Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36 Drunked Dame

"Whatever it takes, Darling."-E.

Dame Alferza

Pagkahatid sa akin ni Daewon kanina ay dumiretso ako sa condo ni Asp. Parang kailangan ko ng makakausap sa ganitong bagay.

Nag-commute lang ako papunta roon. At nang makarating na ako sa loob ay agad akong nagtungo sa kusina niya.

Kung nagtataka kayo kung paano akong nakapasok ay madali lang naman lalo na kung alam mo ang passcode ng may ari hindi ba?

Kumuha akong wine saka nagtungo sa sala. Saka inopen ang Tv at nanuod ng spongebob. May complete set of spongebob movie si Asp. Binili nito para sa akin. Ngunit lagi kong nakakalimutang iuwi.

Sa sobrang pagkawili ko sa aking pinapanood, ay hindi ko na napansing nakakalahati ko na pala 'yung hawak hawak kung bote ng alak.

"The last time I saw you cried, you were with him."

"Somewhere that I wouldn't be able to see someone being an idiot"

"You're with him, when in fact it should be me!"

"You choose, we'll go there together or I'll go alone?"

"I should be the one shedding your tears away."

"Does it hurts?"

"I should be the one carrying you with my bare hands toward to that fucking clinic!"

"Why do I have to see you like this? At your worst."

"I should be the one you're with, as that fat man caught us doing something! doing something that I don't even know what!"

"I think I'm just on time, am I?"

"And I, I should be the one holding your hands as we run together being the center of everyones attention!"

"You just hit the bullseye!"

"It should be me Dame! But how?... how ?if you didn't wanted to accept my feelings and let me love you!"

"My lips is off limits!"

"How can I get myself near with you if you're always with him?"

"Run, you better go now idiot. Or else..."

Tangina ano ng gagawain ko ngayon?

"Uy! Anong ginagawa mo rito?" Nakabalik na pala siya.

"At umiinom ka pa? What's going on D?"

"I think I'm already dead Asp! I'm dead!" Sagot ko rito, tumungga muli ako ngunit naubos ko na pala ang laman ng bote.

Tumayo ako para sana kumuha muli nang bigla akong hilain muli paupo ni Asp.

"HE SAID IT SHOULD BE HIM.....but--"

"Do you like someone else?" Nagulat ako sa sinabi nito, Do I?

"My heart beats so fuckingly fast for the both of them! Kalandian 'to Asp! Kalandian 'to."

"Malandi ka ba kung ganoon?" Natahimik ako sa sinabi niya. Puta ako malandi? Kailan pa?

"E, bakit kasi kailangang tumibok nito sa dalawang tao?"

"Hindi dahil napatibok nilang pareho 'yang puso mo, love na agad!" Nagawi ang atensyon ko sa kanya "tumitibok ng mabilis ang puso ng isang tao sa maraming dahilan D. Sa kaso mo, hindi dahil sa kinilig ka na--"

"TANGINA! Anong kinilig?" Sinamaan ako nito ng tingin.

"Ipagpalagay nalang nating, ako ang kinikilig. Pinakilig at pinatibok ng isang babae ang puso ko ngunit hindi ibig sabihin noon mahal niya ako, and here comes another lady na pinakilig at pinatibok din ang puso ko ngunit hindi ibig sabihin din noon ay mahal ko siya" fucking heart! "You see the logic?" Tumango nalang ako kahit hindi ko naman talaga nakuha ang gusto niyang iparating! Tumahimik ako ngunit pagkaraan ay nagsalita nanaman siya.

"Is it Ark? Or Daewon?"

"NO!...no?" Naguguluhan na ako. "I don't know!" Pagkasambit ko ng mga salitang iyan ay para bang may kumirot sa puso ko't tila ba hindi ako makahinga.

"First time palang mainlove ng bestfriend ko!"pagkaraan ay sambit nito habang tumatawa. Sinapak ko naman siya sa tiyan.

"Tumigil ka nga!"

"How I wish you'd fall for the right person! your happiness matters to me D." Nagdadrama nanaman siya! Agad akong nagtungo sa kusina at kumuha muli ng alak.

Inabutan ko siya ng kanya saka muling umupo sa tabi niya. Tumungga ako.

"It should be me!"

Tangina tigilan niyo ko!

"My lips is off limits!"

Naku! isa pa talaga sasapakin ko na si Asp.

"Can I get what's mine now?"

"What the Hell D!" Nasapak ko lang naman siya. Ayoko na tigilan niyo 'ko! Tatadyakan ko na si Asp. Sige isa pa!

"Stay with me!"

"ANO BA D! SINASAKTAN MO NA AKO, WALA NAMAN AKONG GINAGAWA!"  Reklamo nito matapos kung tadyakan.

Hindi ko alam ngunit bigla nalang akong napatawa. Sinipa ko muli siya, agad naman siyang tumayo, at lumayo sa akin.

"FUCK DAME, MASAKIT A!"

Patuloy lang ako sa pagsipa sa kanya. Sinusuntok ko din ng mahina ang tiyan nito. Kahit tumakbo pa siya wala siyang takas sa mga sipa't suntok ko.

"AHAHAHAHAHA!"

"D! 'YAW KO NA!!" Napasalampak ako sa sahig ng marinig ang pagsusumamo sa boses niya.

Ang hirap pala ng ganito. Ayoko ng ganito! Mukhang masakit! huli na pala ako.

Asphere Tiu

Pinagmamasdan ko lang siya habang nakaupo sa sahig at nakatitig sa bote ng alak na hawak nito.

Mukhang malakas ang tama niya.

Pagkaraan pay bigla nalang itong bumagsak at naghilik! Nangingiting lumapit ako rito.

"Kaya mo pa? Mahirap na ba ang sitwasyon D?"

Hilik lang ang naging tugon nito kaya naman maingat ko siyang binuhat saka iniakyat sa kwarto.

Pagkalapag ko nito sa kama ay tinanggal ko na ang suot niyang sapatos saka kinumutan.

Nakiusap ako kay Aling Nari na siya muna ang magbantay kay Tay Pandong. Ilang araw na din kasing hindi pumupunta roon si Dame. 'Pag tinatanong ko naman siya ang lagi niyang sagot "'wag kang magalala may iba pang nagbabantay sa kanya!" 'Pag tinatanong ko naman kung sino lagi naman siyang umiiling saka niya 'ko ngingitian.

Pinagmasdan ko lang siya habang mahimbing na natutulog. Tuwing hindi siya nakakatulog ay naging bisyo na nito ang uminom ng alak para daw makatulog siya.

Kinuha ko 'yung isang unan sa tabi niya saka naglabas ng comforter sa kabinet at nagtungo sa couch.

Ipwinesto ko kasi siya sa gitna para 'di mahulog. Malikot pa man din siyang matulog kung itatanong niyo.

Bumaba muna ako para ayusin 'yung mga kalat sa kusina't sala saka pinatay ang ilaw at nagtungo muli sa taas.

Pagkahiga ko ay napatingin lang ako sa kisame.

I know that Daewon likes her, at gano'n din ang nakikita ko sa mga mata ni D, ngunit mukhang nagkamali ata ako.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko saka natulog.

Let her be happy, 'cause she deserves to.

Pagkaraan lang ng ilang sandali ay may narinig ako sa labas, na mga kalabog. Nangunot ang noo ko saka tumungo doon.

Bukas na ang ilaw sa sala maging sa kusina.

Bumaba ako at natungo sa sala at nakitang may taong nakaupo doon habang hawak hawak ang isang bote ng alak. Pati ba naman siya magpapakalasing din!

"Ano nanamang ginagawa mo rito? Baka may makakita sayo--"

"She's drunk, no need to worry."

"Bu--"

"Just join me here Phere!" Putol nito muli sa akin, lumapit naman ako at naupo sa kaharap na silya nito.

"Kailan ka magpapakilala sa kanya?"

"Soon..." tumungga muli ito ng alak.

"Bakit? Bakit hindi ba pwedeng ngayon na o bukas?"

"She wanted a normal life, that's what I'm giving her." seryoso nitong sagot.

"Just please don't hurt her, you know what I mean!" Napangisi siya sa sinabi ko saka tumungga muli bago sumagot.

"Come on Asphere Tiu, alam mong nabubuhay at lumalaban ako, para protektahan siya. So why would I hurt her? Kung tutuusin, makikipagbuno pa ako kay kamatayan kung sakali mang makialam na ito."

"She likes you."

Hindi siya sumagot sa halip ay nagtuloy tuloy na ito sa paginom. Nanatili lang ako doon pinagmamasdan ang bawat galaw niya hanggang sa maubos niya ito.

"I'll stay here."

"NO!"

Tumayo siya't naglakad patungo sa taas, teka matutulog siya sa taas?

Fuck!

"What the hell do you think you're doing?" Pinigil ko ito ngunit nagtuloy parin ito sa paglalakad hanggang sa makarating na at mabuksan na nito ang pinto.

Natahimik naman ako, iniiwasang gumawa ng kahit na anong ingay. Lumapit siya kay Dame.

They looked good together. Like a perfect couple.

Next thing I knew he kissed Dame's forehead. Hindi na ako nagulat rito dahil palagi niya iyang ginagawa sa tuwing alam nitong lasing si Dame.

Pagkaraan pa'y tumayo na ito at naglakad muli palabas.

"Dito na ako magpapalipas ng gabi, aalis ako bago pa siya magising."

Tumango ako sa kanya.

Pagkasara nito ng pinto ay dumiretso na din ako sa couch, and this time I let myself fall asleep.

Thanks man!

Itutuloy~~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro