Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21 The Unexpected

"Stop it! Don't look at me like that!"- A.

Dame Alferza

We ended up sa bahay nila Dae para magcelebrate. Tumutol siya no'ng una ngunit wala rin siyang nagawa ng makapagdesisyon kaming tatlo na doon nga kahit ayaw niya. Dahil sa wala akong sasakyan at wala din daw 'yung bulok na motor ni Abo at wala din ang sasakyan ni Lee dahil hinatid lamang siya ng driver nila.

Heto kami ngayon naglalakad patungo sa kotse ni Dae dae. Tinext ko din si Asp kaya lang ang sabi niya mag oover time na naman daw siya.

Habang naglalakad kami papuntang parking lot, ay nilalaro ni Dae dae 'yung susi niya. Binabato niya ito ng mahina paitaas saka sasaluhin. Medyo matagal na din no'ng huli akong nakapagmaneho.

Ano kaya kung, napahawak ako sa baba ko ng makapagisip ng pwedeng gawin. Pagangat ni Dae dae ng susi ay mabilis ko itong sinalo saka tumakbo papuntang parking lot.

"DAME! GIVE IT BACK!" narinig kong sigaw ni Dae kumaway lang ako.

Napansin ko namang seryoso lang na naglalakad si Abo. Dinadaldal siya ni Lee kaya lang hindi naman niya ito pinapansin. Kung ako siguro si Lee, hindi ko pagaabalahang paglaanan ng oras ang taong tulad ni Abo. Kaya lang hindi ako si Lee.

Hinabol ako ni Dae kaso lang ang kupad niyang tumakbo napagod siguro sa kakatakbo kanina sa loob ng basketball court. Pagdating ko sa buggati niya ay agad akong pumasok sa driver's seat at saka pinaandar ang makina nito then inatras ko na din para ibwelta palabas.

Nang nakaayos na ay saka naman dumating 'yung tatlo. Binaba ko 'yung wind shield sa may side ko at kinawayan sila.

"Kahit kailan talaga Dame ang kulit mo!"

"Wow ako pa 'yung makulit ngayon a. Lee, ano nalang ang itatawag sayo kapag?" Dipensa ko naman. Lumapit si Dae sa akin.

"BABA! Ako magdadrive!"

Kainis naman ayaw ko nga. Hindi ko siya pinansin sa halip ay napunta kay Abo ang attensyon ko ng makita itong pumasok at umupo sa back seat. Sumunod naman si Lee sa kanya.

"Wag ka ngang Kj pasok ka na. Magaling akong magdrive don't you worry!"

Napahinga naman siya ng malalim saka nagtungo sa kabilang side para maupo sa passenger's seat. Pinindot ko 'yung red button para maitaas 'yung bubong ng sasakyan letting us feel sa coldness of the nights air.

Hindi ko na siya inantay pang makapag seatbelt dahil sigurado namang ayaw nito. Pinaharurut ko ang sasakyan kahit alam kung nasa loob parin kami ng school premises at bawal ang magpatakbo sa loob nito ng mabilis ngunit sabi nga nila masarap gawin kahit paminsan minsan lang ang bawal.

"WAHHH DAME, MAG SLOWDOWN KA NAMAN, GUSTO KO PANG MABUHAY!" Si Lee lang ang nagreact sa kanilang tatlo.

Hindi ako nakarinig ng kahit na anong reklamo galing kay Abo. Nakakapanghinala na ang mga akto niya. Siguraduhin mo lang na 'wag kang magpapahuli sa akin dahil sinasabi ko na, higit pa sa alam mo ang gagawin ko sayo.

"Slow down, Lee has a fast driving phobia!" nabaling kay Dae 'yung atensyon ko sa sinabi nito kaya naman nag slowdown ako.

Nasa main way na kami ng maalalang hindi ko pala alam kung saan ang bahay nila. 'Yung condo niya lang ang alam ko. Inihinto ko ang sasakyan sa kalagitnaan ng daan.

"Why did you stop?"

"Anong why did I stop?e hindi ko naman alam kung saan tayo pupunta, ikaw na magdrive."

"Tsk! Get out!" sabi nito sa akin. Ayaw ko nga.

"Ikaw nalang bumaba, baka mahagip pa ako ng sasakyan. Ikaw lalaki kaya dapat ikaw nalang 'yung bumaba."

"No!"itinulak niya ako. Makikipag away pa sana ako ngunit...

"Bilisan niyo na nga, nagugutom na ako." reklamo ni Lee.

Tumingin ako sa likod at nakitang natutulog si Abo. 'Yung totoo nakakatulog ba 'to sa bahay nila o hindi? O mas magandang itanong kung may bahay ba ito o wala?

Ayaw ko mang bumaba ay wala din naman na akong nagawa kundi bumaba. Nagtungo ako sa passenger's seat saka lumipat naman si Dae sa driver's seat. Nang makaupo na ako ay pinaandar na niya ang makina ng sasakyan at saka tinungo na ang daan papunta sa bahay nila. Habang tuluyan naman ng naglayag ang aking isipan.

'Yung babae kanina, ano na kayang nangyari sa kanya? Bakit ba imbis na magalit at kainisan ko ito ay hindi ko magawa. Bakit kaninang sinabihan ako nito na tumahimik ay agad akong sumunod ng walang kahit na anong katanungan? Hindi ko ugali ang magtiwala ng mabilis sa isang tao, ngunit sa kanya nagawa ko ng hindi ko lubos maisip.

Pagkaraan ay narating namin ang bungad ng bahay nila Dae bumukas ang napakalaki at taas na gate na kulay ginto. Maliwanag ang buong daan sa tulong ng mga poste na nakatayo sa gilid ng daan patungo sa isang napakalaking mansyon. It took us 4 minutes para marating ito.

Narating na namin ang isang mansyon mahihiya ang salitang bahay sa nakikita kong kaharian ngayon. Kung malaki na ang tinitirahan ni Lee ay mas malaki naman ito hindi na ata ordinaryong tao ang mga nakatira dito mga hari't reyna na ata ang naglalagi dito.

Halos hindi ko maipikit ang aking mata dahil baka may mamissed akong katiting na detalye. Nagstop ang sasakyan namin sa harap ng pintuang napakalaki, bumukas ito at bumungad agad sa amin ang napakaraming taong nakauniporme ng itim mapababae man o lalaki. Ang astig nilang tignan. Pamilyar ang ganitong senaryo para sa akin.

Sa pagbaba ni Dae ay hinagis niya ang susi sa isa sa mga nakatayong lalaki sinalo naman iyon ng lalaki. Pagkatapos ay nagsimula ng maglakad si Dae nagsiyukuan naman 'yung mga sigurado akong ang tawag ay katulong.

Pagtingin ko sa likod ko ay nakatulog pala 'yung dalawa wala man lang silang kamalay malay sa mga nangyayari lumapit ako sa kanila.

Pumasok muli ako sa sasakyan sa gitna ng driver's seat and passengers seat ako puwesto then I stretched my arms I was about to hold their nose ng magising ang mga ito. Ako ata ang nagulat ng bigla silang lumabas na dalawa at muntik na akong mapasubsub sa upuan sa back seat sa gulat.

Tinawanan lang ako ni Dae. Pagkatapos ay sumunod na kami sa kanya tinignan ko lang ng masama si Abo ng makitang nakangisi ito sa akin.
Pagkapasok namin ay sumalubong sa akin ang napakagandang desenyo ng bawat furnitures, walls at ang napakataas na ceiling at ang kumikinang na mga chandeliers.

Hindi ko na namalayan na napanganga na pala ako sa sobrang pagkamangha, Abo snap his fingers on me. Pagkatapos ay nagsimula muli itong maglakad may lumapit na matandang babae kay Dae ito ata ang tinatawag nilang mayordomo. Ibig sabihin masungit ito?

May sinabing kung ano pa si Dae, hindi na ako nagabala pang alamin kung ano iyon. Lumapit ako kay Lee.

"Wala ba 'yong hari't reyna dito?" Tinignan naman ako nito ng nagtataka. Slow din pala ito.

"I mean 'yung parents niya kako wala ba dito?"

"Ah si tita at tito. Wala sila ngayon kakaalis lang nila kahapon pabalik ng states. At kahit nandito sila, wala kang dapat ikabahala dahil kung mabait na si tita ay mas mabait pa si tito." Napatango naman ako sa sinabi niya.

"Let'ss go, sa rooftop nalang tayo magintay, magugustuhan niyo ang hangin doon kumpara dito sa loob." sabi ni Dae.

"Dinner date under the moonlight! Lets go!" Saad ni Lee saka ako nito iniwan at nagsimulang tumakbo patungo sa hagdanan pataas sa rooftop. Napailing iling naman kaming sumunod ngunit pinigilan kami ni Dae.

"Sa tingin ko, mapapagod lang tayo 'pag iyan ang tinahak nating daan patungo sa rooftop. Why don't we take the elevator instead?" Suhestyon nito.

Napatingin ako sa taas at nakita kung hinihingal na nga si Lee pero hindi pa niya nakakalahati ito. May elevator naman pala itong bahay e. Ayoko na atang umuwi dito nalang ako.

Tumango ako bilang sagot ganoon din si Abo kaya naman tinungo na namin ang elevator. Transparent ito. Pagpasok naming tatlo may pinindot si Dae na kung ano, ilang sandali pa ay naramdaman ko na ngang tumataas na kami patungong rooftop.

Habang tumataas, ay nakikita ko ng buo ang buong bahay dahil naka locate ang elevator sa pinakagitna nito umikot ako patalikod para makita naman kung anong makikita mula roon.

Hinawi ko si Abo dahil may nakita akong maganda sa bandang side niya. Hindi naman ako nakarinig ng kahit anong reklamo sa kanya. Sa pagbalik ko sa pwesto ko sa pagitan nila ay sinadya ko siyang sikuhin ngunit bigla itong lumihis kaya naman ang resulta ay muntik na akong matumba pagilid dahil sa nilagay ko 'yung buong lakas ko sa right body ko para sana sikuhin siya.

Kung hindi lang siguro alisto si Dae para hawakan ako at masalo sobrang kahihiyan siguro ang natamo ko. Binelatan ko nalang si Abo sa inis, tinaasan lang naman ako nito ng kilay.

Sinubukan kong apakan ang paa niya ngunit magaling talaga siyang makiramdam dahil inilihis din nito ang paa niya. Tumingin ako kay Dae na seryoso ng nakatingin ngayon sa akin.

Ano na namang kasalanan ko? 'Wag mong sabihing galit nanaman siya sa akin sa talim ng tingin niya? Iisipin ko na talagang may gusto ito sa akin at nagseselos!

Spell asa Dame?

Tumunog ang elevator hudyat na narating na namin ang rooftop ang astig, nakikita ko mula sa loob ng elevator ang mga bituin at ang buwang nakangiti sa akin.

Nalingat lang ang atensyon ko ng hilain ako ni Dae palabas, sumalubong agad sa akin ang napakasarap na hanging hatid ng tahimik na dilim.

Tanging liwanag lang mula sa mga bituin at buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Alas onse na din kasi ng gabi. 10 pm na natapos ang laro nila Dae. Sila din ang haharap sa king. Bukas ay ibang sports na ang gaganapin kung kaya'y hindi na namin kailangang pumasok ng maaga hindi narin siguro kami papasok. Sa last day nalang ng intrams kami papasok.

Tinext ko na din si Asp na dito muna ako magpapalipas ng gabi. At ang sabi nito sa akin ay lumayo layo lang daw ako ng kaunti kay Abo. Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip niya 'yung nangyari sa hospital kamakailan.

Sinabi ko na ngang hindi ang iniisip niya ang nangyari ayaw parin maniwala kaya naman hindi na ako nagabala pang mag explain ng maliwanag. I've done my part.

Pagkaraan pa ay bumukas ang napakaraming ilaw sa rooftop giving us enough light para makita nang maliwanag ang bawat isa sa amin at ang buong paligid.

Nagulat lang kami ng biglang bumukas ang pinto sa likuran namin. And to our surprise, nakita lang naman namin ang pawis na pawis na si Lee habol nito ang hininga niya.

"I HATE YOU, THE THREE OF YOU!" Tinuro pa kami nito. Nasabi ko na bang maihahalintulad sa isang building na may pitong palapag ang mansyong ito?

Mas lalo pang naging maganda ang simoy ng hangin ng bigla lang namang tumawa ang dalawang taong hindi ko lubos maisip na maririnig kong tumawa ng sabay.

Ngayon lang ata sila nagkasundo bumagsak ang ngiti ko ng makaramdam ng kakaiba, ang kaninang nahihimbing na pangambang nararamdaman ko sa aking dibdib ay unti-unti na namang nabuhayan.

Napahawak ako rito dahil doon. Ang pagkakaibigan bang aming nabuo ay unti-unti din bang masisira? Napatingin ako sa kanilang tatlo. Ang tanong, sino sa inyo? Sino sa inyong tatlo? Isa ba sa kanila? O baka naman ay....

Ako?

Matapos nilang magtawanan ay umupo na sila sa mahabang sofang nakapaharap sa railings ng rooftop patalikod sa akin. Si Abo, Dae at Lee kung hindi ko siguro sila kilala at makikita ko ang ganitong senaryo iisipin ko sigurong magkakapatid sila.

Kaya lang kilala ko sila at alam kong kasalukuyan palang nilang binubuo ang matatag na pundasyon para sa matatag ding pagkakaibigan.

"Come on Dameee, may space pa para sayo!" aya sa akin ni Lee. Lumapit naman ako sa kanila.

Si Lee ang joker, joker in a way na mas matatawa ka pagwaley o sablay 'yung mga entry niya. Habang si Abo naman ang matatawag na selfish genius, kumbaga 'pag exam siya 'yung tipo ng estudyanteng hindi mo maasahan! Dahil tingin palang niya makakalimutan mo na 'yung itatanong mo.

Si Dae dae naman 'yung tipo ng estudyanteng pumapasa kahit walang ginagawa, kumbaga 'yung mga grades niya product of imaginations o hindi naman kaya'y may halong biro't salamangka.

Sa tingin niyo, sa kanilang tatlo sino ang dapat tularan?

"Paupuin niyo siya diyan sa pagitan niyo Won!" sabi pa ni Lee ng makarating ako sa inuupuan nila.

Ayaw ko man dahil makakatabi ko si Abo ay wala na rin lang akong nagawa nang magpagilid si Abo at umusog din si Dae. Pagkaupo ko ay naramdaman ko agad ang kamay ni Dae na naka-stretched sa likod nakahawak sa sandalan ng sofa.

Tinangkang basagain ni Lee ang katahimikan "Alam niyo bang-"

"HINDI NAMIN ALAM!"

"Yung totoo Won, hindi ba't sa aming tatlo ako ang pinaka-bestfriend mo?" Reklamo nito.

"Yeah but, not before I met them." sagot naman ni Dae.

Dahilan para guluhin ni Lee 'yung buhok niya. Sa pagaaway nila physically ay 'di sinasadyang naitulak ako ni Dae patungo kay Abo.

Napasandal ako rito, tatayo na sana ako para makalayo nang higitin ako nito sa kaliwang kamay dahilan para muli akong mapaupo, hindi ko alam kung galit o inis ba ang dahilan ng kakaibang pagtibok ng puso ko.

Napatingin ako sa kanya, diretso sa mga kulay abo niyang mata gano'n din siya sa akin. Hindi maitatanging may itsura nga siya hindi nalalayo sa taglay na kagwapuhan ni Dae at Lee.

Ngayong natititigan ko na ng malapitan ang mga abo niyang mata hindi ko masisisi si Asp kung ganoon na lamang ang inggit nito sa mga mata ko.

Sino ka ba talaga?

At bigla ka nalang dumating sa buhay namin? Anong pakay mo? Kung ang dahilan ng pagpasok mo sa buhay namin ay para sirain ito, lugi ka, dahil matagal ng sira ang akin.

Matagal ng sira ang buhay kong patapon. Ang bawat pirasong kay hirap ng ibalik sa dati, ang dahilan ng paghihirap ko sa bawat umagang sumasapit at hanggang sa dilim na hatid ng bawat gabi.

At maging ang luhang dapat ay lumalabas sa tuwing kay bigat na ng aking damdamin ay tuluyan narin akong tinalikuran, na para bang ayaw nitong maibsan ang bigat na daladala't dinaramdam.

I felt so Empty, worst than the word itself.

Nagulat nalang ako ng maramdaman ang paghawak ni Dae sa kanang kamay ko ng sobrang higpit, hindi ko man lang naramdaman na hinawakan nito ang aking kamay kanina. Nabaling sa kanya ang atensyon kong kanina ay na kay Abo.

"Dinner is ready." saad nito sa akin.

Saka ako nito hinila patungo sa lamesang kinalalagyan ng nagraramihang pagkaing pangmayaman. Pinaupo ako nito sa isa sa mga silya. Sa katabing silya ko naman siya naupo. Good for four people ang lamesa. Naupo sa harapan ko si Lee at sa harap naman ni Dae umupo si Abo.

Para bang nagbago ang ihip ng hangin, ang kaninang napakalamig at napakasarap sa pakiramdam ngayo'y kay bigat na sa pakiramdam.
Tila ba nasasakal ako at hindi na makahinga pa ng maayos.

Naramdaman ko muli ang paghawak ni Dae sa kamay ko. Napayuko ako para makita ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kaliwang kamay ko.

Para saan ang hawak niyang 'to? Ano bang nais niyang iparating na hindi mabigkas ng kanyang mga labi. Mga salitang nais niyang iparamdam sa akin ngunit hindi ko mawari.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko saka itinuon na lamang ang attensyon sa mga pagkaing nakahain. Napansin ko ang pagngiwi niya at pagsalubong ng mga kilay niya ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin.

Napatingin ako kay Abo nang sabay kaming tumusok sa steak na nakahain sa lamesa. Hinayaan ko nalamang na siya ang makakuha ng natitirang steak tumusok nalang ako ng ibang pagkain.

Hindi ako makakain ng maayos, hindi ko maayos na nalulunok ang mga mga pagkaing isinusubo ko. Nakakainis talaga! Napakasarap pa naman ng mga ito.

Nagulat nalang ako ng may maglapag ng kalahating steak sa plato ko tinignan ko ang taong iyon. And guess who?

Si Abo lang naman ang nagmalasakit na hatian ako ng paborito kong steak. Napatingin ako kay Dae ng makita itong napayuko.

"Ayoko niyan, kunin mo nalang ulit!" sambit ko nalang. Kahit na gustong gusto ko iyon.

"Ayaw mo akin nalang!" Biglang sagot ni Lee, pipigilan ko sana ito ngunit masyado siyang mabilis. Agad niya itong isinubo. Kahit kailan talaga Lee!

Tumingin ako ng pasimple kay Abo. Napangisi lang ito saka nagtuloy kumain. Si Lee nalang ata ang nageenjoy kumain sa aming apat.

Napakaganda pa man din ng gabi, milyon milyong mga bituin ang saksi sa ano mang nangyayari ngayon sa amin. Isali mo pa ang buwan na sa ami'y nakangiti.

Tumayo ako para sana bumalik sa sofa at makapagisip-isip ng sa pagtayo ko ay umalingawngaw ang tunog ng isang pamilyar na musika.

"Oohh...Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob Squarepants."

Kinapa ko ang bulsa ko, ngunit hindi ko inaasahan ang nakita ko, hindi ang phone ko ang tumutunog. Kung hindi sa akin...

Napatingin ako sa tatlong lalaking nakaupo sa kani kanilang silya, tahimik din silang tatlo. Walang nagtangkang bumasag sa katahimikan, kaya naman patuloy parin ito sa pagtunog.

"Come on Won answer your phone." nakangiting tinignan ni Lee si Dae kung ganoon maliban sa akin ay si---

"But, I left my phone in the car." bwelta nito na para bang nahihiya, kung hindi sa kanya at hindi rin sa akin, tumingin ako kay Lee.

"Opps, hindi akin 'yun, Won knows how much I hate spongebob!" taas kamay nitong sagot.

If nautical nonsense be something you wish "Spongebob Squarepants" Then drop on the deck and flop like a fish! "Spongebob Squarepants"

Tumingin ako kay Abo, sinasabi ko na nga ba, tahimik lang ito wala ba siyang balak sagutin ang kung sino mang tumatawag sa kanya?

READY? Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob

Bago matapos ang musika ay tumayo ito. Pagkaraan ay inilabas niya ang kanyang cellphone.

Squarepants Spongebob Squarepants SPONGEBOB!! SQUAREPANTS!

"Excuse me!" Saka nito sinagot ang tawag.

Itutuloy~~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro