Chapter 20 Right Person
"You're staring, at the wrong person, at the right moment."-E.
Dame Alferza
"Manong naman e', papasukin mo na ako paanong mananalo 'yung volleyball team namin kung wala ako do'n? "
"Pasensya na iha, ayon sa utos ng nakatataas hindi kami pwedeng magpapasok ng tao kung wala itong dalang sports ID kahit na estudyante ka pa rito."
"Sabi ng nakalimutan ko lang kumuha e, papasukin mo na ako. Nagsimula na 'yung laro!"
"Bilang estudyante sa unibersidad na ito marapat lamang na alam mo ang mga kautusan at batas na sinusunod dito."
"Manong naman aanhin mo ba ang batas batas na 'yan, ikakayaman mo ba 'yan? Dapat ang isipin niyo kong paano kayo makakatulong at pagpinapasok niyo ako ngayon isang accomplishment 'yun!"
After kung madischarge sa hospital kahapon din ng gabi ay eto nanaman ako, tangina! Kanina pa ako dito sa labas ng gate nakikipagdebatehan sa gwardyang 'to.
Bakit ba kasi wala si Tay Pandong? Tay naman e, kung kailan kailangan saka naman umabsent. Atat nang pumalo ng bola ang kamay ko napurnada pa!
"Manong naman e, papasukin mo na ako. Hindi ka ba naaawa sa akin kakadischarge ko lang sa hospital kagabi tapos sabi pa man din ng Doctor 'wag daw ako magpapakapagod dahil hindi 'yun maganda sa kalusugan ko."
"Kung ganon nga bakit kamo kanina ay kailangan ka ng volleyball team niyo? Hindi bat nakapapagod maglaro?" Nasabi ko ba 'yun? Nadali ako doon manong a.
"Sinabi ko bang maglalaro ako manong? Coach ako don! Inassigned ako ni Kagura.. este Ms. Kagura na maglead dahil takot daw siya sa bola." sana lumusot.
Umiling lang si manong saka umalis at nagtungo sa guard house. Naiwan naman ako. Kainis naman o, tinignan ko 'yung oras sa relos ko. Nanlumo nalang ako ng marealize na nagsisimula na nga 'yung laro.
Nagisip ako ng paraan para makapasok. Hindi ko naman pwedeng akyatin 'tong gate kasi nakabantay naman si manong. Hindi ko din naman pwedeng baliin ang bawat bakal ng gate na ito kasi una sa lahat wala akong super powers.
Teka! Paano ba ako napunta sa hospital kahit na ayaw kong mapunta doon?
Napangiti nalang ako ng makapagisip ng pwede kong gawin para makapasok.
As a chess athlete, in order to penetrate your enemy you should come up with a plan then execute after.
"MANONG!" Tawag ko rito. Lumapit naman siya.
"Ano nanaman? Magpupumilit ka nanaman bang makapasok? Dahil kung ganoon iha sinasabi ko na hindi maaari!"
"Manong pwede po bang makahingi ng tubig?" nangunot naman ang noo nito. Nagpatuloy ako.
"Manong--" humawak ako sa dibdib ko "kailangan ko ng tubig , hi-hindi po ako maka-" umakto akong nahimatay, bumagsak ako sa sahig.
"IHA! AMANDO BUKSAN MO ANG GATE!" sigaw nito.
Slight naman akong napangiti sa sinabi nito. Narinig ko ang paglangitngit ng gate hudyat na bukas na ito. Hahawakan na sana ako ni manong para tulungang itayo nang mabilis akong tumayo at tumakbo papasok habang pinapagpag ang suot ko.
"PASENSYA NA MANONG!"
"BUMALIK KA DITONG BATA KA!"
Kinawayan ko lang naman ito saka nagpatuloy sa pagtakbo. Tinakbo ko hanggang gymnasium kung saan gaganapin 'yung voleyball. Ang maganda dito hindi pinagsasabay ang event kung volleyball ang nakatokang event ngayong umaga dapat ang lahat ay obligadong manood.
Dalawang sports ang kailangang matapos ngayong araw, sa umaga hanggang tangahali ay volleyball boys and girls. Mamaya namang pagsapit ng alas kwatro hanggang alas dyes ng gabi ay basketball . Kung kaya'y nagtitipuntipon ang lahat sa isang gymnasium.
Lakad takbo ang ginawa ko para marating ang gym nililipad ng hangin ang buhok kong nakalugay dahil nakalimutan ko ang panali sa buhok ko. Halos kapusin naman ako sa hangin ng makarating. Papasok na sana ako ng harangin nanaman ako ng gwardiya.
Tangina talaga!
"Sports ID maam."
"Galing na ako sa loob kanina, nagbawas lang ako saglit sa cr tignan mo nga manong pinagpapawisan pa ako. Pakisabi nga sa maintenance na sira 'yung flash no'ng cr hindi tuloy na flash 'yung dapat i-flash."litanya ko.
"May cr sa loob ng gym bakit kailangan mo pang lumabas? At kahit sabihing sa labas ka nag cr. Sports ID ang kailangan kong makita at hindi ang ebidensya ng pagbabawas mo!" Napalunok naman ako sa naging tanong niya.
"Pinahawak ko kay Ms. Chua, kahit tawagan pa natin siya ngayon! Nang makita mo ang hinahanap mo." hamon ko rito.
Dinail ko agad ang numero ni Ms. Chua, agad naman niya itong sinagot pagkaraan ay sinabi ko na dito na kailangan ko siya at sumagot naman siya na parating na at antayin ko lang daw saglit.
Pagkakita ko kay Ms. Chua ay may hawak itong sports ID hindi ko alam kung kanino iyon. Hindi naman pwedeng siya ang may ari no'n dahil hindi naman sila obligado na magkaroon nito. Napangiti ako dahil do'n.
"O, ayan na si Ms. Chua. Tignan mo hawak na niya 'yung ID ko sabi ko naman kasi sayo manong e."
"Anong meron dito?" Tanong ni Chua. Pagkalapit niya ay agad kung kinuha yung ID na hawak niya saka pumasok iniwan ko na siya bahala na silang magusap.
Pagpasok ko sa gym ay sumalubong agad sa akin ang napakaraming estudyanteng umuukupa sa buong gym. Hindi naman siksikan dahil kayang i-accomodate ng buong gym ang lahat ng estudyante ng Salle de.
Kasalukuyan ng naglalaro ang team naming Rook laban sa Knight, Naguluhan ba kayo? Well, ganito yan. Nahahati ang bawat team base sa Strands na under sila.
Rook for Stem kami 'yan, Knight for Abm, Bishop naman for Humms and Queen for Tvl HE and ICT, kung sino ang magwawagi rito ay kakaharapin ang King, ang mga college.
Dahil mayroong apat na sections ang bawat strands ay kailangan muna ng selection. Kaya naman ng panahon ng preparation ay naglaban laban na ang magkakastrand at ang nanalong section ay ang magpiprisinta sa buong strand na under sila.
At 'yung mga natalo na ay sila na ang awtomatik na tatawaging pawn in other word, cheerers. Ginawang ganito ang laban dahil mas maayos daw na nakakapaglaro ang mga magkakakilala. Hindi na sila mahihiyang iexpress ang mga nais nilang ipakita sa laro.
At kung itatanong niyo kung bakit name ng chess piece ang ginagamit ay dahil ito palang ang sport na nangunguna sa number of golds. Ewan ko din kong totoo 'yan o hindi, sa tuwing nagtatanong kasi ako iyan ang isinasagot.
Anong kinalaman ng bilang ng mga gintong medalya para pagbasehan sa ganitong event hindi ba? Ano 'yun motivation? Sakaling basketball player ka mas pagbubutihan mo ang paglalaro para mapalitan ang nagungunang sport at maipalit ang sport na nilalaro mo?
So much for that, mabalik tayo sa volleyball na kasalukuyang nagaganap ngayon. Dehado kami nangunguna ngayon ang Knight laban sa aming mga Rook kung pinapasok lang sana ako ng gwardiya kanina nakahabol pa sana ako.
Lumapit ako sa mga teamates ko.
"Finally! You're here" bungad sa akin ni Kagura. Makikipag-apir sana ako dito ng deadmahin lang ako nito.
Pumito na muli ang referee. Tinanggal ko naman na ang jacket at pants ko showing off my jersey shirt and short.
Alferza 23!
23-22 ang score in favor of our opponent.
Pumasok na agad ako. Ako na pala ang magseserve. Hawak ko na ngayon ang bola. 'Pag nakapuntos kami magiging tie na ang score 'pag sumablay naman ako set point sa kalaban ang resulta kapag.
Hinihintay kong pumito muli 'yung referee para makapagserve na ako nang makarinig ako ng sigaw mula sa mga fans kong nanunuod. Biro lang. Sa tinis ng boses ng sumigaw ay nasisiguro kung si Lee iyon.
"SHOW THEM WHAT YOU GOT DAMEEE!"
Kumaway naman ako sa direksyon niya magkakatabi silang tatlo. Si Dae, Lee and Abo. Nakasuot sila ng jersey nilang pang basketball. Mamayang gabi pa 'yung laro nila pero ready na sila.
'Piiiirrrrrrtttttttt'
Pagkarinig ko ng pito ay nagingay ang lahat, they were all cheering on me.
Itinaas ko na ang bola saka humakbang ng isa pagkatapos ay pinalo ko na ito. Sa pagpalo ko ay natahimik ang lahat. Pagbagsak ng bola ay pumito na ang referee.
Napasuntok naman ako sa ere sa nangyari. Tumingin ako kay Kagura at makikita ko na mula rito sa kinatatayuan ko, ang mga sungay niyang handa nang suwagin ako.
"Service error by Dame Alferza, that made their opponent a one point away to win the very first set of the match!" sabi no'ng announcer.
Atleast muntik ng umabot sa net 'di tulad dati na sa pwesto ko lang laging nahuhulog 'yung bola dahil hindi ko ito matimingang paluin.
Agad akong pinalabas at pinalitan ni Kagura. Nakangiti ko lang siyang tinignan.
"I thought you're good at playing volleyball, kung makapag pa VIP ka sa pagdating akala mo naman may ibubuga ka!" Sabi nito agad sa akin.
Hindi ako nagsalita sa halip ay hinubad ko ang jersey volleyball shirt ko at ipinakita ko sa kanya 'yung nakasulat sa harap ng bago kong damit. At binasa ng malinaw.
"CHESS MASTER!" Sinimangutan ako nito.
"Kahit kailan talaga pasaway kang bata ka!"
"It's not my fault anymore, that is what you get for not letting us choose what we want to play." mungkahi ko rito saka naglakad patungo kila Lee.
"You're unbelievable Damee!" bungad sa akin ni Lee nakipaghigh-five pa ito sa akin.
"She's crazy! Her teamates work hard to down the lead into one but look what she did."
"The fault isn't mine, blame that woman," tinuro ko si Kagura" for not letting me choose what I want to play! Even though I love volleyball doesn't mean I'm good at playing it." sagot ko naman saka pinausog sila para makaupo ako.
Ayaw kong makitabi kay Abo baka kung anong mangyari. I sat between Lee and Dae. Nakisingit lang ako at nakihati sa mga upuan nila.
In the end nanalo ang team namin. Luck is on our side. Na sweep din namin agad yeah I'm still part of the team. Na sweep namin LAHAT ng mga kalaban namin.
Ang resulta kami ang haharap sa King sa last day ng intrams. Susunod na ang volleyball boys. Ngayong gabi naman ay basketball players ang maglalaro 4 to 10 pm.
***
Alas 8 na at nandito na kami ngayon sa gym ng basketball dahil itong tatlo lang ang mga kaibigan kong maiituturing ay napilitan akong makisama sa kanila na magstay sa baba kalapit ng court.
Mag sideline nalang akong water girl. Mabilis lang 'yung naging laro ng mga nauna. 'Yung iba default, walang entry.
Sabi ni Lee i-cheer ko daw siya. Knight din ang kalaban nila, nagsimula na ang laro nang tawagin nila ang first five.
Ibinato na ng referee 'yung bola, tumalon naman si Dae. Siya kasi 'yung na assigned sa Jump ball. Isa pang dahilan ay matangkad siya. Nagsigawan ang lahat ng napunta ang bola kay Lee, ipinasa niya agad ito kay Abo.
"WAHHHHHH I LOVE YOU ARKKKKK!"
"LEE 3 POINTS MO YAN FOR ME!"
"WONNNNN PANALO NA AGAD PANGALAN PALANG!"
"LOVE YOU WON ALVAREZ!"
"LEE PAHINGING SPERM!"
"ARKK BEBE LUV! GALINGAN MO!"
Naririndi 'yung tenga ko, itinuon ko nalang muli ang tingin ko kay Dae. Siya na ngayon ang may hawak ng bola nag 3-points-shoot siya. Hindi pala, dahil tumalon si Ark para kunin ang bola sa ere at i-dunk ito. Napuno ng hiyawan ang buong gymnasium dahil doon. First point of the quarter goes to him.
This time hawak na ng kalaban ang bola. Si Dae ang gwardya nito, pagkaraan ay naagaw ni Dae ang bola ng magattempt na magshoot ang lalaki ay natapik ito ni Dae. Then he took the ball and run as he lay it up. 4 zero run.
Si Lee naman ang nakascore ngayon 3 points. 7-0 'di nga naman maikakailang magaling sila.
May itinatago palang galing 'tong Abong 'to, dahil alam ko naman nang may ibubuga talaga si Lee at Dae matagal na silang varsity players ng basketball team ng school namin. Etong si Abo ngayon ko lang nakita maglaro.
I therefore concluded that other than pestering me, he's also good at playing basketball.
Naaliw ako sa napapanood ko hindi kasi match ang laban dahil obvious naman na liamado ang basketball team namin dahil nasa amin ang dalawang star players at isang gumagawa palang ng pangalan sa larangan ng basketball.
Nagawi ang atensyon ko sa mga babaeng sobra kung makasigaw salungat sa kinauupuan ko. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha ng isang babae, nakita ko na siya dati teka! Pinakatitigan ko ito ng mabuti hanggang sa nagtama ang mga mata namin ngumiti ito sa akin.
Matapos akong kumain ng tanggahalian ay may babaeng lumapit sa akin. Singkit ang mga mata nitong kulay asul. Maamo ang mukha niya na para bang kahit gawan ka nito ng masama ay hindi mo siya kayang saktan. Lahat kaya niyang bihagin. Mahaba din ang buhok niyang blonde ang kulay tamang tama sa kutis niyang kay porselana.
"Pinapatawag po kayo ni Ms. Kagura sa kanyang opisina."
Ang buong akala ko ay engles ang mga salitang lalabas sa bibig niya. Nangunot ang noo ko sa sinabi nito pagkaraan ay umalis na din ito. Hinabol ko siya ngunit hindi ko na siya mahagilap kaya naman mabilis akong tumakbo papunta sa opisina ni Kagura.
Napatayo ako ng makilala kung sino ito. Muli naman itong tumingin sa akin ang kaninang mga ngiti nito ay nabahiran ng lungkot at maging ang mga mata niya ay kababakasan na ngayon ng awa. Tumayo ito at nagsimulang maglakad.
"Dame nakita mo ba 'yung 3 points ko, half court 'yun Dame pasok parin!"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Lee sa halip ay naglakad ako para sundan iyong babae.
"Teka Dame may 4th quarter pa, sa'n ka pupunta?"
Nagtuloy lang ako sa paglalakad. Masiyado na siyang malayo kaya naman napatakbo na ako. Pagkalabas ko ng gym ay nakita ko na itong naglalakad sa kahabaan ng daan.
Maliwanag naman ang buong paligid sa tulong ng mga poste ng ilaw na nagbibigay liwanag sa buong field at sa daan. Hinabol ko ito, narating na namin ang gitna ng daan, malapit na kami sa mga buildings.
At malapit ko na din siyang maabutan nang bigla na lamang namatay ang lahat ng ilaw. Nabalot ng kadiliman ang buong paligid at hindi ko na din siya mahagilap ngunit alam kung kaharap ko lang ito.
"Long time no see, bakit mo naman naisipang magpakita ngayon?" Basag ko sa katahimikan. Hindi naman ito sumagot. Hahakbang sana ako palapit sa kanya ng matigilan ako.
"Wag! nandito na sila. Dapat 'di ka sumunod." ano bang sinasabi niya? Sinong nandito?
"Ano bang pinagsasabi mo? Malinaw naman na dalawa lang tayong nandidito ngayon. You can't fool a person over and over again. Not me." sabi ko dito.
"Malapit na sila, 'wag kang gagalaw, tumayo ka lang diyan at tumahimik ililigaw ko sila." saad nito.
Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Ipinikit ko ang aking mga mata. At pinakiramdaman ang buong paligid. Tama siya, hindi lang kami ang narito. Madami akong naririnig na mga yabag na palapit sa amin.
"'Wag mo siyang pagkatiwalaan, hindi siya karapat-dapat pagkatiwalaan. Ipagkakanulo ka niya."
Huling sambit nito saka tumakbo kung saan, sinunod ko naman ang payo niya. Hindi ko alam kung bakit ngunit may nagtutulak sa akin na pagkatiwalaan ko ito.
Tumayo lang ako at tahimik na pinakikiramdaman ang buong paligid. Tumakbo ang mga ito para sundan ang yabag ng babaeng kausap ko lang kanina. Pito silang lahat. 'Yung iba ay dumaan pa sa tabi ko. May tumatakbo sa direksyon ko ngunit bago pa ako mabunggo nito ay maingat akong humakbang pakaliwa ng hindi nila napapansin.
Pagkaraan pa ay nawala na ang mga yabag, hindi ko na alam ang nangyari. Sumilip ang buwan na natatakpan kanina ng mga ulap lumikha ito ng kaunting liwanag kung kaya'y nahagilap ko pa ang babaeng kausap ko na sumakay sa isang motor.
Dahilan para makatakas ito sa mga humahabol sa kanya. Sa kanya nga ba? O baka naman dapat ay ako iyon? Biglang lumiwanag ang buong paligid, bumalik muli ang liwanag sa mga poste ng ilaw na nakatayo sa gilid ng daan.
Pumihit ako patalikod at nakita ang naglalakad na si Ms. Chua palapit sa akin.
"Anong ginagawa mo dito, hindi pa tapos ang laro nila Alvarez a!" bungad nito sa akin nang makalapit.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan! Anong ginagawa ng isang guro rito...." natahimik siya sa sinabi ko "Hindi ba dapat nasa loob ka ng gym at inaalagaan ang mga talunan mong basketball players?" napangiti naman ito sa akin.
"Mauna na ako." tuloy ko pa saka naglakad pabalik sa gymnasium. Ano nga kaya ang dahilan kung bakit siya nasa labas?
"Dame! Tignan mo o, napakadaya nila. Nasiko nila si Won sa panga duguan 'yung labi niya." bungad sa akin agad ni Lee habang inaact kung paano nasiko si Dae.
Lumapit naman ako sa kinauupuan ni Dae. Nakita ko nga 'yung konting konti lang naman palang cut sa labi niya. Kung makapagsabi naman si Lee ng duguan akala mo naman kung ano.
"Staring is rude!" Reklamo nito agad sa akin.
Umupo naman ako sa katabing upuan niya. Kinuha ko 'yung towel sa tabi ko saka inabot ito sa kanya.
"Pinagpapawisan ka."
"Cause I'm hot!" sagot nito.
Ano daw?
Bumabalik na 'yung self-proclaimed na Dae dae a! Natatandaan niyo ba 'yun 'yung una kaming nagkasama, no'ng mga panahong para siyang bakla kung makaasta? Ngunit pagkaraan ay nagbago ito. Naging seryoso at napakasungit.
"May I see!" hinawakan ko 'yung panga niya at iniharap ito sa akin, sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
Now I can clearly see the color of his eyes it was hazel brown. Nang marealize ko kung ano lang naman 'yung nagawa ko ay agad kong tinanggal ang hawak ko sa mukha niya at napatalikod sa hiya.
Ang panget niya. Promise!
Believe me I'm lying.
"You alright Alvarez?" Lumapit si Abo sa amin. No kay Dae lang pala hindi ako kasali.
"Yeah! T'was nothing. OA lang talaga si Lee." sagot naman nito.
Pumito na muli ang referee at nagsibalikan na 'yung mga players sa loob ng court. Hindi na naglaro pa si Dae. Babawian nalang daw siya ni Lee. Si Abo ang nanguna sa team. Natapos ang laro sa buzzer beater ni Lee. 98-68.
"LETS CELEBRATE!" Sigaw agad ni Lee palapit sa amin. Tumawa lang naman 'yung dalawa. Nagtama ang mga mata namin ni Abo, hindi ko alam kung anong iniisip niya.
"Wag mo siyang pagkatiwalaan, hindi siya karapat dapat pagkatiwalaan, ipagkakanulo ka niya."
Ikaw ba ang tinutukoy niya?
ARK MIYU?
"COUNT ME IN!" Naisigaw ko nalang.
Kung ikaw nga, you're messing with the right person!
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro