Chapter 16 Helmet Guy
"You looked good, better if we're together."-B.
Dame Alferza
Nagising ako bandang alas singko ng hapon. Nakatanggap kasi ako ng mensahe galing kay Lee ipinapaalala nito 'yung birthday niyang gaganapin mamayang alas otso ng gabi. Nagtext din pala ito sa akin.
From : Pugad
Dame okay lang kung wala kang gift sa akin, nag-e-expect lang naman ako.
Oh diba! May oras pa naman ako para bumili.
Hindi na ako nag-abala pang magbihis, dumiretso agad akong mall, pagtapak ko palang sa mall, lahat ay nagtitinginan na sa akin. Humarap naman ako sa glass wall para makita kung anong mali sa akin.
Maliban sa suot kong over size na damit at jersey short ni lebron isama mo na din ang beachwalk na suot kung tsinelas ay wala naman ng ibang kakaiba sa akin.
Nakamessy bun din pala ang hanggang balikat at medyo curly black hair ko. Nagmumog din naman ako bago pumunta rito, imposible namang maamoy nila ang hininga ko sa layo ng agwat imposible, napapailing kong naisip.
Nagtuloy lang muli ako sa paglalakad ignoring their stares. Dumiretso ako sa may bilihan ng relo.
"Magkano 'to?" Turo ko sa silver na relo.
"Actually ma'am nakasale po kami ngayon 50 percent sale kahit ano po diyan sa mga nakikita ni---"
"Tinanong ko ba? Ang tanong ko magkano ito?" Putol ko sa kanya.
Gusto ko mang balewalain ang mga attensyong nakapukol sa akin ay hindi ko magawa dahil masyadong marami ng nakatingin kaya naman mamadaliin ko nalang ang pagbili.
"'Yan po ang latest at pinaka-mabili na---"
"Magkano nga!" Naiinis kung putol muli sa kanya! Putik, gaano ba kahirap sabihin 'yung price ng relong 'to at napaka...
"65,000 ma'am natanggal na din po 'yung disc--" takte!
Umalis na ako bago pa niya matapos 'yung sasabihin niya. 65,000? Puta naman kung bibili ako niyan para lang iregalo. Sumunod ko namang pinuntahan ang mga shirts ngunit hindi parin afford ng budget ko. Sa divisoria nalang kaya ako bumili?
Nawawalan na ako ng pasensya at pag-asa na makahanap pa ng ireregalo nang naayon sa budget ko.
Nagmartya na ako palabas ng maalala ko kung ano ang hilig niya, napapangiti akong lumabas at saka pumunta ng parking lot.
Nagtitinginan parin 'yung mga tao sa direksyon ko lalo na no'ng nakita nilang sumakay ako sa sasakyan ko. Laos 'yung mga mumurahin nilang sasakyan! Naka Bugatti 'to no!
Nakarating ako sa apartment ko bandang alas syete na, traffic kasi. Papasok na sana ako ng makakita ng isang box at isang paper bag na nakalapag sa may door way ko. Tinignan ko naman agad.
"Eto isuot mo mahal 'yan ibalik mo rin! - Lee" nakalagay yan sa kapirasong papel na nakalagay sa box pumasok naman muna ako dala dala ang box at paper bag inilapag ko ito sa lamesa sa sala.
Saka ako umupo binuksan ko 'yung box at nakita ang isang "Wah! Magkano kaya ito kung ibebenta ko?" Isang cocktale dress na kulay cream ang nakita ko. Kaya lang tube! Ayoko!
Pinagtuunan ko naman ng pansin 'yung paper bag, may envelop na nakalagay sa loob nito, syempre una kung binuksan 'yun! " Don't you dare wear it! - Dae " teka don't you dare daw? E bakit ibinigay niya? Baliw!
Inilabas ko mula roon ang isang dress na napakasimple lang! Isang plain Gray dress with sleeves ito. Conservative! Okay! I won't dare.
Naligo na ako pagkatapos, paglabas ko ng banyo nakita ko agad sa wall clock kung anong oras na takte 30 minutes nalang? Agad agad akong nagpalit.
Nasuot ko na 'yung damit ng makitang wala palang sandals na binigay! Anong isusuot ko? Tumingin muli ako sa orasan. Ilang minuto nalang ang natitira! Bakit ba ang bilis ng oras? agad kung kinuha ang unang sapatos na nakita ng mga mata ko.
Pagkasakay ko sa kotse ko napahinga ako ng maluwag! Then drove off. Medyo may kalayuan din pala ang bahay nila, ang napagkasunduan namin dati ay ipasusundo ako nito, kaya lang. Anong silbi ng sasakyan kung buggati diba?
Madilim na at wala na ding mga bahay bahay ang nadadaanan ko puro puno nalang at ang tahimik na daan ang nakikita ko. Tuloy tuloy lang ako sa pagdadrive nang mapansing parang may nakasunod sa akin, binilisan ko ang pagpapatakbo. May nakasunod nga.
Hindi bababa sa lima ang nakasunod sa akin sakay sila ng single motor, tinignan ko sa GPS ang rutang pwede kong likuan.
Inabot ko din 'yung baril ko na nakalagay lang lagi sa sasakyan ko. Pati na ang reading glass na halos ilang linggo kung pinagtuunan ng oras at panahon para magawa ito nang naaayon sa aking kagustuhan.
Hindi ordinaryong reading glass ang suot ko. Let me show you how and why.
Agad kung niliko ang sasakyan ko sa daan taliwas sa ruta ng pupuntahan ko, mabilis kong pinatakbo iyon. Parang aso namang nagmamadaling sumunod 'yung mga mokong na nakasunod sa akin. Pagkaraan lang ay huminto sila ngunit bukas ang ilaw ng mga motor nila.
Pagkatapos no'n ay lumiko ako pabalik. Mabilis na lumabas at nagtungo sa harapan. Patay ang ilaw nito at maging ang buong paligid ay nababalot ng dilim, maging ang ilaw na nanggagaling sa motor nila ay wala narin. Ngunit kitang kita ko sila.
Pinapakiramdaman ko lang ang paligid inaantay kung sino ang mauuna, pito silang lahat nakasuot sila ng purong itim. Napangisi lang ako ng naunang naglabas ng baril ang lalaking nakapwesto sa pinakagilid sa gawing kanan.
Agad kung pinaputok ang baril ko sa direksyon niya, ayokong pumatay pasalamat ka! Naalarma silang lahat ng mapansing bagsak na ang kasama nila. Agad nila akong pinagpuputukan.
Lintik na!
Hindi ako pwedeng lumapit baka mabahiran ng dugo ang damit ko! Ilag lang ang ginagawa ko at nakikipagsabayan din sa pagbaril. Nang makarinig ako ng pagkabasag ng salamin.
"NOT MY CAR!!!" Tangina.
Susugod na sana ako palapit sa kanila ng makarinig ng ingay at masilaw sa liwanag ng isang, motor? nanaman?
"Helmet boy?" 'Di ko napigilang maibulong nang mapagtanto kung sino ito.
Napunta sa kanya lahat ng atensyon ng mga bumabaril sa akin. Kaya naman siya na ngayon ang binabaril tutulong sana ako lalo na't nakatalikod silang lahat sa akin at kitang kita ko naman sila madali ko nalang silang mapapabagsak kung sakali.
Nang maalala kong nabaril pala 'yung sasakyan ko. Tinignan ko naman agad ito, naririnig ko parin ang putukan. Sinuri ko kung saan natamaan at kung ano 'yung nabasag kanina.
Tangina wala na 'yung wind shield ng sasakyan ko! Tumingin muli ako sa mga lalaking nakamotor na may gawa ng pagkabasag ng wind shield ng sasakyan ko. "Kantiin niyo na lahat maging ako, wag lang ang bugatti veyron ko!" sumakay ako sa driver's seat saka binasag ng tuluyan 'yung wind shield.
Binuhay ko ang makina nito, nalingat ang attensyon nila at napunta sa akin. Nakita kong nasisilaw sila sa liwanag na nillilikha ng headlights ng sasakyan kong linapastangan nila.
I was driving furiously, habang bumabaril. Babangain ko na sana ang mga motor nilang nakaharang, but I refused to.
Malakas kung iprineno ito nakita ko na din sa malapitan ang taong tumulong muli sa akin. Tumingin ito sa direksyon ko.
Natigil ang putukan ng may dumating na van. Nagsitakbuhan ang mga mokong papunta doon. Iniwan na nila ang motor nilang nakaharang sa daraanan ko.
Inasintado ko ang gilid ng gulong ng van ngunit hindi bala ang gamit ko, kailangan kung lagyan ng tracker ang sasakyan saka ko nalang aalamin kung saan ito tutungo. May party pa akong dadaluhan.
Ngayong nakaalis na sila ay kami nalang ni helmet boy ang natira. Bumaba ako sa sasakyan ko para sana lumapit sa kanya ng tutukan ako nito ng baril.
Hindi naman ako natinag dahil kung ang patayin ako ang ipinunta niya rito, dapat kanina pa niya ginawa.
Nilapitan ko nalang 'yung mga motor na nakaharang saka ipinagilid isa isa ang mga ito. Nang isa nalang sana ang ipapagilid ko ay nakarinig ako ng putok ng baril. Hindi ako umilag dahil hindi naman para sa akin 'yung putok na iyon. Tumingin ako kay helmet boy.
"Ano bang problema mo ah! Umalis ka na nga buti sana kung tinutulungan mo akong ipagilid ang mga motor na ito!" Bulyaw ko sa kanya ng nakapamewang pa.
"Let me give you a lift."sabi nito saka tumingin sa sasakyan ko. Anim na sunod sunod na putok ng baril ang pinakawalan nito.
Putangina!
'Yung mga gulong ng sasakyan ko ang inasinta. Tangina 'yan!
"Pakshet ka! " Itinumba ko nalang 'yung motor na pinapagilid ko at pinuntahan ang sasakyan ko.
Wala na! Wala na!
Nanlulumo kong kinuha 'yung mga gamit ko sa loob atsaka tinawagan si Asp."Puntahan mo 'yung sasakyan ko dito, ilocate mo nalang 'tong phone ko iiwan ko nalang dito sa loob ng sasakyan."
"What happened?"
"'Wag ka nang magtanong malelate na ako!"
"D! Please, tell me you're safe?" Tanong nito.
"Mmm 'yung sasakyan ko lang ang may tama! Papagawa na din bawas mo nalang sa utang mo!" sagot ko saka pinatay ang linya baka paulanan pa ako ng tanong.
Iiwan ko na sana ng may matanggap akong mensahe pa nito.
From : Prodigy
As far as I remember, ikaw ang may utang at hindi ako!
Natawa nalang ako sa mensahe niya. Gaya nga ng sinabi ko iniwan ko sa loob ng sasakyan 'yung phone ko. Saka tinungo kung saan nakapwesto si helmet boy!
Masama parin ang tingin ko rito. Pagkasakay ko ay agad siyang nagdrive napahawak naman ako sa waist niya. Wala kayong magagawa, nabigla ako e.
Pagkaraan lang ng ilang minuto, nakarating na kami sa destinasyon ko.
Bumaba naman ako agad, magpapasalamat palang sana ako ng mabilis pa kay flash na nakaalis ito.
Wow magic!
Papasok na sana ako ng maalalang "Teka! Hindi ko naman sinabing dito ako pupunta, paano niya nalaman?" Tanong ko sa sarili ko.
"Finally! What took you so long?" Nabalik lang ako sa ulirat ng makita si Dae dae na nakatayo sa harapan ko at nakacrossed arms pa!
"Naligaw ako!" Palusot ko nalang, napansin kong nakasuot ito ng itim na suit at kulay gray na panloob matching it with a black necktie. He looks so... handsome! Isali mo pa 'yung nakataas niyang kilay at ang kunot-noo nito.
Napansin ko namang napatingin siya sa suot ko, nagalangan naman ako baka may mantya ng dugo ang suot ko.
"I told you not to wear it!" Sabi nito saka naglakad na papasok sumunod lang naman ako sa kanya.
Nang napansing napatigil ito sa paglalakad at saka may inabot na paper bag na hindi ko alam kung saan niya nakuha! Agad niyang ibinigay iyon sa akin.
"Though, you look good with that rubber shoes, It doesn't suit your lovely dress, wear this!" Sabi nito sa akin.
Hinablot ko naman 'yung bag saka isinuot 'yung sandals na nando'n, hihintayin ko sanang siya na ang magsuot sa akin ng sandals. Kaya lang naalala kung Daewon Alvarez pala ang ngalan niya!
Matapos kung maisuot ay tumayo na ako, muntik pa akong matapilok sa taas ng hills nito. Inoffer naman niya 'yung kaliwang kamay niya sa akin. Humawak naman ako agad without any hesitations.
"You're wearing glasses." Bulong nito, sasagot sana ako nang mapagtantong wala namang bahid ng katanungan ang sinabi niya kaya bat ko sasagutin diba?
Nagtuloy lang kami sa paglalakad, masaya na sana kaso andami nanamang nakatingin sa akin. Para bang may nakakahawa akong sakit. O hindi naman kaya'y maganda lang talaga ako.
"Don't mind them!" Bulong nanaman ni Dae.
"Why would I? " sagot ko nalang.
"DAMEEEEE YOU'RE ALMOST 20 MINUTES LATE!!!"
And here comes the birthday celebrant! Nasa akin na ang buong spotlight! Ako na may birthday! Ako na!
Niyakap ako ni Lee, gwapong gwapo siya sa suot niya!
"How do I look?" Tanong nito sa akin.
"Why the hell you're wearing a gown?" Biro ko.
Binatukan naman niya ako sa sinagot ko, napatawa lang naman si Dae. He's wearing a pure white suit. Nakataas din ang buhok niya! May itsura nga siya.
"Where's my gift?" Tanong nito sa akin.
"Paupuin mo naman daw muna ako ah! Kanina pa nila ako tinitignan oh!" Tinapik naman ni Dae 'yung kamay ko, itinuro ko lang naman kasi 'yung mga taong nakatingin sa akin.
'Yun nga naglakad siya saka sinundan naman namin. Palapit na kami sa isang VIP table. Napansin ko namang may taong nakasandal doon habang nakapikit ang mga mata.
Mula sa malayuan ay pansin ko ang awra nitong kakaiba. At mula sa pikit nitong mga mata, at sa suot nito ay masasabi kung naguumapaw ang sex appeal nito. Hanggang sa makalapit na kami.
"Hey! Ark we're supposed to enjoy not to have some sleep!" Tinapik siya ni Lee teka! Ark ba 'yung sinabi niya?
"ABO!"
'Di ko napigilang sumigaw. Si Abo 'tong lalaking naka gray suit, white na panloob with silver necktie?
Para tuloy ang dating kami, ang matchy! Isss!
At nakaayos ang buhok paitaas gaya ng kay Lee huh? Dumilat naman ang mga mata nito dahilan para makita ko nga ang patunay na siya nga si Abo. Ang mga kulay abo niyang mga mata'y nasilayan ko.
Sex appeal ba 'yung nasabi ko?
Nakipagtitigan ito sa akin. Puta!
Dae cleared his throat, napatingin naman ako sa kanya saka umupo sa sofa. Magkatabi kami pinapagitnaan nila ako ni Abo. Agad namang may lumapit sa amin na stuff at binigyan kami ng drinks.
Pagkalapag palang ay tinungga ko na agad 'yung isang baso ng wine. Napagod ako eh!
Ibinato ko naman kay Lee 'yung gift ko sa kanya!
"Dalawang oras kung pinagisipan 'yan!" Pagmamayabang ko.
"I was expecting na maganda ito, I got watch from Ark and laptop coming from Wo---" hinablot ko 'yung regalo ko sa kanya! Nahiya naman 'yung regalo ko!
"Give it back!" Reklamo ni Lee ngunit umiling lang ako.
"DAME!" ulit nito umiling lang ulit ako ng biglang hablutin ni Abo 'yung regalo pati tuloy ako nahila niya. 'Di sinasadyang napalapit ang katawan ko sa kanya. Agad naman akong hinila ni Dae pabalik!
Ano 'to hilaan?
"Stupid!" Narinig kung bulong ni Dae. Matapos makuha 'yung regalo ko ay agad iyong binuksan ni Lee, nahihiya naman akong napatakip ng mukha.
"Notebook and pen? Eh?" Narinig kung sambit nito. Mas lalo akong nahiya ng marinig ang naglalakasang tawa nilang tatlo.
Kapag tawanan talaga, nagkakasundo sila.
Nagtitinginan na naman tuloy ang lahat sa amin. Ikaw ba naman makarinig at makakita ng tatlong nilalang na taong lalaki na ubod ng kagwapuhan! At isang dyosa? Biro lang 'yung nahuli!
Mukhang mapapahaba ang gabi ko ngayon ah?
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro