Chapter 3 Danger In Disguise
"It's pretty much advisable to concedes defeat, rather than be caught."-E.
~N~
"Oohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob Squarepants" If nauti!"
Sinagot nito agad ang tawag ng hindi tinatapos ang paborito niyang ringtone.
"'Pag nagkita tayo sisiguraduhin kong pati kuko mo may latay!" Maalumanay ngunit nagbabantang bungad niya sa kabilang linya.
"Hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko?" Natatawang sagot naman sa kanya ng lalaki
"Nagustuhan. Sobrang nagustuhan ko! Surpresang surpresa nga ako eh, sa sobrang pagkagusto ko nga pati 'yung nagregalo gusto ko na ding ibalot." sagot naman niya.
Napangisi siya ng napabuntong hinihinga na lamang ang kausap niya. Nang hindi na sumagot pa ang lalaki at akmang ibababa na niya ang linya, ay natigilan siya sa huling mga salitang binitawan nito.
"Tapos na ang apat na taong pagpapahinga. Sa ayaw at sa gusto mo, babalik kang nakaluhod at nagmamakaawa sa harapan ko."
Won Alvarez
Salle de University, an exclusive school for elite students. Graduating na ako ng Senior high this year. Hindi ko din alam kung bakit at paano ako nakaabot ng Grade 12.
Nakapagtataka...
Agad kong tinungo ang classroom namin at hinanap roon ang babaeng buong buhay kong isusumpa. How dare her do that to me! Nakalimutan niya atang nag ngangalang Daewon Alvarez ang taong nilapastangan niya.
As soon as I saw her, I walk near her closing the gap between us. Madami ng matang nakatingin sa akin, like I'm some a walking goddess for them.
Tsk!
Sa ngayon wala muna akong pakealam sa kung anong sabihin o iisipin nila. 'Cause right now all I want to do, is to avenge my dignity.
Prente parin siyang nakaupo habang nakasalpak sa magkabilang tainga ang ear phones niya with her eyes closed, of course.
I harsly took her ear phones off.
Napamulat naman agad siya at tumingin ng diretso sa mga mata ko. I gulped when I saw how feiry her eyes that was now set on me.
She really have something with her that can totally chills anyone who will dare to look at her. Sa sobrang talim ng tingin niya halos isuli ko sa pagkakalagay ang ear phones niya. But I refused to.
"Why the hell did you do that?" I asked her, "give me a valid fucking reason on why you did that." Napalitan ang reaksiyon niya ng purong katanungan.
"Ha?"
"Anong ha? I'm asking you, bakit mo 'ko dinala sa lugar na 'yun?"
"Ha?" Ulit nito.
"I'm asking on why the hell did you left me in that fucking place!"
"What?"
"Just answer my damn question you stupid living creature!" Silence filled the four cornered room that we're in, cause of what I've shouted.
Dame roamed her eyes around before it settled on me. "What? Hindi ko alam kong anong pinagsasabi mo." She said in defense.
I can't believe her, after what she have done to me? Sasabihin niyang wala siyang ginawa?
She then acted like she's somewhat recalling things that happened last night. Then after a moment"Naalala ko na" She said." Pero bakit ka nagagalit sa ginawa ko? wala na mang masama ro'n ah!" She added.
"Walang masama? Are you fuckingly kidding me?" Swear! I've known for being gentleman, but today's different "You could have just leave me somewhere na magiging komportable ako." Singhal ko sa kanya.
Nagising ako sa mga boses na umaalingawngaw sa pandinig ko. Nang sandaling imulat ko ang mga mata ko samo't saring klase ng liwanag ang sumalubong sa akin.
Hinarang ko ang kanang kamay ko sa mga liwanag na iyon at kinusot ang mga mata, laking gulat ko nalang ng makitang pinaliligiran ako ng mga tao at nakatapat sa akin ang mga hawak nilang camera at mga cellphones, saka ko lamang napagtanto na doon nanggagaling ang mga liwanag.
Kinukuhanan nila ako ng litrato na para bang ngayon lang sila nakakita ng tulad ko. Nang sa wakas ay luminaw na ang aking paningin, tinignan ko muli kung nasa'n ako. Bigla na lamang akong napaupo ng makita kung nasaan talaga ako.
Shit! Ba't nakahiga ako sa gilid ng daan?
Napatingin ako sa braso at mga kamay ko halos maging kulay pula na ito sa dami ng kagat ng lamok. "Wahh kuya ampunin na kita" halos manginig ako sa kaba sa binulong ng isang babae sa tabi ko agad akong napatayo at naglakad palayo sa kanila ng makita kong bumubuntot parin sila ay napatakbo na ako.
Napamura ako sa isipan ko at inalala kung anong nangyari bago ako napunta sa pesteng lugar na 'yun at bakit ako nakahiga roon. Naipikit ko nalang ang mga mata ko nang sumagi sa isipan ko ang nangyari.
"Fuck that woman, how dare her leave me in that fucking place."
"Ano sa tingin mo ang gagawin ko, sino ba kasing lalaki ang hihimatayin sa pesteng doll. " Taas kilay niyang sagot. How could she!
Yeah! I remeber that, I passed out upon seeing a fucking doll at the backseat of her car. Doon din nanggaling 'yung musika.
"What the! You left me alone in that street unconsiously! What if someone stab me and worst killed me? What do you think would happen next? " The whole class gasp of what I've said.
"Alangan namang dalhin kita sa isang hotel. I only had 100 pesos on my wallet and you know that! If only I had enough money, do you think I will let you washed dishes? " she countered back.
Please tell me I heard her wrong!
I heard a laugh behind me, tumingin ako roon at nakita ko ang walang modo kong kaibigan na ngayon lang muli nagpakita matapos ang nangyari sa bar kung saan iniwan niya akong mag-isa.
I ended up being in a hospital that night, because of that moron! I intentionally hit a barrier 'cause a fucking woman appeared out of nowhere, blocking my way home.
Iyon din ang dahilan, kung bakit ako grounded. Mom also got my car.
I look at Juztin, I look at him murderously, napatakip naman siya ng bibig niya. As he walk near me.
"Nawala lang ako ng ilang araw naghuhugas kana?"
"Shut up Juztin! " he raised up both his hands and shook his head. Muli akong tumingin sa babaeng konti nalang tatamaan na talaga sa akin.
I'm not joking!
"Di sana dinala mo nalang ako sa condo ko, I told you where I live right?"napakamot siya sa batok niya at pilit na ngumiti sa harapan ko.
"Nakalimutan ko eh! He he he" sambit niya.
"What a great liar why can't you just admit that you did it on purpose and say sorry! " Nagtitimping sigaw ko. Ganoon nalang bang kahirap sabihin ang salitang sorry para sa kanya!
"Pasalamat ka nga at nag-abala pa akong dalhin ka sa gilid ng daan kesa naman iwan kita sa gitna edi sana mas masaklap ang nangyari sayo." She whispered.
Upon hearing what she had whispered, I took off my jacket letting her see, my arms full of red spots. "Look what you've done! " ipinangalandakan ko pa ang kamay ko ng makita niya ng mabuti kung anong ginawa niya.
Gossip seekers started to create murmurs.
But she seemed not affected at all. After a couple of minutes. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko "Sorry hindi ko naman alam na ganyan pala mangyayari sayo masyado sigurong nawili 'yung mga lamok sa'yo." Simula niya in such an innocent and touching tone.
Inalis ko ang kamay niya at 'di sinasadiyang naitulak ko siya dahilan para matumba at mapaupo siya sa sahig. Tapik lang 'yun paano siya natumba?
Nilapitan agad siya ni Juztin"Won stop it bro, sinadya man niya o hindi babae parin siya. She shouldn't be treated that way!" Now she's glaring at me? Is this some kind of a joke? If only juztin could see that! If only!!!
"Hindi mo alam kung anong sinasabi mo Juztin! You don't even know her that much. Hindi natin alam kung ano pang kaya niyang gawin! You know me Ju--"
I did not get to finish my words, when my attention fell on her and was interrupted by her sobs. She's crazily crying!"Hindi ko naman talaga sinasadya eh, tama ka alam ko kung saan yung address ng condo mo cause you told me but, I was so scared that time. You passed out inside my car for pete's sake. Natakot na ako, baka kung may makakita sa atin tapos isipin nila sinaktan kita! Kaya 'yun itinabi kita sa daan. Hindi ko talaga sinasadya natakot lang ako. " She explained.
I'm not buying that one! She maybe crying now while explaining herself but she didn't sounds like she really didn't did that on purpose!
"See? Hindi naman pala niya sinasadya!" isa pa 'to eh baka nakakalimutan niyang may kasalanan din siya sa akin.
"Juztin! Pwede ba shut the fuck up! And you, stop crying cause I won't buy it!"
"Hik-hik-hik" She continue to cry with Juztin's on her side. Damn!
I was about to say something again when someone shouted. I think it's Bianca ata ang pangalan ng isang 'yun. Sorry I'm not good with names.
"Hon, ba't ngayon ka lang?"
"Anong nangyari sayo brad?" Sabat pa ng kabarkada niya. "May lumitaw kasing pesteng doll sa gitna ng daan, sa lakas ng preno ko, bumunggo tuloy 'yung kotseng nakasunod sa akin."
Napatingin ako agad sa nagsalita. May galos siya sa noo at kung pakatitignan hindi naman masyadong malala 'yung inabot niya.
And did I heard him say Doll? Nadisgrada siya dahil sa Doll? Napatingin ako kay Dame na kasalukuyan paring nakaupo sa sahig katabi ni Juztin. And from there, I saw how her lips curved up forming a grin.
I got you!
"She did it!" I said pointing at Dame.
Napahinto naman sa pagdadaldalan ang mga ito at tumingin kay Dame. Mula sa nakaiinis na expresyon ng mukha ay napalitan ito ng tila ba pagka-anghel.
"Bakit nanaman ako? Ano na namang kasalanan ko?" She countered back, while wiping her tears away. How can someone do something and then will act later like nothing just happened?
I remembered what she had said ealier."Pasalamat ka nga at nag abala pa akong dalhin ka sa gilid nang daan kesa naman iwan kita sa gitna edi sana mas masaklap ang nangyari sayo" Siya nga.
Lalapitan ko na sana siya nang bigla itong yumakap kay Juztin.
"Won sa'n naman siya kukuha ng doll. Tumigil ka na nga. You're scari-"
"Shut up--"
"Enough!" Balik sigaw niya sa akin. Kailan pa 'to natutong manigaw? Tumayo siya atsaka inalalayan ding tumayo si Dame. Tsk!
What a Certified Actress indeed.
"Fine! Let that eyes of yours decieves you and Juztin Lee, you're aware that I suffer from Pediophobia right? you can't blame me if I acted that way?"
She almost killed me! For pete's sake.
Dame Alferza
Ito na ata ang pinakamasayang araw ko. May bago na akong kaibigan mayaman pa. Hindi ko na kakailanganin pang magtrabaho. Buti nalang may pera 'yun 'di tulad ng Dae na 'yun. Itsura lang ang meron.
Pagkatapos ng dalawang subjects kanina ay binagot na akong pumasok pa, pumunta nalang ako sa field para sana matulog ng nakita ko mula sa malayo na may nakapwesto na roon.
Dumiretso nalang ako sa library, sa may pinakadulo ako pum'westo which is the history section. Wala masyadong naglalagi dito. Sino ba naman ang mahihilig sa history diba?
Maliban sa akin of course.
Hindi ko na namalayan pa ang oras hanggang sa inabot na ako ng dilim nasarahan pa tuloy ako, kainis namang guwardya 'yun hindi marunong mag check ng mga silid kung may naiwan pa.
Patanggal ko siya eh.
Tumingin ako ng pwedeng paglabasan. At dalawa lang ang choices ko.
Sirain ang pintuan at maglakad pababa sa hagdanan o basagin ang bintana at tumalon palabas at ang thrill nasa third floor ako.
Okay I'll do the latter.
Matapos kung basagin ang bintana at dumungaw doon. Binabawi ko na, dito nalang ako sa loob, bumalik ako sa pagkakaupo at kinapa ko ang cellphone ko sa loob ng backpack ko.
Ngunit ang putik hindi mag-open. "Mag imbento kaya ako ng cellphone na 'di nalolowbat?" Kakaarbor ko palang neto ah!
Kainis talaga kanina lang ang saya saya ko. My stomach's now shouting for food! Papalit din kaya ako ng tiyan? I have no choice.
Pikit mata akong tumakbo patungo sa basag na bintana at tumalon rito. Matapos kong maka-recover sa pagkakabagsak ay tumayo na ako at tinungo ang parking lot, siguradong inaantay na ako ng asawa ko.
Sinuri ko muna ang sasakyan ko. Ugali ko ng i-check ang sasakyan ko bago sumakay malay ko kung may gagas o sira. P'wes 'pag gano'n siguro nangyari bubugbog ako. Sa awa ng Diyos wala pa namang naglalakas loob.
I turned the engine on and drove off. Nang malapit na ako sa may main gate ay agad namang binuksan ni manong guard 'yon. Inihinto ko muna ang sasakyan ko at bumaba.
"May problema ba iha at bakit ngayon ka lang ?" Sinalubong naman ako agad ni tatay Pandong. Unang kaibigan ko 'to si tatay, matagal na siyang gwardya dito.
Nang unang salta palang ako dito at minsang naiisipan kong mag-cut para kumain sa labas dahil mahal dito sa loob. Walang hirap akong nakakalabas sa tulong ni tatay Pandong. Dahil doon nakilala ko naman ang karinderia ni Aling Susan.
Ang karinderia ni Aling Susan ang tipo ng karinderia na hindi mo ipagpapalit at 'di mo kailan man pagsasawaan. Kahit pa paulit-ulit na putahe pa iyan.
"Tay nasar'han po ako sa library pagsabihan niyo nga ho 'yung gwardyang naglilibot, perwisyo tay e!" Sumbong ko rito.
Napangiti naman siya at tumango. Aalis na sana ako ng maalala kong wala pala akong perang pangbibili ng pagkain. Nahihiya naman akong umutang ulet hindi pa nga ako bayad.
"Pwede po bang mahiram ang cellphone niyo tay?" Agad naman niyang inilahad ng cellphone niya.
"Akala ko uutang ka nanaman eh" biro nito. Balak ko nga eh. Dinial ko nalang ang numero ng taong pwede kong utangan ng libre. Ilang ring lang sinagot naman na agad niya.
"Nagugutom ako. Kita tayo sa karinderia ni Aling Susan." sambit ko.
"As expected tatawag ka lang naman 'pag gutom ka. Akala ko pa man din si tatay na 'yung tumawag!" sagot niya napangiti nalang ako saka binaba ang linya.
"Salamat tay!"
Inabot ko na muli ang cellphone at sumakay sa sasakyan ko. Kinawayan ko naman siya saka nagsimulang paandarin papalayo ang sasakyan mula sa kinatatayuan niya.
Si Asp 'yung tinawagan ko kanina ang numero uno kong suki. Hindi ako matatanggihan no'n takot na lang niya. I got four aces, just incase.
On the way na ako kila Aling Susan ng may mapansin ako sa gitna ng daan. Napapreno ako ng 'di oras.
"Teka kilala ko 'to ah!"
Won Alvarez
I decided to walk than to wait for another fucking hours. I called manong Pandoy kanina pa, para sana sunduin ako nito ngunit dumaan na ang isang oras ay hindi pa ito dumarating. Kailan ba kasi ibabalik ni mom 'yung baby ko. Napapasipa nalang ako sa mga batong nadadaanan ko.
I called Juztin to fetch me up pero 'di sinasagot ng loko. Malayo pa ako sa bus station. Nang mapansin ko ang sasakyan ni Dame na naka-stop sa kalagitnaan ng daan agad akong tumakbo papunta roon. And there I saw her, tumakbo ito papunta sa harap ng nakaparadang kotse niya.
Akala ko kong ano ng nangayari, until...
"Juztin!" napahinto ako sa sigaw niya "Juztin gising!" sigaw pa muli niya halos hindi naman ako magkandaugaga sa pagtakbo palapit sa kanila.
Para bang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ng paa ko dahil sa kakalakad sa nakita ko. Nakahandusay ang duguang katawan ng bestfriend ko sa daan at alo alo naman siya ni Dame.
"Anong nangyari? Please tell me you didn't hit him!"
"Damn you're mind! tulungan mo 'ko." She exclaimed.
Agad ko naman siyang dinaluhan at inakay namin si Juztin palapit sa sasakyan niya agad niyang binuksan ang backseat ng makalapit na kami.
"Hold on man!" I whispered. Damn my hands are shaking.
Mabilis na binuhay ni Dame ang makina ng sasakyan niya, as she then drive so fast. Nang makarating na kami sa main way ay walang habas siyang bumubusina sinasabayan nito ang bilis ng patakbo niya.
Nagsisihawi naman ang mga sasakyan dahil doon. Halos hindi ako makapaniwala, sa mga nasasaksihan ko ano ba talagang nangyari?
Nang makarating na kami sa L-Myungsoo hospital ay agad naman nilang inasikaso si Juztin dinala agad siya sa O.R. Sumunod naman kami. Papasok na sana 'yung doctor sa loob ng O.R. ngunit pinigilan ito ni Dame at hinawakan niya ito sa kamay.
"Ilan na ang naoperahan mo sa puso ang nabuhay?" I was a bit shocked sa tanong niya. Anong klaseng tanong 'yun? Nagulat din ang doctor sa sinabi niya.
"Don't worry miss we'll do our best." tanging sagot ng doctor sa kanya.
"People get shot in fatal areas and live, and others get shot in non-lethal areas and die. Prove me that you're really a license Doctor."
I almost lost my balance sa sinabi niya. Napangiti naman ang Doctor sa kanya at saka tuluyan na itong pumasok sa O.R. I can't really get to believe her. I swear! She's full of surprises.
Halos mapaupo ako sa sahig pagpasok ng doctor sa OR. Tinawagan ko na si Tita Chie, mommy ni Juztin. Tita Chie is not his biological mother. Iyan ang alam ko, he's too sentitive when it comes to his family. Kaya maging ako ay walang alam.
All I know is that he's a great bestfriend of mine. And that's all I care.
"Oy Dae dae 'wag ka ngang uwiyak, Patay lang ang iniiyakan, para ka tuloy namatayan diyan" hindi ako makasagot sa sinabi niya kahit gusto ko siyang sigawan 'di ko magawa.
And I'm not crying you, Dork!
"Aalis na ako balitaan mo nalang ako, Ayoko ng text tamad akong magtype kaya mas maganda kung tatawag ka." Patuloy niya saka inabot sa akin ang isang kapiraso ng papel na naglalaman ng numero niya.
Saka siya naglakad palayo tinitigan ko lang ang likod niya hanggang sa maglaho siya sa paningin ko.
~N~
"Gan'on ka na ba kaduwag at pati kaibigan ko dinamay mo na?" Singhal niya sa kabilang linya. Hindi naman napigilan ng lalaki ang tumawa.
"Bumalik ka sa Familia at sisiguraduhin ko ang kaligtasan ng mga taong malapit sayo."
"Bigyan mo pa ako ng isang taon, pagkatapos no'n ako na mismo ang pupunta sayo."
"Isang taon? Masyado ka atang nawiwili ah? Balita ko pa may pamilya ka na daw? Kung sinuswerte ka nga naman? Mayaman ba 'yung naging pamilya mo baka sakaling pwede nating daanin sa pera 'yung isang taon na pamamalagi mo diyan O kaya naman...."
"Pag ginalaw mo ni kahit hibla ng buhok nila sisiguraduhin kong habang buhay mong pagsisisihang binuhay mo pa 'ko." Walang habas niyang sagot sa napaka-seryosong tono.
"Pabor sa akin ang nangyari sa kaibigan mo, ngunit ikinalulungkot kung sabihin na hindi ako ang nasa likod niyon. Mukhang hindi lang ako ang kontrabida sa buhay mo! Magingat ka!" Pagkaraan ay seryoso ding naging sagot ng lalaki.
"Wag mo 'kong linlangin!" Singahal niya rito saka marahas na pinutol ang linya.
" Wag kang mag alala sa susunod dadalhan din kita ng regalo sa harap mismo ng daan daan mong tauhan" bulong nito sa hangin kasabay nang pagbuhos ng napakalakas na ulan.
Dame Alferza
Pesteng ulan 'to! Kala mo naman kung sino? Perwisyo sa lakad. Issss
"Oh! bat ngayon ka lang kanina pa kita hinihintay ah."
"Ayoko ng kumain Asp, shot nalang tayo!" Sagot ko saka siya hinila patayo sa kinauupuan niya nang makitang nakahain na ang mga paborito kong pagkain sa lamesa.
"Aling Susan pa take out nalang ako nito."
"Oo ba iha!" sagot naman niya. Nang maibalot na ang mga ito eh inabot naman na ni Asp 'yung bayad.
"Keep the change Aling Susan." sambit niya. Mayaman talaga ang isang 'to. Nauna akong naglakad sa kanya. Nang magkasabay na kami ay inakbayan ako ng loko.
"Your place or mine?" Bulong niya. Pinitik ko naman ang ilong niya matangos eh, nahiya 'yung akin.
"Malamang sa bahay mo walang alak sa bahay ko tangek! Ni wala ngang pagkain do'n."
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro