Chapter 24 Ruined
"You're just like a broken magnet, who refused to be fix."-A.
Third Person Point of View
Inaayos ni Ark ang nagkalat na bubog ng bote gawa ng kaninang pangyayari, kasabay ng pagbagsak ng luha nito ay ang pagbagsak din ng katawan niya. Agad naman niya itong nasalo bago pa bumagsak sa sahig.
Binuhat niya ito saka nagtungo sa kanyang silid at inihiga ang dalaga sa kanyang kama. Pinunasan niya ang luhang dumungis sa pisngi nito. At nilapatan ng lunas ang duguang kamao.
"Where is she?" 'Yan ang bungad ni Won, pagkarating nito sa bahay ni Ark.
"She do looked tough, too tough that you'd forget to think that she's still a woman." tanging naging sagot nito saka tinuro ang pinto sa pinakagitna, ang kanyang silid.
Natigilan si Won sa sinabi ni Ark ngunit pagkaraan ay agad din itong pumasok sa kwartong itinuro nito.
Pagkapasok naman ni Won sa kwartong itinuro ni Ark ay nakita niya agad ang babaeng nakahiga sa kama na para bang walang kaproble-problema. Lumapit siya rito at naupo sa tabi nito.
"What have you done this time?" Bulong niya habang hawak hawak ang kamay ni Dame na nakabenda, dahan dahan siya sa paghawak rito "I've been calling and texting you many times tapos nandito ka lang pala!" Kaninang umalis ito sa bahay nila Won ay hindi na niya nahagilap pa, halos magtulong tulong silang tatlo sa paghahanap rito.
Napuntahan at nakilala na din niya ang mga lugar kung saan naglalagi si Dame ayon kay Asp. Pinuntahan din nila ang lugar kung saan kasalukuyang ginagawa ang sasakyan niya ngunit wala din siya roon. Maging ang hospital na kinalalagyan ngayon ng nakaratay na matandang lalaking tinatawag niyang Tay Pandong.
Nabigla siya sa ginawa nito kay Juztin at Asp, ang mga mata niyang katakot takot pakatitigan at maging ang awra niyang kakaiba ay labis niyang ikinabigla.
Ngunit alam niyang may mas lalala pa roon lalo't hindi niya makalimutan ang sinabi ni Asp "What you see is not what she is, prepare yourself as you witness her real shade of color."
I may not know you, as what Asp known you. But mind you, when I started to like someone, I don't mind who or what you are. Cause despite of all the things I know and I don't know about you, what matters for me is my feelings over you. sabi nito sa kanyang sarili. Habang matamang nakatingin sa natutulog na dalaga.
Mula naman sa sala ay nakaupong mag-isa si Ark, tulala lang itong nakasandal habang nakatungo sa kisame. Inaasahan niya ang pagdating ni Dame sa kanyang bahay ngunit hindi niya inaasahang mas mapapaaga ito.
Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Lee at Asp.
"NAPAKALAYO NAMAN NG BAHAY MO! WALA KA BANG BALAK LUMIPAT NG BAHAY?"
"ASAN SIYA?"
Iyan ang mga tanong na bumungad sa kanya. Imbis na magsalita ay itinuro lang nito ang pinto ng kanyang silid gaya ng kanina. Nagtungo naman agad roon si Asp, si Juztin naman ay naupo sa tabi niya.
"Andaming pasikot sikot papunta rito, buti nalang matalino 'yung kasama ko!"
Iniwan niya ito sa sala at nagtungo sa kusina para kumuha ng maiinom. Imbis na alak ay purong tubig ang kanyang kinuha saka nagtungo muli sa sala.
"Wala ka man lang bang alak diyan?" Napapakamot na tanong ni Juztin.
Hindi niya ito sinagot at kinuha mula sa pagkakahawak ni Juztin ang basong kaaabot lang nito saka ininom ang laman nitong tubig. Imbis na mangonsensiya ay tinungo nalang ni Juztin ang daan papuntang kusina.
Tulala naman muli si Ark. Hindi niya magawang makalimutan ang luhang kumawala sa mga mata ng dalaga kanina lamang. Ang pagsusumamo nito na naging dahilan ng kakaibang pakiramdam para sa kanya. Hindi niya inakalang makikita niya ang ganoong kahinang Dame Alferza.
"She was once the toughest woman I have ever known..."
Sa kabilang dako naman kung saan nasilayan ni Asphere ang eksenang 'di niya lubos inakalang mangyayari. Napangiti siya ng makitang hawak hawak ni Won ang kaliwang kamay ng natutulog na si Dame.
Tahimik lang siyang sumandal sa pinto habang nakatingin rito na tila ba isang teleseryeng nakakaantig ng puso ang kanyang pinapanuod. Natutuwa siyang makitang bukod sa kanya ay may iba pang taong nagaaalala rito.
Sa paglabas ni Asp ay ang pagising naman ni Dame. Nagulat si Dame ng bumungad sa kanya ang mukha ni Won.
"You okay?" Sa halip na sagutin ito ay kinuha niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Won at saka umayos ng upo.
"Anong ginagawa mo rito?" Malamig niyang tugon.
"What happened in your hand?"
"Kailan pa naging sagot sa tanong ang isa pang tanong?"
"You looked pale---" hahawakan sana siya nito nang tapikin niya ang kamay nitong palapit sa kanya at lumayo. Nabahiran ng lungkot ang mga mata ni Won sa inasta niya.
"Uulitin ko, anong ginagawa mo rito?"
"Ikukuha kita ng maiinom." tumayo ito pagkatapos.
"Hindi ako nauuhaw!" Saglit na natahimik si Won at napatigil sa paghakbang ngunit hindi siya lumingon.
"Sa nakita mo kaninang umaga, sa inasta ko. Nakita ko kung paanong sandaling binago noon ang expresyon ng iyong mata, aminin mo man o hindi. Alam kong iyon ay isang expresyon ng panghuhusga hindi ba?" Hindi nakapagsalita si Won dahil doon, aminado siya."Wag kang umasta na para bang nagaalala ka sa akin, nalilito ak-"
"EVEN I, LITONG LITO RIN AKO!" natigil ito saglit "hindi ko alam kung bakit ako narito basta ang alam ko lang, I wanted to see you and make sure that you're just damnly fine!" Sabay lingon nito.
"Nababaliw ka na!" Natatawa niyang sagot.
"Siguro nga, The first time I saw you, I told myself you're not the type of a girl I would fall for. You're too far from being my ideal girl. You're stubborn, stupid and idiot. You're crazy, but I can't help myself but to like you--"
"Anong paborito kong ulam?" Biglang singit ni Dame.
"......."
"Anong kulay ng damit ang hilig kong isuot?"
"......."
"Alam mo bang ayoko sa pusa?"
"......"
"Ayoko sa ipis, ayoko ng kapeng may creamer kapeng may asukal gusto ko purong kape lang! "
"....."
"See? Wala kang alam! So, don't you dare say that you like m---"
"Do I need to know every single thing about you, in order for me to like you? Kasi kong oo, Bakit ikaw pa? "
"Naguguluhan ka lang dahil naiiba ak--"
"Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita kitang nakatingin kay Ark, maging ang tawagin siyang Abo ay naiinis ako. Now tell me, anong tawag doo-"
"Stop it Daewon--"
"Isn't it obvious? I FUCKING LIKE YOU! " napatigil si Dame. " I don't care about your favorite Food, Anything about your wants and dont's all I care about is that--"
"Bakit? Bakit ako?"
"......."
"BAKIT AKO!!! Marami diyang ib---"
"I LIKE YOU.... and please........don't ask why!" Tanging naging sagot nito saka tuluyang tumalikod at tinungo ang daan palabas. Napahinga naman ng malalim si Dame at napatakip ng unan.
Natigil naman sa pagiinuman sina Asp, Juztin at Ark dahil sa marahas na pagbukas at sara ng pinto at ang tuloy tuloy na paglalakad ni Won palabas. Sinubukan siyang tanungin ni Juztin ngunit hindi niya ito pinansin. Napatayo naman si Asphere at tinungo ang kwartong nilabasan ni Won.
Habang si Ark naman ay nakaupo parin na para bang walang pakealam sa kung anong nagaganap sa paligid niya.
Napatingin si Dame sa pinto ng marinig na bumukas muli ito ang akala niya'y si Won iyon ngunit nabigla siya ng ang makita ay si Asp. Lumapit ito sa kanya.
"Anong nangyari?" Tanong nito pagkaupo sa tabi niya.
"Kung ano anong sinabi niyang kabaliwan! Kay hirap paniwalaan!" Sagot niya.
"Kagaya ng?"
"Gusto daw niya ako! Gusto niya ako?" turo pa nito sa sarili. Habang napapatawa.
Hindi na nagulat si Asp sa sinabi nito. Sa nakita niya kanina at sa pagaalalang nakapinta kanina sa mukha ni Won habang hinahanap nila siya ay alam niyang may kakaiba at ito nga iyon.
"Hindi ka naniniwala?"
"Tangina Asp! Paano ko naman papaniwalaan iyon?" Galit niyang tugon.
"Kung gano'n, 'di ka din maniniwala kung sasabihin kung minahal din kita?" Napatitig si Dame sa mata ni Asp sa sinabi nito.
"Anong sinasabi mo? 'Wag ngayon Asp, 'wag ngayon kung saan litong lito pa ak--"
"Kung hindi ngayon, kailan?" Natigil siya " I loved you, maniwala ka" tuloy pa niya.
"E gago ka pal---"
"But that was before, noong panahong wala pa akong alam." nakahinga naman si Dame sa sinabi nito.
"Noong sinabi mo sa akin 'yung totoong nangyari kay Ms. Kagura, ipinasilip mo sa akin kung gaano kadilim ang mundo mo. Na, sa likod ng mga ngiti mo ay may kaakibat na pighati," hinawakan nito ang nakabendang kamay ni Dame"Sa tuwing nalalasing ka at nakakatulog sa lapag gustong gusto kitang buhatin at ihiga ng maayos sa kama, ngunit sa tuwing susubukan kong ilapit ang mga kamay ko lagi kang nagigising na para bang sinasabing 'hanggang diyan ka lang, ayaw kitang masaktan' nakita ko kung paano mo pahalagahan ang mga taong nakapaligid sayo, mula kay Tay Pandong kay Nay Carmelita kay Aling Susan at maging ako." hindi parin niya pinuputol ang tingin kay Dame habang sinasabi ang mga salitang nais kumawala sa bibig niya.
"Kung aamin ako sayo, maaring maging tayo. Ngunit imposible 'yun lalo pa't magulo ang mundong meron ka kaysa sa akin at paniguradong mas pipiliin mong layuan ako kaysa hayaang mas mapalapit sayo. At ayokong mangyari 'yun. Ayokong lumayo ka hindi dahil sa masasaktan ako kundi dahil natatakot ako" napatigil ito" natatakot akong baka mas lalong dumilim ang mundo mo at mas lalo kang maligaw at 'di mo na mahagilap ang pinto palabas sakaling tumaya ako."
"....."
"Gusto kitang tulungang makaalis sa dilim at magkasamang haharapin ang liwanag. D, kaya mas pinili kong manatili bilang kaibigan mo. Sa ganoong paraan hindi mo ako magagawang ipagtabuyan--" napangisi si Dame sa kanyang narinig
"Paano mo naman nasabing hindi kita ipagtatabuyan?" Ang mga salitang ito na nanggaling sa bibig ni Dame ay ang dahilan ng ngiti na umukit sa labi ni Asphere.
"Come on D, ako lang naman ang Asphere Tiu mo." sagot naman nito. Yayakap sana siya kay Dame ng si Dame na mismo ang lumapit upang yumakap.
"I- I won't thank you!"
"Alam ko, kasi kung ginagawa mo 'yun hindi na ikaw ang Dame Alferza ko." saad nito saka ginulo ang buhok ni Dame.
Habang magkayakap ay nagsalitang muli si Asp na naging dahilan para mapalayo si Dame sa kanya.
"But, D huwag mo sanang hayaang manatiling masikip at maliit ang mundong kinalalagyan mo ngayon, 'wag mong hayaang bilangguin ka nito at limitahan ang bawat kilos at nais mo."
"....."
"Hayaan mong lumawak ito, hayaan mong bukod sa ak--"
"Hindi mo alam kung anong sinasabi mo," pailing iling nitong tugon "nakita mo ba kung anong nangyari kay Tay Pandong? Takot na takot na ako, paano nalang kung ikaw na ang sumunod? Lalo pa ngayon at hindi ko na alam ang kaaway sa kakampi."
"D, ang kailangan mo lang ay magtiwa--"
"Wag mo siyang pagkatiwalaan hindi siya karapat dapat pagkatiwalaan, ipagkakanulo ka niya" natigil siya saglit sa naalala.
"Asp paano ako magtitiwala kung hindi ko alam kung kanino dapat magtiwala?" Hinawakan ni Asp ang mga kamay niya
"Tignan mo 'ko sa mata," sabi nito "ngayon sabihin mo sa akin, karapat dapat ba akong pagkatiwalaan?"
"I HATE YOU! I HATE YOU ASP" titig na titig lang siya rito.
Sa mga mata nitong tila ba kinakain ang lahat ng takot na bumabalot sa puso niya kung mayroon pa siya "AND I HATE MYSELF SO MUCH... for not having the guts to hate you." napangiti si Asp sa kanyang narinig.
"Hayaan mo silang mapalapit at baguhin ang kung ano mang kadilimang meron ka." hindi siya sumagot.
Hayaan sila?
Should I just let them ruin my already ruined life?
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro