alferza.
Dame Alferza
Kasalukuyang pa lang ang discussions ni Mrs. Chua our terror proffesor in English. Kung makapag salita para bang kabisado na niya ang lahat ng gawa ni Shakespeare.
Naiinis parin ako gusto ko ng kumain nagugutom nanaman ako, kung pwede lang talagang gawing bakal 'tong tiyan ko eh.
Nakakainis talaga! I'm into english lessons but right now, I can't stand to listen well anymore!
"You are my sunshine, my only sunshine
You make me happy when skies are gray"
Natigil si Mrs. Chua sa pag-ddiscuss at inilibot ang nandidilim na paningin na para bang pati mga usok naglalabasan na sa tenga't ilong niya.
"Whose phone is that?" She shouted roaming her eyes around.
Walang umimik ni isa, patuloy parin sa pagtunog ang musika. Sa paraan ng pagtatanong niya wala ni isa talaga ang mangangahas na umamin.
"You'll never know dear, how much I love you
Please don't take my sunshine away"
"Answer the damn phone!" another mind blowing shout. Ngunit tulad ng kanina ay wala paring umamin. Sinabayan ko ang musika sa aking isipan.
"You are my sunshine, my only sunshine
You make me happy when skies are gray
You'll never know dear, how much I love you
Please don't take my sunshine away"
Nang may biglang tumapik sa akin, napatingin ako kay Dae Dae nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin sabay nguso.
Itinaas ko ang kamao ko facing him. Na para bang sinasabing "you want this?" Napangiwi uli siya at saka muling ngumuso pointing my backpack on the floor placed beside my chair.
Shit!
Kinuha ko 'yung bag ko saka binuksan ito at inilabas mula roon ang tumutunog na cellphone. Napatayo ako sa inis, damn Asp nagkapalit na naman kami ng cellphone.
Kung nagtatanong kayo kung bakit? siya lang naman ang nagbigay ng cellphone ko at ang loko ang binili ay 'yung pang couple para daw sweet.
Kung hindi lang talaga mamahalin 'yun 'di ko tatanggapin.
"Damn Asp! I'm going to rip your head's off swear!"
"Oh chill D ililibre pa man din sana kita, nagabala pa naman akong pumunta dito sa school niyo." Kontra nito.
Nang marinig ko ang salitang libre parang gumuho lahat ng inis ko at nagsimulang magsaya ang tiyan ko.
"Okay at the canteen!" I happily answered and ended the call.
Napatingin ako sa paligid at halos lumuwa na 'yung mga mata nilang nakatingin sa akin kasama na si Dae Dae. I smiled at him and look at Mrs. Chua, kinidatan ko siya.
"Next time make sure to silent your phone or much better if you turn it off" Bakas ang gulat sa mukha ng lahat ng estudyante sa dahilang ngumiti lang naman si Mrs. Chua at nagtuloy nga sa pagd-discuss pagkatapos.
Tumingin sa akin si Dae dae na para bang nagtatanong kung ano lang naman ang nangyari. I just shrugged saying I don't know when in fact isa lang naman ang rason kung bakit ganoon ang naging akto ni Mrs. Chua.
Nakalimutan kung sabihin kanina Idol lang naman ako ng terror na teacher na to! Kung bakit? Tinatanong pa ba yan? Tsk!
Papabili akong doughnut iyan lang ang nasa isip ko ngayon. Doughnut!
Nang matapos na ang klase agad akong lumabas ng room at nagtatakbo papuntang canteen.
Pagpasok ko sa canteen agad namang kumaway ang hinahanap ko naglakad ako palapit sa kanya paupo na sana ako nang maalalang may kasalanan ang mokong na 'to.
"Aray! Para saan 'yun?"
Binatukan ko lang naman siya, kala mo ah!
"Akin na 'yung phone ko!"
Ibinigay naman niya agad. Nang makita kong nakahain na ang mga nagmamahaling pagkain ay napangiti ako saka umupo ng maayos.
One thing that Asp know, I love eating expensive foods other than eating foods galing sa karinderia ni Aling Susan pati na luto ng mokong na 'to.
"May bagong bukas na restaurant sa downtown wanna have some dinner with me?"
Nilantakan ko agad ang pagkain ignoring his question gago din to eh ginagamit pa ang kahinaan ko pwede naman niyang sabihing gusto niyang makasama ako.
Hahahaha not gonna happen.
"Hey! Ayusin mo namang kumain nakakahiya ka talagang kasama." Sita nito.
"Hindi ko maeenjoy ang pagkain kung maria clara ang bawat subo ko. Pwede ka ng umalis kung nahihiya ka sa akin pay as you order naman to eh siguradong bayad na." I smiled at him.
"Nag-cut ako sa school tapos paaalisin mo lang ako dito."
"Anong gusto mong gawin ko mag-cut din?"
"Hindi ako ang nagsabi niyan..." nakangiti niyang sagot ibig sabihin tama ako?
"Not now may babawian pa ako." agad nawala 'yung ngiti niya.
"Mom set me up on a date. Again! ayoko! "
"Pang ilan na 'yan? Baka nababahala na ang mama mo sa estado ng.."
"What? Do you think I'm gay?" Sigaw niya sa akin. Defensive!
"Hindi ako nagsabi niyan." bawi ko sa kanya.
Natapos ang bangayan namin ni Asp nang mag ring ang bell.
"I'll meet you later sa downtown text mo sakin kung saan?" Sabi ko sa kanya saka tumayo.
Pagkaraan ay inayos ko na 'yung mga gamit kong nagkalat sa lamesa nakalimutan ko kasing may homework pala kami sa Math. I love math paman din kaya hindi pwedeng maka-missed ako ni kahit isa sa mga activities and so on.
Wierd right? Well as if I care!
"Hindi na ba talaga mababago ang desisyon mo? I'll buy you ice cream Rocky roa..."
"A big no! I'm going to miss something if I do that." I winked at him and turn away to walk on my next class.
"Minute change?" He shouted.
"Not gonna happen."
"How 'bout Pasta?" Tumingin ako sa kanya at umiling.
"By the way Asp, Astig ng ringtone mo ah, you are my sunshine? Seriously?" napayuko siya na tila ba nahihiya nag angat din siya agad ng tingin at ngumisi sa akin.
"Kaysa naman 'yung iyo, ano nga ba 'yun?"
"Don't you Dare!" banta ko sa kanya, tumawa lang naman ang mokong!
Agad naman na akong umalis baka mabatukan ko pa siya! I just waved my hand. Masyado na din kasing madaming mata ang nakatingin sa amin kanina. Kay handsome kaya ng bestfriend ko.
Pagdating ko sa room, puta! nakalimutan kong magpabili ng doughnut shit! Kaya pala pakiramdam ko kanina parang may kulang! Yun pala iyon!
Dismayado kong tinungo ang upuan ko, nang mapansin ko ding nakaupo na din si Dae. Nakapagtataka naman ang lalaking ito wala ba siyang balak mag ditch ngayon? Napangiti na lang ako, payback time baby! Come to mommy!!!
Naupo ako sa tabi niya ngunit parang hangin lamang akong dumaan sa harap nito, ni hindi ako nagawang lingunin o tignan man lamang anong problema niya?
I cleared my throat, wala paring epek pri!
Pumasok na 'yung Math teacher namin si Ms. Minchin. Ipinasa na din namin 'yung Assignments namin, nakita ko namang hindi nagpasa si Dae pasaway talaga! Nagsimula na ngang magdiscuss si Ms. Minchin ng mga napaka-komplikadong equations.
Bakit ba kailangan pang daanin sa komplikado at napakahabang solusyon kong pwede namang ituro na lang niya 'yung short cut method, hindi ko din minsan maintindihan itong teacher na to eh!
Nakakaantok tuloy ang paraan ng pagtuturo niya, at iyon ang problema ng bawat guro hindi lang sa paaralang ito, they were supposed to get the attention of their students. But look they became the origin of the word Boring!
Hanggang sa natapos na ang last subject namin hindi parin umimik 'tong katabi ko na para bang natatakot mapasukan ng langaw 'yung bibig kaya tikom. Tumayo na siya at akmang aalis nang tawagin ko siya.
"Dae!"
Nagtinginan naman 'yung mga kaklase namin. Doon ko lang nalamang mali pala ang nasabi ko. I'm not supposed to call him Dae if others were around, ewan ko kung bakit?astig kaya ng Dae diba? Sabihin niyong hindi makakasapak ako.
Nagtuloy na siyang umalis na para bang walang narinig, sumunod nalang ako pero paglabas ko sa pintuan wala na siya. Kay bilis naman niyang makaalis.
Ipagpapabukas ko nalang ang payback na ihahatol ko sa kanya, teka hindi ako tinawagan ng mokong na 'yon kagabi ah, dapat binalitaan niya ako kung ano nang nagyari kay Juztin. Sabi nang tawagan ako eh, ang kulit din ng lolo niya isss.
Pagdating ko sa parking lot halos manlaki ang mata ko nang makitang naging dalawa 'yung Asawa ko putik kailan pa 'to? Kinusot ko ang mga mata ko para malaman kung nababaliw o hibang lang ang paningin ko pero wala eh nandito parin 'yung sasakyan. Sandali, kung naging dalawa nga ang asawa ko paano ko iuuwi 'tong isa?
I was in the midst of thinking when Dae came out of nowhere and walked passing me. Teka nalaglag ata 'yung mata ko paki pulot naman. Sumakay lang naman siya sa--
"Is this yours?"
Tumingin lang siya sa akin ng ilang segundo and looked away. Seriously what is wrong with him? Binuhay na niya ang makina at aalis na sana ng humarang ako sa daraanan niya.
"Kung sayo nga 'to? Ibig bang sabihin may pera kana ulit? Ilibre mo naman akong doughnut oh!"
Binusinaan niya ako ng pagkalakas lakas ngunit hindi parin ako nag patinag.
"Sige na! Kasalanan mo naman kasi to eh kaya tuloy 'di mawala sa sistema ko 'yung dough...." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang bumaba sa sasakyan niya at tinungo ang kinatatayuan ko.
"What if I don't want to?" Seryoso niyang sagot, napahalukipkip naman ako at tinitigan siya sa mata nang masinsinan.
"Baka nakalimutan mong supplier kita?" Taas kilay kung sagot. Halos matawa siya sa sinabi ko.
"Oo nga ako nga supplier mo, tapos kung kani-kanino ka sumasama."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya naglakad siya pabalik sa sasakyan niya saka binuksan 'yung backseat at mula doon ay inilabas niya ang isang box ng...
"Oh iyan sayo na, that's what you're good at."
Dugtong nito saka pumasok sa sasakyan niya at binuhay muli ang makina, bumusina siya ng 'di parin ako umaalis sa pagkakaharang sa daraanan niya. Wala naman akong ibang nagawa kundi magpagilid at bigyan siyang daan para makaalis.
Tinanaw ko lang ang papaalis na sasakyan niya hanggang sa unti-unti itong naglaho sa paningin ko. Napabuga ako ng hangin nang wala sa oras na para bang, ahhhh basta ewan.
This is not an ordinary day just like what I wanted. Napatingin ako sa hawak kung box at hindi napigilang mapangiti.
At least may doughnut ako.
Won Alvarez
"Ughhh! Fuck, Dinner their face!"
'Hey man you're so cruel' my left brain said, I was about to answer him when my right brain interrupted. 'Bagay kaya sila' nanlaki ang mata ko doon fuck!
Kailan pa nagkasundo ang right and left brain ko?
At kailan pa naging bagay ang dalawang tao?
I really Hate Her, together with my right and left brain.
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro