Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29 Superstars

"You're really is full of surprises."-N.

Dame Alferza

"Chariot? Kung gan'on iyon pala ang ngalan mo? Napakaliit nga naman talaga ng mundo."

"'Wag kang magalala kabutihan mo ang dahilan kung bakit ako narito."

Halos mapasuntok ako sa damuhan sa naging tugon niya! Kasalukuyan kaming narito ngayon sa may field sa ilalim ng puno.

"Tigilan mo na ang pagsambit ng salitang kabutihan! Dahil kahit kailan walang nangyaring kabutiha--"

"'Wag sa kanya." putol niya sa akin. Kaming dalawa palang ang narito kaya naman malaya kong nakakausap siya sa paraang gusto ko.

Ipinatawag 'yung tatlo ng kanilang basketball coach kanina lamang kaya naman naiwan kaming dalawa ni Chariot. Hindi ko alam kung tunay ba ang ngalang iyan!

"Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi mo!"

"Hindi mo nga talaga napapansin?" nakangiti nitong sagot sa akin. Halos matawa ako rito! Gulong gulo na ako sa kung anong nangyayari at mangyayari pa. Halos lahat ay hindi ko lubusang inaasahan.

"Mukhang may mabubuong pagkakaibigan dito a?" nagulat lamang ako ng nakabalik na pala silang tatlo.

"Oo naman Lee, masayang kasama si Dame e." tumingin pa muli ito sa akin, kumuha nalang ako ng cheese cake saka kumain.

Naupo naman na 'yung tatlo. Umupo si Da-- Daewon sa tabi ni Cha, umupo naman sa tabi ko si Lee tumabi naman si Ark sa kanya.

"Kailan ka pa bumalik?" Narinig kong tanong ni Daewon kay Cha.

"Kagabi lang! Dapat nga pupuntahan kit--"

"AHEM! " inabutan ako ni Lee ng tubig.

"Okay ka lang Dame?" Tanong nito sa akin.

"Kagabi pa ako naiinis kasi 'di ako nakatulog ng maayos." sagot ko rito.

Nabaling lang ang atensyon namin nang may lumapit sa aming grupo ng mga estudyante.

"Good day everyone! We're part of the University's publication, and we are here to ask permission 'cause most of the students and together with the school councils and teachers wanted you to be featured in this month's articles. So we have to take a picture of you together, and ask some questions regarding your frienships." sabi noong naka-eyeglasses na lalaki ito siguro 'yung editor in chief nila.

"We're not interested tho--" tinakpan ni Lee 'yung bibig ko bago ko pa matapos 'yung sasabihin ko.

"Okay! I think you should start asking questions now!" Sabi nito. Saka pinasadahan ang buhok gamit ang kamay nito.

"What's your similarities that joined you together?" Tanong muli nito napakarami nilang pumunta para sa katanungang ito? Tsk!

"You go first mr. Juztin Lee." tuloy pa muli nito.

Napansin kong nakahilig na sa kanya si Ark habang pikit pikit nito ang mga mata niya. Kahit saan talaga nakakahanap siya ng paraan para makatulog, mapa-ano mang lugar o sitwasyon.

Kung hindi ko lang siguro natunton at nakita ang lungga niya iisipin ko paring wala siyang bahay na natutulugan at higaan na tinutulugan.

"Where shall I go?" Napatawa naman ang ilan sa naging sagot nito. Umabot pa 'yung pangbabatok ni Daewon kay Lee kahit na napapagitnaan nila si Cha.

"Kidding, actually it should be differences, cause I think our differences serves as our bond that made us build this kind of friendships." seryosong sagot nito. Halos mapaniwala ako e.

Bumaling naman sila kay Daewon.

"How 'bout you mr. Won Alvarez?" Tanong muli noong naka-eyeglasses.

May napapansin akong isang babaeng tahimik lang na nagsusulat sa may tabi nito. Sinusulat siguro nito ang mga sinasabi at tinatanong nila sa amin. Ngunit may recorder naman a' hindi ba niya alam?

"I know it will sounds wierd but, I think I'll go with Juztin this time!" Nakangiti nitong sagot. E di wow, napapangiti at tango naman sila rito.

Nagulat ako ng lagpasan nila si Cha at bumaling sa akin. Oo nga naman kararating lang pala nito at hindi pa masyadong kilala natyempuhan lang na nadito na siya ngayon.

Sampid kumbaga!

"And you Ms. Dame Alferza-" pinutol ko ang ano mang sasabihin nito.

"Sasagot lang ako, kung iyang babaeng katabi mo ang magtatanong sa akin!" Nguso ko doon sa babaeng katabi niya.

Nagulat naman ito sa sinabi ko at naligalig hindi malaman ang gagawin. Nakikinita kong mahiyain.

"A-ako ho?" Nalilito at kinakabahan nitong tanong

"Alangan namang ako?" Taas kilay kong sagot dito.

Tinapik pa ako ni Lee dahil sa naging tugon ko. Hindi ito nagsalita ngunit inantay kong lumabas ang mga salitang nais kung marinig ng buo mula sa kanya.

"W-what w-as y-our simi-larities t-that joined y-ou toget--?"

"Hindi ako sasagot hanggang hindi nagiging maayos ang pagbigkas mo sa bawat salita!" Nagulat muli ito sa sinabi ko. Nainis naman ako ng sumabat 'yung lalaki kanina.

"Ms. Dame, ako nalang po ang--"

"Hindi ikaw ang kinakausap ko!" Matalim ko itong tinitigan! Maging si Cha ay humawak na din sa kaliwang kamay ko.

"Kung hindi niya magagawa ang gusto ko anong karapatan niyang mapabilang sa grupo niyo?" Napasinghap ito at natahimik lamang.

"Kinakain ka ng hiya sino ba kami para kahiyaan mo?" Tuloy ko pa. Tahimik lang ang lahat walang nagtatangkang magsalita! O sumabat.

"You know what, let me tell something. Nowadays, the world suffers a lot not because of the violence of  bad people, but because of the silence of a good people." nakayuko parin ito " So If I were you, I would choose to show them what I am capable of, and let them hear my crampled words and murmurs neat and clear." Hindi ko mawari kung ano ng iniisip niya habang nakayuko parin.

"Give yourself a chance, If you're worried of what will happen next after this. I'm telling you what matters is the things you've shared and not the things they're going say." kasalukuyan parin itong nakayuko.

"Don't keep your light stays in Dim. Let it shine. You must help it shine!" Napapahigpit ang hawak ni Cha sa kaliwang kamay ko.

Ang lahat ay nanatiling tahimik. Habang ako'y nagpatuloy.

"Don't be someones shadow, make your own," Hindi ko alam ngunit hindi matigil ang bibig ko sa pagsasalita "and when you already gained that shadow, and can see it clearly. You can now say and assure that you're now in light, the kind of light that shines so bright." tuloy ko pa.

"What do you thi---" natigilan ako ng magangat ito ng tingin at magsalita.

"W-hat what -----what w-as!" Nanginginig na ito pinipilit nitong magsalita.

"Come on, you can do it!" Nagulat pa muli ito sa sinabi ko maging ang lahat ay nakatingin na ngayon sa kanya. Inaantay ang bawat salitang lalabas sa bibig niya.

Bakit ko ginagawa ito? Siguro dahil, minsan din akong naging tulad niya. Walang magawa, kundi sumunod sa utos ng iba. Nilalamon ng hiya, to the point na hinayaan ko lang na diktahan nila ang mga bagay na gagawin ko.

"I wouldn't ask what was your simmilarities that joined you together, cause of  what Mr. Lee have said earlier, that instead of similarities it should be differences since that was what you have that serves as a bond for you to be able to build a great friendships. Now, what I'm going to ask you is that, why do you think it's a worth having a bond in a frienships?" napangiti ako rito, maging ang iba'y natigilan sa nangyari.

Ang totoo niyan kilala ko ang babaeng iyan! Lagi ko siyang nakikita sa library mag-isa, kumakain mag-isa. Kung minsan din nadadaanan ko 'yung room nila at nakikita siyang napakaraming ginagawa sangkatambak na notebooks at books ang nasa lamesa niya.

Kung tutuusin mas may kakayahan siyang maging editor in chief ng school's publication ngunit naging hadlang rito ang masyado niyang pagiging mahiyain kung saan kinakain niya ang bawat salita, at inilalas sa bibig ng tig-isang letra.

Kaya naman ang bagsak niya'y tagasulat o hindi naman kaya'y sunod-sunuran sa mga taong mas nakatataas sa kanya hindi sa magaling at matalino sila kundi dahil madami silang baong kompyansa sa sarili na kung saan ay wala siya.

"It worths a lot, cause without the bond it's like you're wearing a rubber shoes without a shoelaces! Mind you, you wouldn't win a race without it, unless you choose to run without shoes."

Sandaling natahimik ang lahat sa sinabi ko at nasaksihan nila. Pagkaraan lang ng ilang minuto.

"Walang ganyanan Dame maganda na nga 'yung sagot ko inungasan mo pa! " reklamo ni Lee.

"Thank you!" Sabi naman ng kausap ko.

Hindi ko alam kung para saan 'yung thank you niyang iyon. Sa pagsagot ko ba o sa pag-provoked ko sa kanya upang magsalita?

Nakikita ko na ngayon ang ngiti at kompyansang unti-unting namumuo sa pagkatao niya. Your light is in Dim, buti kapa may ilaw kahit papaano. 'Yung akin kasi matagal ng pundido.

Kaya sana hangga't maari 'wag kang magaya sa akin. Na kung saan kung kailan nabawi mo na ang lakas para lumaban ay saka ka naman itatanggi ng sarili mo.

"Uy! Ark 'wag kang ganyan! Umayos ka nga!" Gising ni Lee kay Ark.

Umalis pa ito sa pwesto niya at pumunta sa tabi ni Daewon na naging dahilan para matumba si Ark patungo sa akin ngunit mabilis ang kamay kong sinalag ang likod niya sa pagbagsak gamit ang kanang kamay ko.

Nagulat nalang ako ng may sumigaw sa harap namin.

"SMILE!"

'CLICK!'

Nasilaw pa ako sa flash ng mga camera, nakuhanan kami nito at ang nakakainis lang ay ang mga reaksyon namin at ang kasalukuyang naming pwesto't sitwasyon.

Hindi ko alam ngunit sabay sabay kaming limang biglang tumawa, maging si Ark na kagigising lamang ay nakitawa din sa amin.

Samo't saring flash ng camera mapa Dslr man o camera lang ng phone ay hindi nagpatalo sa pagkuha ng litrato sa amin.

We became Superstars for more than an hour.

Itutuloy~~~

Vote and comment if this chapter, made you realize something.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro