Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32 It should be me

"Can't stop the bleeding."-N.

Dame Alferza

Pagkalapit nito sa akin ay agad nitong kinuha ang kaliwang kamay kung nakahawak sa bewang ni Ark saka ako mariing hinila. Dahilan para makababa ako mula sa pagkakaangkas sa motor ni Ark.

Wala paring nagtangkang umimik. Patuloy parin sa paghila sa akin si Daewon. Nagpapahila lang naman ako. Hanggang sa ilang minuto na din ang lumipas ay patuloy parin kami sa paglalakad.

Napansin ko naman na, kung saan kami pupunta. Tinatahak lang naman namin ngayon ang daan papuntang parking lot at kung itatanong niyo kung bakit rito ang punta namin ay hindi ko din alam kung bakit.

Pagkarating namin sa sasakyan niya ay pinagbuksan ako nito ng pinto ng passenger's seat. Magtatanong pa sana ako ng hawakan ako nito sa ulo saka itinulak papasok.

Naglakad naman na agad siya papunta sa driver's seat. Pagkaraan ng ilang sandali pagkapasok nito ay agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan at paharurutin ito palabas. Kung saan patungo, 'yun ang hindi ko alam.

Pagkarating namin sa main gate. Ay masama niyang tinitigan ang mga gwardya na agad namang tumugon sa pamamagitan ng pagbukas ng gate, letting us go.

He pressed some button making the roof wide open. Napasinghap ako ng masilaw sa araw lalo na't tanghaling tapat. Masakit sa balat. Napansin niya ata ang kaartehan ko kaya naman binalik niya muli sa pagkakasara 'yung roof nito.

"Sa'n ba tayo pu--"

"SHUT UP!!!" Putol nito sa akin. Kailangan talaga sigaw? Problema nito?

Tumahimik nalang ako, at pinagmasdan ang daan patungo sa kung saan.
Paborito ko ang tahakin ang daan ng magisa, nasanay kasi akong walang kasama.

Unti-unting nawala ang naglalakihang mga buildings na aming nadaraanan. Napalitan ito ng mga puno at paniguradong maging ang hangin ay iba na din malayo sa ihip ng hanging hatid ng halo halong usok galing sa mga sasakyang sa lugar na aming nilisan.

Pagkaraan pa ng ilang minuto ay napansin kong..."Ihuhulog mo ba ako sa bangin?"

"Shut up!"

"O baka naman ay lulunurin mo ako sa dagat! Sinasabi ko na pipilayan kit--"

"ANO BANG MAHIRAP INTINDIHIN SA SALITANG SHUT UP! AT HINDI MO MAINTINDIHAN!"

"E, BAKIT KA BA KASI SUMISIGAW? NAGTATANONG LANG NAMAN AKO A!" hindi ko na din napigilan ang mapasigaw.

"I ALREADY TOLD YOU TO SHUT UP! BUT YOU KEEP---"

"BAKIT BA KASI AKO ANG ISINAMA MO, EDI DAPAT SI CHA NALANG!!!"

"WHAT!"

"SI CHA, SI CHARIOT!!!"

"CHA HAS NOTHING TO DO WITH US!!"

Putangina!

"There's something between us?"

Hindi ako nito sinagot kundi ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa tabi lang ng daan saka lumabas agad din naman akong bumaba at sinimulang maglakad hindi patungo sa kanya kundi pabalik sa daang tinahak namin.

Naiinis ako at kumukulo na din ang dugo ko, baka 'pag hindi pa ako lumayo sa kanya ay hindi ako makapagpigil at masaktan ko lang siya.

"GET YOUR DAMN ASS BACK HERE DAME!" sigaw pa muli nito.

Napapanting ang tenga ko. Ngunit ipinag-sa-walang-bahala ko na lamang ito saka ipinagpatuloy ang paglalakad.

Kung ganito pala ang depinisyon ng salitang like para sa kanya ay hindi ko kailan man matatanggap ang ganitong trato.

Binabalik niya ang nakaraang nakalipas na, ipinalalasap muli nito sa akin ang mundong kay tagal ko ng pilit kinakalimutan.

Alam niyang babae ako, hindi man niya makita ang mga mata ko na lumuha ay hindi ibig sabihin n'on malakas na ako't walang pakiramdam.

Tangina!

Kahit 'wag na niyang isiping babae ako kahit ang pagiging tao ko na lang ang i-consider niya. Kahit iyon nalang!

Kasi tangina talaga! Hindi ko alam kung bakit ansakit sa pakiramdam ng bawat sigaw niya, para bang hindi ako makahinga! Nanginginig ang mga kamay ko dahil dito. Maging ang paglakad ko'y hindi na din maayos.

Nagulat nalang ako ng may humawak sa kamay ko at pigilan ako nito't ipinaharap sa kanya, tinitigan ko lang ang mga mata niya. Hindi ko alam ngunit nanlalabo nanaman ang paningin ko.

"FUCK!"

Sigaw pa muli nito saka ako nito mabilis na ikinulong sa mga bisig niya.

"Your crying......again." Kung gano'n ang dahilan pala ng panlalabo ng mga mata ko ay dahil sa luhang nagmula rito. Natigil lamang ako sa sunod na mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

"The last time I saw you cried, you were with him."

Kung ganoon nakita niya kami ni Ark no'ng panahong iyon, no'ng panahong wala akong ibang nagawa kundi tumakbo nang sinabi niyang takot ako at gusto ako nito?

"You're with him, when in fact it should be me!" Yakap lang ako nito habang nagsasalita, pagkaraan ay kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan nito ang baba ko at iniangat para magtama ang tingin namin.

"I should be the one shedding your tears away." matamang saad nito habang mariin ang pagkakatitig niya sa mga mata ko.

He touch my cheeks with his hands, shedding my tears away like what he said earlier.

"I should be the one carrying you with my bare hands toward to that fucking clinic!" Ramdam ko ang bawat salitang binibigkas ng mga labi niya. Mabigat, masakit at hindi ko inaasahan.

"I should be the one you're with, as that fat man caught us doing something! doing something that I don't even know what!" Nabigla naman ako sa something na iyon.

Kung ganoon iyon ang dahilan kanina kung bakit matalim ang titig nito sa'kin. Galit nga siya, ngunit wala naman kaming ginawa ni Ark a!

"And I, I should be the one holding your hand as we run together being the center of everyones attention!"

Pero, hindi naman hinawakan ni Ark 'yung kamay ko a!

"It should be me!" Natigilan ako ng banggitin niya ang mga salitang iyan na para bang nagsusumamo. Ang bigat sa pakiramdam! Napakabigat at hindi ko malaman kung anong dahilan.

"It should be me Dame! But how?... how? if you didn't wanted to accept my feelings and let me love you!" Napayuko ako dahil doon.

"How if you keep on ignoring me!"

"Hindi kita iniiwasan, ikaw ang umiiwas!" Bumitaw ito mula sa pagkakahawak sa balikat ko at napangisi.

"How can I get myself near with you if you're always with him?" Sandali kaming natahimik.

Lagi nga kaming nagaaway ni Ark e! Lagi lang akong ginugulo at binabadtrip no'n, ngunit hindi ko alam na naging malapit pala kaming dalawa sa tingin niya.

"Kung ganoon edi dapat hinila mo ako palayo sa kanya!" Huli na ng mapagtanto ko kung ano lang naman 'yung nasabi ko. Napahawak ako ng labi ko ng mabitawan ang mga salitang iyon.

Tinalikuran ko siya at muling naglakad nang may maalala ako, ngunit muli nito akong pinigil at nagtungo papunta sa harapan ko.

"MAGLALAKAD NALANG AKO! balikan mo na si Cha at siya ang kausapin mo tungkol diyan." nangunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.

"Sabi ni Lee childhood sweetheart mo daw 'yun, at highschool girlfriend! At ngayong nagbalik na siya 'wag mong sabihing gusto mo parin ako. Tatamaan ka talaga sa akin 'pag nagkataon." tuloy ko pa.

Tangina kasing Lee 'yun 'di naman ako nagtatanong kung ano anong tinetext kahapon.

"That was before!" Napatingin ako sa sinagot nito. Hindi man lang itinanggi.

"Edi magbalikan kayo ulit mahirap ba 'yu--"

"FUCK DAME! YOU'RE PUSHING ME AGAIN!" halos mapatalon ako sa sigaw nito.
"Yes she's back, but my feelings over her never came back."

Shit!

Itutuloy~~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro