Chapter 35 Torn In Between
"You always slip off, my grip."-M.
Dame Alferza
Nakatitig parin siya sa akin, ang sunod na nangyari ay labis kong ikinabigla. Ang buong akala ko ay tatalikuran ako nito at maglalakad palayo sa akin ngunit nagkamali ako.
Tinahak niya ang daan palapit sa akin, sa amin ni Ark. Naramdama kung lumuwag ang yakap sa akin ni Ark at sa paglapit ni Daewon ay ang tuluyan namang pagkalas ni Ark ng bisig niya mula sa pagkakayakap sa akin.
Walang umimik ni isa sa amin. Nakatitig lang kami sa bawat isa. Nagiintay sa susunod na mangyayari.
"Can I get what's mine now?" Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Daewon. Hindi naman siya nakatanggap ng tugon galing kay Ark.
Nang matapos ay kinuha na nito ang kamay ko at hinila palapit sa kanya nagsimula na kaming maglakad ngunit pinigilan din ako ni Ark sa pamamagitan ng paghawak nito sa kaliwang kamay ko.
Natigil kami sa paglalakad ni Daewon at tumitig kay Ark.
"Just make sure that you'll protect her with all your might and will!" Pagkatapos niyang sabihin iyan ay bumitaw na ito mula sa pagkakahawak sa akin saka tumalikod at bumalik sa loob ng clinic.
Nabalik lang ako sa wisyo ng makitang nagsara ang pinto at napansin ko doon ang nakatarak na blade.
Gusto ko mang bumalik ay tuluyan na akong nahila ni Daewon.
"He's sick?" Simula nito habang naglalakad kami.
"Hmmm!" tanging naisagot ko.
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. But, after a seconds he entertwined our fingers as he hold my hand tightly. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil doon.
Nagpatuloy kami sa paglalakad nang magkahawak ang kamay, napansin kong lahat ng estudyante maging teachers ay nakatitig na sa amin. Magiging mas matunog nanaman ang pangalang Dame Alferza.
"Whoaa! kailan pa 'to?" Sinalubong kami ni Lee at Cha.
Nanatiling nakatitig lang si Cha sa amin samantalang yumuko naman ng kaunti si Lee para titigan ang magkahawak na kamay namin ni Ark. Ang mokong itinaas pa niya ito na para bang 'di makapaniwala.
"Cha cha, akala ko ba kayo ni Won?" Muling sambit ni Lee.
Tangina! 'pag ako napahiya rito sasapakin ko ang mukha niya hanggang sa humiram na siya ng mukha sa aso.
"Tinanggihan niya ako e, ngayon alam ko na kung bakit!" Mahinhin nitong sagot habang nakalabi pa. Napayuko naman ako na parang hiyang hiya, nakasira ba ako ng relasyon?
"Come on Cha, I know you're already over me! " sagot naman ni Daewon.
"Paano 'pag sinabi kung hindi pa Dae?" Shit! Sinubukan ko namang kalasin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Daewon.
"Cha!"
"Bakit Dae?" naging seryoso ito, sa paraan ng pagkakasabi nito para bang may nais siyang ipahiwatig na siguradong hindi ko magugustuhan.
"Chariot!" Maging si Daewon ay hindi ata nagustuhan ang sinabi nito, si Lee din ay natahimik. Tangina 'pag ako talaga napahiya rito sinasabi ko na dadanak ang dugo.
"Biro lang!"pagkaraan ay dugtong nito saka tumawa ng magisa. Ibang klase siyang magbiro.
Napahinga ng maluwag si Daewon sa narinig nito maging si Lee ay napangiti, pagkaraan ay tumawa. Late Reaction nanaman siya.
Dumiretso kaming canteen pagkatapos n'on.
***
At dahil nga bawal muna kaming pumasok sa room namin ay narito muli ako sa library. Hindi ko alam ngunit kanina pa hindi mapakali ang paa ko na para bang may nais itong puntahan na siguradong hindi ko magugustuhan, hindi nga ba?
Tanging ang librarian lamang ang kasama ko rito.
Kumain na kaya siya? Ano na kayang ginagawa no'n malamang ay siguradong natutulog nanaman siya. Teka ano bang pakealam ko do'n.
Ngunit kahit anong gawin ko hindi ko talaga mapigilan ang mapaisip sa kung ano ang tunay na kalagayan niya at sa kung ano ang tunay na nangyari.
'Yung blade kanina, mukang iyon ang dahilan ng tama ni Ark. Maging sa umaga ay umaatake na sila, kay lakas naman ng loob puta.
Kung sino ka man, akong bahala sayo.
Dahil hindi ako mapakali ay nagtungo na ako sa clinic. Napapasipa ako sa mga batong nadaraanan ko.
Ngunit malayo palang ako ay napansin ko na ito, naglalakad na si Ark palabas ng clinic, ngunit hindi iyon ang ikinagulat ko.
Inaalalayan siya ni Cha habang naglalakad. Anong ginagawa ni Cha rito?
Nagtago ako sa isa sa mga punong malapit sa akin.
"Anong nangyari sa'yo? Ar naman e, sabihin mo na sa akin!"
Hindi ko alam na malapit na pala sila sa isa't isa. Hindi kaya matagal na silang magkakilala? Ar? Tsk!
"Shut up Cha, ang kulit mo." tugon naman ni Ark saka nito ginulo ang buhok ni Cha. May ngiting makikita sa mga mata niya habang nakatingin kay Cha, tinging humahanga ba ang nakikita ko?
Ano nga bang ginagawa ko rito? Hahakbang na sana ako paalis nang marinig muli ang boses ni Ark.
"Thanks for treating my wound earlier, and for staying." Akala ko para sa akin iyon. Naalala ko hindi nga pala ako nag-stay!
Mukhang okay naman na pala siya e, bakit ba kasi ako narito. Dapat pala inantay ko nalang si Daewon sa library.
Ihahatid daw ako nito.
Bumalik ako muli rito sa library atsaka natulog na lamang.
Nagkalat ang problema sa kung saan saan, kaya hindi na ako magtataka kung mamaya paggising ko meron nanaman akong mapupulot. Madami kasing tao ang hindi marunong magtapon sa tamang tapunan.
Nagising lang ako ng maramdamang para bang may nakatitig sa akin. Nag-angat ako ng ulo at iminulat ang mga mata ko.
Halos mapatalon ako sa pagkakaupo nang makita ang mukha ni Daewon na nakangisi pa habang matamang nakatingin sa akin.
"Tell me, Am I part of your dream?" Nakangisi nitong tanong.
"Kanina ka pa? Ba't 'di mo 'ko ginising?" Sagot ko.
"You look tired kaya naman hinayaan na kita hanggang sa ikaw na mismo ang gumising!" Sagot naman nito.
"Anong oras na?"
"5:30"
"Ano? Mahigit tatlong oras ang naging tulog ko?"
"Tatlo?" Nangunot ang noo nito" hinatid kita dito around 1, right after our lunch. May pinuntahan ka pa ba?"
"Wala! Hindi lang ako nakatulog ng mabilis!" Mabilis kong naging tugon.
"Okay! Shall we go?" Pagkaraan ay naging tanong nito saka tumayo, tumayo na din ako saka naglakad kasunod niya.
Ngunit pagkaraan lang din ay hinawakan na nito ang kamay ko at saka kami naglakad ng sabay.
Tinext ko na si Asp kanina na 'wag na nito akong sunduin at mag-overtime nalang ulit tutal do'n naman siya magaling.
Wala ng mga estudyante ang nagkalat sa school, tahimik na ito.
Pagkarating namin sa parking lot, sa kotse niya. Pinagbuksan ako nito sa may passenger's seat, tangina 'di ako sanay. Mas gusto ko ata 'yung Daewon na walang pakealam.
Biro lang.
Hindi naman mabagal 'yung pagpapatakbo niya, pero bakit antagal naming makarating? Hindi naman sa nagmamadali ako, tangina naiilang lang talaga ako.
"How 'bout, sabay na tayong mag dinner?" Pagkaraan ay sambit niya. Agad naman akong tumango, pagkain nanaman 'yun e.
Nakarating na kami ngayon sa isang fancy restaurant, sayang at ngayon lang niya sinabing may balak pala siyang kumain kami ng dinner together, edi sana dinala ko siya kila Aling Susan.
Ipinark lang niya saglit 'yung sasakyan niya saka kami lumabas at nagtungo sa loob ng resto.
Kahit malapit lang 'yung resto ay hindi nito pinalampas ang paghawak sa kamay ko at ang paglalakad namin ng magkasabay. Teka kami na ba?
Kahit sabihing salaula akong babae, syempre gusto ko ding maligawan! 'Yun bang ihahatid sundo ka, tapos 'yung bibigyan ka ng flowers at sasabihin sayo ng araw araw na ang ganda mo. 'Yung mga gano'n bang bagay na nakakasuka! Tapos in the end hihiwalayan ka din!
Biro lang ulet!
Pagpasok namin ay nakatingin nanaman silang lahat sa akin atsaka sa kamay naming magkahawak. 'Yung totoo ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo at dyosang magkasama?
Pagkaupo namin ay sumenyas na agad siya ng menu, binigyan naman kami no'ng waiter ng tig-isa namin.
Nagulat ata si Daewon ng iabot ko sa kanya 'yung menu at sinabing siya na ang pumili.
Nangungunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Ngumuso lang ako. Naiilang talaga ako. Normal pa ba 'to?
On the way nanaman kami pauwi pagkatapos naming kumain, sobrang tahimik naming kumain kanina magpasahanggang ngayon.
Kung kanina'y natatagalan ako sa oras, ngayon naman ay kay bilis hindi ko namalayan na nakarating na pala kami.
"Ayaw mo ba akong kasama?" Bababa na sana ako ng sabihin niya iyan, dahilan para mapayuko ako.
"Nag aadjust palang kasi ako, just give me more time para i-process sa utak ko ang lahat ng ito." I honestly answered.
Bumaba siya ng hindi ako sinasagot saka nagtungo sa labas nang--
"Sabagay, sa gwapo kong 'to, mahirap ngang paniwalaan!" Pinagbuksan lang naman ako nito ng pinto, habang may ngising nakaukit sa labi niya.
I step out, saka nagpaalam at naglakad na patungo sa gate, nang hilain muli ako nito sa kaliwang kamay at yakapin mula sa likod.
Kagaya ng ginawa ni Ark kanina. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa paraang hindi ko inaasahan.
Isinubsob niya ang ulo niya sa may pagitan ng leeg at balikat ko. Saka nito hinigpitan ang pagkakayakap sa akin gaya muli ng ginawa ni Ark kung saan ayaw nito akong pakawalan kanina.
Ngunit gaano man iyon kahigpit ay kusa parin akong kumawala. Hindi ko na alam kong anong nararamdaman ko, gulong gulo na ako.
I'm torn in between.
I know it should be you, but...
Why do I feel something....wierd.
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro