Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39 Daga at Pusa

"I'm just here, still waiting to be noticed."-D.

Third Person Point of View

"Bukas na 'yung championships! You need to be there."

Tumango lang siya sa sinabi nito. Dahil magpasahanggang ngayon ay hindi parin niya alam ang gagawin.

"Are you okay now?" Tumango lang siya muli. Lumapit si Daewon sa kanya, at niyakap siya nito.

"I love you." sambit muli nito na dahilan para manikip ang dibdib niya. Hindi nito gustong saktan ito ngunit anong magagawa niya kung iba ang nais ng kanyang puso?

"I'm sorry," natigilan si Daewon nang marinig nito ang sagot ng dalaga.
"I'm sorry sa nangyari kanina....I'm sorry." niyakap nito ng mahigpit si Dame. 

Hindi na niya maitatago't maitatatanging may ibang ibig sabihin ang mga katagang binitiwan nito.

Matagal na niyang ipinagsawalang bahala ang lahat ng nakikita't napapansin nito. Ngunit ngayon alam niyang tinatalo na ng katotohanan ang pagsasawalang bahala niya.

Pagkaraan pa ng ilang minuto ay lumabas na si Dame sa kotse nito at nagpaalam.

Kumaway lang ito sa papalayong sasakyan ni Daewon. Nanatili pa siya sa labas at pinagmasdan ang mga nagkalat na tala sa langit at maging ang nakangiting buwan.

Ipinikit nito ang mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin.

"Ang sandaling ngiti at sayang namutawi sa maikling panahon ngayon ay tuluyan mo nang binabawi." sambit nito habang nakapikit parin ng mariin ang mga mata.

Ramdam niya ang kakaibang paninikip ng dibdib nito na para bang sinasakal siya ng napakasarap na simoy ng hangin.

Ang tahimik na gabi, habang nakatungo siya sa langit at sa mga bituin at buwan na siyang naging saksi sa buhay at landas na kanyang tinahak.

Ang hirap ng buhay na kanyang kinamulatan maging sa bawat sugat at peklat na siyang bumuo't humulma sa pagkatao niya.

Tanging isang hikbi ang kanyang ibabahagi. Sa tahimik na gabi'y, lumbay ang siyang namayani.

Pinahid niya ang luhang kumawala sa mga mata, at tumungo na sa loob ng apartment niya.

Pagpihit niya ng door knob ay napansin nito ang kakaibang pagtibok ng puso niya.

Ipinikit niya ang mga mata at pinakiramdaman ang buong paligid. Hindi yabag hindi din kaluskos kundi ang isang malalim na paghinga ang sa kanya'y nagpangisi.

Naglakad lang siya na para bang hindi nito napansin ang kung sino mang nakapasok sa loob ng lungga niya.

Hindi niya binuksan ang ilaw sa halip ay nagtungo siya sa sofa niya at naupo. Pagkaraan ay nagsalita ito.

"Kapag wala ang pusa, sumasalakay ang daga." Nakangisi nitong simula "ngunit, ngayong nakabalik na ang pusa, siguradong kakawawain nito ang daga."

Narinig niya ang pagbunot ng baril ng taong nakatago sa gilid ng pinto.
At alam niyang sa pagkakataong iyon ay nakatutok na sa kanya ang bukana nito.

"Anong kailangan ng Daga at nasa lungga siya ng Pusa?"

Narinig niyang sinubukan nitong buksan ang pinto ngunit ito'y  'di niya mabuksan.

"Naku! Na trap ang Daga, puta siguradong wala na itong kawala." mapangasar nitong sambit.

Nanatiling tahimik naman ang taong pumasok sa loob ng bahay niya. Naglakad siya patungo sa kusina niya, ngunit bago pa niya mabuksan ang Ref ay may paparating na kung anong bagay na mabilis sa gawi niya kung kaya'y napaliyad siya dahilan para tumama ang bagay na iyon sa kabinet niya.

It's the same blade na minsan na niyang nakita. The same blade which made Ark bleeds.

Napangisi siya ng makita ito.

'You're Dead!'

"Ikukuha lang naman kita ng keso, ngunit sa ginawa mong iyon---"
Mabilis niyang kinuha ang nakatarak na blade sa kabinet nito at saka hinagis sa taong nagtangka sa kanya. "Ginalit mo ang Pusa!" Dugtong nito.

"A-hhh!" braso lang ang tinamaan nito.

Kinalabit ng lalaki ang gatilyo ng baril na hawak saka niya pinatamaan si Dame ngunit ni daplis ay hindi niya nakamtan.

Mabilis na nakalapit si Dame rito at saka niya hinawakan ang kamay ng taong may hawak ng baril at mabilis na binali ang kamay nito "AHHH!" Nang matapos ay kinuha niya ang baril mula sa pagkakahawak ng lalaki, pagkaraan ay itinutok nito iyon sa nagmamayari.

Sinubukan nitong manlaban ngunit tinalo ng dilim ang kanyang paningin.
dinakmal pa ni Dame ang leeg nito saka idiniin ang baril sa natamo nitong sugat sa kaliwang braso.

"AHHH!"

"Natatandaan mo ba iyong lalaking tinatuhan mo ng sugat?" Pagtukoy nito kay Ark.

"H-umarang siya, kaya naman AHHH!" sigaw pa muli ng lalaki ng idiin pa ni Dame ang bukana ng baril sa sugat niya.

"Sinong Daga ang nag-utos sa iyo?"

"Patayin mo nalang ako!" Matapang na naging sagot parin ng lalaki.

Napabuga siya ng hangin sa naging sagot ng lalaki. Pinipigil ang sariling kamay sa pagkalabit ng gatilyo.

Nagulat ang lalaki sa sunod na ginawa ni Dame. Sa halip na patayin na siya ay nagawa pa siya nitong pagbuksan ng pinto.

"Pagbilang kong isa, tumakbo kana. Bago ko pa maisipang ihanda ka sa hapag kainan at gawing panghapunan!" Agad na tumakbo ang lalaki.

Napangisi naman si Dame ng dahil doon.

"Mas maaaliw ang Pusa, kung makikipaghabulan ito sa Daga!"

Ngayong gabi, Dadanak ang dugo kasabay ng pagbubukas ng panibagong yugto.

Itutuloy~~~





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro