Chapter 33 Thee Shall Not Named
"Darling, there you are again."-D.
Third Person Point of View
Tahimik ang gabi, ang malamig na simoy ng hanging pumapawi sa init na hatid ng kaninang umaga ngayon ay kay lamig na. Ang ingay na siyang namamayani kaninang tanghaling tapat ngayon din ay kusa nang nagwakas.
Oohh... Who lives in a under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob Squarepants.
"Umuusad pa ba ang naibigay kong misyon sa iyo?" Napangisi siya rito.
"Marami akong pinagkakaabalahan. Sana'y iyong mapagpasensyahan, 'wag kang mag-alala sa pagsapit ng umaga, isang magandang balita ang sa iyo'y bubulaga!"
"Unti-unting nawala ang mga tauhan ko, 'wag mong sabihing napagpraktisan mo nanaman sila!"
Pagkatapos nilang magusap ay ibinaba na nito ang linya at saka sumakay sa kanyang sasakyang nakahanda na sa labas. Pagkapasok nito ay agad niyang binuhay ang makina't tinahak ang daan patungo sa kung saan.
Nakasuot siya ng itim na hoodie, dahilan para matakpan ang kanyang mukha at itim na pantalon na tinernohan ng itim ding sapatos. Ipinarada lang niya ang kanyang sasakyan sa kanto kung saan siya mabilis na makakalabas kung sakaling matapos niya ang kanyang kinakailangang gawin.
Pagkalabas niya sa kanyang sasakyan ay tinahak na niya ang daan patungo sa isang napakalaking mansyon. Isinukbit niya sa kanyang baywang ang baril na siyang armas at dala niyang panlaban maliban sa kanyang kamao't taglay na kakayahan.
Nakita agad niya ang napakataas na gate ng mansyon, ngunit walang halong kaba ang kanyang nararamdaman ngayon. Hindi siya nababahala sa kung anong mangyayari mamaya. Mahigit ilang linggo din niyang inaral ang lahat ng tungkol sa kanyang target.
Maging ang mansyon ay alam na din niya ang mga pasikotsikot rito. Mula sa pagpasok dito hanggang sa paglabas maging sa kung ilang tao ang nakabantay sa gate at maging sa mga nakaabang sa kanya sa loob.
Madali nalang niya itong mapapasok, at siguradong mas mapapabilis ang kanyang paglabas.
Pagka-doorbell niya ay agad na sumilip ang taong nakabantay rito.
Napayuko naman siya dahilan para maitago ang kanyang mukha.
"Pangalan?" Bulong ng taong nakasilip sa maliit na butas.
Hindi siya sumagot sa halip ay nanahimik lang siya.
"Pangalan!"
Tahimik parin siya.
"PANGALAN SABI E!"
Hindi siya natinag ng sumigaw ito, patuloy lamang siya sa pagtitig sa kanyang suot na sapatos.
"Ano ba 'yan pare?" Tanong ng kasamahan ng lalaki. Saka nito binuksan ang gate. Napangisi siya rito. Umawang ang kaninang mahigpit na pagkakasara ng gate.
Lumapit ang dalawa sa kanya.
"Teka! Sino ka ba kasi at narito ka? Naliligaw ka ba ha!" Matapos sabihin iyan ng isa sa mga lalaki ay itinulak siya nito. Ngunit hindi man lang siya natinag.
"SINABI NANG---"
Hindi na nito natapos ang sasabihin nang bigla siyang nagangat ng ulo dahilan para makita nila ang kanyang itinatagong mukha.
"I-ikaw--" halos mautal ang mga ito ng makita kung sino ang bumisita sa kanila.
"Shhhh! Thee shall not named!"
Mariing binitiwan niya ang mga salitang iyan dahilan para mapatakbo ang mga ito pabalik sa loob ngunit agad niyang inilabas ang kanyang baril at pinagpapaputukan ang mga ito sa kanilang binti't braso.
Hindi na nagawang makapasok ng mga ito sa loob gawa ng tama sa kanilang binti. Ni gumapang ay 'di na rin nila magawa dahil sa balang nakatarak sa mga braso nila.
Naglakad siya palapit sa mga ito. At kinuha ang isa sa nakasukbit na baril sa bewang ng isa. Sinubukan nilang pigilan ang paa niya mula sa pagpasok ngunit isang matunog na pagapak sa kanilang sugat ang ginawa nito.
"A-AHHHHH!" maririnig mo ang mga hinanakit at pighati sa kanilang boses na siyang sumira sa tahimik na gabi.
Hindi niya inalintana ang mga ito sa halip ay pumasok siya, hawak ng magkabilaan niyang kamay ang dalawang baril. Pagkatapak niya rito ay agad niyang pinagpapatukan ang mga sumalubong sa kanya.
Bubunot palang sila ay nagraragasa na ang kanyang mga bala patungo sa mga ito, ngunit kung may ipinagkaiba man ito sa nakaraan niya. Iyon ay ang hindi pagpapatama ng baril sa mga sensitibong parte ng katawan ng bawat taong kanyang pinapatamaan.
Umalingawngaw muli ang mga boses nilang 'di mawari. Isang magandang hudyat iyon para sa kanya para malamang buhay pa ang mga ito.
Nagpatuloy muli siya sa paglalakad at binitiwan na ang baril na hawak niya sapagkat wala na itong bala. Kamao nalang ang mayroon siya ngunit hindi siya natinag rito kung kaya'y nagpatuloy siya sa paglalakad.
Yabag at sipol lang niya ay nagawa nang sapawan ang mahigit dalawampung sigaw at ingay galing sa mga taong nakahandusay.
Pinasok niya ang mansyon at bumungad sa kanya ang napakaraming tauhan ng taong kumakalaban sa kanila. Nakatutok na sa kanya ang mahigit trentang baril na hawak hawak ng mga taong nakauniporme ng itim.
At mula sa hagdanan ay bumaba ang pinakapinuno ng katunggaling organisasyon nila.
"Malakas ang loob mong pasukin ang teritoryo ko, ngayon sabihin mo sa akin anong ipinaglalaban mo?" Nakangisi nitong simula. Habang patuloy parin sa paglalakad.
Hindi siya sumagot rito. Natatakpan parin ng hoodie niya ang kanyang mukha. Nakakadagdag pa ang pagyuko nito para harangin ang sinuman mula sa pagsilip sa kanyang mukha.
"Nabahala ba ang pinuno mo sa lakas ng organisasyon ko kaya ka narito?"
Muli siyang napangisi.
"Hindi ka ba natatakot mamatay? Ipinadala ka rito ng wala man lang mga kasama, masyado atang mataas ang kompyansa mo sa sarili. Ang pasukin ang lugar na ito ay para mo na ding isinangla ang buhay mo!"
Hinayaan lang niya ang lahat ng ito at taimtim na tumahimik.
"HANGAL KA!" Sigaw pa muli nito. "Pinatay ng organisasyon niyo ang nagiisang anak ko! Nang walang kalaban laban! Sa pagkuha niyo sa buhay ng anak ko ay kasama na ding namatay ang asawa ko. Si Jc lang ang meron kami ni Vivien, ngunit pinatay niyo pa siya."
Nakarinig siya ng kasa ng baril at alam niyang nagmula ito sa taong kaharap na niya ngayon.
Pinatamaan siya nito ngunit hindi na siya nagabalang umiwas kahit na hindi niya ito nakikita ay sigurado siyang hindi siya nito tatamaan nais lang siyang takutin at sindakin nito.
"Nais mo ba akong kumaripas ng takbo paalis? Hindi na iyan bago sa akin dapat ay sumubok ka ng iba!" Sa wakas ay sumbat niya rito.
Nakita niyang natahimik ng sandali ang kausap, hindi siguro nito inasahan ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.
Hinawakan nito ang hoodie niya saka tinangggal mula sa pagkakasuot sa kanyang ulo ang hood nito. Natigilan ang matanda ng makita kung sino ang kaharap niya.
"P-ATAYIN SIYA!!!" naisigaw nito.
Ngunit isang malinis na ngisi lang ipinanlaban niya rito.
Itinutok nito ang baril sa kanya ngunit mabilis siyang tumalon palapit rito saka sinipa ang hawak na baril nito pataas dahilan para tumilapon ito sa itaas atsaka nito tinalon, ngayon ay siya na ang nakahawak ng baril.
Nakangisi niyang itinutok ang baril sa kanyang kaharap. Nanlalaki naman ang mga mata nito at napatingin sa kanyang paligid na mas lalong ikinabigla niya.
Ang mahigit trentang kataong kaninang nakahawak ng baril at nakatutok ang lahat ng iyon sa taong bumisita ng magisa sa kanya ngayon ay nabago na. Dahil sa kanya na mismo nakatutok ang mga baril at pawang nakangisi ang mga ito.
"Sinong nagsabing mag-isa ako?" Halos mapaupo ang lalaki sa kanyang nasaksihan.
"Nahuli nga ako e, dahil pinauna ko na sila! Hindi mo man lang naramdaman ang nga ahas na pumasok sa lungga mo!"
"A-anong!"
"Hindi mo ata kilala ang binabangga mo!"
"H-hindi maaari!" Hindi makapaniwala nitong sambit.
Inilang hakbang niya ang kanilang pagitan at saka lumuhod para pantayan ang nakaupo sa sahig na lalaki.
"Iyong mga pipityuging tauhan mo sa labas, mukhang kailangan nilang mapaospital!"tumayo siya "kasama mo!" Pinaputukan nito ang mga binti nito at maging ang mga braso.
"A-AHHHH!"
"Nananahimik na nga kasi ako saka ka naman magiingay! Siguro naman sa susunod alam mo nang rumespeto?" Simula nito.
Napapatango naman ang kausap niya. Tinignan nito ang kaliwang binti nitong may tama. Paniguradong mas maganda ang dumugo kesa sa namuo ito!
"Ang anak ko lang ang meron ako maliban sa asawa ko, matagal na akong ulila, kaya ayokong mangyari iyon sa anak ko ngunit ngayon, ngayong wala na siya ano pang halaga ng buhay ko!"
"Isang drug lord ang anak mo, at nagkasala siya. Kung ako ang magulang niya hindi ko siya kukunsintihin. Hinanap ng anak mo ang sarili nitong kamatayan. At siya na rin mismo ang humukay ng sarili nitong libingan."
"Hindi ko alam," iling nito "hindi ko nagawang mapansin, hindi ko siya nagawang tanungin, at naging huli na ng mapansin, makita, at malaman kong ibang daan na pala ang tinatahak niya. Magkasalungat pala ang daang tinatahak namin. Kung alam ko lang noon sana'y nagawa ko siyang hilain patungo sa akin."
Nagulat siya rito kung ganoon, ang anak talaga niya ang pinakapinuno at siya'y nagpipininunuan lamang?
"Hindi ito ang kapalaran mo, hindi maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali. Ayusin mo ang buhay mo, hindi sa pagkawala niya, magwawakas ang lahat. 'Wag mong katakutan ang dilim, pagsubok lang siya." Saad nito.
"Iba ka nga sa kanila." natigil siya sa pagpihit patalikod ng madinig ang hinaing ng lalaki. Tinignan lang niya ito.
"Napakadaya ng mundo, ang anak na nawalan ng magulang ay tinatawag na ulila, ang asawang namatayan ng asawa ay tinatawag na balo, ngunit ang magulang na nawalan ng anak, anong maiitawag doon?"kasabay ng mga salitang iyan ay ang pagluha ng kanyang mga mata. "Walang tawag doon, wala. Ang magulang dapat ang inililibing ng mga anak hindi kaming magulang, hindi kaming mga magulang ang siyang manglilibing sa anak!"
Umiwas na siya ng tingin at naglakad na siya palayo rito.
"Dalhin sa hospital ang lahat ng mga iyan! Pagkatapos ay sunugin ang buong bahay mauuna na ako!" Sambit niya.
Ang bahay na ito ay ang nagpapaalala sa kapangahasan ng anak niya kaya marapat lamang na ito'y sunugin hanggang sa maglaho't maging ang abo'y tangayin na rin ng hangin.
Mabilis namang sumunod ang mga ito. Ibinalik niya muli ang hood ng hoody niya saka nagtungo sa likod ng bahay.
Nasilayan ko sa mga mata niya, ang mata ng isang amang nangungulila sa anak. Nang dahil sa labis na pighati, nagawa siyang hilain ng kanyang anak patungo sa daan nitong tinatahak.
Gaano man karangal ang isang tao, gaano man ito katapat sa kanyang tungkulin. Hindi ibig sabihin no'n malabo na itong makagawa ng kasalanan. Aminin man natin o hindi, marupok tayong lahat.
"It would be the last time na pagbibigyan kita, Sinasabi ko na kapag hindi ka pa tumigil, bubusalan na kita!" Agad nitong pinutol ang linya. At palihim na bumalik sa pwesto nito kanina.
If you think you're a Demon. Well, I'm a Demon in Beyond.
Matapos makuha ang mga lahat ng nakalap na balita na pumapatungkol sa kumakalaban sa kanila ay agad niya itong pinag-aralan bawat detalye at kung maaari ay kanyang inaral ng masinsinan.
Una niyang kinuha ay ang numero nito. Saka ipinadala sa taong nag-uutos sa kanya na gumalaw.
Sinabihan niya ang matanda na sabihing ano mang araw ay bibisita siya gaya ng ginawa nito noon. Kung saan pinaghandaan siya ni Melecio ngunit hindi naging sapat iyon para protektahan ang buhay niya maging ang buhay ng napatay niyang bata.
Inunti-unti niya ang kanyang kalaban, hanggang sa makapasok na ang mga kakampi niya sa teritoryo nito ng hindi nalalaman.
Napalitan ng mga assasins at hitmans ang dati nitong mga tauhan na pipityugin. Ang akala nito'y nasa panig niya ang mga ito. Kung kaya'y malakas ang loob nito.
Matapos niyang maipasok ang mga tauhan ng matanda sa teritoryo ng kalaban nila ay naghintay pa muli siya ng isang linggo para pakalmahin ito at hayaang kainin ng kompyansa ang sariling matatalo siya nito.
Ngunit sa huli ay siya muli ang nagwagi!
Siya!
Thee shall not named!
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro