Chapter 37 Kiss
"Darling, I'm dying."-A.
Dame Alferza
"TANGINA ASP! ANSAKIT NG ULO KO!"
Kumakaripas na napatakbo naman si Asp papunta sa akin. Paano ba naman kay kiro't ng sentido ko nang magising ako.
"Sino ba kasing naglasing? Here, take this!" sabay abot nito ng gamot at tubig. Agad kung ininom iyon nang hindi ko na pinansin kung ano man 'yung gamot na ibinigay niya.
Pagkaraan pa ng ilang minuto ay nakaramdam ako na para bang naduduwal ako. Napatakbo ako papuntang cr.
"WHAKK! WHAKK!" Sumunod naman sa'kin si Asp at hinahagod ang likod ko. Yuck!
"You okay?" Tumingin ako sa kanya "you looked mess!" Dagdag pa nito.
"Are you pregnant?" Itinaas ko lang ang middle finger ko bilang sagot sa sinabi nito, napatawa naman siya.
Itinulak ko naman siya palabas ng cr.
"Get out maliligo na ako!"
"Nangangamoy ka, kailangan mo nga talagang maligo."sabi pa niya.
Malakas na isinara ko ang pinto saka dumiretsong lababo't nagmumog muna saka nagtoothbrush pagkatapos ay tinanggal ko na ang lahat ng suot ko't sumulong sa shower.
Nagising ang buong dugo ko't naging maganda ang daloy nito ng maramdaman ang pagdampi ng tubig sa balat ko, kay lamig. Sabado na ngayon kung kaya'y maliligo ako ng matagal hanggang sa magsawa sa tubig.
Ilang minuto pa ang lumipas at narinig ko na ang sigaw ni Asp mula sa labas.
"Breakfast's ready!"
"Comin'"
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako agad. May nakita akong bago atang damit ni Asp, ngayon ko lang kasi nakita 'to. 'Di naman siya nagsusuot ng ganito ah?Army green? Imbis na 'yung damit na hawak ko ang isuot ko ay kinuha ko 'yung kanya saka sinuot. Maluwang nga lang, pero ayos naman.
Nagsuklay ako pagkatapos saka dumiretso na sa labas.
"What the hell, bakit mo sinuot iyan?" Bungad agad nito sa akin pagkababa at pagkakita niya sa akin.
"You bought it for me right, cause as far as I know, 'di ka naman mahilig sa ganitong kulay."sagot ko naman saka umupo na sa harap ng lamesa dahil nakahain na doon ang pangumagahan namin ngayon.
Hotdog, ham and pancake ang niluto niya.
"Where's my rice?" Tanong ko dito. 'Wag mong sabihing hindi pa siya nakaget-over sa suot kong damit?
"I didn't cook rice! Walang bigas" sagot nito saka umupo sa kaharap na silya ko.
Sinimangutan ko lang ito saka tumusok ng hotdog at kinain. Hotdog for breakfast not bad.
Kumuha muli ako ng ham saka binalot ng pancake. Sarap! Want some?
Kumain lang kami hanggang sa maubos na lahat ng niluto niya. Dumiretso akong sala habang hawak hawak 'yung baso ng tubig. Siya naman ay nagligpit na't siguradong maghuhugas na din pagkatapos.
Pagkaupo ko sa sala ay nanuod lang muli ako ng spongebob.
"Uwaaaaaaa hahaha, uwaaaa hahaha," nakakahawa 'yung tawa ni sponge parang si Ark.
~Dingdong~
"ASP MAY TAO! NANUNUOD AKO!!!"
"SI ARK NA SIGURO IYAN, DALI BUKSAN MO NA NAGPADELIVER AKONG PIZZA. PAPASUKIN MO!" Balik sigaw nito.
Ayaw ko mang sumunod ay walang akong nagawa tinatawag kasi ako no'ng pizza.
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad nga sa akin si Ark.
"Get in!" saad ko.
Pumasok naman siya, hindi siya nakauniporme ng pang delivery nakapambahay nga lang din ito gaya ko. Ngunit kung pakatitigan mo para parin siyang nakaporma.
Kinuha ko 'yung pizza'ng hawak niya.
"Kumusta 'yung sugat mo?" Tanong ko rito, out of the blue.
"Good." maikling sagot nito napatingin siya sa damit na suot ko, ano bang meron ang damit na ito at agaw pansin hindi kaya mamahalin ang brand nito? Magkano kaya kapag 'binenta ko?
"Binili ni Asp para sa'kin." sambit ko na lang.
"Ninakaw mo 'yan D, I didn't bought you that!" Natapos na pala siyang maghugas. Binelatan ko lang siya saka nagtungo sa sofa at nanuod muli habang kumakain ng pizza.
Anong ginagawa ni Ark dito, wala ba silang lakad ni Cha? Tsk.
Nagtungo sila sa kusina, ako naman nagpatuloy lang sa panunuod ng mag isa.
~Dingdong~
"ASP MAY TAO ULIT, NANUNUOD AKO E, IKAW NAMAN NA MAGBUKAS!" sigaw ko.
Nakarinig ako ng yabag papuntang pinto.
"WAHHH GOODMORNING EVERYONE!" napapikit ako ng madinig ang boses ni Lee.
Ano bang meron at narito sila? Birthday ko ba? Sa pagkakaalam ko sa makalawa pang-linggo ang birthday ko a?
"What's up Dame," bati nito sa akin sumunod din si Ark at Asp sa kanya umupo na ang mga ito sa tabi ko.
Habang si Ark ay naupo sa single sofa malapit sa akin. Napatingin si Lee sa pinapanood ko"Yuck spongebob? Palitan mo nga kasuka!" Saad nito tinignan ko siya ng masama, "ay maganda 'yan si Sponge!" Sambit muli nito saka ngumiti sa akin.
Gumalaw ang kamay niya palapit sa pizza'ng nakalapag sa lamesa. Dahil katabi ko lang ito ay sinipa ko ang kamay niya bago pa makalapit sa pizza.
"Akin lang 'to!"
"ARAY KO!" tugon nito habang hawak hawak ang kamay niyang sinipa ko. Napalabi pa ito.
"Bakit ba kasi isa lang dinala mo Ark!" Reklamo nito kay Ark.
"I brought two." sagot naman nito. Napatingin silang tatlo sa akin.
"Hehehe!" Tawa ko. Saka tumingin sa ilalim ng lamesa. Tumingin naman sila doon at nakita ang wala ng laman na box ng pizza. Napatingin muli sila sa akin.
"It's your fault Asp, hindi mo kasi ako tinuruan kung paano magshare!" Sisi ko rito. Nangunot lang naman ang noo nito at nailing.
~Dingdong~
"Paniguradong si Won at Cha na iyan!" Masayang sambit ni Lee saka nagtungo sa pinto. Tama nga siya dahil pumasok mula roon si Cha at Daewon.
"Magandang umaga!" bati ni Cha nakita kong napatingin ito sa direksiyon ni Ark at nagtungo sa katabing upuan nito.
Umurong naman si Lee palayo sa akin para bigyan ng space si Daewon nang makaupo ito sa tabi ko.
"Good morning!" bati nito sa akin. Nginitian ko lang naman ito.
Hinawakan nito ang gilid ng labi ko. "Ang dungis mong kumain." napanguso lang ako sa sinabi nito.
~DingDong~
"Teka may bisita pa tayo?" Nagtatakang tanong ni Lee.
"Nagpadeliver akong pizza alam ko kasing kulang 'yung dalawa!" Nangingiting sagot ni Asp habang nakatingin sa akin.
Pasado alas sinco na nang maisipan naming uminom ng alak, lumabas si Lee at Asp para bumili ng maiinom naming alak.
Habang si Ark naman ay nagtungong kusina, masarap daw at magaling siyang magluto iyon ang sabi nila. Ngunit 'di ko alam kung totoo makikita natin mamaya.
Oh I remember, he had a pizza shop.
Gusto kong sumunod at panoorin siyang magluto gaya ng ginagawa ko sa tuwing ipagluluto ako ni Asp, ngunit tumayo si Cha at sumunod rito.
Making Daewon and I left here at the living room.
"Stop staring at him, you're hurting me." narinig kong sambit nito.
"I'm sorry!"
Kahit na hindi ko alam kung bakit at para saan ang sorry na iyon. Tumingin ako sa kanya, sa mga mata niyang matamang nakatitig sa akin.
"How's your day as of now?" Tanong muli nito.
"Maayos naman, ito ang unang pagkakataong nagkaroon kami ng bisita ni Asp." makatotohanang sagot ko.
"Nabibilisan ka ba sa mga nangyayari?" Titnitigan ko ito.
"Pasasaan ba't masasanay din ako." nakangiti ko namang tugon rito.
Hinawakan nito ang kamay ko at nilaro laro, kailan nga ba ako masasanay?
"Cr lang ako." Paalam ko rito pinakawalan naman na niya ang kamay ko at nginitian lang ako nito.
Nagtungo ako sa bathroom, ngunit pagkarating dito ay hindi ko naman alam kung anong ipinunta ko, Did I just made an excuse? For what?
Nagtagal lang ako ng ilang sandali doon saka lumabas ngunit imbis na sa sala ang punta ng mga paa ko ay dinala ako nito sa kusina.
And there I saw him... with her, tinuturuan niyang magluto si Cha, pagkaraan ay tumalsik ang mantika at napayakap sa kanya si Cha.
Mantika lang 'yun, puta.
Kung makayakap naman naku! pigilan niyo ko, sasabunan ko ng kumukulong mantika 'to.
"Ar naman e, isusumbong talaga kita." Pagkaraan ay reklamo nito, ginulo lang naman ni Ark 'yung buhok ni Cha ng nakatawa.
Sa nakita kung iyon ay pumihit na ako patalikod at tumungo muli sa sala. Napansin kong nandito na pala sila Lee at Asp dumiretso ako sa kanila at kumuha ng isang Root beer.
"Fuck D, give me that!" Pagbukas ko ay nasugatan ako nito.
Nakalimutan kong hindi ko pala kasundo ang kahit na anong uri ng in can! Lumabas agad ang pulang likido sa hinlalaki ko.
"D!"
"DAMEEE!"
"DAME!"
Sabay sabay nilang sigaw. Kaunting sugat lang naman e, kung makasigaw sila para namang naputol na 'yung daliri ko.
"ANONG NANGYARI!" narinig kung sigaw ni Cha nakasunod ito kay Ark na ngayon ay nakalapit na sa akin.
Nakita nito ang sugat sa daliri ko.
"Give me your hand." ma-awtoridad na sambit ni Daewon saka ako nito hinila sa tabi niya dahilan para mapaupo ako.
Tinignan ko si Ark ngunit wala itong kahit na anong emosyong makikita sa mukha niya nagtungo muli siya sa kusina. Sumunod naman sa kanya si Cha.
"Nasa taas 'yung first aid kit." Sambit ni Asp. Tumayo naman si Daewon at hinila ako nito pataas sa kwarto ni Asp kung saan nakalagay 'yung kit.
Naupo lang ako sa couch, itinuro ko naman sa kanya kung saan nakalagay 'yung first aid kit.
"Maliit lang naman." Sambit ko ngunit tinitigan ako nito ng masama.
Saka nagpatuloy sa pagaasikaso sa sugat kung tangina! Kay liit!
Pagkaraan lang ng ilang sandali ay bumalik na kami sa baba, nakahain na din 'yung niluto ni Ark at Cha. Nahuli kong nakatingin si Ark sa akin.
Nagtatanong ang mga mata niya ngunit hindi ko alam kung anong gusto nitong iparating.
Napayuko na lang ako saka umupo sa sofa. Tumabi naman sa akin si Daewon.
Inabutan ako ni Lee ng basong may wine, kanina pa ako atat na atat sa alak kaya naman agad ko itong tinungga.
Naramdaman ko ang paghawak ni Daewon sa kaliwang kama ko. Dahilan para kumabog ang puso ko.
Eto nananan 'yung sinasabi ko. Tumitibok ang puso ng isang tao sa maraming dahilan D. Ang pagtibok ng puso ko ngayon, para saan kaya 'to Asp?
Pagkaraan pa ng ilang oras ay bagsak na ang lahat. Natulog na sa lapag si Lee kinuha nito ang unan sa sofa at iyon ang ginamit. Si Cha naman ay sobrang lasing na lasing binuhat siya ni Ark pataas sa kwarto ni Asp.
Si Asp naman ay natulog lang din sa sofa, ngayon lang ata siya naglasing ng ganito. Nakaupo lang siya sa sofa nakapatong ang paa sa lamesa habang natutulog.
Nakatatlong tungga lang ako ng mapansing ayaw na ng lalamunan kung umisa pa. Kaya naman iyong mga pagkain nalang ang napag-interesan ko.
Magpasahanggang ngayon ay hawak hawak parin ni Daewon ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya nang higpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ko.
"I think, I don't like you anymore."
Sabi ko na nga ba e, pasasaan ba't magsasawa rin siya. Kung tutuusin mas madaming mas maganda diyan kaysa sa akin. Mukhang wala nga talaga siyang gusto sa akin. Ang mga salitang binitiwan niya no'ng panahong umamin siya ay binawi din niya.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng dahil sa sinabi niya, hindi ako makahinga na para bang may nakabara sa lalamunan ko at kay sakit ng bawat pagtibok ng puso ko.
Kinuha pa nito ang isang kamay ko at hinawakan ng mahigpit.
"I don't like you anymore." sinubukan kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Kailangan pa talaga niyang ulitin! Hindi naman ako binge para hindi marinig.
"Cause I love you now."
Napatitig ako sa kanya nang sabihin niya ang mga salitang iyan. Hindi ko alam ngunit mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko lalo na nang ilapit nito ang mukha niya sa akin.
"I love you." he said once again.
He cupped my face and place his face inches away from mine. Hindi ko napansin na naghohold back na pala ako sa paghinga.
And from there, I closed my eyes as as I let him claimed my lips for the very first time. Lalong hindi na natigil ang pagkabog ng dibdib ko.
He kissed me, and I let him.
Ito na ba ang tinatawag nilang pag-ibig?
May nagudyok sa aking buksan ko ang mga mata ko. Kaya naman iminulat ko ito at mula sa pagmulat ng mga mata ko ay nasilayan nito ang isang pares ng mga matang matamang nakatitig sa akin.
Kitang kita ko kung paanong nanlumo ang mga mata niyang kailan man ay 'di ko nakitaan ng kahit na anong emosyon. Nahigit ko ang aking hininga at naging triple ang pagtibok ng puso ko. Kakaibang pagtibok ang ngayo'y nararamdaman ko.
Napakasakit, sobra!
He's just standing there doing nothing but staring at us...at me. He is staring at me.
While I'm here sitting in the sofa with the person who said he loves me. And is currently kissing me by now, as here I am staring at the person who's standing meters away from me.
Kasabay ng pagdistansiya ng labi ni Daewon sa akin ay ang pagtalikod naman niya. He turned his back on me and walked away.
Daewon then hug me.
And from there, I felt something escaped from my eye.
And it pains me deep within. My heart's bleeding, it's crying.
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro