Chapter 27 Deceiving Looks
"That's it, you're doing great, love."-Z.
Dame Alferza
Pagpatak ng alas-diyes ng gabi ay pum'yesto na ako sa labas sa may hallway ng hospital, isang kwarto lang ang layo sa kwarto ni Tay Pandong. Dala dala ko ang isang diyaryong naglalaman ng 'di ko malamang artikulo.
Hindi ko sinabi kay Asp ang kung ano mang plano o balak na gagawin ko ngayong gabi. Mas mabuti na iyon para natural lang ang galawan niya. Ang buong akala ni Asp ay umuwi na ako dahil kinulit lang naman ako nito kanina matapos maiuwi si Nay Carmelita na 'wag nang tumuloy sa kung ano mang binabalak ko.
Sa nakalap at nadiskubre ko saktong 10:15 ng gabi malayang naisasagawa ng salarin ang ano mang nais niya sa pasyente. Alas diyes naman ng gabi ay ang normal na oras na pagtulog ni Asp. Tulog mantika siya kung minsan.
At ngayon nga ay malalaman ko na ang katotohanan.
Ngunit ang malaking ipinagtataka ko ay kung bakit Sleeping pills ang itinutusok nito kay Tay Pandong kung pwede namang tuluyan na niya ito agad hindi ba?
'Yon nalang kung may ibang pakay sila maliban sa patahimikin si Tay Pandong.
Hindi ko siya mahuli huli ng nakaraang araw ngunit kahapon ay ito na mismo ang nagpahuli hindi sa akin kundi kay Nay Carmelita. Hindi umuwi kahapon si Nay Carmelita...
Naglalakad na ako patungo sa kwarto ni Tay Pandong iniwan ko muna roon si Nay Carmelita tulog naman ito, para bumili ng maiinom at pagkain sa kalapit na Convenience store.
Nakasalubong ko pa 'yung isang Nurse nakangiti ito sa akin kaya naman nginitian ko din inalok ko pa ito ng pagkain at tubig. Tumanggi siya nang una ngunit mapilit ako.
"Mahaba pa ang gabi para sa isang tulad mo, tanggapin mo na ito. Grasya na ang lumalapit dapat 'di mo tinatanggihan." saad ko pa rito.
"Salamat kung ganoon." sagot naman nito ng may ngiti. Saka kinuha mula sa pagkakahawak ko 'yung tubig at isang cheese cake. Napansin ko ang ngalan nito na nasa nameplate niya.
"Biskup?"
"Masaya akong makilala ka, mauuna na ako." ligaw nito sa tanong ko.
Maganda ang ngalan niya. Hindi ordinaryo. Hawak-hawak ang mga pinamili ko ay pumasok na ako sa kwarto ni Tay Pandong. Nadatnan kong nakangiti si Nay Carmelita habang kinakausap ang natutulog na si Tay Pandong.
Nang umalis ako kanina'y himbing na himbing sa pagtulog ito kahit na nakaupo lamang siya sa silyang itinabi niya sa higaan ni Tay Pandong. Nakapatong ang uluhan nito sa kama ni Tatay habang magkahawak ang kanilang kamay.
"Magigising ka na Pandong."
"Nay! Hindi pa po magigising si Tatay, matulog na po kay---" Tumingin ito sa akin. At nakangiting ibinalita sa akin ang nalalaman niya.
"Nagakakamali ka iha, ang sabi ng Nurse kanina lamang ay magigising na daw ulit si Pandong." napangiti ako sa sinabi niya kakikitaan talaga sa kanyang mukha at awra ang labis na kasiyahan.
Ngunit ang sunod na lumabas na salita sa bibig niya ay labis kung ikinabigla. "Tinurukan na nga daw siya ng Restoril para daw sigurado nang magigising ito."
Halos malunok ko 'yung candy sa sinabi nito. "A-ano ang itinurok niya Nay?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
"Restoril daw iha."
Agad akong lumapit kay Tay Pandong at chineck ang mata nito. Walang buhay ang kanyang mga mata katulad ng natutulog na nilalang.
Hindi ba't ang Restoril ang ibang terminong tawag sa sleeping pills? Hindi naman mapurol ang utak ko para magkamali ngayon lalo na't kinakailangan.
"Nay! Maari niyo bang sabihin sa akin kung anong itsura ng nurse na pumunta rito? At nagsabi niyan sa inyo?" Lumapit ako kay Nay Carmelita.
"Maganda siya iha, singkit din ang mga mata nito. Mabango din siya iha malayo sa amoy mo--" nakangiti nitong sagot
"Nay nagpapabango naman ako a! Teka nay! E, 'yung ngiti niya nay mag---" pinutol nito ang sasabihin ko at ang sunod na sinabi niya ay lalong nagpakabog sa dibdib ko.
"Mabuti naman at ipinaalala mo iha, 'yung ngiti niya sa akin kanina para siyang isang anghel napakagandang dalaga."
Tama, 'yung babae kanina sa hallway! Si Biskup.
How deceiving!
Kung ganoon ito pala ang panibagong tawag ng doktor sa sitwasyon ni Tay Pandong 'kritikal' e hindi naman kritikal a! Nagmumukha lang kritikal. Dahil hindi ito gayong nagigising ng pangmatagalan.
Tsk! Kinanti niyo, ngayon magkakasubukan tayo.
Matapos nang nangyaring 'yun ay hinack ko ang system ng hospital para mapasok at makita ang cctv, at nakita ko nga na saktong pumapasok ang nurse na iyon bandang alas diyes kinse ng gabi.
Tumunog ang relos ko sakto namang dumaan 'yung nurse sa harap ko may dala dala itong injections naglalaman ng pills na pampatulog. Naglagay ako ng Bug sa suot na damit ni Asp ng hindi niya nalalaman para marinig ko ang usapang mangyayari maya maya lamang.
Nagstay muna ako sa labas, mula sa peripheral view ko ay nakita ko ng pumasok 'yung nurse.
Naririnig ko ang yabag niya. Hanggang sa ilang sandali lang ay nagising si Asp.
"G-good evening!"
"May I know kung anong klaseng gamot ang ieenject mo sa pasyente?" Dagdag nito.
Hindi ko na narinig pang nagsalita 'yung nurse tanging yabag lang nito ang naririnig ko. Sinimulan ko na ding maglakad palapit sa kwarto ni Tay Pandong.
Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng kalabog. Sigurado akong hindi napunta kay Tay Pandong ang injectiong dapat ay sa kanya.
Agad kong sinipa ang pinto dahilan para bumukas ito pagkapasok ko ay isinara ko din naman iyon at nilocked. Nakita ko nang natutulog sa lapag si Asp. Gulat naman ang rumehistro sa mukha ng Nurse na kaharap ko ngayon.
"Masaya akong makilala ka, sa wakas!" Panimula ko.
Ngunit ilang sandali lang ay naging kalmado na muli ito. Lumapit ako kay Asp at tinulungan itong makahiga sa mahabang sofa! Sa tabi ko.
Hindi naman gumalaw 'yung Nurse hanggang sa matapos kung maiayos sa pagkakahiga si Asp, tatlong injections ang naiturok kay Asp kaya tulog agad ito.
"Alam mo naman na siguro kung anong nais kong malaman? Kaya hindi na ako magaabalang tanungin ka p---"
"Hindi ko ito inaasahan, tama nga siya!"
"Hindi iyan ang nais kung--"
"Naging usad pagong ang panghuhuli mo sa akin." nagulat ako sa sinabi nito kung ganoon...
"Tama ka! Kilala na kita, matagal na ngunit bakit---"
"Hindi iyan ang nais kong pagusapan, 'wag mong ilihis ang daan! Ngayon sabihin mo sa akin anong pakay mo at sinong Ahas ang sinusunod mo?"
"Hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman mo iyan! Ang masisigurado ko lang sayo ngayon ay isang ahas na makamandag ang pinuno ko ngunit hindi ang sumusunod rito!"
Pinulot nito ang injectiong nahulog at saka naglakad palapit kay Tay Pandong ngunit hindi pa man siya lubusang nakakalapit ay mabilis kong sinipa ang kamay niyang may hawak na injection. Tumilapon ito paitaas.
Nagkatinginan kaming dalawa at parehong tinalon ang injection ngunit dahil sa mas matangkad ako sa kanya ay ako ang naunang nakakuha rito, pagkahuha ko'y inamba kong itusok sa kanya ito ngunit buong lakas niyang sinalag ang kamay ko.
Nagawa namin iyon ng walang ingay na nililikha. Bihasa nga siya.
"Ano mang oras ay magigising na ang Tatay m--"
"Edi mabuti! Kung ganoon!" Sagot ko sa kanya!
Pilit ko paring idinidiin ang injection palapit sa leeg niya. Ngunit pursigido ang mga kamay niyang salagin ito at itulak palayo ang kamay ko.
Dahil nasa injection ang atensyon niya ay malakas kung sinipa ang kaliwang paa niya dahilan para ma out-of-balance ito, hindi pa ako nakontento at sinipa pa ang isang paa niya dahila para tuluyan itong mapaluhod. Sa ganitong sitwasyon malaya ko nang maituturok ang injection sa kanya.
"W-wag!" Mahina nitong sambit. "Hindi siya maaaring magising sa ngayon! Maniwala ka sa akin. Ang pagtulog niyang iyan ang dahilan para siya'y patuloy pang mabuhay!"
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, hindi na buhay ang maitatawag sa ganyang sitwasyon! "
"Mas mabuti ng ganyan kaysa tuluyan siyang paglamaya--" hindi pa man nito natatapos ang sasabihin niya ay itinurok ko ang injection sa kanyang leeg, Nang matapos ay tumayo ako at inayos ang suot ko.
Tumayo naman siya, hindi pa umeepekto ang gamot sa kanya.
"Pag nagising siya ngayon, babalikan siya't tatapusin nang tuluyan!" Natigilan ako sa sinsbi niya.
"H-hindi ko maintindihan!"
"Baka mamaya niyan, paglamayan na siya, hindi mo kailangang maintindihan ang lahat ng bagay, kailangan mo lang magtiwala! Maniwala ka, kabutihan niya ang ginagawa ko!" Dinakmal ko ang leeg niya sa narinig kong sinabi nito.
"Sa tingin mo ba hindi ko iyon iniisip! lahat ng taong malapit sa akin kabutihan nila ang nais ko!" Diniinan ko ang pagkakahawak sa leeg niya. Pilit nitong hinahawi ang kamay ko.
"M-maniwala ka D-dame!"
"PAANO AKO MAGTITIWALA GAYONG NGALAN MO LANG ANG ALAM KO'T WALA NG IBA!" Hindi ko napigilan ang sumigaw.
Pilit nitong tinatanggal ang kamay kong nakahawak sa leeg niya. Hanggang sa nagsimula na siyang umubo.
Hindi ko alam ngunit parang may sariling buhay ang kamay ko't tuloy parin ito sa pananakal! Gusto ko mang bitiwan ay hindi ko magawa! Nagmamakaawa ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
Narinig kong bumukas ang pinto ngunit hindi na ako nagabalang tumingin doon. Nilocked ko iyon kung hindi ako nagkakamali, pati susi meron sila? May humawak sa kaliwa kong kamay. Sa pagkakataong iyon ay napatingin na ako sa taong humawak sa kamay ko.
Nakita ko nanaman siya! Walang salitang lumabas sa bibig niya tanging ang pag-iling lang ng ulo ang kanyang ginagawa. Sa mala-porselanang balat niya at ang kulay langit na kanyang mata maging ang mahaba't kulay blonde na buhok niya.
'Di ko man kilala kung sino at anong ngalan niya! Ay hindi ko maitatangging malakas ang impluwensiya niya sa akin.
Hindi ko man lang napansin ang pagluwag ng pagkakahawak ko sa leeg ng taong sinasakal ko kaya nakawala ito sa kamay ko. Hinahabol nito ang bawat paghinga niya.
"Gawin niyo na ang kailangan niyong gawin, bilisan niyo lang dahil nagiinit parin ang dugo ko. Baka hindi ko na kayo hayaang makalabas kung magkataon!"
Napangiti sila sa sinabi ko na tila ba tulad ng ginto ang bawat salitang lumabas sa bibig ko. Umupo ako sa tabi ng natutulog na si Asp. Habang pinagmamasdan ang ginagawa nila.
Nang matapos sila ay lumapit sa akin 'yung babaeng blonde. Akay akay niya 'yung isa. "Wag kang magalala poprotektahan namin sila!" Sabi nito
"Hahayaan ko kayo ngayon hindi dahil may tiwala ako sa inyo, kung hindi lang sinabi ni Nay Carmelita na anghel ka naku! Kanina pa kita pinilayan, pasalamat ka may tiwala ako sa instinct ni Nanay."
"At ikaw!" Baling ko kay blonde "sa susunod 'wag mo na akong tititigan sa mata nakakasuka!" Napangiti lang ito sa sinabi ko.
Pagkaraan pa'y narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Napahinga ako ng malalim sa nangyari.
Pinagmasdan ko si Tay Pandong. Pagkaraan ay napunta naman kay Asp ang atensyon ko. Dinampian ko ng halik ang noo nito.
"Sleep well!"
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro