Chapter 19 Needs over Wants
"And there you have me again." -L.
Dame Alferza
Nagising ang diwa ko nang makaramdam ng matinding uhaw, pakiramdam ko'y nadehydrate ako at ang pinakakinakailangan ko ngayon ay tubig.
I badly need water.
Iminulat ko ang aking mga mata at sa pagmulat ko ay nasilayan ko ang lugar na kailan man ay hindi ko hiniling makasama. Sino ba naman ang gustong maparito? Ayos pa 'yung magbantay ako ng pasyente kaysa sa ako ang maging pasyente.
Naamoy ko nanaman ang nakakasukang cologne nila. Mabigyan nga minsan ng imported na pabango.
Nalingat lang ang attensyon ko ng mapansing hindi ako nagiisa sa silid. Nakilala ko agad ang lalaking mahimbing na natutulog. Nakaupo ito sa isang monoblock habang nakapatong ang ulo nito sa hinihigaan ko.
Nakilala ko ito sa medyo kulot at itim na buhok niya.
"I thought you're just a plain stupid but now that I saw you walking in the rain, calling you neither stubborn nor stupid is not the right terms to say, you should be called crazy"
Crazy? Matagal na!
Iginalaw ko ang aking kamay ng hindi ko ito maramdaman, nabigla nalang ako ng sa paggalaw ko ay gumalaw din ang ulo ni Dae dae. Nagising ko ata siya, tumungo ito at nanlaki nalang ang mga mata ko ng makitang hawak ng kamay niya ang kanang kamay ko.
"You're awake, anything you want?" Tanong nito kaya naman napunta sa kanya ang tingin ko. Ngumuso naman ako.
Nangunot ang noo niya "I can give you anything, except that," sagot nito. Ako naman ngayon ang nangunot ang noo. Ngumuso muli ako.
"I said I won't give you a kiss!"
Halos mamilog naman muli ang mata ko sa sinabi niya. Teka ang buong akala niya halik galing sa kanya ang hinihingi ko?
Kung makakapagsalita lang sana ako ng hindi nangangamba sa amoy ng hinga ko kanina ko pa ito sinigawan! Ngumoso ako sa huling pagkakataon pointing my hand na hawak niya!
Nang marealized niya kung anong nais kong iparating ay bigla naman niyang iwinaksi 'yung kamay ko. Aray tangina! May tumusok, pumasok ata 'yung buong karayom.
"Sorry! You want water?"
Tumingin ito sa maliit na lamesa at nakitang wala ng laman 'yung bottled water na naroon. Tumingin siya sa water dispenser. Saka umiling!
"I don't trust that dispenser! Wait for me, malapit lang naman 'yung convenience store." sabi nito sa akin.
Tumango lang ako bilang tugon. Pagkaalis niya ay napagpasyahan kung maupo ngunit agad kong naramdaman ang katawan kung tila ba binugbug ng sangkaterbang lion.
Ganoon pa man ay pinilit ko paring maupo, napansin kung nagdurugo na ang kanang kamay ko. Iniangat ko naman ito palapit sa mukha ko para makita kung anong dahilan ng pagdurugo.
Bwisit kang karayom ka! Pwinersa kong tinanggal ito, napasinghap naman ako ng makaramdam ng hapdi mula rito. Nilisan ko ang higaang kinahihigaan ko kanina at tinungo ang Cr.
Pagdating ko doon ay agad akong nagmumog ng ilang beses. Pagkaraa'y lumabas din at nagtungo sa side table nang makita ang naiwang cellphone ni Dae.
Pagbukas ko dito ay nakitang kailangan ng password. Sinubukan ko ang 1234 at sa maniwala man kayo o hindi 1234 nga ang code kaya naman nabuksan ko ito dinail ko agad ang numero ni Asp.
Nakailang ring na walang paring sumasagot. Isa na lang pag 'to di pa sumagot makakatikim ang cellphone na ito. Ipapameet ko siya sa wall ng silid na 'to.
Pagkaraan ng ilan pang ring ay sinagot naman na niya.
"Asp it's me Dame. Pabili nga akong toothbrush samahan mo na din ng mouth wash." bungad ko dito.
"Finally you're awake, I'm sorry D kung hindi kita nasundo, actually I'm on my way papu--"
"Ibili mo ako ng mga sinabi ko! mamaya ka na magdrama, babatukan pa kita!" Putol ko dito saka pinatay ang linya. Inilapag ko na muli ang cellphone sa lamesa at tinungo ang kalapit nitong bintana.
Nakaramdam ako ng lamig sa talampakan ko, ngayon ko lang naramdamang wala pala akong sapin sa paa. Hinawi ko ang kurtina saka binuksan ang bintana.
Sumalubong agad sa akin ang malamig na simoy ng hangin, halos masuffocate ako sa hanging nakakulong dito sa loob. Hindi sinasadyang nahila ko 'yung kurtina dahilan para malaglag ito mula sa pagkakasabit.
Kinuha ko naman ito. Peste napaka sensitive itapon kita sa lab..
"WHAT ARE YOU DOING!"
Nagulat nalang ako ng makarinig ng yabag palapit sa akin at yakapin ako ng taong iyon. "You are really crazy! I told you to wait ano nanamang ginagawa mo, balak mo pang tumalon diyan sa bintana! "
Ano daw? Binuksan ko lang naman 'yung bintana tapos kinuha ko lang naman 'yung kurtinang nahulog. Anong akala niya tatalon ako't tatakas?
Hindi parin niya tinatanggal ang mga bisig niyang nakayakap sa bewang ko trapping my both hands.
Hindi parin ako nagsasalita antayin ko pa 'yung mouth wash at toothbrush ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
'Yung totoo kailan siya bibitaw sa pagkakayakap sa akin? Masyado siyang nawiwili sa pagback hug huh! Hindi porket maganda ako ganyan na siya umasta.
Nabaling lang ang atensyon namin sa pagbukas ng pinto at iniluwa noon si Asp na nanlalaki ang mga mata nalaglag pa nito ang hawak hawak na plastic laman siguro ang mga pinabili ko. May nakasunod pa pala rito, 'yung dalwang ugok!
Agad akong binitawan ni Dae, sa pagbitaw niya'y naramdaman kong parang nanakit ang buo kong katawan. Dala siguro ng mahigpit niyang yakap nanginginig ang mga tuhod ko dahilan para ma-out of balance ako at mapaupo.
Again! masakit 'yun! Hindi man lang ako tinulungan nito, si Asp pa ang lumapit at tumulong sa akin upang makatayo.
"You okay?" You okay, you okay ka pa a! Kasalanan mo ito e, kung sinundo mo lang sana ako ng hapong iyon. Hindi ako mapupunta sa hospital na 'to.
Nang makatayo ako ay naglakad ako palapit sa dalawang ugok. "Come on Dame let me give you Yakapsul," he opened his arms for me, baka gusto niyang gawin ko siyang pasyente? Sinamaan ko lang ito ng tingin.
"Sorry Lee she didn't want you, hey! Ms. Alferza how 'bout I give you kisspirin?" Tangina ka talagang Abo ka! I raise my middle finger. Natahimik naman silang lahat ngunit si Abo ay napangisi. Ngayon na nga lang niya ako kakausapin ganyan pa ang sasabihin.
Yumuko ako para kunin ang nahulog na plastic bag ni Asp at saka tinungo ang Cr. Matapos kong makapag-toothbrush at mouthwash ng dalawang ulit ay lumabas na ako. Nakaramdam muli ako ng uhaw.
Nakita ko ang hawak hawak na bottled water ni Dae kaya naman lumapit ako sa kanya. Nagtaka naman ito sa inakto ko. Ipinagsawalang bahala ko lang naman iyon saka kinuha mula sa pagkakahawak niya iyong tubig.
Tinungga ko 'yun ng dirediretso, ubos! Napahinga naman ako ng maluwag. Napansin kong inaayos ni Abo 'yung kurtinang nadali ko kanina. Nakahiga naman si Lee sa hospital bed.
"Ba't mo tinaggal 'yung dextrose mo? Napakapasaway mo talaga kahit kailan!" Sermon sa akin ni Asp nang mapansin ang kamay ko.
"Call her crazy, what she did is not a form of pasaway!"
"Ikaw kaya lagyan ko ng dextrose ha? Alam mo ikaw Dae dae, kanina ka pa e, baka gusto mong--"
Bumukas ang pinto bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Kaya naman napunta doon ang atensyon ko.
"Where's the patient?" Tanong ng magaling na doctor. Doc. Don't you worry I am a hundred percent okay!
"Over here Doc." Papansin naman 'tong Dae dae na 'to! Napatingin sa akin 'yung doctor nangunot yung noo nito.
"Where's your dextrose? You're not yet allowed to roam around or even walk, go back to bed I'll just go get another one." sabi nito saka lumabas. Umalis naman si Lee sa pagkakahiga sa hospital bed at sinenyasan ako nitong mahiga doon.
'Wag mong sabihing kakabitan nanaman ako ng karayom? I much prefer bullet than that! Tumingin ako kay Asp gamit ang nangungusap kong mga mata with pouted lips.
"No, D. Hindi mo ko madadaan diyan, go back to that bed and let the doctor do what he said!"
Dinoble ko ang pagpikit-pikit ng mga mata ko. "No!"
"Don't tell me Dame you're afraid of needles?" Nakakapikong sambit ni Lee. Narinig ko naman ang pigil na pagtawa ni Dae dahil kalapit ko lang ito hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pagngisi ni Abo.
Hindi ko sila pinansin tumingin nalang ulit ako kay Asp. "Look Asp, malakas na ako o, uwi na tayo hindi ko kailangan 'yun mas lalo lang sasama ang lagay ko niyan!" Pangungumbinsi ko rito habang sumusuntok pa sa ere. Bigla muling bumukas ang pinto and here comes the great doctor.
"Doc ano bang sakit ko?" Tanong ko dito. Kasi hindi naman ako sinisipon ni inuubo. Wala din akong lagnat. Kinapa ko ang leeg ko mainit nga lang ako.
"Over fatigue." saad lang nito.
Over fatigue? Ano bang pinaggagawa ko lately para maover fatigue wala naman a. Maayos na nga ang pakiramdam ko. Mas umayos no'ng tinaggal ko 'yung bwisit na dextrose na 'yan.
"Doc. I think you're wrong. Okay na po ako pwede na nga akong lumabas ngayon e, asikasuhin niyo nalang po 'yung mga mas malala ang lagay na pasyente niyo. 'Yung mga may cancer 'yung gano'n ba hindi 'yung tulad kong hot lang." sagot ko dito. Sumuntok suntok pa muli ako sa ere saka nagtatalon.
Maayos na sana ang lahat ng mandilim muli ang paningin ko hindi ko. Tumigil ako sa pagtalon. Kinakapos nanaman ako sa hangin.
I NEED AIR!
Naglakad ako palapit sa bintana kung saan nakapwesto si Abo. Tangina nandidilim na talaga ang paningin ko. Nang makalapit ako dito ay agad akong humawak sa bintana bubuksan ko na sana ng naramdaman ko nalang na may sumalo sa akin at tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang paningin ko.
"D!"
"DAME!"
"DAMEEE"
"FUCK!"
***
Nagising muli ang diwa ko ng makaramdam ng gutom. Iminulat ko ang aking mga mata at napansing nandito parin ako sa pesteng hospital na ito.
Kukusutin ko sana ang mga mata ko ng hindi ko maitaas ang kanang kamay ko.
Laking gulat ko nalang ng makitang nakahandcuff ang kanang kamay ko. Hahawakan ko sana yung handcuff gamit ang kaliwang kamay ko ng pati ito'y hindi ko din maitaas.
Mas domoble ang gulat ko ng makitang pati ang kaliwang kamay ko ay nakahandcuff din at ang masaklap may nakakabit na dextrose mula rito.
Paglabas ko talaga sa hospital na ito. Bubutasin ko yung gulong ng sasakyan ng doctor na iyon ng maranasan din niyang matusok at maramdaman kung gaano kabwisit makabitan ng dextrose.
"UGHHHHH! I HATE YOU ASP!"
"Stop shouting!"
Napatingin naman ako sa may mahabang upuan at nakita doon si Abong nakahiga. Akala ko walang tao dito, bumangon siya at umupo mula sa pagkakahiga. Asan ba 'yung iba? 'Wag mong sabihing iniwan nila ako sa lokong Abong 'to?
Nagisip ako ng pwedeng gawin para matanggal 'tong pesteng handcuffs na 'to.
"Psst!" tawag ko. Tumingin naman ito sa akin. "Nauuhaw ako." sambit ko rito.
Lumapit naman siya sa akin saka kumuha ng baso atsaka lumapit ito sa water dispenser. Napangiti naman ako dahil ang buong akala ko ay tatanggalin na niya 'yung handcuffs sa mga kamay para makainum ako. Ngunit hindi iyon ang ginawa niya.
Hinawakan lang naman niya ako sa baba saka inilapit 'yung baso sa bibig ko. Imagine si Abo to ah! Wala naman akong ibang nagawa kundi uminom. Halos pati baso lunukin ko na din sa inis e.
"Asphere have warned me not to let you off, of that handcuffs!" Sabi nito sa akin saka bumalik sa pagkakaupo. Humanda ka talaga sa aking Asp! Susunugin ko 'yung condo mo magpapakulo ulit akong karne.
"Dapat pala si Lee nalang naiwan, uto uto minsan 'yun e." bulong ko narinig ata niya.
"Actually, he volunteered na magpaiwan. But Alvarez disagreed. Now I know why." hindi lang pala siya alisto matalas din ang pandinig niya.
"Saan ba sila pumunta?" Tanong ko hindi ito lumingon sa akin instead ay sa cellphone niya siya nakatingin. Nanunuod nanaman sigurong porno 'yan!
"Asphere, get some of your stuffs while Alvarez and Lee buy some food for lunch." saad nito.
"Pwede namang kayo ni Lee bumili ah! Bat kailangang si Dae pa?" Diba?
"I don't have enough money as well as Lee, and Alvarez didn't want to entrust his card to us."
Ay sabagay. Paano mo ba naman kasi ipagkakatiwala ang card mo sa lalaking 'to, 'yung isang libo ko nga hindi pinalampas. Atsaka kailan pa nawalan ng pera si Lee?
"Nakanino 'yung susi?" Pagkaraan ay iyan ang naitanong ko. Sumasakit na kasi 'yung kamay ko sa kakapwersa kong tanggalin 'tong bwisit na handcuffs na 'to.
"I have it!" nangiti naman 'yung tenga ko sa sagot niya. Umisip ako ng paraan para maisahan siya.
"Ark!" Tawag ko dito nabigla naman ito sa kanyang narinig dahilan para mapatingin ito sa akin.
"Ark! Alam kong hindi maganda 'yung relasyon... no don't get me wrong.. what I mean is 'yung naging samahan natin. Kaya pwede ba tayong makapagsimula muli?" Nangunot naman 'yung noo niya sa sinabi ko ipinagpatuloy ko lang ang pagsasalita.
"Maayos ka namang kasama! Actually mabait ka nga e, at syempre gwapo ka din ay meron pa pala matalino ka din. Sabi nga first impressions do change. Kaya kung mamarapatin mo ay pwede ba nating simulan ang pagkakaibigan natin ngayon?" Diretso na ang pagkakatingin nito sa akin.
"Kung pwede sana simulan natin ito sa pagtanggal mo sa handcuffs na 'to kasi gusto kong makipagshakehand sayo alam mo 'yun as sign of a new beggining? New friendship?" napailing naman siya sa sinabi ko. Itinuon muli niya ang kanyang attensyon sa cellphone niya.
"Uy! Abo sige na 'pag 'to tinangggal mo kakalimutan ko na lahat ng sama ng loob ko sayo. 'Yung muntik mo ng pagbundol sa akin, 'yung pagnakaw mo sa isang libo ko, tapos 'yung mga pangaasar mo gamit 'yang mga nakakabwisit na ngisi mo." Umiling muli ito sa akin.
"BWISIT KANG ABO KA TALAGA!" Iling lang ulit
"SIGE NAMAN NA O! KAKALIMUTAN KO NA TALAGA LAHAT NG MGA GINAWA MO SA AKIN!" Hindi talaga niya ako pinapansin.
"ABO! NAPAKAHIRAP MO NAMAN PAKIUSAPAN, SINABI NA NGANG KAKALIMUTAN KO LAHAT NG ATRASO MO SA AKIN E!"
"TIGNAN MO NAMAN AKO!"
"PAGTINANGGAL MO 'TO KAKALIMUTAN KO NA DIN 'YUNG PAGKUHA MO SA VIRGINITY KO!"
Biglang bumukas 'yung pinto, nakita ko agad ang pagngisi ni Abo. Paktay na!
"MAY NANGYARI SA INYO?" Kahit kailan talaga 'tong bunganga ni lee walang naitutulong.
"D TELL ME! GINALAW KA BA NG LALAKING 'TO!" tinuro pa niya si Abo niyan ah. Si Abong nangingiti lang ang ginagawa.
"Something happened between the two of you?" Matapos sabihin 'yan ni Dae ay umalingawngaw ang tawa ni Abo sa buong silid.
Nasabi ko na ba sa inyo na kapag si Abo ang tumawa ay hindi ito nakakainis kundi nakakahawa? Kaya naman pati ako ay hindi napigilang tumawa kasama siya.
How can an embarrassing moment that anyone would wish upon a star to forget turned into an unforgettable event that no one will dare to forget?
I wanted to get out of this room. But I think, I do need to stay.
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro