Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26 Big Fish

"Here you are again, Darling, beware!"-E.

Dame Alferza

Dinala ako ni Ark sa clinic. Natigil na din ako sa pagiyak bago pa makapasok sa loob ng clinic, ayoko namang pati ang nurse ay makita akong ganito!

Mababaw at maliit lang naman 'yung galos na natamo ko kumpara sa mga daplis o mga sugat na nakukuha ko sa mga laban na nasasangkot ako ngunit bakit ganito? Bakit napakasakit?

"You should have some sleep! I'll just go get you a food. You haven't eat lunch ye--"

"'Di ka ba marunong magtagalog? 'Yung totoo hindi ba't delivery boy kalang?"

"Yeah!" Agarang sagot nito. "But, I also owned the shop. Wait for me!"

Shit!

Ilang beses pa ba akong magugulat sa mga salita niya? Hindi ko iyon inaasahan. Pagmamayari niya ang Pizza Shop na iyon?

Narinig ko ang pagsara ng pinto hudyat na nakalabas na ito. Umayos ako ng higa at sinubukang huliin ang tulog ko ngunit nakailang ikot na ako sa kama na halos mahulog pa ako sa sikip nito ay hindi talaga ako makatulog.

Umayos ako ng upo saka tinitigan nalang ang orasang nakasabit sa may taasan ng pinto. Sinasabayan ng mga mata ko ang bawat pag-ikot ng mga kamay nito. Sa pagpatak ng oras saktong alauna ay ang pagbukas naman muli ng pinto.

"Sinabi kong matulog ka kahit saglit lang ngunit anong ginagawa mo, nakikipagtitigan sa orasan?" Napatingin ako kay Ark, sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng matapos itong magsalita. Hindi ko na nagawang itago pa ang ngiti ko sa ginawa niya.

"Ngayon alam ko na kung bakit hindi ka masyadong nagtatagalog! Damn it Ark!" Ibang iba ang boses niya sa tuwing hindi banyagang salita ang lumalabas sa bibig niya.

My smile suddenly turned into a laugh! It was so sexy, ang maginoo din. Putik!

"Tsk! Just eat!" Sagot nito habang napapakamot sa batok niya, saka ito umupo sa silyang katabi ng kamang hinihigaan ko sabay labas ng cellphone niya, manunuod na naman 'yan pustahan tayo.

"What are you thinking?" Napansin siguro nitong may kakaiba akong iniisip.

"I'm wondering if, maging si Asp ay libangan din ang panunuod ng porn?" Taas kilay kong sagot.

Kakaibang ngiti ang tanging natanggap kong sagot. Nalingat ng ilang sandali ang atensyon ko sa nangyari kanina!

Tsk!

Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagkaing nakahain sa harapan ko, pagkaing binili ni Asp. Mainit init pa ito kaya naman sinimulan ko ng kumain.

Matapos kung kumain ay lumabas na kami ng clinic. Late na kami ng 20 minutes sa klase namin kay Kagura ngunit mas pinili parin namin ang pumasok.

Nakuha na naman namin ang lahat ng atensyon, agaw pansin din 'yung band aid sa may baba ko gawa ng pagkakadapa ko. Taas kilay na tumingin sa amin si Kagura.

"Mr. Mihu and Ms. Alferza! You're 20 minutes and 30 seconds late!" bungad nito sa amin, sasagot sana ako ng mauna ng sumagot si Ark.

"Remember what you said ma'am? Better late than never isn't it?" Nagulat ako sa naging sagot ni Ark, kakaiba din pala ang isang 'to mukhang magkakasundo kami nito a.

"Yeah! Better late than never nga naman Kagu--"

"EXCUSE ME!" Naputol ang sasabihin ko ng may dumaang tao sa pagitan namin ni Ark, boses palang niya ay kilala ko na kung sino siya.

"Oh! Good afternoon Mr. Alvarez, may teacher dito, hindi mo ba ako nakita at dirediretso ka sa paglalakad?"

"Sorry ma'am, they blocked my vision to see you. It wasn't my fault anymore." sagot nito saka nagdirediretso sa paglalakad hanggang sa makaupo. Nakapangalumbaba naman si Lee habang pinapanuod kami.

Na para bang kami 'yung mga bidang karakter sa favorite niyang movie. Ang tanong, kailan ba 'to matatapos?

"Mga kabataan talaga ngayon! The two of you, next time na malate pa kayo I won't allow you to enter my class anymore take your sits!"

Matapos niyang sabihin 'yan ay dumiretso na kami sa upuan namin, at dahil madadaan namin 'yung harap ng pinepwestuhan ni Dae ay hindi na mahinto ang mabilis na pagtibok ng puso ko, para itong yabag ng kabayong nakikipagkarera at nais manalo.

Pagdaan ko sa harapan niya ay hindi man lang ako nito tinignan ni sinulyapan man lang sana, galit parin siya.

Nang makaupo ako ay tumitig nalang ako sa gawing harapan kung saan kasalukuyang nagtuturo si Kagura, hindi ko magawang ibagsak ang ulo ko sa desk at matulog nalang.

Although the discussions doesn't piques my interest, ay napilitan akong makinig na lamang nakakapanibago ba? P'wes ako din naninibago!

Natapos ang discussions ni Kagura ng wala akong naintindihan! Sumunod namang nagdiscuss si Ms. Avilla ngunit wala din akong naintindihan ng natapos ito.

Nagring ang bell hudyat na tapos na ang klase ngayong araw, tumayo ako agad at dumiretso palabas. Narinig ko pa ang boses ni Lee na tinatawag ako ngunit hindi ko iyon pinansin at nagtuloy tuloy lamang sa paglalakad.

Mainit ang ulo ko ngayon, maging ang kalabog ng dibdib ko ay hindi ko maintindihan, mabuti pang makauwi na nga lang.

Dumiretso muna ako sa hospital kung saan naka confine si Tay Pandong, maayos na daw ang lagay niya iyon ang sabi ng doctor. Ngunit para sa akin kritikal parin siya.

Malapit sa puso ang tama niya naging maayos naman ang operasyon sa pagtanggal ng balang nakabaon dito ngunit ang hindi ko maintindihan, ay bakit lagi itong nakakatulog at minsan lang kung magising! Mahigit isang linggo ng ganyan ang sitwasyon niya!

Paminsan minsan pinapauwi namin ni Asp si Nay Carmelita at kami na muna ang nagbabantay. Ngunit kung kailan matanda na si nanay ay saka naman lumabas 'yung kakulitan nito.

Kahit pauwiin namin siya ay babalik din kinaumagahan, nagsasalitsalitan na nga kami ni Asp sa pagbabantay e. Pagkarating ko sa hospital ay agad kung i-pinark ang sasakyan ko't lumabas at nagtungo sa loob nito, tahak ang daan patungo sa kwartong kinalalagyan ngayon ni Tay Pandong.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko na agad si Nay Carmelita nakaupo ito sa tabi ng nakahigang si Tay Pandong, kasama ni Nay Carmelita si Aling Nari. Si Aling Nari ay kapitbahay nila Tay Pandong, mabait si Aling Nari. Nagprisinta nga itong sumama sa pagbabantay kay Nay Carmelita at Tay Pandong.

Hindi ko naman magawang tumanggi dahil kailangan talaga, hindi naman 24/7 ang pagbabantay namin ni Asp kailangan talaga namin ng makakatulong at makakasama. Para habang nasa klase kami ay may kasama parin sila tatay at nanay.

"Manang salamat sa pagbabantay, makakauwi na po kayo."  sabi ko rito.

"A, sige D iha mauna na ako, Manang Carmelita mauna na po ako." lumapit ito kay Nay Carmelita para magpaaalam.

Nang makaalis na si Aling Nari ay kinuha ko ang upuang inuupuan kanina nito saka ipwenesto sa katabing upuan ni Nay Carmelita.

"Hindi pa ba kayo uuwi nay?"

"Dito nalang ako iha, hindi din naman ako nakakatulog sa bahay ng maayos." pakiusap agad nito.

"Nay! Paano nalang po kung nagising si Tatay, gusto niyo po pang makita niya kayong ganyan? E baka naman po Nay 'pag nagising si tatay kayo naman po ang pumalit diyan," turo ko sa hinihigaan ni Tay Pandong " mahirap na po 'yun pag ganoon ang nangyari."

"Iha, ano bang pinagsasabi mo?"

"Nay ihahatid ka ni Asp pauwi mamaya 'pag dumating siya. Hindi po ba't sa bahay niyo na ngayon pansamantalang nakatira 'yung panganay na anak ni Aling Nari?"

"Oo nga't siya'y nanunuluyan ngayon doon ngunit iba pa din 'pag si Pandong ang kasama ko."

"Nanay naman e, wala tayong magagawa niyan alangan namang iuwi natin si tatay!"

"Dito nalang ako iha."

"Uuuwi ka Nay, bawal ang makulit!"

"Dito lang ako, dito lang ako sa tabi ni Pandong ko."

"Nanay!"

"Sige na iha? Dito nalang ako, noong ako ang nagkasakit hindi ako iniiwan ni Pandong, makulit din siya kagaya ko pinapalayo ko nga siya minsan dahil baka mahawa siya sa akin. Ngunit sabi niya,' lalo lang akong magkakasakit kung papalayuin mo ako' Mas makulit pa siya sa akin." hindi ako makapagsalita sa sinabi nito.

Sa halip na umiyak siya ay nakangiti itong nagkukwento. Isang masayang ngiti ang makikitang nakaukit sa labi niya habang binibigkas ang bawat salitang iyan.

Mabuti nalamang at bumukas ang pinto, nandito na si Asp. Tumayo ako at lumapit rito.

"Kausapin mo si Nanay kailangang maiuwi mo siya, may gagawin ako ngayong gabi at ayokong madamay siya!" Sabi ko rito saka lumabas muna. Ngunit pinigilan ako ni Asp.

"Don't tell me you're going to--"

"Hindi siya ordinaryong tao, pulido ang bawat galaw niya, hindi ko pa man siya lubusang nakikilala ay alam kong may ibubuga siya kaya kailangang makauwi ni Nay Carmelita sakaling may mangyaring hindi inaasahan."

"D! Ikaw na ang nagsabing magaling siya paano--"

"Magaling nga siya ngunit tandaan mo lahat ng magaling ay nauungasan ng madiskarte!" saad ko rito saka lumabas ng tuluyan.

Simula pa ng malaman kong kritikal ang lagay niya ay sinusubaybayan ko na ang lahat ng nangyayari sa kanya. Kahapon lamang, kahapon ko lamang siya nahuli.

I caught a big fish just by it's own mouth.

Itutuloy~~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro