Chapter 17 Bundle of Joy
"Willingly ready to be read, come on Darling."-E.
Dame Alferza
"Lee enough! lasing kana!" Awat ko kay Lee.
"Shut up! Dame, it's my day! We're supposed to enjoy and have some fun!" Maayos pa naman ang paraan ng pagsasalita niya. Hindi pa siya lasing OA lang talaga ako.
"Supposed to have some fun? eh kung painumin niyo din kaya kasi ako!" Reklamo ko naman paano ba naman tuwing tutungga ako laging kinukuha ni Dae. Ayaw nila akong painumin.
Tinapik ako ni Abo sa kaliwang kamay ko. Pagtingin ko sa kanya inabutan naman niya ako ng glass alam niyo kung anong laman?
"WINE!!!!!! Gusto ko ng wine! Hindi juice!" Bulyaw ko naman sa kanya napangisi lang ito, 'tong isang 'to halata ng lasing! Ang lakas niya uminom.
Napatingin naman ako sa gawing kanan ko, kay Dae. Nagloose na 'yung necktie niya. Isa din 'to e, lasing na din. Mga lalaki nga naman talaga!
"Uuwi na ako bahala na nga kayo sa buhay niyo!" Akmang tatayo na sana ako ng hawakan ng dalawang mokong ang magkabilaan kong kamay! Saka nila ako hinila muli paupo.
Iwinaksi ko naman ang mga kamay nila, saka aburidong napaupo. Tinawanan lang nila ako saka muling itinuon ang atensyon sa paginum ng alak! Humanda talaga kayo sa akin mamaya!
Nakipagtitigan lang ako sa baso ng juice sa loob ng ilang minuto. Nagtatalo ang aking isipan kung iinumin ko ba o hindi. Naglayag muli ang aking isipan patungkol sa nangyari kanina, bakit ba sa tuwing napapahamak ako nitong mga nakaraang araw laging to the rescue 'yung lalaking 'yun?
It bothers me! He's bothering me!
How did he know na dito ang punta ko? Alam kung wala akong binanggit sa kanya na dito ako pupunta. Kilala ko ba siya? O baka naman kilala niya ako? Baka naman magkakilala kami? Isss 'wag ko na nga munang isipin 'yun. Isipin ko muna kong paano ko babawian 'tong tatlong 'to.
Nagulat nalang ako ng biglang tumayo si Lee at nagsasayaw na para bang baliw! Lumapit pa ito kay Dae bigla namang nagbago ang istilo ng sayaw nito nagsayaw siya sa harap ni Dae ng sexy dance tangina! Naaliw ata si Dae dahil tumayo din ito.
Lumapit ako kay Abo at kinapa sa loob ng coat niya ang kanyang cellphone dahil sa kanilang tatlo ay si Abo ang may cellphone na walang password. Malamang siya palang naman nakikitaan ko ng phone e'.
Matapos kong makuha ay kinuhanan ko sila hindi naman kasi umangal si Abo ng kunin ko ang cellphone niya kaya nakuha ko ito ng madali.
Nagsimula nang gumiling si Dae takte hindi ko alam kung masusuka ba ako o kung matatawa ako sa pinaggagawa nilang dalawa.
Halos malaglag ko 'yung phone sa kakatawa! Napansin ko namang pati si Abo ay tumayo na nakisama siya kila Dae at Lee na ngayon ay magkayakap na habang sumasayaw.
Pinaghiwalay niya 'yung dalawa saka siya naman ang pumalit sa pwesto ni Lee. Si Lee na ngayon ang walang kapartner.
The best tangina!
Nakayakap 'yung dalawang kamay ni Dae sa waist ni Abo habang 'yung mga kamay naman ni Abo ay nakapulupot sa leeg ni Dae. Nakakasuka. Hindi ata bala ng baril ang ikamamatay ko.
Dame Alferza
Cause of Death
Too much Laughter!
Itinuon ko muli ang tingin ko sa kanilang tatlo. Pinipilit paghiwalayin ni Lee 'yung dalawa.
"Ark le--t go of m-y Wo--n"
"NO" sigaw naman ni Abo "You, s-e's ---mine!" Dugtong pa nito.
Tahimik lang naman si Dae. Ninanamnam ang bawat sandaling magkayakap sila ni Abo, hindi ko lubos akalain na masisilayan ko ang ganitong pangyayari.
Nakaramdam ata sila ng matinding pagkahilo kaya naman napagdesisyonan nilang maupo na muli.
Sariwa parin sa aking isipan ang mga kababalaghang ginawa nila. Akala ko kay Asp ko lang masisilayan ang ganitong sitwasyon higit pa pala doon ang makikita ko.
"W-on br-o why--are you- ac-ting so s-trange- late--y?" O daldalan time na. Ngunit ng matapos makapagsalita nito ay bagsak na.
"Juztin- you're-right man! She's oamaijxspajn" ano daw? Bagsak na din si Dae e.
Tumingin naman ako sa kaliwa ko at nakitang titig natitig si Abo sa baso ng alak na hawak niya! Sa pagkakaalam ko si Abo ang unang tinamaan ng alak ngunit bakit nauna pa 'tong dalawang bumagsak?
Naramdaman niya atang nakatingin ako sa kanya kaya naman lumingon siya sa akin dahilan para magtama ang mga tingin namin. Napunta sa akin ang mga titig niyang para bang nagtatanong.
At naghihintay na may sabihin akong isang salitang makakapagpanatag sa kanya, kaya lang hindi ko alam kong anong salita ang dapat bigkasin.
Walang nagtangkang umimik sa amin. Nakakapangilabot ang mga titig niya, hindi ko mabasa ang expresyon ng kanyang mga kulay abong mata. Ngayon alam ko na kung bakit ako laging inaapi ni Asp sa tuwing magrereklamo ito, dahil hindi daw niya mabasa ang mga mata ko.
Paano ba nga naman mababasa ang mga mata kung hindi naman ito libro para basahin?
Pagkaraan ay iniabot niya sa akin ang isang basong hawak niya. Napakunot noo naman ako sa inakto niya.
"Want some?" Alok niya aabutin ko na sana ng bigla siyang matumba diretso sa kaliwang balikat ko at ang masaklap! Pati 'yung alak natapon sa akin!
TangiiiNa!
Itutulak ko na sana siya gamit ang kanang kamay ko ng mabigla ako dahil hinawakan iyon ni Dae. Napatingin naman ako sa gawi niya.
He keeps on murmuring words that was uttered unclear! Ano ng gagawin ko? Nagsiuwian na din 'yung mga bwisita ni Lee. Malapit nadin kasing mag hatinggabi. May lumapit na katulong sa amin.
"Ma'am kailangan n'yo ba ng tulong?" Sasagot sana ako ng oo ng maalalang lugi ako 'pag ganoon. Kaya naman umiling ako bilang tugon umalis naman agad 'to.
Tinanggal ko 'yung ulo ni Abo na nakasandal sa akin. Itinulak ko iyon sa gawing kaliwa niya, kailan pa ako naging gentle? Gago ka talagang Abo ka basa na ang damit ko.
Matapos ko siyang maitulak, kay Dae naman ngayon. Tinanggal ko 'yung kamay niyang nakahawak sa'kin saka ako tumayo.
Pinagmamasdan ko na ngayon ang pwesto nila. Si Lee bagsak ang ulo sa lamesa habang nakaupo sa single sofa.
Si Abo naman halos malaglag na sa sofa, samantalang si Dae naman nakasandal na ngayon sa sofa pikit ang mga mata! Tinanong ko 'yung isang kasambahay, kung saan ang kwarto ni Lee at ang mga guest rooms na pwedeng tulugan.
Inakay ko si Lee patayo! Kahit papaano naman ay concern din ako.
"You're --the -reas--"
"WAG KA NGANG MAINGAY!" Sigaw ko natahimik naman ito.
Halos matalisod siya sa hagdanan, tuwang tuwa naman ako. Pagdating namin sa kwarto niya binagsak ko siya sa higaan niya, agad naman itong dumapa yakap yakap ang unan niya. Lumabas naman na ako pagkatapos.
Pagdating ko sa labas si Abong nasa sofa kanina ay tuluyan nang nahulog. Tangina kasaya naman ng ganito! Nilabas ko 'yung phone niya saka siya kinuhanan, this time wala ng flash natuto na ako.
Si Dae nakasandal parin at maayos ang pagkakaupo nito, sino kayang uunahin ko?
A. Si Dae na maayos ang pagkakaupo?
B. Si Abong nakahiga na sa lapag?
Kung si Dae dae ang pipiliin ko mas mapapatagal pa ang pagkakahiga ni Abo sa lapag kawawa naman siya.
Kung si Abo naman ang uunahin ko walang kaso 'yun kay Dae dahil maayos naman ang pwesto nito.
Matapos kung makapagdesisiyon ay lumapit na ako kay-Dae dae manigas kang Abo ka!
Inakay ko ito, dumilat naman siya sandali para siguro aninagin kung sino ako. Maingat siya sa paglalakad sa hagdan hindi siya masiyadong natalisod gaya ni Lee.
Pagdating namin sa kwarto ni Lee. Yeah! Nakapagdesisyon akong pagsama samahin sila sa iisang higaan at tsaka may balak pa akong isa malalaman nila kinabuksan!
Hinila ko muna 'yung yakap yakap ni Lee na unan saka pinahiga si Dae, kakahiga palang nito ay niyakap na siya ni Lee akala siguro niya unan.
Pagdating ko muli sa baba ay nakita ko paring mahimbing ang tulog ni Abo sa lapag kaya naman umupo muna ako sa sofa, saka sandaling nagpahinga napagod din ako syempre!
Ano kayang problema nito at naisipang magpakalunod sa alak? Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya alam kung maingat ito sa mga galaw at sa aktong pinapakita niya sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Ngunit ngayong gabi ay tila ba hinayaan nitong makita ng iba kung ano at sino talaga siya.
He's now like an opened book.
Mga ilang minuto pa ang nagdaan saka ako tuluyang lumapit kay Abo para makatulog na ito ng maayos kasama sila Lee at Dae.
Hahawakan ko na sana siya sa kamay ng hilain ako nito dahilan para matumba ako, naitukod ko naman agad ang kanang kamay ko para hindi ako bumagsak sa kanya.
Tinanggal ko 'yung pagkakahawak niya sa akin saka tumayo ng maayos. Sinipa ko naman ang tagiliran niya dahilan para magpasigaw ito.
"FUCK!"
"Fuck yourself dude. "Balik sigaw ko naman, pagkaraan lang ay tulog na naman ito.
Hinila ko 'yung kamay niya para sana maitayo ito kaya lang ang gago ang bigat, o baka naman nagpapabigat lang? Hinila ko muli siya hanggang sa maitayo ko na siya, matutumba na sana siya ng pumyesto agad ako para makasandal siya sa akin.
Napangisi nalang ako, aalis sana ako sa pagkakatayo sa tabi niya para matumba nga ito ng hawakan naman niya agad ako sa bewang ko. Parang alam naman niya 'yung mga plano ko ah! Tulog ba talaga ito?
Naglalakad na kami ngayon sa hagdanan, bigat niya ah! Halos masama akong natatalisod!
"PAG 'DI KA UMAYOS ILALAGLAG KITA MISMO DITO SA HAGDANANG ITO!" sigaw ko. Hindi naman siya umimik.
Nakarating na kami ngayon sa kwarto ni Lee. Nagulat pa ako nang makitang magkayapos na sila ni Dae dae. Bumigay na ata! Tinulak ko siya sa kama, na out of balance naman siya nagdirediretso sa floor ulit.
Tangina bawing bawi!
Lumapit ako sa kanya para tulungan itong makahiga sa kama! Matapos maihiga ng maayos. Tinignan ko silang tatlo.
Magkayakap 'yung dalawa maayos namang nakahiga si Abo. Tinanggalan ko sila ---ng sapatos. Pinaghiwalay ko naman 'yung dalawa mula sa mahigpit na pagkakayakap.
Ang pinagyakap ko, ay 'yung dalawang hindi maganda ang relasyon. Pinagharap ko silang dalawa, ipwinesto ko 'yung kanang kamay ni Dae sa bewang ni Abo gano'n din ginawa ko sa kaliwang kamay ni Abo.
Matapos ay pinagpatong ko din 'yung mga paa nila. Pagkatapos kong mailagay ay gumalaw ang dalawa, akala ko magigising na sila 'yun pala naghilaan silang dalawa palapit. Takte!
'Di kayo na! inilabas ko muli ang cellphone ko saka kinuhanan silang dalawa. Nakipag selfie pa ako, Pang wallpaper, sinend ko 'yung mga videos at pictures sa phone ko.
Hindi na din ako nagabalang burahin pa para naman may copy din siya sa mga kabaliwan nila. Matapos ay ibinalik ko na sa coat ni Abo 'yung phone niya. S'an ako matutulog niyan? Sa guest room nalang pala.
Hindi ako makatulog simula pa nang pumasok ako sa guest room. Madaling araw na ng mapagpasyahan kong lumabas ng bahay at magtungo sa hardin ng bahay no, scratch that! malayo na sa salitang bahay ang mansyong ito.
Naupo ako sa upuan sa loob ng gazebo. Hindi ko parin maisip kung sino ang mga nasa likod ng lahat ng nangyari sa akin bago ko marating ang mansyong ito.
Bukod sa matandang napicturan ko ilang araw na ang nakalilipas. Ano ba ang kailangan niya mula sa akin at nais niya akong patayin? Pumalya na ba ako?
Nalabag ko pa ang prinsipyo niya? Nayurakan ko ba ang dignidag niya? O baka naman ako'y isang hadlang sa mga nais niyang makamtan? Nagulat nalang ako ng may lumapit na matandang babae sa kinauupuan ko.
"Hindi ka ba makatulog iha? At nagawi ka rito sa hardin?" Sambit nito.
Puti na ang kulay ng mga buhok niyang maayos ang pagkakasuklay. Kulubot na din ang balat niyang kayumanggi ngunit hindi mo maitatangging isa siyang magandang dilag ng kapanahunan niya.
"Hindi ho kasi ako nakapagpaalam sa aking mga magulang na dito po ako magpapalipas ng gabi, dahil naiwan ko ho ang aking telepono." sagot ko rito.
Ang totoo niyan nagaalala din ako kay Asp kung ano man ang iniisip niya ngayon! Hindi ko naman siya makontak dahil wala nga naman 'yung cellphone ko.
"Ganoon ba iha! Ito." inabot niya sa akin ang keypad niyang cellphone" pagpasensiyahan mo lang dahil hindi ito tulad ng mga cellphone na ginagamit ngayon ng mga kabataang tulad mo." saad pa muli nito.
Napangiti naman ako dahil doon hindi ko lubos maisip na ang matandang tulad niya ay mangangailangan pa ng bagay na ganito. Kinuha ko naman iyon matapos ay tinawagan ko na si Asp ilang ring lang ay sinagot naman na niya ito agad.
Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa, "DADDY! Pasensya na ho dad kung hindi ako nakapagpaalam kanina na dito ako magpapalipas ng gabi." bungad ko agad.
"What? D what are you saying, I'm not your Dad!" Sagot niya pinipigilan ko naman ang pagtawang nais kumawala sa mga labi ko.
"DADDY! Sunduin niyo nalang po ako dito. Saktong alas syete ng umaga! Alam niyo naman po kung nasaan ako hindi ba? dito po sa Hacienda Lee sa lugar ng Senidal. Sige po dad salamat po bye bye love you dad!"
Pinutol ko na ang linya bago pa siya makapagsalita. Ibinalik ko naman na ang cellphone ni lola. Nagusap pa kami tungkol sa mga bagay bagay tulad ko din ay hindi din daw siya makatulog.
"Matagal na panahon na akong naninilbihan sa pamilyang ito, hindi na nga rin ako nakapagasawa ng dahil doon ngunit hindi ko kailan man naranasang makaramdam ng panlulumo sapagkat naging sapat ang pagmamahal na ipakita nila sa akin," kwento nito, hindi ako nagsalita tahimik lamang akong nakikinig sa mga salitang bininigkas niya.
"Sino ba naman ang hindi makokontento sa isang pamilyang naguumapaw ang pagmamahalan at kasiyahan? Pamilyang hihilingin ng bawat isang makamtan. Bata palang si tintin ay ako na ang nagalaga sa kanya sapagkat laging wala--" ayoko mang sumabat ay hindi ko magawa lalo na't hindi ko alam kung sino si tintin.
"Sino ho si Tintin?" Tanong kong nakapagpatawa sa kanya. Katulad siyang tumawa ni nanay Carmelita, napakasarap nitong pakinggan.
"Si Juztin ang tinutukoy ko iha, Tintin na ang nakasanayan kong itawag sa kanya kahit na ayaw na ayaw niya rito dahil para ko daw siyang ginagawang babae pag iyon ang itinatawag ko sa kanya. Napakapasaway niyang bata. Natatandaan ko pa noon nang pinagalitan siya ng mama niya, dahil pinakealamanan nito ang kompyuter nito. Hindi na ito mabuksan pa, tawa lang siya ng tawa noon ngunit pagdating ni sir ay agad siyang pumwesto sa harapan ng kompyuter at saka nagsimulang pagtapik tapikin ang mga numero at letra. Nang matapos ay nabigla sila maam at sir dahil daw nagawa niyang ibalik sa ayos ang kompyuter. Para sa batang tulad niya na ang taon ay pito lamang ay masasabi kong matalino ang alaga ko." nakangiti nitong kwento.
Nagbabalik tanaw sa mga nangyari higit dekada na ang nagdaan. Kung ganoon may itinatago palang hacker skills 'tong Lee na 'to masubukan nga minsan kung hanggang saan ang kaya niya.
Hanggang sa dinalaw na din ako ng antok at nagpaalam ng matutulog ngunit sumabay din ito sa akin papasok.
***
Nagising ako sa mga nililikhang kalabog ng mga taong nasa labas ng pinto ng kwarto kung saan ako nagpalipas ng gabi. Hindi ko pa man lubusang nabubuksan ito ay alam ko na kung sino ang mga sasalubong sa maganda kung umaga at makapagpagaganda pa.
Nagunat-unat pa muna ako, saka bumangon at tinungo ang daan patungo sa veranda. Sumalubong agad sa akin ang sariwang hangin hatid ng bagong umaga. Suot ko parin ang dress na bigay ni Dae dae. Napakaaliwalas ng buong paligid napakaganda din ng kalangitan sa pagsilip ni haring araw ay mas gumanda pa ito.
"FUCK! DAME OPEN THE GODAMN DOOR!"
"PAG 'DI MO TO BINUKSAN, SINASABI KO NA SISIRAIN KO 'TONG PINTO KAHIT MAGALIT SA AKIN SI MOMMY!"
Ipinagsawalang bahala ko lang ang mga sigaw nila. Sa halip ay tumuloy muli ako sa pagkakahiga. Hindi parin natigil ang sigawan sa labas, may spare key naman siguro hindi ba? Instead na magdada sila ay bakit kaya hindi nalang nila kunin ang mismong susing makapagbubukas sa pinto nang sa gayon ay makapasok sila?
"FUCK JUZTIN! Kunin mo yung spare key?"
"OO NGA NO?"
Sa wakas! Naisip din nila ang naisip ko, narinig ko mula rito ang mga yabag ng paa pababa sa hagdanan.
"You're really an idiot" Narinig kung sambit ni Abo.
Ngayon ko lang narinig ang boses niya. 'Di tulad ng dalawa kanina na halos marindi ang dalawang tainga ko sa mga sigaw nilang daig pa ang mga tili ng babae.
Narinig ko muli ang mga yabag na palapit sa kwartong kinahihigaan ko. Nag-unat akong muli saka inayos ang mga gamit ko. Hindi ko na isinuot ang sandals na may mataas na hills dahil alam kung hindi na kakayanin pa ng paa ko.
Nagtungo ako sa banyo at kumuha ng mga toiletries na siguradong magiging dahilan ng pagkadulas at pagbagsak nila.
Matapos kong kumuha ay inilagay ko na ito sa lapag kaharap ng pinto binuhos ko lahat doon. Isipin niyo ng ako'y isang baliw sa mga pinaggagawa ko wala akong pakealam dahil iba ang hatid na saya ng mga ginagawa kong ito.
Tinungo ko muli ang veranda at sakto sa pagbukas ng pinto ay ang pagtalon ko pababa mula rito. Hindi na ako nagabala pang makita ang mga katangahan nila. Narinig ko mula sa baba ang mga kalabog at hiyaw nilang 'di mawari.
Tumingala ako sa itaas at nakita ang mga mukha nilang para bang luging lugi. Kalat kalat sa buong katawan nila ang mga liquid toiletries na pinaghalo-halo ko.
Magulo ang mga buhok nila. At kusot kusot na din ang mga suot nilang mamahaling suits. Wala naman sigurong mas malalang nangyari sa pagitan nilang tatlo bukod sa yakapang nasilayan ko kagabi?
Kinawayan ko sila saka tinungo ang daan palayo patungo sa labas dahil ano mang oras ay dadating na din ang Daddy ko. Naririnig ko parin ang sigaw at mura nila, napapangisi naman ako dahil doon.
Words aren't enough to define how happy I am right now. I've been longing for happiness, who knows for how many years now. I lost counts since that happened.
Hindi ko lubos akalain na sa tatlong ugok ko iyon muling matatagpuan. I told myself once, Asphere is enough. But now look at me, look how happy I am with those Three Bastards. Is it bad to ask for more?
I know this happiness wouldn't last forever. And the least thing I can do right now, is to cherish each moments with them.
And for those who wants to pull me down. Bring it on.
I got enough of holding back, let me give you much of what you want.
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro