Chapter 34 Stay or Run away?
"I'm yours, but, are you mine?"-A.
Dame Alferza
Kinabukasan... pagkahatid sa akin ni Asp sa Salle De ay tinungo ko na ang daan papunta sa aming silid aralan. Ang buong akala ko'y nagbago na naman ang tingin nila sa akin, ngunit mas bago ang nakita ko. Tinging humahanga ang aking nakikita sa bawat pares ng mga mata nila.
Papasok na sana ako sa room namin when our dearest president blocked my way. "Pasensya ka na Dame, kailangan niyo muna daw ni Ark pumunta sa disciplinary office bago kayo makapasok rito." saad nito napailing nalang ako, akala ko lusot na.
Sumilip ako sa loob ngunit wala pa roon si Lee, Daewon at Cha. Dumiretso nalang ako sa disciplinary office. Taas noo ako habang naglalakad, nang makasalubong ko si Chua.
Nginitian ko ito ngunit sinimangutan ako.
"Do you need me to settle--"
"No! Not this time, cause I'm innocent." saad ko saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Ms. Chua?"
"Hmmm?"
"Good morning!" Nangunot ang noo nito saka ngumiti. Hindi ko naman na inantay na makasagot pa ito at nagpatuloy muli sa paglalakad.
Tahimik lang akong naglalakad nang may biglang tumabi sa akin at nakisabay. Tinignan ko kung sino ito at nakita ang walang emosyong si Mr. Ark Miyu.
Dumistansya ako rito at pasimpleng lumayo. Napansin niya ata ang naging akto ko. Hindi ko alam ngunit naglakad ito ng mabilis at nilampasan nalang ako.
Hangga't maaari kailangan kung lumayo sa kanya. Iyon ang sinasabi ng isipan ko. Pagkarating ko sa disiplinary ay nakita ko na siyang nakaupo roon, umupo ako sa kaharap na upuan niya.
Wala kaming imikan.
Pagkaraan lang ng ilang minutong paguusap na wala akong masyadong naintindihan hindi narin namin nagawang mag-explain sa totoong nangyari.
Tumahimik lang kami ni Ark hanggang sa magsimula ang pagaadvice nang kung ano ano ni Mr. Mario Imarra hanggang sa matapos ito at ipataw na ang karampatang parusa sa amin.
Ngunit nagtataka ako kung bakit hindi expulsion ang ipinataw kundi community service lamang. Isss, Hindi din kami pwedeng pumasok sa mga classes namin for a week, sa library lang kami pwedeng magstay! At mag cope up ng mga mami-missed naming lessons.
Hindi ba nila kami paghihiwalayin?
"And if ever Ms. Alferza got pregnant, be a Man Mr. Mihu and take responsibili--"
Hindi na namin pinatapos pa ang sasabihin nito, sa halip ay tumayo kaming dalawa at naglakad na palabas ng opisina niya.
Pregnant his face! Ni 'di nga kami umabot ng first base!
Naglalakad na kami ngayon sa hallway, nauuna nga lang si Ark. Pagkaraan ay lumiko na ito pakaliwa sa'n na naman 'yun pupunta e' dapat sa canteen kami ngayon a.
We'll take charge sa paglilinis ng canteen mga kalat ng estudyante at maging sa labas, hallway at kung ano ano pa.
Sinong nagsabing susunod ako? Sa halip na sa canteen ang punta ko ay dumiretso na ako sa library.
Pagkapasok ko sa library ay nakita kung wala pang katao-tao rito maging ang librarian ay wala rin. Pumunta ako sa history section at doon magpapalipas ng oras.
Kung alam ko lang na ganito pala kahayahay ang community service dapat pala ay matagal ko na 'tong ginawa. Masyadong pabor sa akin ang mga consequences.
Ibinagsak ko na ang ulo ko sa desk at handa ng matulog nang tumunog ang cellphone ko.
Oohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob
Si Nay Carmelita siguro ito. Hindi parin kasi nakakalabas si Tay Pandong. Tinanong ko si Biskup kung kailan ngunit hindi din masabi nito ang panahon kung kailan na pwedeng magising ng tuluyan si Tay Pandong.
I offered a hand na tulungan sila, ngunit mabilis siyang tumanggi at sinabing hayaan ko nalang na sila ang umayos sa lahat. If it's not because of that blonde woman, hindi ko sila pagkakatiwalaan.
Squarepants" If nautical nonsense be something you wish "Spongebob Squarepants" Then drop on the deck and flop like a fish! "Spongebob
Kanina ko pa kinakapa ang suot kong uniform maging ang bag ko hanggang sa makita ko ang cellphone ko ngunit laking pagtataka ko na lamang nang hindi ito nakabukas at malamang ay lowbat na naman.
Kung ganoon, tumingin ako sa paligid at tinignan kung kanino galing ang musikang iyon.
Squarepants" READY? Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants SPONGEBOB!! SQUAREPANTS!
Sa pagtapos ng musika ay nakita kung may tumalon sa labas ng bintana, agad akong nagtungo doon ngunit hindi ko na nahagilap kung sino iyon.
Pinaglalaruan nanaman ba nila ako?
Bumukas ang pinto at nakita ko ang papasok na si Ark, nangunot ang noo ko, maliban sa akin ay si Ark at Daewon lang din ang may kapareho kong ringtone. Ngunit kung kararating lang ni Ark, sino iyong tumakbo kanina't tumalon sa bintana?
Natigil lamang ako sa pagiisip nang maglakad patungo sa pwesto ko kanina si Ark at saka ibinagsak ang ulo nito sa desk. Para siyang nanghihina. Kanina pa malalim ang bawat paghinga niya na para bang hinahabol niya ito.
Lumapit ako rito.
Sinubukan kong salatin ang leeg niya ngunit mabilis ang kanang kamay niyang iwinaksi at pinigil ang kamay ko sa paglapat sa leeg niya.
Ngunit ganoon pa man ay naramdaman ko ang kakaibang init ng kamay nito. Ano bang ginawa nito kagabi at parang pagod na pagod siya't nanghihina?
"Hindi maganda ang pakiramdam mo, tama ba ako?"
Sinubukan ko muling salatin ang leeg niya and this time hindi na siya umangal.
Tangina! Inaapoy siya.
Napansin kung habol habol na din nito maging ang bawat paghinga niya.
Agad akong lumapit pa rito ng kaunti, nag-angat naman siya ng ulo at tumingin sa mga mata ko.
Napansin ko ang mga namumuong pawis sa kanyang noo, kahit na airconditioned ang buong silid ay init na init siya.
"B-bring me to the clinic." mahina nitong usal.
Agad ko siyang dinaluhan at itinayo.
"Tangina ba't ka pa pumasok! Kung hindi na pala maganda ang pakiramdam mo?"
Hindi ito sumagot, isinukbit ko ang bag ko saka siya tinulungang tumayo. Saka namin tinungo ang clinic.
Naglalakad na kami pababa ng hagdanan. Nang may mapansin akong parang may nagmamatiyag at nakatingin sa amin. Nang makababa na kami ay lumiko kami pakanan para pumunta sa clinic.
Pasimple kong ipinikit ang mga mata ko. Tama nga ako may nakasunod sa amin, paglabas palang namin ng library ay napakiramdaman ko na ito.
"D-don't look back!" Mahinang usal nito, malakas din nga pala ang pakiramdam niya, kung ganoon alam din niyang may nakasunod sa amin.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang clinic, sinalubong naman agad kami ni nurse Natalie.
Ngunit tila ba nagmamadali ang nurse na may kailangan siyang puntahan.
Sinalat lang niya ang noo ni Ark saka kumuha ng tubig at gamot saka sinabing inumin lang ito at magpahinga.
Pagkatapos ay nagmamadali itong lumabas dahilan para maiwan kaming dalawa ni Ark sa loob ng clinic.
Pinagmasdan ko si Ark na nakaupo sa bed ng clinic, hanggang ngayon ay pinagpapawisan parin siya.
Kung may napapansin man akong kakaiba sa kanya nang dalhin ko siya rito ay iyon ang laging pagiwas niya sa kaliwang bahagi ng tagiliran niya.
Hahawak sana ako rito kanina para alalayan siya ngunit agad niyang kinuha ang kamay ko at inilagay ito sa balikat niya.
Lumapit ako rito, hindi niya din suot ang coat niya, tanging ang white sleeves lang nito ang meron na inilislis pa nito ang sleeves hanggang siko.
Pinagmasdan ko ang kaliwang tagiliran nito at napansing may kaunting pulang likido ang makikita mo roon. Doon na ako nabahala, kaya naman kahit alam kong tatanggi siya ay minabuti kung lumapit at pasimpleng tinamaan ng kaunti ang bahagi niyang iyon dahilan para...
"A-ahhhh!" at mula sa kaunting spot ay nakita ko kung paano binalot nito ang bahaging iyon ng pulang likido.
Tumingin siya sa akin, tinitigan ko lang din siya ngunit pagkaraan lamang ay dinaluhan ko na ito, hindi na din siya tumanggi nang i-angat ko ng kaunti ang damit niya. At makitang nabalutan na ito ng paunang lunas ngunit ang supposed to be'ng balot nito na white ay pulang pula na.
Galing na siyang clinic? Kaya pala ganoon nalang ang ikinilus ni Ms. Natalie.
"Anong nangyari diyan?" Hindi siya sumagot sa halip ay nahiga siya. Nagtungo naman ako sa kabilang side niya para makita ang sugat niya.
Tinanggal ko na ang takip nito,
"Tangina! Sariwa pa 'to a!" Mukhang kanina lang niya ito nakuha, tinignan ko siya ngunit 'di parin siya nagsasalita at pikit na ngayon ang mga mata niya.
Naglakad ako paalis sa tabi niya para sana-- nang hinawakan ako nito sa kamay.
"Don't step out!" Mahina muli nitong usal.
"Kukuha lang akong gamot, hindi naman ako lalabas.'Tsaka hindi kita pwedeng iwan ng ganyan ang sitwasyon mo!" Sabi ko rito. Nagpapaintindi.
Pumunta na ako sa medicine section pagkatapos. Hindi kaya 'yung nakita ko kanina sa library at 'yung sumusunod sa amin ang may gawa no'n sa kanya?
Matapos kong kumuha ng gamot, ay nagtungo na muli ako sa kanya. Nilinisan ko muna ito saka muling tinakpan, may ipinainom din ako sa kanya para maibsan 'yung kirot at hapdi ng sugat nito.
Tinignan ko muli siya"Hindi mo ba sasabihin sa akin kung anong nangyari?"
Kahit iling man lang sana ang isumbat niya ngunit hindi e, nanatili parin itong walang imik. Nakatulog na ata siya.
Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto, hindi ko alam ngunit hinihila ako nito na para bang may nais siyang sabihin at ipakita sa akin sa labas.
"I said don't! Just stay here!" Narinig kong usal ni Ark, but this time hindi ko siya pinakinggan. I walked my way to the door ang opened it.
Pagkabukas ko palang ay agad na may tumamang kung anong bagay sa pinto malapit sa ulo ko.
Huli ka! Tatakbo sana ako para habulin iyon ng may yumakap sa likod ko, dahilan para matigil ang paa ko sa paghakbang.
"Don't! I can't go with you right now please, just stay."
Ramdam ko ang pagsusumamo sa boses nito, tumatama ang mainit nitong hininga sa leeg ko. Ramdam ko din ang mahigpit nitong pagkakayakap sa akin. Na para bang ayaw talaga ako nitong pakawalan.
Ramdam ko nanaman ang pamilyar na pagtibok ng puso ko. Maging ang tibok ng puso niya'y ramdam ko din sa sobrang lapit ng katawan namin na tila ba wala nang nilaang distans'ya.
Hindi kaya, ako nanaman ang dahilan kung bakit siya may tama? Sariwa pa ito at sigurado akong sila ang may gawa. Natigil lamang ako nang makarinig ng yabag sa harapan namin, tinignan ko kung sino ito.
At mula roon ay nakita ko ang lalaking nakatayo habang ang mga mata'y titig na titig sa akin. Malungkot ang mga mata nito, hindi na galit ang makikita sa mga mata niya kundi lungkot.
Lungkot na kailan man ay 'di ko ninais makita mula sa mga mata niya ngunit eto ako ngayon, nakatitig sa mga mata nito habang yakap yakap ng iba.
This time, will you still say that 'It should be you'?
Can someone answer me, will I stay? Or run away?
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro