Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23 (WTF) When Tears Fall

"My world's crushing down, together with my heart."-V.

Dame Alferza

Nagising lamang ako, nang maramdaman ang pagdampi ng liwanag mula sa sikat ng araw. Nasisilaw ako rito kaya, tatayo na sana ako para sana sar'han ito ng makita ko naman ang magkahawak na kamay namin ni Abo.

Nanananching na to a! Inalis ko 'yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko pagkatapos ay tumayo ako atsaka tinignan siya. Mahimbing parin ang tulog niya, kukunin ko sana 'yung bimpong natuyuan na sa kanyang noo ngunit paghawak ko palang rito ay nagising na siya. Tumingin agad ito sa akin.

Siya na mismo ang nag-alis ng bimpo sa kanyang noo. Umupo ito, pagkatapos ay tinignan ang sarili. Para namang nabosohan ko siya, e sa tuwing gagawin ko laging umaangal 'yung kamay niya.

Tinignan niya ako ng masama pagkatapos, sinibukan niyang tumayo. Ngunit napabalik lang siya sa pagkakahiga nang makaramdam ito ng sakit ng katawan.

"Ikukuha kita ng makakain, kailangan mong magpalakas para sa championship niyo bukas. Diyan ka lang kung ayaw mong sipain pa kita!"

Pagkatapos kung sabihin 'yan ay dumiretso na ako sa baba. Alas sinco palang ng umaga ngunit ang lahat ng mga kasambahay ay gising na. Dumiretso ako sa kusina, una kong naabutan doon ay ang mayordomo. Babalik sana ako sa taas kasi baka mapagalitan lang ako, nang ito na mismo ang tumawag sa akin.

"Magandang umaga! Anong kailangan ng isang binibini rito?" Uy! Makata si tanda.

"Kung mamarapatin niyo po sana nais kung ikuha ng lugaw ang aming kasamahan---"

"Iyon bang binatang nilagnat kagabi?"

"Oho! At kailangan po niyang makakain para lumakas siyang muli."

"Problemado ang iyong mukha, ang dahilan ba niyan ay ang hindi ka marunong magluto?" Nag-angat ako ng tingin wow! Magaling pala siyang manghula, 'yung totoo kaibigan nito si madam auring bago naging mayordomo no?

"Nakuha niyo po! Maa'ri po bang ako'y inyong igawa?" Ngumiti ito sa akin. Isinusumpa ko 'yung mga napanood ko sa telebisyon na nagpapakita at nagsasabing ang mga mayordomo ay masungit.

Tinulungan nga ako nitong magluto ng lugaw, ayaw ko sana ngunit mapilit siya dapat lang daw na ang mga babae ay magaling magluto para daw pag nag-asawa hindi kawawa 'yung mga asawa nilang lalaki napunta diyan 'yung usapan namin. O diba ang advance niya.

Pagkaraan pa ng ilang minuto ay heto na ako dala dala ang lugaw patungo sa kwartong kinalalagyan ni Abo, nagdala rin ako ng gamot. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakasandal sa headboard ng kama, pikit ang mga mata nito. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya, agad siyang nagmulat ng mata at tumingin sa gawi ko.

"Kumain kana, susubuan kita!" Sabi ko rito, lolokohin ko lang dahil alam ko namang hindi ito magpapasubo sa akin. Iba ang lagay ng dugo niya ngayon sa akin laging kumukulo.

Itinaas ko na ang kutsarang naglalaman ng lugaw saka hinipan ngunit ilang ihip na ay hindi parin nito kinukuha at kumukontra sa akin dapat sisigawan na ako nito e.

Hinipan ko muli ito, laking gulat ko nalang ng hawakan niya ang kamay kong may hawak ng kutsara saka nito isinubo 'yung kutsarang naglalaman ng lugaw. He's unpredictable.

Tulala lang akong nakatingin sa kanya, tumingin siya pagkatapos sa akin ng nakakunot ang noo. Ang sumunod na salitang lumabas sa bibig niya ay labis kung ikinahiya, lamunin na sana ako ng sahig.

"Did you brush your teeth?"

Umiling ako bilang sagot. "GET OUT!!!!" sigaw niya sa akin agad naman akong lumabas pagkatapos iwan 'yung lugaw.

"ANG ARTE MO!!!" sigaw ko pabalik.

Pagkalabas ay nagtungo ako sa kung saan, pasalamat nga siya nagabala pa akong igawa siya ng lugaw. 'Pag si Asp ang nilalagnat mas nanaisin no'ng siya mismo ang gumawa ng lugaw niya kesa igawa ko siya. Bakit kaya?

Naglalakad ako sa kung saan ng makarinig ng mga kalabog, tumingin ako sa may gawing kanan ko, lumapit ako sa pinto nito saka inilapit ang tenga ko para madinig kung dito nga nanggaling 'yung mga kalabog na nadinig ko.

This time may narinig na akong nabasag, pinihit ko ang pinto para sana buksan ito ng bigla nalamang itong bumukas, dahil hindi maganda ang pwesto ng mga paa ko ay hindi ko napigilan ang pagbagsak ko, ipinikit ko na lamang ang mga mata ko.

"Tsk! What are you doing here?" Napatungo ako sa boses na narinig ko, teka bakit nandito si Dae? Tinulungan ako nitong makatayo. Tumingin ako sa paligid at nakita ang napakaraming iba't ibang bote ng alak. Lalapitan ko sana ito ng hawakan ako nito sa kaliwang kamay at hilain palabas.

Hindi ko alam kung saan kami papunta, basta sumusunod lang ako sa kanya. Sa lawak ng mansyong ito, maliligaw ako panigurado kapag iniwan niya ako. Kung saan saan kami nagsususuot. Sinusubukan kong alalahanin ang daan palabas ngunit hindi ko na alam kung saan.

Pagkaraan lang ay tumigil kami sa pagbukas niya ng pinto. Napatungo ako, tinignan ko kung nasaan kami lalo akong nalula nang ang makita ko ay isang napakalawak na hardin.

Para siyang mini forest, may malaking fountain sa pinakagitna nito. Nilapitan ko ito at nakita ang napakaraming iba't ibang uri ng isdang maliliit na dinadama ang malamig na tubig.

Ang yayabong ng mga puno, maging ang nagraramihang bulaklak ng rosas ay kay gandang pagmasdan. Sa kabilang parte naman ay may mga iba't ibang uri ng prutas, may mga ubas, indian mango isama mo narin ang puno ng mansanas na hitik na hitik sa bunga.

Napakaperpektong hardin, hindi ko na napansin ang paglapit ni Dae sa akin at ang muling paghila nito. Kung ang bawat paghila niya'y katumbas ay napakagandang tanawin, kahit hindi niya ako hilain ay papahila ako sa kanya.

At ang sumunod na pangyayari ay labis kong ikinabigla, isang paraiso ang sumalubong sa akin. Kung ang sa likod ng bundok ay may panibagong bundok, sa likod ng ulap ay ang panibagong ulap, sa likod ng mansyong ito ay isang nakakalulang dagat.

May gazebo sa may shore, sa pagkakataong ito ako na ang humila kay Dae palapit doon. Hindi naman siya nagreklamo pagkatapos ko siyang hilain,
mas maganda sana kung mas napaaga kami ng dating dito. Baka naabutan pa namin 'yung sunrise kung sakali.

Hindi maitatanggi ang labis na kasiyahang aking nararamdaman ngayon, mula sa mga puno, bulaklak at maging ang tanawing ito. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong nanghina.

Bumilis ang kabog ng aking puso, hinawakan naman ako ni Dae para suportahan ako. Muntik na kasi akong matumba.

Shit!

Ito na ba?

Ito na ba 'yun?

Ito ba 'yung sinasabi nilang, Ang labis na kasiyahan ay may kalakip laging hindi mo inaasahan?

Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ng matinding paninikip doon.

'Wag, 'wag sila!

Hindi ba ako maaring makaramdam ng saya kahit saglit lang?

Kung ang ngiting ito, kapalit ay kapahamakan? nanaisin kung 'wag na lang itong makamtan.

"Are you okay?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. Sa halip ay tumakbo ako palayo.

"DAMEEE!" rinig kong sigaw niya, ngunit hindi ako lumingon. Ramdam kong hahabulin niya ako ngunit ipinagsawalang bahala ko iyon.

Hindi ko alam ang daan pabalik, nagpapaikot-ikot ako sa buong lugar. Binubuksan ang bawat pintong madadaanan nagbabakasakaling dalhin ako nito sa kwartong iyon.

Sa aking pagtakbo ay nasalubong ko si Lee, naglalakad ito ng taimtim na tila ba wala sa sarili. Linapitan ko ito.

"Dalhin mo 'ko sa kwarto ni Abo, DALI!"

"Bakit mo ba ako sinisigawan? BAHALA KA NGA DIYAN!" Ang mga salitang nanggaling sa bibig niya ay hindi ko lubos nagustuhan! Hinawakan ko siya sa kanang kamay at saka pinilipit ito palikod saka sinandal sa pinakamalapit na wall habang dinidiinan ang pagkakahawak sa kamay niya.

"ARAYYYY, DAME ANO BANG GINAGAWA MO?"

"DALHIN MO 'KO SA KWARTO NI ABO!" Umalingawngaw sa buong lugar ang aking sigaw kailangan ko siyang matawagan. Natigil lamang ako ng may yumakap sa akin.

"Calm down, nandito na ako." nabitawan ko ang pagkakahawak kay Lee agad naman itong umalis sa harapan ko. Kababakasan ng takot ang mga mata niya napayuko ako dahil doon.

Bumitaw na mula sa pagkakayakap ang taong kanina'y yakap yakap ako. Hinarap ko siya.

"Asp anong nangyari?" Tanong ko rito. Kita ko sa mga mata nito ang pangamba.

"He was shot!" Napanting ang tenga ko sa sinabi niya.

"Kailan pa? KAILAN MO BALAK SABIHIN SA AKIN!" Napatigil sa pagtakbo si Dae sa sigaw ko nakatingin lang ngayon ito sa amin. Maging si Lee ay ganoon din.

"PAG SINABI KO SAYO, GAGAWA KA NANAMAN N--"

"TANGINA ASP!!! 'WAG MO AKONG GAN'TUHIN!"ang bigat ng dibdib ko, ramdam ko ang nagiinit at kumukulong dugo ko.

"He was shot yesterday, umiiyak na tumawag sa akin si Nay Carmelita. Inilipat ko siya sa isang pribadong ospital akala ko okay na, kasi nagawa naman nila ng mabuti 'yung operasyon. Kaya lang kanina naging kritikal ang lagay ni--"  napasuntok ako sa pader sa narinig ko. Hindi ko inakalang paglilihiman pala niya ako ng ganito.

Hinawi ko siya saka naglakad. Hinarang niya ako, tinignan ko lang siya ng masama. Naglakad akong muli ngunit hindi siya umalis at patuloy parin siya sa pagharang sa akin kaya naman, sinipa ko ang kaliwang tuhod nito at saka mahina kong sinuntok ang likod niya dahilan para matumba ito.

Naglakad na muli ako ngunit, naalalang hindi ko alam ang daan palabas kaya naman lumingo ako kay Lee bago ko pa siya malapitan ay ito na mismo ang lumapit sa akin.

"I'll lead you the way."saad nito.

Nakita ko si Dae, titig na titig ito sa akin na para bang bago lang ako sa paningin niya at hindi ako nito kilala.

Katulad ka din ng iba, huhusgahan mo rin ako. Huhusgahan mo ko base lang sa nakita mo, huhusgahan mo ko dahil, D'on ako nakilala, sa panghuhusga ng iba.

***

Kitang kita ko ang napakaraming aparatong nakasaksak sa katawan niya, pati ang makinang tanging nagsasabing buhay pa ang pasyenteng nakahilata sa kama.

At ang pinakamasakit sa lahat ay ang makita ang babaeng pinakamamahal niyang lumuluha habang hawak hawak ang kamay ng lalaking pinakamamahal niya.

Hinarang ko ang doctor na sana'y papasok sa kwarto ni Tay Pandong.

"Anong lagay niya?"

"The patient is doing fine, you don't need to worry---"

"Ayoko ng tinotalkshit ako! 'Yung totoo, anong lagay niya?" Putol ko sa kanya na ikinagulat nito.

"K-kritikal ang lagay niya, iyon ang nakapagtataka kasi maayos ang naging operasyon, but don't worry we'll do our best." sabi nito saka mabilis na pumasok.

Matapos kong marinig ang mga salitang iyon ay agad kung tinungo ang daan palabas patungo sa taong dahilan ng lahat ng ito. Matagal ko na din siyang minamanmanan.

"Wag mo siyang pagkatiwalaan, hindi siya karapat-dapat pagkatiwalaan ipagkakanulo ka niya"

Dinala ako ng mga paa ko sa pinto ng bahay ng taong tanging pinaghihinalaan ko sa ngayon.

Hindi ako kumatok rito sa halip ay sinipa ko ng napakalakas ang pinto. Bumukas naman ito, nakita ko siyang nakaupo nakapangalumbaba hawak hawak sa kanang kamay ang isang kupitang naglalaman ng alak.

Lumapit ako sa kanya, hinila ko ang isang upuan at umupo kaharap niya. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin sa akin simula pa ng ako'y dumating.

Inaasahan na siguro niya ang aking pagdating. Bukod sa basong hawak hawak niya ay mayroon pang isang basong nakalapag sa lamesang hindi pa nagagamit.

Itinulak niya ito palapit sa akin. Walang nagtangkang magsalita sa amin. Tanging ang tunog lang na nililikha ng baso at ng lamesa ang naririnig.

Nang maipwesto na niya ito sa harap ko ay sunod niyang kinuha ang bote ng alak para salinan ang basong nasa harap ko. Ngunit bago pa man dumampi ang alak sa baso ay tinapik ko ito't umurong paatras.

"Hindi ako naparito para samahan kang tumungga ng alak!"

"If that's not the case, what brought you here then?" Tumungo ito at nasilayan ko ang mga abo niyang mata na magpasahanggang ngayon ay wala paring kahit na anong emosyon.

"Bakit? Bakit siya pa? HA!"  hindi ito sumagot.

Napapanting ang tenga ko, hindi dahil sa ingay niya kundi sa katahimikan nito. kung kailan nais kong makarinig ng mga salita ay hindi naman ito umiimik.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka hinawakan ang gilid ng lamesa para sana itumba ng mabilis na pumatong dito si Abo. Sinipa ko siya ngunit lumihis lang siya.

Kinuha ko 'yung baso sa lamesa at ibinato ito ng malakas patungo sa kanya ngunit imbis na umilag ay sinalo niya ito saka ibinalik sa lamesa.

"Sino ka ba? At bakit kailangang saktan mo siya?"

"Don't no what you're sayin--" bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay muli ko siyang sinipa ngunit ilag lang at sangga ang ginagawa niya.

Mapasuntok man o sipa galing sa akin patungo sa kanya ay laging mintis, ni hindi ko man lang siya mapuruhan ni madaplisan man lang sana.

Bawat gamit na mahawakan at ibato ko ay lagi niyang nasasalo. Mas lalong bumibigat ang dibdib ko, dahil hindi man lang naging sapat ang kakayahan ko para saktan ang taong ito.

Napapaisip ako, siya nga ba ang dapat na masaktan? O baka naman ay ako?

Siya ba ang dapat sisihin? O baka naman ako?

At siya ba ang dapat kong singilin?

O dapat ay ako?

Napaka-kampante ko noon, dahil alam kung sira na ako at wala ng mawawala sa akin. Ngunit ngayon, ngayon ko lang muling naramdaman na maliban sa sira na ang buhay ko ay may mas ikasisira pa pala ito.

Pinagsusuntok at pinagsisipa ko ang dingding, wala akong maramdamang sakit, kahit alam kung nagdurugo na ang kamao ko, wala na akong ibang maramdaman maliban sa bigat na daladala ng aking dibdib.

Gusto kong umiyak! gustong gusto kong umiyak ngunit ayaw ng mga mata ko.

Namamanhid 'yung dibdib ko! Hindi ko na maramdaman ang pagtibok ng puso ko.

Napagtuunan ko ng pansin ang bote ng alak, kinuha ko ito at binasag sa lamesa. Ngunit bago ko pa man maisaksak ang bukana ng basag na bote sa dibdib ko ay may mga brasong pumigil sa akin.

"B-bitawan mo 'ko. Bitawan mo ang kamay ko! Hayaan mo 'ko" halos paos na din maging ang boses ko.

"I can afford to see you knock your bloody hands on that wall," turo nito sa wall na kababakasan ng dugo galing sa kamao ko. "But I can't stand to see you stab yourself with that cheap thing, let me get you something worth it." saad nito saka kinuha mula sa mahigpit kong pagkakahawak ang bukana ng basag na bote ng alak.

Itinulak ko siya palayo sa akin.

"BAKIT KAILANGANG SIYA PA? BAKIT HINDI NALANG AKO? HINDI KITA UURUNGAN!" sigaw ko sa kanya. Nanghihina.

"SABIHIN MO! SINONG ISUSUNOD MO NG MABANTAYAN KO AT MAPAGHANDAAN?" hindi ko magawang ibaba ang tono ng boses ko.

Hindi ako nito sinagot, titig lang mula sa mga abo niyang mata ang natatanggap ko.

Gusto kong magbago. Gustong gusto kong magbago!

Nakamit ko nga ngunit ang pansamantalang iyon pala ay babawiin din lang. Nabigo akong mapansin na ang buhay at kapalaran ko'y ganoon parin.

"SABIHIN MO NG HINDI AKO MAHIRAPAN NG GANITO!!! " Halos mapaupo ako sa sobrang panghihina ng mga tuhod ko. "k-kasi ang sakit, ang hirap huminga, ang bigat bigat nito"turo ko sa dibdib ko"ang bigat bigat, kaya kong protektahan ang sarili ko, kaya kong bumugbug ng sangkaterbang tao, maging pumatay kakayanin ko, ngunit ang proktehan sila-" napayuko ako"h-hindi ko magawa."

Sa hindi malamang dahilan ay niyakap ako nito, yakap yakap ako ng mga bisig niya. Sinubukan kong kumawala ngunit malakas siya.

Napaangat ang tingin ko sa kanya nang ibigay muli niya sa akin ang bubog ng alak sa kanang kamay ko habang yakap parin ako. Pagkatapos ay lumayo ito ng kaunti sa akin.

"If you think I'm a foe, stab me!"

Kitang kita ko kung paano nagkaroon ng emosyon ang mga abo niyang mata. Ramdam kong naibsan ang sakit na daladala ng aking dibdib ng mula sa aking mga mata'y pumatak ang luhang kay tagal kong inantay na sa aki'y muling magbalik.

Itutuloy~~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro