Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22 Demon in Beyond

"Mine."-L.

Dame Alferza

Kanina pa ako nagpapaikot-ikot sa higaan ko ngunit hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Wala din naman akong butiking mapagdidiskitahan. Lumabas ako mula sa veranda, paglabas ko ay sumalubong agad sa'kin ang napakalamig at napakasarap na ngayon sa pakiramdam na hangin, napatingin ako sa gawing kanan ko.

Sa kabilang kwarto kasi ang room ni Lee kasama si Abo si Dae naman ay mas piniling mapagisa sa kwarto nito. Magkalapit lang ang agwat ng verandang kinatatayuan ko sa veranda ng kwarto nila Abo.

Palihim sana akong tatalon papunta doon ngunit nabigla na lamang ako ng sa pagtalon ko ay may lumabas sa veranda kaya naman nabitin 'yung talon ko at napahawak na lamang ako sa railings nito.

Hindi naman ako napansin ni Lee. Siya pala 'yung lumabas, sumunod naman si Abo sa kanya. Humawak ako sa may pinakababang parte ng railings, kaya lang masyadong madulas ito lalo na't pasmado ang kamay ko kaya naman sa floor nalang ako kumapit. Mahirap na, okay lang sana kung si Lee lang, ngunit iba na ang usapan kapag si Abo na, malakas makiramdam ang Abong 'to.

"Paborito mo din pala si Spongebob?" Tanong ni Lee kay Abo. Nang may nakakalokong ngiti. Talas ng mga mata ko no? Kaya ko naman sigurong magtagal dito.

"Yeah!" Tanging sagot nito, Isss, 'yun lang? Magtanong ka pa Lee sige na.

"Since when? At ano bang meron si sponge na wala kay Goku?" Biro pa nito.

"Spongebob can spend his whole life under the sea, Goku can't," halos matanggal ko 'yung pagkakahawak ko para sana pumalakpak sa naging sagot niya."What I like about spongebob is his laugh, it was contageous." sagot pa nito.

Kaya pala! 'Pag siya ang tumawa nakakahawa din. Si sponge pala ang salarin.

Nangangawit na ako, lilipat sana ako ng pwesto nang biglang naglakad si Abo palapit sa pwestong kinakapitan ko. Dahandahan akong lumipat pakaliwa ng sundan naman ng kaliwang paa niya ang kamay ko.

Halos mabitawan ko 'yung pagkakahawak ko ng 'di sinasadyang naapakan niya 'yung mga daliri ko, napahinga nalang ako ng malalalim kagat kagat ang pang-ibabang labi ko.

Mas lalo pa akong nagulat nang bigla itong tumawa. Kung ganon alam talaga niyang nandito ako. Sinasabi ko na nga ba malakas ang pang-amoy niya.

"Lee, let me tell you a story of some idiotic woman."napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sounds interesting. Spill it man!" Sagot naman ni Lee.

Buti nalang tinanggal na ni Abo 'yung paa niyang nakatapak sa kamay ko. Sinasabi ko na 'pag ako nakahanap ng kahit saglit na sandaling kasama ka pipilayan kita.

"I met her once when I delivered a pizza, at someones condo unit. I was expecting a Guy to get the pizza since the one who called me's a guy. But, when the door opened I saw a not so good looking woman. That happened to be her, the idiotic one. Then I saw her again infront of a convenience store. She tried to stop me from driving off but I ignored her. She then shouted "mag crash ka sana!" See, she's really an idiot, and then for the third time I saw her again at the same place where I first saw her. I then concluded that aside from being a woman with a very disgusting look she's indeed idiotic. And that was the story of a woman who happened to be an idiotic one."

Matapos niyang magkweto ng napakaganda at napakalamig sa pandinig, nakatutunaw ng damdamin at nakahahabag pakinggan na sinabayan pa ng napakasarap sa tengang tinig ng kanyang bawat tawa. Ito lang ang masasabi ko.

TANGINA!

"You sounds like an idiot too, do you like her?"

Natigil lamang siya sa pagtawa sa tanong ni Lee na pati ako'y natigilan. Biglang tumibok ng kakaiba ang puso ko. Bakit ata napapadalas ang ganitong kakaibang pagtibok ng puso ko? Mataas ba ang blood pressure ko at ganito nalang kung tumibok ito?

"You like her?" Ulit nito.

Nangangawit na talaga ako. Mahapdi din 'yung mga daliri ko dahil do'n sa pagapak na ginawa ni Abo kanina. Humakbang si Lee palapit kay Abo. No Lee diyan ka lang. *uta maapakan niya 'yung kanang kamay ko.

Kinagat ko muli ang aking labi. Tangina! Inakbayan niya si Abo habang apak apak ang mga daliri ng kanang kamay ko.

"You like her man!" Sabi nito muli.

Sa halip na sagutin ito ay humawak si Abo sa railings ng veranda at yumuko ito para makita ang katangahang ginagawa ko. Nakangisi ito sa akin.

"Lee, can you get me a cup of coffee, hindi kasi ako makatulog pag 'di ako nakainom non!" Biglang sambit nito.

Sa akin parin siya nakatingin. Hindi ba't ang kape ay para sa mga ayaw matulog?

'Yung totoo, sino ang idiot?

"Coffee? Hindi ba dapat milk? 'Di bale na nga, sige ikukuha kita." nagtatakang sagot nito.

Pumihit ito patalikod. Tangina okay lang sana kung 'di siya nakaapak sa mga daliri ko. Ansakit tangina! Halos magdugo 'yung labi ko sa labis na pagkakakagat ko. Pinipigilan ang kahit ano mang ingay na maaring lumabas sa bibig ko.

Nanghihina na ako, para akong nakipag marathon. Sobrang hapdi ng mga daliri ko. Humanda ka sa aking Lee ka! Pagalis ni Lee ay muntik na akong mapabitaw sa pagkakahawak dahil iwinaksi ko sa ere ang kanang kamay ko.

Tumingin ako sa ibaba at nakitang nakatayo doon ang Anim na armadong gwardyang nakabantay. Kung wala lang sana sila diyan kanina pa ako bumitaw sa pagkakahawak.

Hindi ko na kayang ihawak pa ang kanang kamay ko. Napatungo ako at nakita ang mukha ni Abong walang emosyon. Umupo ito mula sa pagkakatayo nang biglang dumating si Lee.

"With crea-- teka anong ginagawa mo?" Biglang tanong nito.

"No sugar, no cream just coffee, kinagat ako ng idiot na langgam!" mabilis nitong sagot. Saka inabot ang kamay niya sa akin ng hindi napapansin ni Lee. Agad akong kumapit dito.

"Okay! Patingin nga ng kulay ng langgam, ngayon lang ako makakakita ng langgam na idi--"

"NO! just go get my coffee!" humigpit 'yung hawak niya sa kaliwang kamay ko. Aray! Dapat pala sa may palapulsuhan ko siya humawak. Narinig ko ang pagsara ng pinto, hudyat na nakalabas na nga ng tuluyan si Lee.

"Masakit!" Reklamo ko agad. Pati ang boses ko'y naging garargar.

"That's what you get for eavesdropping!" Sermon nito pagkaraan ay humawak na ito sa palapulsuhan ko. Pagkatapos ay tinulungan ako nitong makaangat papunta sa kinatatayuan niya.

Pagkatawid na pagkatawid ko ay agad ko siyang pinagsisipa. Pasalamat ka masakit ang kamao ko para sumuntok.

"Is this your new way of saying thank you?" Sambit nito.

Sinipa ko siya ng malakas sa may tagiliran. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya nakailag. Pagkatapos ay tinamaan ko pa ito sa mukha.

Agad siyang bumagsak. Teka! Bakit 'di siya umilag. Agad akong lumapit sa gawi niya, nakita kong nagdurugo 'yung pangibabang labi niya. Bakit kasi 'di siya umilag.

"Ba't 'di ka umilag!" Hindi siya sumagot sa halip ay sinamaan ako nito ng tingin saka sinubukang tumayo. Lumapit ako sa kanya para sana tulungan ito ng iwinaksi niya ang kamay ko bago ko pa siya mahawakan.

"I never thought that you can be this cruel!" sambit nito sa pinaka malamig na tinig. Naglakad siya papasok, papalayo sa akin.

I was left dumbfounded, sa sinabi nito.

Biglang bumukas 'yung pinto. Si Lee na siguro iyon. Makikinig pa sana ako sa usapan nila ng marinig ko nanaman ang sigaw ni Lee.

"ARKKK!"

Hindi ako nagdalawang isip na pumasok at makita ang nakahandusay sa sahig na katawan ni Abo. Agad akong lumapit sa kanya hindi ko na pinansin ang pagtatakang nakapinta sa mukha ni Lee. Hinawakan ko sa noo si Abo only to found out na mainit ito.

"Kumuha ka ng malamig na tubig at bimpo." utos ko kay Lee agad naman itong sumunod sa akin.

"Uy! Abo!" Tawag ko dito habang tinatapik tapik ang pisngi niya ng mahina lang dahil baka masaktan pa siya. Namumula kasi ito gawa ng pagsipa ko kanina.

Inakay ko ito papunta sa kama. Dahandahan ko siyang pinahiga. Bakit hindi ko napansin kanina na mainit pala ito? Lakas mo makapag-paguilty ah!

Iniwan ko muna ito at saka pinahina ang aircon, pagkatapos ay lumapit muli ako sa kanya. Namumuo na ang pawis sa kanyang noo. Pinahid ko ito, napansin ko ang suot niyang jacket, hinawakan ko ito para sana tanggalin ng sa paghawak ko dito ay pinigilan ako ng kamay niya.

"Hindi kita bobosohan! Umayos ka!" Sambit ko.

Pagkaraan ay binitiwan din niya ang kamay ko. Pagkatapos kung tanggalin ang jacket niya ay isusunod ko na sana ang damit niya ng hawakan muli ako nito sa kamay. Napatawa naman ako ng mahina sa inasta nito.

Bumukas ang pinto "Bakit antagal mo--" lumingon ako sa gawing likuran ko para sana sermonan si Lee, ngunit hindi si Lee ang nakita ko.

"Is he okay?" Si Dae dae, lumapit ito sa amin.

"Nilalagnat siya--"biglang bumaba ang tingin niya sa kamay. Shet! tinanggal ko agad ang kamay kong hawak hawak ni Abo. Tumingin ako kay Dae

"Hmmmm I see, mukhang magiging ayos naman na ang lahat, matutulog na ako." tanging nasabi nito saka naglakad muli palabas.

Napalo ko sa tiyan si Abo, napadaing naman ito. Napatingin nalang ako sa pintong nilabasan ni Dae. Iba na ang kinikilos niya, iisipin ko na talagang may gusto siya sa akin.

"Eto na Dame!" hindi ko napansin ang pagdating ni Lee. Nandito na pala siya hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok niya kahit na sa pinto ako nakatingin.

Inabot ko ang hawak niyang palanggana at bimpo, pagkatapos ay inilapag ko ito sa tabi ko at binasa ang bimpo ng tubig saka ito piniga. Kinuha ko 'yung kaliwang kamay ni Abo saka ito pinunasan gamit ang bimpo pagkatapos ay sa kanan naman nitong kamay.

Matapos kong punasan ang kamay niya ay napagdiskitahan ko nanaman itong lokohin. Hinawakan ko ang laylayan ng damit nito ngunit bago ko pa man ito maitaas ay hinawakan niya muli ng sobrang higpit ang kamay ko.

"Aray!" Sambit ko saka pinalo ang kamay niya. Hindi pa kaya maayos ang lagay non. Inalis naman niya pagkatapos.

"Dame okay lang ba siya?" Tanong ni Lee kahahalataan na ang kanyang mga mata na inaantok na ito. Pagod din e.

"Yeah! Hindi pa naman siya mamamatay, do'n ka na lang muna sa kwarto ko matulog. Ako na ang magbabantay sa kanya ngayong gabi, matulog ka na!" Sabi ko rito. Tumango lang naman siya saka dumiretso palabas. Pagkasara ng pinto ay itinuon ko ang attensyon ko sa mukha ni Abo.

Mahahaba pala ang mga pilik mata niya. Inilapit ko ang hintuturo ko para sana hawakan ito, inilapit ko ng konti sinusubukan kong aangal nanaman siya sa pamamagitan ng paghawak muli sa kamay ko.

Ngunit hindi iyon nangyari kaya naman itinuloy ko ang paglapit ng hintuturo ko sa pilik mata niya.

Matapos kong pagdiskitahan ang pilik mata niya ay kinuha ko muli ang bimpo at binasa ito. Matapos pigain ay inilagay ko ito sa kanyang noo. Nakita ko ang kapeng nakapatong sa may side table. Ito siguro 'yung kapeng pinakuha niya kay Lee.

Mainit pa ng konti ang kape, sa narinig ko kanina. Ayaw nito ng kapeng may asukal at cream. Pareho pala kami ng taste pagdating sa timpla ng kape.

Kinuha ko ito at saka humigop, sakto lang sa panlasa ko ang timpla nito. Matapos kung mainom ang laman nito ay kinuha ko muli ang bimpo na nakapatong sa noo ni Abo atsaka ito binasa muli.

Sinapo ko ang noo niya at naramdamang hindi na ito gano'n kainit katulad ng kanina. Ipinatong ko muli sa kanyang noo ang piniga kong bimpo.

Matapos no'n ay nagtungo ako sa veranda para magpahangin, napatingin ako sa relos ko at nakitang magaalas-tres na ng madaling araw. Napahinga nalang ako ng malalim nagtagal pa ako ng ilang minuto sa veranda saka muling pumasok, dinalaw na din ako ng antok.

Umupo ako sa gilid ng kamang kinahihigaan ni Abo saka muling binasa ang bimpo bago inilagay pabalik sa noo nito. Naupo ako sa sahig sa may tabi ng kama, ipinatong ko ang ulo ko sa kama at hinayaang kainin ng antok ang aking diwa.

Third Person Point of View

Hindi maintindihan ni Won ang kanyang nararamdaman sa tuwing lagi nitong nahuhuling nakatingin si Dame kay Ark. Ang kakaibang pagtibok ng kanyang puso sa tuwing magkalapit sila ng dalaga.

Maging ang inis na umuosbong sa kanyang damdamin sa tuwing nakikita niyang magkasama si Dame at Ark, ipilit man niyang itangi at laging isiping ito'y malayo sa kanyang iniisip na siyang nagiisang dahilan ng kanyang banyagang nararamdaman ay hindi na niya kaya pang pigilan.

Na ang kanyang nararamdaman ay hindi na biro pa, umiibig na siya sa dalaga. At ang masaklap ay hindi nito alam ang tamang paraan para ipakita at iparamdam kung ano ang nais ng kanyang puso.

Hahayaan ba niyang siya'y mahulog ng tuluyan ng walang kasiguraduhang ito'y masusuklian? O pipigilan niya ang sariling mahulog lalo na't malapit ng bumigay ang pagkakakapit niya sa kapirasong sangang kinakapitan?

Lumabas siyang muli sa kanyang kwarto at tinungo ang kwarto kung saan niya huling nakita ang dalaga kasama ang lalaking pinagseselosan niya. Pumasok siya rito at ang bumungad sa kanya ay hindi niya lubos inaasahan.

Magkahawak kamay ang mga ito habang parehong natutulog. Agad siyang lumabas matapos makita ang gano'ng scenaryo. Nagtungo siya sa mini bar ng kanilang tahanan at saka ito kumuha ng maiinom, hanggang sa siya'y tuluyan ng makatulog sa tulong ng alak.

Tahimik na ang buong lugar. Ngunit pagkaraan lang ng ilang minuto ay muling tumugtog ang isang pamilyar na musika.

" Oohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob Squarepants" If nautical nonsense be something you wish "Spongebob Squarepants" Then drop on the deck and flop like a fish! "Spongebob Squarepants" READY? Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants SPONGEBOB!! SQUAREPANTS!!."

Pinatapos muna nito ang musika saka sinagot ang tawag.

"Isang taon pa ang usapan natin, bakit ka muling nagpaparamdam. Hindi ka ba makaintindi o sadyang nananadya ka lang?"

"May kumakalaban sa Familia, at kailangan kita." nainis siya sa sagot ng lalaki.

"Hindi lang ako ang tauhan mo!"sagot nito pinipigilang kumawala ang mga salita sa malakas na tinig.

"Ngunit nagiisa ka lang."

"Who are they?"

"Isang organisasyon, malakas sila at kailangan ko ng tauhan na magtatrabaho ng malinis. At alam mo namang ikaw lan--"

"Ipadala mo sa akin lahat ng impormayong nakalap niyo. Titignan ko kung anong magagawa ko." napahalakhak ang lalaki sa naging sagot nito.

"It would be the last time na pagbibigyan kita, Sinasabi ko na kapag hindi ka pa tumigil, bubusalan na kita!" Agad nitong pinutol ang linya. At palihim na bumalik sa pwesto nito kanina.

If you think you're a Demon. Well, I'm a Demon in Beyond.

Itutuloy~~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro