Chapter 25 Risk of Sacrifice
"Hey, I'm just here, always."-R.
Dame Alferza
Natapos na ang Intramurals hindi kami nakadalo rito, ngunit balita ko ang mga King daw ang nagwagi. Mag-i-isang linggo na ang nakalilipas, ngunit magpasa-hanggang ngayon ay hindi parin ako pinapansin ni Dae.
Simula noong araw na umamin siyang may gusto pala siya sa akin ay ang araw din ng paglayo niya. Ngayon sabihin niyo sa aking totoong may gusto siya sa akin! Sinong lalaki ang matapos umamin ay lalayo rin? Paano na ako ngayon maniniwala?
Put*ng ina talaga.
Isa pa si Asp, 'yung gagong 'yun gago talaga! Ngunit laking pasalamat ko na umamin na siya at nag-open up sa akin, dahil tama siya. Kahit ganoon 'yung taong iyon hindi ko na siya kaya pang mawala sa akin. Buti nalang, buti nalang talaga naagapan! At nagawan niya ng paraan.
Kasalanan mo 'to Dame e, Ba't ba kasi ang ganda mo?
Si Abo lang dapat ang pinoproblema ko ngayon e! "If you think I'm a foe, stab me!"
Nagawa niya akong paluhain ng dahil lang sa mga salitang iyan! Kung alam ko lang na iyan ang makakapagpabawas sa bigat ng damdaming daladala ko, edi sana pinilit ko si Asp na banggitin ang bawat salitang iyan!
Napaisip ako, siguro dahil iyan ang mga salitang nais kung marinig mula sa mga taong malapit sa akin. Isang assurance na makakapagpa-panatag sa akin na hindi ko kailangang mangamba dahil hindi nila ako sasaktan.
Siguro kung narinig ko 'yon noon, hindi sana ako ganito ngayon.
"Alferza!" Napalingon lang ako sa gawing kaliwa ko.
"Ano na naman Ark!" Masungit kung sagot sa kanya.
Napalingon naman si Dae sa gawi namin. Kasalukuyang nagtuturo ngayon sa harap si Ms. Minchin.
At isa pa tama kayo ng nabasa, hindi na Abo ang tawag ko sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit at anong nangyari basta nagising ako isang araw Ark na ang gusto kong itawag sa kanya.
"Ballpen?" Umaksyon pa ito ng nagsusulat habang sinasabi iyan. Inis namang kinuha ko 'yung ballpen sa bag ko at iniabot sa kanya.
"Oh! Naku po, estudyante ka pa ba niyan?" Paano ba naman hindi ko na nga siya pinapansin siya naman itong papansin, kung hindi ballpen, notebook o hindi naman kaya'y 1 whole, ibigay ko nalang kaya 'yung buong bag ko sa kanya?
Matapos nitong makuha 'yung ballpen ay hindi na muli ako nito ginulo. Bumaling ako kay Dae nahuli ko itong naglihis ng tingin patungo kay Lee. Kunwari pa siya!
Sinalpak ko nalang 'yung earphones ko and this time sinigurado ko ng nakakonek sa phone ko. Saka nagplay ng music at ibinagsak ang ulo sa desk. Matutulog nalang ako sakaling doon sa panaginip ko bati na kami.
***
Nagising lang ako ng may sipa akong naramdaman mula sa tagiliran ng upuan ko.
"ARKKKK ANO BA!" Napaangat ako ng tingin ng makitang hindi si Ark ang gumawa non.
"Ikaw Dame a, bukambibig mo lagi si Ark nitong nagdaang araw!"
"Shut up Lee!"
"From Abo to Ark, baka bukas niyan Love na." dagdag pa nito.
Tumayo sa upuan niya si Dae at nagtungo palabas sakto namang naglalakad papasok si Ark. Nagtuloy tuloy lang sila sa paglalakad na para bang hindi nila nakita ang isa't isa para bang hangin lang kumbaga.
Nakita din ni Lee ang nangyari napapakamot nalang siya. Sinenyasan ko siyang sundan si Dae. Lagi ng ganito ang nangyayari. Ayaw ko naman na isipin ni Dae na inaagaw ko si Lee sa kanya atsaka nakakalungkot ding makitang kumakain siya sa canteen ng magisa.
Kaya naman napagpasyahan naming tatlo, si Ark, Lee at ako na sabayan ni Lee na kumain si Dae during break time and that made Ark and I the two of us na magsama no scratch that magsabay dapat 'yung term, magsabay kumain.
At sa ilang araw na iyon na nakasabay ko si Ark isa lang ang masasabi ko. Kuripot siya! Kuripot na matakaw! Mukhang pagkain lang ang naging kaibigan niya simula pa nang 'di niya pa kami nakikilala.
"Tara na, baka maubusan ka ng pagkain!" Sabi ko rito saka tumayo.
"Nice words, coming from a person who ate more than I do!" Hindi ko alam ngunit napangiti ako sa sinabi niya. Pero syempre hindi ko hinayaang makita niya, sumunod lang siya sa akin matapos no'n.
Pagdating namin sa Canteen, lahat ng mata'y nakapukol na naman sa akin. Tanggalin ko mata nila e, palagi nalang ganito ang nangyayari sa tuwing papasok ako dito lahat sila'y nagtitinginan sa akin na para bang sobrang ganda ko, na ngayon lang sila nakakita ng tulad ko at hindi nagsasawang titigan ang mukha kung ubod ng ganda dahil pinagpala.
"You should thank me!" Napatingin ako kay Ark sa sinabi niyang iyan.
"At bakit naman?" Kunot noo kung tanong.
"Every person, inside this four corners cafeteria, boys or girls wanted and wish to dine with me."
"What?"
"Look, all eyes were set on you, cause they feel envious. cause the great handsome Ark chose to be with you rather than to be with them. That's why you should thank me, thank me for the spotlight! Dame." Sabay kindat nito saka nagtungo sa isang bakanteng lamesa.
Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko ng maramdaman ang kakaibang pagtibok ng puso ko, naestatwa din ako hindi dahil sa kindat niya kundi dahil binanggit nito ang first name ko.
Sa paraan ng pagbanggit niya naging tunog sosyalin ang pangalan ko. Na para bang biglang naging kagalang galang iyon.
Nabalik lang ako sa wisyo nang may biglang bumangga sa akin.
"I lost my apetite, don't no why?" Sabi nito imbis na sorry.
"Sandali Won! 'Di ka na ba talaga kakain. Nakaisang subo ka lang a!" Rinig kung sigaw ni Lee mula sa aking likuran, hindi ko siya nagawang lingunin dahil napako ang tingin ko sa likod ng taong bumangga sa akin. Likod ng taong iniiwasan ako matapos umamin.
Nakayuko akong naglakad patungo kila Lee at Ark na ngayon ay magkasama na sa iisang lamesa. Umupo ako sa katabing upuan ni Lee kaharap ko si Ark. Napatingin ako sa gawing kanan ni Ark at nakita roon ang naiwang pagkain ni Dae.
"STARING IS RUDE!" Narinig kung ma-awtoridad na sambit nito! Sa mga taong nakatingin sa amin at nagbubulong bulungan.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inabot ang pagkaing naiwan ni Dae. Bitbit ito ay nagtungo ako palabas ng canteen. Pinigilan ako ni Lee ngunit 'di ako nagpapigil susundan sana siguro ako nito ng marinig ko muling magsalita si Ark.
"Let her!"
Naglakad ako patungong field. Nang minsang sundan ko ito ay nakita ko itong nagtungo sa pinepwestuhan ko sa may field. Siya pala 'yung nakikita ko sa malayo sa tuwing pupunta sana ako doon. Akalain mo 'yun may pagkakatulad din pala kami kahit papaano.
Tama nga ako nasa field nga siya sa silong ng puno. Bitbit parin ang tray ng pagkain niya ay naglakad ako palapit sa kanya. Nang makalapit na ako ay napansin kong malayo ang tingin niya. Ibinaba ko 'yung tray sa tabi niya dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Ang pagkain inuubos hindi iniiwan!" Panimula ko. Aalis na sana ako dahil hindi naman ito sumagot. Saktong pagtalikod ko ay nagsalita ito.
"You should eat it then, if you doesn't want seeing it left behind!" Nagpanggap akong 'di siya narinig at nagtuloy sa paglalakad nang...
"Kung hindi mo kayang makitang iniiwan, show some care!" Dinedma ko lang ulit at nagtuloy sa paglalakad.
Muntik na akong mapatalon nang makarinig ng ingay. Pumihit ako paharap sa kinauupuan niya at nakita ang nagkalat na pagkain maging ang pinggan at tray na nakataob.
"ANO BANG PROBLEMA MO HA!" Sigaw ko sa kanya. Tumayo siya saka lumapit sa akin.
"PROBLEMA? You asked me what's the problem? Ikaw ang may problema at hindi ako!" 'Yan nanaman tayo e,
"DAE--"
"DON'T CALL ME DAE!" Halos mapatalon ako sa naging sigaw niya!
"Kung ano man 'yung problemang meron ako o ikaw hindi naman siguro sapat na dahilan 'yun para pagbuntungan mo ng galit ang pagkain hindi ba? Madaming bata, matanda,mga tao ang hindi nakakakain tatlong beses sa isang araw, pasalamat ka pa nga may nakaka---"
"So you care about those persons but doesn't seem to care about me, my feelings?" Hindi ako tumugon rito kaya nagpatuloy siya.
"Questioning my feelings, is that what you're good at? Gusto kita, gustong gusto kita! Kailangan ba ng eksplanasyon para roon? Kailangan ba, na kapag nagmamahal dapat may dahilan? Come on Dame! You're better than that!"
I haf enough.
"Once upon a time may isang batang hindi nakatanggap ng pagmamahal hanggang sa siya'y magdalaga. She never had anyone at her side, never had any friends to play patintero, chinese garter, tagutaguan o hindi naman kaya'y manood ng cartoons hindi niya naranasan lahat 'yun! never had any boyfriend to say that she's the most precious woman alived, never had a mother who will always look after her, a father who will say that she's his princess, a lovely princess!" napahinto ako sandali at napakagat labi para pigilan ang mga mata kong lumuha.
Dahil ano mang sandali ay tutulo na ito at ayokong makita niya iyon! Ayokong isipin niyang kaawa awa ako! Tinitigan ko siya ng mariin sa mata.
"I never had such experience on how to love, and how does it feel to be loved, now tell me! Masisisi mo ba ako? kung hindi ko alam ang tamang reaksyong iaakto ng malamang may gusto ka sa akin? I don't know what Like means, paano na 'yan 'pag mahal mo na ako? " sinubukan niya muling lumapit ngunit humakbang ako paatras, palayo sa kanya.
"Si Asp, Tay Pandong at Nay Carmelita, matagal ko na silang kilala ngunit magpasahanggang ngayon limitado at lito parin ako sa kung anong dapat kung iparamdam at ipakita sa kanila! Para suklian ang kung ano mang pagpapahalagang ipinaramdam nila sa akin sa tuwing kasama ko sil--" Halos mapatalon muli ako ng sumigaw ito.
"THEN LET ME! Let me show you how to love and made you feel loved! " titig na titig siya sa akin habang sinasabi iyan.
Napailing naman ako. "You're afraid?" Tumibok ang puso ko dahil sa sinabi niya. Ngunit sa pagkakataong ito. Masakit! Masakit ang naging tibok nito,
"Matuto kang lumugar, matuto kang umasal, nang naayon sa sitwasyon. Kasi kung bibigyan mo ang sarili mong iintindihin 'yang mga salitang binitawan mo, mahihiya ka panigurado!" I bursted out.
Lumapit ito ngunit lumayo ako muli. Hindi ko alam ngunit sa huling sinabi sinabi niya'y bigla akong nakaramdam ng pangamba, at sa hindi malamang dahilan ay napatakbo ako palayo, hindi ko alam kung saan ako patungo ang gusto ko lang makalayo sa kanya!
Oo sobrang takot na takot ako! Halo halong takot ang nararamdaman ko, takot na makasakit at masaktan. Tama ka Dae mukhang takot nga talaga ako.
Nanlalabo ang aking paningin dahilan para madapa ako sa pagtakbo, ang sakit ang hapdi. Ang sakit sakit, nagulat lang ako ng may kamay na humawak sa pisngi ko.
Napatingin ako sa taong nagmamayari noon. Bakit ikaw na naman?
Gusto kung tumayo at lumayo gaya ng ginawa ko kay Dae ngunit, bakit laging pumapabor ang mga paa ko sa kanya na tila ba'y magkasundo sila?
"Does it hurts?" Napahawak din ito sa kaliwang pisngi ko "You're crying, why do I have to see you like this? At your worst?" Kung ganoon ang paghawak niya sa pisngi ko ay upang pahirin ang luhang kumawala na sa mga mata ko?
Bakit ba laging ikaw nalang? Laging ikaw ang nakakakita sa akin, kung kailan napakahina ko.
Tangina!
Tinitigan ko lang siya, hindi matigil ang pagbuhos ng luha ko. Mas lumapit pa siya sa akin saka ako nito binuhat. Sa ginawa niyang iyon ay isinubsub ko na lamang ang mukha ko sa dibdib niya walang pakealam kung mabasa man 'yung suot niyang uniform.
Kailan ka pa naging iyakin Dame?
Ayoko ng ganito? Ang hinahina ko, napakahina.
Kaya pala ayaw lumuha ng mga mata ko noon, hindi pala dahil ayaw nitong maibsan ang hinanakit na daladala ng aking dibdib kundi para pagmukain ako nitong malakas.
Umiiyak lang ako habang buhat niya. Kahit ngayon lang hahayaan kong ibuhos lahat ng luhang meron ako hanggang sa maubos ito't iwanan muli ako. Kung saan ang magagawa ko lang muli ay ang magintay sa muli nitong pagbabalik. Pero kahit hindi na pala, kung ganito rin lang ang aking mapapala.
Love? It includes some risk of sacrifice.
And I'm too ruined to be break again...
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro