Chapter 31 Daewon Alvarez
"Darling, you're hurting me again!"-W.
Dame Alferza
"MAY TAO BA DIYAN!"
Bumukas ang pinto nang marinig namin ang sigaw na iyan. Hindi ko na namalayan ang pagyakap sa akin ni Ark at ang paggulong namin patungo sa sahig palapit sa paanan ng kabilang sofa.
Ipinikit ko ang mga mata ko para pakiramdaman ang buong paligid, madaming yabag ng paa ang maririnig ngunit hindi ko masyadong napagtuunan ito dahil sa tripleng lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa pwesto't sitwasyon namin ngayon ni Ark.
Yakap yakap parin ako nito kaya wala din akong ibang nagawa kundi ang yumakap din sa kanya. Tangina! nakapatong lang naman ako sa kanya.
Inangat ko ang ulo ko para makita siya lalo pa akong kinabahan ng tumingin din ito sa akin.
"Shhh!" senyas nito.
Kaya napabagsag nalang 'yung ulo ko sa dibdib niya. Dahilan para marinig ko ang kakaiba ding pagtibok ng puso nito. Nababahala ba siya na baka mahuli kami o baka naman dahil din ito sa kung anong sitwasyon naming dalawa ngayon?
Lumapit pa ang mga yabag.
"The aircon's on coach, maybe someone is here right now!"
"Roam around! Let see who get in here!"
"Go there!"
Narinig kung usapan nila. Mas lalo akong kinabahan ng lumapit ang mga yabag sa amin.
"Shit!" bulong ni Ark.
Nang malapit na talaga ito ay napapikit nalang ako. Ngunit pagkaraan lang ay lumayo din ito.
Napahinga naman ako ng malalim dahil sa nangyari ganoon din si Ark.
"WHAT ARE YOU TWO DOING HERE!!"
Patay!
"Get up!"
Napatayo ako at pinagpag ang uniform ko ng mahuli kami ng isa lang naman sa assistant coach ng Chess club! Coach ko din ito noon. Kaya lang 'di ko pa na mi-meet ngunit kilala ko lang ang mukha nito.
"Mga bata naman talaga dito niyo pa naisipang mag-milagro! Sumunod kayo sa akin, you need to be punish!" Sabi pa muli nito.
Napapailing nalang kami ni Ark rito. Maging 'yung mga Junior high at College students na nandito ay nakatingin din sa amin.
Siniko ko naman si Ark "Kasalanan mo 'to, sabi ko na ngang bawal dito!" Timpi kong sigaw.
"Did you forget what you've said earlier, 'masarap gawin ang bawal!" Nakangisi nitong sagot.
Inambahan ko siyang susuntukin na para bang nabawi ko na lahat ng lakas na nawala sa akin kanina lamang.
"Answer me honestly! Are you really upset because they caught us or it has something to do with the thing earlier that didn't happen cause they caught us?" Napakunot ako sa sinabi nito. Anong pinagsasabi niya?
"Did you really think I'll kiss you?" Nagulat ako ng sinabi pa muli niya iyan! Did I really think he'll-? Of course not!
"Just so you know, you're not my type." tuloy pa muli nito.
"FUCK YOU!" Sigaw ko agad sa kanya. Nang makuha ko ang nais iparating nito.
"SHUT UP!" Narinig kong suway ni former coach na kasalukuyang sinusundan namin.
Lumayo layo ako nang kaunti kay Ark baka 'di ako makapagtimpi at masapak ko siya't 'di nito marating ang diciplinary office.
Pagdaan pa ng ilang sandali ay narating na namin ang pinto ng Disciplinary Office.
Napansin ko si Ark na nakatingin sa akin. Kung noon ay nahihirapan akong hagilapin at intindihin ang mensaheng nais iparating ng mga kulay abo niyang mata ngayong oras na ito nakuha ko ang nais nitong malaman ko.
Tinaasan ko siya ng kilay, ngumisi naman siya. Sabay naming tinignan ang pagpasok ng assistant coach sa loob ng disiplinary, pagkapasok nito'y nagtitigan kami ni Ark at ang sunod na ginawa namin ay ang--
"BUMALIK KAYO DITO! HARANGIN NIYO!" narinig naming sigaw nito. Tumakbo lang naman kami ni Ark palayo.
May iilang estudyante ang humarang sa amin dahil nasa labas na din ang mga ito 'pagkat break time na.
May mga ilan namang grupo ng estudyante ang nagtatawanan hindi dahil sa amin kundi dahil doon sa assistant coach na humahabol din at nakikitakbo.
Nakalimutan kong sabihing madaming baong fats si coach, tila mga active electrons, nagyuyugyugan.
Halos matalisod tuloy ako sa katatawa. May humawak sa kamay ko. At nakita ang isang junior student na katangkaran din naman. Sinubukan kung kumawala ngunit mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko.
"SIR, DALII!!!" sigaw nito.
Nakita ko namang napangiti si coach at tumakbo palapit sa akin ngunit nang malapit na ito ay agad naman akong binitiwan no'ng lalaki at itinulak palayo.
Halos madapa ako sa tulak niya. Napuno muli ng tawanan dahil doon. Hinanap ko si Ark ngunit 'di ko ito makita. Magkasunod lang kami kanina a!
Tumakbo lang ako, halos lahat ay nakatingin na sa akin. Nasa may tabi ba naman ako ng fountain. Siguradong pati sila Lee ay nakikita na ang kalokohang ginagawa ko.
"MS. ALFERZA WHAT THE HELL ARE YOU DOING?" maging si Chua ay sumigaw na. Gago kasing Ark 'yun aayain akong tumakbo tapos iiwanan pala ako.
"DAMEEE!" kahit 'di ako lumingon paniguradong si Lee 'yan nakita kong nasa labas na din sila ng room at nasa akin ang atensyon nila kasama niya si Cha at Daewon.
Napansin kong matalim ang titig ni Daewon sa akin. 'Wag mong sabihing galit siya! Meron naman si Cha sa tabi niya a. T'saka wala naman akong ginagawa sa kanya a.
"BUMALIK KA RITONG BATA KA!" Nabaling ang attensyon ko kay Assistant coach.
May pitong guwardya na din itong kasama. Buti nalang pala wala talaga si Tay Pandong sesermonan nanaman ako no'n kung sakali. Nagpapaikot-ikot lang kami sa malaking fountain.
Tangina hindi ako papahuli no! At kung magpapahuli ako dapat kasama si Ark.
May sumalubong sa akin ngunit mabilis ko lang itong nalampasan ng walang gaanong kahirap hirap.
Nakikita ko na ding nagsilabasan na 'yung iba pang mga teachers. Sikat nanaman ako! Kung kailan kay bango ng pangalan ko ngayon saka naman muling madudungisan! Wala nga naman talagang permanente sa mundong 'to ngayon!
Maging 'yung mga Student Councils ay nakisama na din sa panghuhuli sa akin. May ilan din namang mga nagchi-cheer sa akin.
Tangina ka talagang Ark ka!
Sabay tayong nagloko, tapos ako lang ang kawawa rito?
"Ms. Dame Alferza. STOP. NOW!" Narinig kung sigaw ng president of the Student Council. Binoto ko pa man din ito. Tsk!
May kumukuha na din ng litrato sa akin habang nakikipaghabulan.
Pinalibutan na nila ako. At aaminin ko, hindi na ako makakatakas ng hindi nanununtok dito.
Hahaha!
Kung kailan sa tingin ko'y mahuhuli na ako at wala na akong kawala ay saka naman siya tuluyang lumabas at nagpakita.
PIIIIP, PIIP, PIP
Sakay siya ng motor niya nagpagilid naman lahat ng estudyante ng magbusina pa ito ng dirediretso.
Maging ang mga taong nanghuhuli at nakapalibot sa akin ay nagsihawi. Nakangisi ito sa akin. At nang makalapit na'y inihinto nito ang sasakyan niya sa tabi ko.
"I think! I'm just on time! Am I?" Ngisi nito.
Mukhang magkakasundo talaga kami nito a, except of what happened earlier at the~~~ you know what I mean.
Hindi ko alam ngunit napangiti ako rito saka umangkas sa motor niya.
"Hands on me!" Sabi pa nito, kusa namang humawak ang kamay ko sa bewang niya.
Humarang naman si coach sa pinakagitna upang pigilan kami maging ang gate ay nakasara na din.
Paano kami lalabas niyan? Nang makalapit na kami kay coach ay pumikit ito pursigirdo talaga siyang harangan kami.
Ilang pulgada nalang ang layo ng kusang huminto ang motor.
"Wag mong sabihing wala ka ng Gas!" 'Di makapaniwalang tanong ko.
"You just hit the bullseye!" Ngisi nito.
Putakte! Ilang sandali pa ay napansin kung nakatayo parin si coach sa harap namin at mariin ang pagkakapikit ng mga mata nito.
Nagkatinginan kami ni Ark. And this time we let a loud laugh escaped at us making the crowd froze for a moment then laugh with us after.
Nang sa tingin ko'y tapos na ang lahat saka naman siya naglakad patungo sa akin na naging dahilan para matigilan ang lahat. Nagawang sapawan ng mga yabag niya ang tawang pumuno sa apat na sulok ng Unibersidad na ito.
Gusto kong yumuko at iwasan ang titig niya. Ngunit naubos ata ang lakas ko gawa ng kaninang kakatakbo.
Walang nagtangkang basagin ang ano mang katahimikang ngayon ay namamayani. Kumalabog muli ang dibdib ko sa paraang 'di ko mawari.
Nagaantay sa susunod na pangyayari.
Our eyes were locked staring at each other! And here I am wondering what will happen later.
Here he comes the person who's ignoring me right after his confession, where he confessed that he do like me.
The person I enjoyed calling Dae but hated after.
And now I'm calling him by his name! Cause after all his Daewon.
Daewon Alvarez.
What do you want now? You have Cha,
Don't you dare fucking tell me that you still like the hell out of me?
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro