Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30 Run or Else...

"Mine, alone!"-O.

Dame Alferza

Kinabukasan, pagkahatid sa akin ni Asp sa Salle De. At habang tinatahak ko ang daan patakbo sa aming silid aralan. Ay samo't saring mga estudyante ang nagtitinginan sa akin maging mga Guro, at isali mo narin ang mga Guwardya kanina.

Sa pagkakataong ito, iba ang aking nakikita hindi tinging mapanghusga ang sumalubong sa akin. Hindi magkamayaw sa pagdadaldalan at bulungan ang mga ito ngunit hindi masasakit na salita ang nakadikit sa aking ngalan.

May mga nakatingin sa aking kay sigla ng ngiti meron namang sa tingin lang nito'y alam kong nasisiyahan na. Biglang nagbago ang ihip ng hangin at pumabor ito sa direksyong gusto ko.

Hindi ko maitatangging naninibago ako ngunit sa kabilang dako naman nito'y isang kaunting apoy, apoy na nagsilbing ilaw ko sa dilim. Unti-unti nitong binubuhay ang matagal ng nahihimbing kong pag-asa.

"DAMEEE!"

Hindi man ako limingon kilala ko na kung sino iyan. Sa tinis ng boses nito paniguradong pati kayo kilala niyo na din.

"Umagang umagang napakaingay m--" pinutol ako nito at may ipinakita sa aking kung ano.

"Tignan mo!"

Who is Dame Alferza?
By: Michaela Rios

If you'll ask a students who is she? the words bitch, boastful, crazy, pathetic, stupid, and cruel were just some of the hundreds painful words you would gathered but she, she doesn't seems to care.

If you'll ask teachers who is she? you'll hear them say, 'she's one of a kind, and a pain in the class!' But she, she doesn't seems to care at all. Cause she, she is Dame Alferza.

Then we asked her friends. And we heard them say, 'Patay gutom' - Juztin Lee,
'She's crazy!' - Daewon Alvarez, 'I don't know her' Ark Mihu...

Matapos kong mabasa hanggang diyan ay hindi ko na tinuloy pa siguradong 'yung susunod ay mga papuri na tungkol sa kung sino talaga ako. Ang may akda nito ay 'yung babae kahapon. Michaela pala ang ngalan niya.

"Damee pinagisipan ko iyang mabu--" binatukan ko siya bago pa matapos ang sasabihin nito.

"Anong maganda sa sinabi mo? Ipinangalandakan mo lang namang patay gutom ako!" Binatukan ko pang muli siya.

"Aray naman e dapat si Ark din!" Reklamo nito.

Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako. Maging dito sa loob ng silid namin ay iba rin ang ihip ng hangin.

Nakasunod parin sa akin si Lee. Napansin kong natutulog na naman si Ark habang bakante naman ang upuan ni Daewon.

Pagkaupo ko ay may ipinakita muli si Lee. Nangunot ang noo ko ng makita ko ito.

"Ang gwapo ko dito!" Puri niya sa sarili habang itinuturo 'yung mukha niya.

Ito pala 'yung kuha namin kahapon, gulat lahat ang reaksyon namin dito si Lee lang ang nakangiti habang si Ark naman ay nakatagilid sakto ang pagsandal nito sa akin.

Hindi pala naging sapat ang lakas ng kanang kamay ko para salagin ang likod niya mula sa pagsandal nito sa akin.

Pagkaraan pa ng ilang minuto ay dumating na din si Snape kasama sila Daewon at Cha. Kung ganoon magkasama pala sila.

Kaya pala dalawa ang bakanteng upuan sa pagitan namin ni Lee.
Dumiretso si Daewon sa upuang katabi ko at naupo. Habang naiwan naman si Cha sa harap kasama si Snape.

"Good morning class, as you can see. You have a new a classmate here, please introduce yourself."

"Good morning everyone! Ako nga pala si Chariot Andres, please be nice to me!" Pakilala nito. She's good at introducing no? Tsk!

"Don't worry Ms. Andres they're nice! If you doesn't mind may I ask if Mr. Alvarez is your boyfriend?" Natigilan ang lahat sa naging tanong ni Snape rito.

Na para bang lahat ay nagaantay at gusto ding malaman kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila ni Daewon.

Naturingang teacher, pero kung umasta parang reporter! O hindi naman kaya'y Tv host.

Nakita ko ding natigilan si Daewon maging si Lee ay nakangiting aso. Tumingin naman ako kay Ark, buti pa siya tulog at walang ikinababahala! Sana pala natulog nalang din ako kanina.

"A-am he's my--"

"EXCUSE ME!"

Nagulat nalang ako ng biglang naglakad dire-diretso si Ark palabas. Nakita kong nahulog nito 'yung cellphone niya. Nahulog?

Kinuha ko ito sa ilalim ng desk niya saka tumayo din at naglakad palabas kasunod niya ng hindi nagpapaalam, halos makalimutan kong may teacher pala kami ng nagpakilala si Cha kanina.

Hindi ko na din nagawang pakinggan ang kung ano mang karugtong noong sasabihin ni Cha dahil nasa cellphone ang atensyon ko at kay Ark na kasalukuyan kong hinahabol.

Nakita ko itong lumiko susunod parin sana ako ng maalalang Cr ng boys pala ang daang tinahak niya.

Kaya naman nagantay nalang ako sa labas. Wala ng mga tao sa corridor dahil paniguradong nagsisimula na din ang mga klase nila.

Tinignan ko 'yung hawak kong cellphone at binuksan ito. Natural walang password kaya nabuksan ko. Tinignan ko lang ang mga naka-install na Apps nito at nakitang may ROS din siya, kung ganoon nakikisunod pala siya sa uso kahit papaano.

Maglalaro sana ako ng may humablot bigla rito. "N-nahulog mo kaya sinundan kita!" pag e-explain ko agad, feeling ko kasi nalabag ko ang privacy niya. Duh! Kailan pa ako nagworry sa paglabag ng privacy?

Nagsimula na itong maglakad matapos maibulsa 'yung cellphone niya nakayuko naman akong sumunod ngunit nagulat nalang ako ng huminto ito at tumama 'yung ulo ko sa matigas niyang likod. So firm...

Napatingin ito sa akin. "Why are you following me?"

"S'yempre papasok na ako!" Sagot ko naman, nangunot ang noo niya.

"That's supposed to be your way then," turo nito sa likuran namin "not my way?" Tuloy pa nito. Hindi ko man lang napansing ibang daan na pala ang tinatahak namin.

"E san ka pupunta hindi ka ba papasok?" Tanong ko muli.

"Nah! I'm going somewhere,"

"Sa'n?"

"Somewhere I wouldn't be able to see someone being an idiot." sabi pa muli nito saka naglakad na muli.

Ako nanaman ba 'yung idiot na tinatawag niya? Tinitigan ko ang likod niyang papalayo saka bumaling sa room namin.

Napahinga ako nang malalim, wala din naman akong gagawin pagpumasok ako kundi matulog lang din gaya ni Ark. Matapos kung makapagdesisyon ay tumakbo na ako patungo sa daang tinahak ni Ark. Malapit nang makalayo ito kaya kailangan kong bilisan ang pagtakbo.

Nang maabutan ko ito ay sinabayan ko na ang paglalakad niya.
"Now would you mind if I ask again, why the hell are you foll--"

"I wanted to go somewhere too, somewhere you're able to see an idiot!" Nakangisi kong sagot rito.

Hindi naman na ito sumagot pagkatapos, kaya naman naglakad nalang din ako ng tahimik. Nagulat at napahinto lang ako ng malaman kung saan patungo ang tinatahak naming daan.

"Teka! Bawal diyan a baka makaistorbo lang--"

"You choose, we'll go there together or I'll go alone?" Walang emosyon nitong tanong sa akin.

"Sabagay masarap gawin ang bawal." tugon ko naman saka naunang maglakad.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad ng malapit na ang distansya ko sa pinto ay saka naman may humawak sa kaliwang kamay ko dahilan para matigil ako.

Magsasalita pa sana ako ng hilain na ako nito patungo sa likod ng Building. Ako naman si Dame Alferza, na natural nang nagpapahila ay nagpahila sa kanya.

Nang makarating na kami sa likod ng building ay biglaan nito akong isinandal sa wall. Napapalaki naman ang mata ko sa inasta niya. Itinulak ko siya ng buong lakas. At tinitigan ang mata niyang walang kahit na anong emosyon.

"Kung may binabalak ka 'wag mo ng ituloy, pipilayan talaga kita!" Simula ko.

Hindi nito pinansin ang sinabi ko sa halip ay naglakad ito palapit sa akin.

"Ano ba Ark!"

Tuloy lang ito sa paglapit sa akin.

"Ark!"

Wala paring emosyon ang mga mata niya kaya hindi ko alam kung anong iniisip niya. Kung hindi ko lang siguro 'to nahuling nanunuod ng porn hindi sana ako kinakabahan ngayon!

"Ar-" natigilan ako ng sobrang lapit na talaga nito sa akin. Susuntukin ko na sana siya ng salagin nito ang kamay ko at ipatalikod ako nito paharap sa wall.

"TANGINA ARK-"

"Shut up! " natigilan ako ng bumulong ito sa kaliwang tenga ko nagtaasan ata 'yung balahibo ko."you said you wanted to follow me and to be with me right? " nagulat ako ng hawakan ako nito sa bewang at iangat. "Reach the window above you!" Sabi nito sa akin saka inangat pa ako.

Nahihiya naman ako ng malaman ang mga inakto at pinagsasabi ko kanina. Lakas niya ha!

"Itaas mo pa ako!" Sagot ko naman. Tinaas naman ako nito.

"'Di ko maabot!" Reklamo ko ulit.

"Put your feet and stand on my shoulders as I lift you up!" Sabi nito itinaas naman ako nito ng buong lakas mind you hindi naman ako masyadong mabigat! Ginawa ko ang sinabi niya.

Then boom! Naabot ko na.

"It wasn't locked! Slide it!" Utos niya pang muli.

Napangisi naman ako. Payback time, dahil sa ginawa mo kanina halos mangamatis 'yung mukha ko.

"What took you so long?" Reklamo na nito. Gumalaw galaw naman ako para mas lalo siyang mabigatan.

"Damn! Alferza! I'm going to--"

"Eto na nga!" Putol ko agad sa kanya baka ilaglag pa ako. Pagbukas ko ng bintana ay sumampa na ako agad rito.

"Fuck! You weigh more than 2 sacks of rice!" Reklamo nito habang pinapagpag 'yung uniform niya. Grabe naman 'yung 2 sacks!

Nakita ko agad ang nakakalulang nagraramihang mga libro. Wala naman palang katao-tao dito kaya malakas ang loob niyang pumarito.

"Unlocked the main door!" Narinig kung sigaw niya.

Bumaba naman na ako mula sa pagkakasampa sa shelves ng mga libro saka tinungo ang daan papunta sa main door.

Ang tahimik! Bakit kaya hindi ko naisipang pumunta rito noon?

Pagbukas ko nang pinto ay sumalubong agad sa akin si Ark. Dire-diretso naman ito sa paglalakad patungo doon sa may aircon at binuksan ito.

"Do what you want, just don't you dare disturb me!" Sabi nito saka nagtungo sa mahabang sofa at nahiga.

Pinagmasdan ko naman ang buong silid. Napakaraming mga libro ang narito may mga malalaki ding chess piece sa kahit saang direkyon ka tumingin.

Ang mga disenyo ng upuan ay knights, na siguradong kapag inupuan mo ay magmumukha kang kabalyero. Ang bawat haligi ay may nakadisenyong bishops maging ang napakahabang lamesa ay pinagsamasama ang walong pawns na magkakadikit. Ang sahig naman ay nakadesenyo ayon sa chess mat.

Napatingin ako sa taas at nakitang doon naman nakadesenyo ang King, tumingin pa ako kung saan ngunit hindi ko na mahagilap ang rook at ang queen.

I'm a chess athlete ngunit hindi ko pa kailan man napasok ito dahil lagi akong hindi sumisipot sa mga trainings dahil alam ko namang walang halaga ang ituturo nila.

Ang laro ay nakadepende lagi sa kalaban mo kong magaling man ito o hindi.

At dahil sa curious ako kung nasaan ang mga ito ay isa lang ang pwede kong pagtanungan niyan! Lagi naman siguro siyang naglalagi rito kaya alam dapat niya kung saan.

Lumapit ako kay Ark at nakitang natutulog nga ito. Nakahalukipkip siyang natutulog. Kumaway ako sa may mukha niya para seguraduhing natutulog nga ito.

Napatingin ako sa ilong niya, inilapit ko ang mukha ko rito para makita kung gaano katangos ang ilong nito. Natetempt akong hawakan ito ngunit baka magising siya.

Napansin ko din ang mahabang pilik mata niya, inilapit ko pa ang mukha ko rito hindi naka-curl yung pilik mata niya diretso lang ito ngunit kay haba't kay kapal.

Natigilan ako ng mapansin ang mapula pulang labi nito. Daig pa nito ang labi ko. Napalunok ako sa hindi malamang dahilan.

"My lips is off limits!"

Gulat na gulat ako ng magsalita at imulat niya ang mga mata niya. Kung saan nasilayan ko ang mga kulay abo niyang mga mata.

Agad akong tumayo at lumayo sa kanya ngunit mabilis ang kamay niyang humawak sa kamay ko at hatakin ako nito palapit sa kanya.

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Isama mo nadin ang napakalakas na kalabog ng dibdib ko.

Titig na titig siya sa mga mata ko ganoon din ako sa kanya nagaabang sa susunod na mangyayari. Kinakausap ako ng mga mata niya ngunit hindi ko makuha ang nais iparating nito sa akin.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang lumapit pa ang mukha nito ng isang pulgada. Lalo na nang natuon ang tingin nito sa mga labi ko. Gusto kung lumayo ngunit walang lakas ang paa ko para tumayo't tumakbo palayo.

Gusto ko siyang suntukin at batukan ngunit maging ang mga kamay ko'y pumabapor din sa kanya. Hindi ko magawa at ang nakakainis ay maging ang utak ko'y 'di gumagana.

"Run, you better run now idiot. Or else..." sambit nito dahilan para maamoy ko kung gaano kabango ang hininga niya. Nagugulahan ako. Hindi matigil ang kalabog ng dibdib ko.

Putang Ina!

Wala akong nagawa kundi tumitig lang sa kanya. At nang lumapit pa muli ito sa akin ay kusang pumikit ang aking mga mata ng mariin. Inaantay ang ano mang susunod na pangyayari.

Itutuloy~~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro