Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38 Same Scenario

"I love you, Darling."-N.

Dame Alfera

Kinabukasan ay hindi ko na nakita pa si Ark. Hanggang sa sumapit ang lunes, martes, miyerkules, huwebes, biyernes, sabado, linggo ay hindi ko siya nakita ni anino man lang sana niya ay hindi ko rin nakita, hindi siya pumasok at hindi man lang nagsabing hindi siya papasok.

Sa isang linggong iyo ay mas napalapit ako kay Daewon. Lagi akong nanunuod sa basketball tournament between the 7 competitors of each Universities na no'ng martes pa nagsimula. At ang championships ay gaganapin na sa makalawa. Ang maghaharap ay ang school namin at ang Aterio.

Sa isang linggong iyon, nakilala ko ang Won sa pangalang Daewon.

Hindi ito nagkulang sa pagpaparamdam sa akin na tunay at totoo ang pagibig na nararamdaman nito sa akin.

He'll hold my hand whenever he finds time to hold it.

He'll whispered the words 'I love you'  whenever I'm with him.

He loves me, and it somehow wakes up the worriedness that lies deep within.

He deserves to be loved too, But am I? Am I the one, who'll give back the love he's looking for?

Hanggang sa sumapit nanaman ang lunes at maaga akong nagising dahil maaga daw akong susunduin ni Asp dahil may early class sched ito.

Pagkaraan pa ng ilang minuto ay narinig ko na ang pagbusina ng sasakyan niya. Kaya naman nagmamadali akong lumabas at nagtungo sa kotse nito.

Naupo muli ako sa backseat, nagdrive thru lang kami sa isang fast food chain saka muling bumyahe. Saktong naubos ko na 'yung kinakain ko ng narating namin ang Salle De.

Nagpaalam na ako sa kanya saka lumabas ng sasakyan at tumakbo muli  patungong classroom. Maaga pa naman ngunit hindi ko alam kung bakit tumatakbo ako. May hinahabol ba ako? Oh, may gusto lang talaga akong makita?

Hinihingal ako't habol ang hininga nang makarating ako sa loob ng silid namin, agad akong napatingin sa direksyon ng taong nais kong makita ngunit bakante nanaman ang upuan niya.

Napayuko akong nagtungo sa aking upuan, dismayado. Pagkaupo ko ay ang pagdating naman ni Lee at Daewon.

"Good morning!" bungad sa akin ni Daewon si Lee naman ay parang wala sa sariling naupo sa upuan niya saka ibinagsak ang ulo sa desk nito. Puyat siguro.

"Good morning." sagot ko naman. Pagkaupo nito sa upuan niya ay inilapit niya ang silya niya sa silya ko. Closing the gap between our chairs.

Nagtinginan tuloy 'yung mga kaklase namin sa amin. May ilang dismayo ang mukha at may iilan lang namang masaya. E ako kaya ano kayang nararamdaman ko?

"Where's Cha? 'Di siya sumabay sayo a?"

"Mayamaya nandito na din 'yun, why?"

"Wala naman inaasahan kung sa pagdating mo ay kasama mo ito, ngunit nagulat ako ng si Lee ang bitbit mo." nangingiting sagot ko rito.

Ngumiti din siya sa akin, nagulat ako ng ipatong niya ang ulo niya may desk ko at saka nito ipinikit ang mga mata. Puyat din siya?

"Kulang ka ba sa tulog?"

"Yeah, it's your fault. Your face keeps on popping in my head! And I can't help myself but to think on how prett--" Sinapak ko nga ng mahina lang naman. Kung ano anong sinasabi e.

"Hmmm, blame Juztin. Nilasing niya ako kagabi." dipensa nito.

Napansin ng mga mata ko iyong mahahabang pilikmata niya. Maging ang maliit na nunal sa ibaba ng mata niya ay hindi nakatakas sa akin. Ang tangos talaga ng ilong niya. Hahawak sana ako dito ng huliin niya ang kamay ko.

"I love you." sambit nito habang hawak hawak ang kamay ko at habang nakapikit ang mga mata niya. Napako ang tingin ko sa kanyang maninipis na labi.

And then memories of that night flashed in my mind. Ang gabi kung saan nangyari ang first kiss ko at ang huling gabi ding nakita ko siya. The man who have a pair of an ash eyes.

"Do you want me to kiss you?" nagulat ako't nalihis ang tingin ko sa labi niya papunta sa mga mata niya ng magsalita ito't siguradong nahuli din niya akong nakatingin sa labi niya.

"My lips is off limits." Napapikit ako sa naalala ko.

PUTANG INA MO ARK!

"Good morning class!" Mabuti nalang at dumating na si Snape. Umayos naman ng upo si Daewon at idinistansya na nito ang upuan niya sa akin.

Nanatili lang na naglalayag ang isipan ko sa kung saan. Wala ito sa apat na sulok ng aming silid aralan.

"If you think I'm a foe, stab me!"

Malayo siya sa taong ang buong akala ko'y masama.

"Does it hurts?"

Laging hindi lubos na inaasahan ang mga ipinakikita niyang akto.

"I never thought that you can be this cruel."

Nakakakaba ang bawat salitang binibigkas ng labi niya. Para akong laging nasa marathon.

"Stay with me."

At nasasaktan ako ngayon.

"Ms. Alferza again! You're not paying any attention." nalingat ang atensyon ko kay Snape sa sinabi nito.

"Ms. ALFERZA WHAT ARE YOU DOING?" hindi ko napansing tinatahak na pala ng mga paa ko ang daan palabas sa aming silid.

Patuloy lang ako sa paglalakad walang pakealam sa kung anong mangyari at sa sasabihin ng iba.

"Dame, where do you think you are going?" Narinig kong sambit ni Daewon ngunit hindi ko ito pinansin. Narinig ko ang papalapit na mga yabag nito.

Ang sunod na aking ginawa ay hindi ko lubos inaasahan. Tinahak ko ang daan sa mabilis na paraan.

"DAMEEE!"

Patuloy lang ako sa pagtakbo palayo sa kanya. Ramdam ko ang panlalabo ng paningin ko.

"Fuck Dame, you weigh more than 2 sacks of rice"

"You choose we'll go there together or I'll go Alone?"

"Did you really think I'll kiss you."

"Why do I have to see you like this? At your worst."

"Don't look back!"

"Stay! Stay with me."

Naramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko at ang tuluyang panlalabo ng mga mata ko. Dahilan para matalisod ako't bumagsak sa lupa. Ramdam ko ang sakit ng tuhod at paa ko maging ang siko ko ay masakit din.

Tangina! Kailan pa ako naging lampa?

"Does it hurts?"

"Yeah! Tangina, sobrang sakit"

"Fuck DAME! You okay?"

Napatingin ako kay Daewon na ngayon ay nasa tabi ko na. Ang sakit!
Bumuhos ang luha ko ng buhatin ako nito. I was expecting that maybe just maybe... it's him

The same scenario just happened again but this time it's him, the reason.

Kaya ko ba? Kaya ko bang saktan ang isang taong walang ibang ginawa kundi ang iparamdam nito kung gaano niya ako kamahal?

Eh, ang manatili sa tabi niya ng iba ang nararamdaman kaya ko din ba?

Kakayanin ko bang makita ang lungkot na minsang nakita ko sa mga mata niya?

Eh, ang luhang maaring gumuhit sa pisngi niya? Kakayanin ko din ba?

Noong gabing iyon, doon ko nakuha ang nais iparating ni Asp. The night when Daewon claimed my lips at ang gabi ding nasilayan ng mga mata ko ang mga mata niya.

That's when I realized that heart's do beats for different reasons.

I'm sorry Daewon.

Itutuloy~~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro