Chapter 15 Reason
"You're close of killing me!"-A.
Won Alvarez
I called Manong Pandoy, our family driver to get my car that I left at the parking lot. Kasi naman 'tong si Dame nanghihila nalang bigla.
Kasalukuyan kaming bumabyahe kung saan patungo? hindi ko alam! Right after she had read the text message she received she then hold my hand and run without any questions coming from her asking me if I wanted to!
Pinasakay lang niya ako sa passenger's seat and then we're together now!
"Tara na!" She said.
"Hindi ba ako mapapahamak sa lugar na ito?" I asked, hindi parin ako tuluyang bumababa. Napaisip naman ito sa tanong ko.
"Tangek! Iba man ang estado ng pamumuhay nila sa nakagawian mo, sinisigurado ko namang mas ligtas silang kasama kung ikukumpara do'n sa mga nakakasalamuha mo!" She said in a very serious tone and expression that her eyes can show off.
I then step out of her car as response to what she had said. I can now clearly see the place where she brought me.
Isang may kalumaang bahay ang dahilan ng kasiyahan kahit saan ka tumingin ay makakahagilap ka ng mga taong nagkukumpulan na hindi na magkamayaw sa labis na kasiyahan.
Isang piging pala ang aming pinuntahan.
"Long time no see! D ah! Naisipan mo atang pumarito?" saad ng isang lalaking kahahalataan mo ng may tama dala ng alak.
"Kaarawan ni Nanay Carmelita, makakaligtaan ko ba!" Sagot naman ni Dame. D? They call her D?
"Hindi mo ata kasama si Asphere ngayon iha?" tinignan ko ang taong nagsalita at nakita ang isang pamilyar na mukha ng matandang lagi kung nakikitang nakatayo at nagbabantay sa gate ng aming paaralan.
"Ikaw pala sir Won, mabuti naman po at naparito kayo." sambit pa nito magsasalita na sana ako ng inunahan na ako ni Dame.
"Gusto pong sumama sa akin tay e, kilala niyo naman po ako!" Sagot niya.
Is she saying that I insisted to come? Here? with her!? Iba napala ang depenisyon ng hinila sa nagpahila?
"Asan po pala si Nanay?" maligayang sagot muli ni Dame. Naglakad naman si Manong, we just followed him.
Napatigil ng ilang segundo ang mga nagsasayahan only to look at us! Tsk! Bakit ba kasi ako nandito?
Napansin naman ni Dame na napatigil ako sa paglalakad, at napansin din niya atang nagaalangan na akong tumuloy kaya naman hinila niya muli ako hawak ang kaliwang kamay ko at nagtuloy sa paglalakad.
"Pagtumigil ka baka hindi kana makauwi ng buhay nangangain ang mga tao dito, lalo na kung may dugong bughaw!" She whispered. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Sorry to cut your moment but, hindi ako dugong bughaw! Mine is red!" I sarcastically answered.
Napatawa naman siya ng sobrang lakas! A real one, na naging dahilan ng sobrang katahimikan. Yung mga nagiinuman napatigil din at ipinukol kay Dame ang tingin
'Yung mga nagdadaldalan naman para bang pinasukan ng insekto 'yung mga bibig sa sobrang walang imik, at maging si Manong Pandong napatigil din and I saw him smile a bit.
Bumalik lang sa dati ang lahat ng may isang matandang babae ang lumabas mula sa pinto ng bahay na may isang napakainosenteng ngiti sa mga labi.
"Nar'yan ka na pala D iha! Kanina pa kita inaantay nar'yan na din ba si Asphere?"
Napatigil si Dame sa pagtawa at inilang hakbang ang agwat nila ng matandang babae saka ito niyakap.
"Pasensiya na po Nay kung natagalan ako. Si Asphere naman po ay hindi makakapunta ngayong gabi!" She said" siya nga po pala may sumama po sa akin dahil gusto daw po kayong makita!"tuloy pa nito saka ako sinenyasang lumapit.
"Ay napaka-gwapo namang binata ito! Anong pangalan mo iho!" Sabi nito sa akin. She also touched my cheeks. Alanganing Napapangiti naman akong tumingin kay Dame.
"Siya si Dae dae Nay, manliligaw ko po." halos mapaubo ako sa sinabi niya. Ako manliligaw niya? Asa!
Narinig ko namang nagkantyawan ang mga tao sa sinabi nito.
"Ikaw talaga iha, pinapahiya mo naman si sir Won halina nga kayo at pumasok sa bahay at ng makakain na." singit naman ni Mang Pandong. He just saved me!
Tinitigan ko naman ng masama si Dame! Kinindatan lang ako nito.
Pagkapasok namin nakita ko ang sobrang linis na sala, and the furnitures looks antique maayos ang pagkakaayos ng upuan at makikita naman ang lamesang nakapagitna dito na punong puno ng mga pagkaing medyo hindi ko alam kong ano.
Nagulat nalang ako ng bigla nalang umupo si Dame sa isa sa mga upuan at kukuha na sana ng pagkain nang...
"DAME IHA!" ma-awtoridad na sambit ni Mang Pandong.
Dame just raise her hands saying "Gutom na ang mga alaga ko sa tiyan."
"Hayaan mo na Pandong, sige iha kumain ka ng marami, ikaw din iho" baling nito sa akin"maupo kana at nang makakain, masarap ang mga iyan." Sabi pa nito. Umusog naman si Dame saka ako nito pinaupo.
Kumuha ng kung ano ano si Dame, she put it all in her plate. Nagulat nalang ako ng matapos niyang mapuno ito, she place it infront of me. Napatingin naman akong muli sa kanya.
"Masarap 'yan! Pansit, puto at mga kakanin." sabi nito sa akin. Kumuha pa siya ng isa sa mga putong nakalagay sa plato ko, saka ito kinain.
"Sabi ko sayo masarap eh"
"How will I know na masarap kung ikaw naman kumain"
Napangiti lang siya sa sinabi ko.
"What's this?" Bulong ko sa sarili ko, ngunit narinig ata ito ni Dame.
"Kakanin 'yan! Masarap 'yan subukan mong kainin tignan mo makakalimutan mo pati pangalan mo." sabi nito. Why would I eat it then, kung makakalimutan ko pala pangalan ko?
"Ayaw mong tikman?" Sabi muli ni Dame, umiling lang naman ako.
"Arte!" Narinig kung bulong niya. Nagulat nalang ako ng agawin niya ang atensyon nang mag-asawa.
"Tay! Nay! Tignan niyo po oh! Sarap na sarap si Dae dae ko sa kakanin, gusto niya pa pong ako ang magsubo sa kanya." anong pinagsasabi niya, she then get the so called kakanin in my plate using her bare hands! Saka niya ito inilapit sa bibig ko! Nanlaki naman 'yung mga mata ko.
"Say ah!"
"Stop it Dame! You're crazy!" Bulong ko.
"Nakatingin sila! Specialty ni nanay Carmelita ito, paniguradong malulungkot siya niyan pag 'di mo kinain." umiling naman ako.
"Birthday niya ngayon! Pagbigyan mo na masarap naman 'to ah!"I glared at her.
"You're indeed crazy!"
"Nay tignan niyo oh! Kakainin na niya!" Sabi niya muli. Pikit mata kung ibinuka ang bibig ko just to let her do what she want! She just made me eat kakanin!
Though, Hindi naman maitatanging masarap nga.
"Ano masarap!" Napatango nalang ako.
"Baka gusto mo pang kumain?" sabay kindat nito sa akin!
Lumapit naman sa amin si lola Carmelita! May kinuha ito na kung ano sa lamesa.
"Tikman mo din 'tong bibingka iho masarap ito!" Lumapit siya sa akin. Tinapakan naman ni Dame ang paa ko ng hindi ko pa inaabot ang ibinibigay ni lola.
"Ay naku po, oo nga nay no nakalimutan ko pong mas masarap pala ang bibingka kaysa sa ibang kakanin." kinuha nito ang bibingkang inaabot sa akin ni lola.
"Pagpasensyahan niyo na po itong si Dae dae, gusto po talaga kasi nitong ako ang magsubo sa kanya!" Nanlaki nanaman ang mga mata kong napatingin kay Dame.
"Say ah Dae dae ko!" Here she is again!
Matapos pa ang ilang minuto ay napagpasyahan na din naming umuwi.
Inihatid kami ni Tay pandong, yes what you've read it right, sinabi niyang 'tay' nalang ang itawag ko sa kanya tutal kaibigan ko naman daw si Dame.
"Pa'no ba 'yan Tay mauuna na po kami!" Paalam ni Dame.
"Magiingat kayo." sabi naman nito saka tinapik ang balikat ko. Niyakap pa muli siya ni Dame saka kami tuluyang sumakay at umalis. Malalim na din ang gabi! Kailangan na nga naming makauwi.
Habang nasa byahe kami, hindi ko napigilang magtanong.
"Wala ba silang mga anak?" Sumagot naman agad siya habang nagmamaneho.
"Matagal na silang kasal, pero hindi sila nabiyayaan ng anak. Subalit ganoon man ang nangyari ay hindi parin nagbago ang pagiibigan nilang dalawa. Mas lalo silang pinagtibay ng pagsubok na kanilang kinaharap, mahal na mahal nila ang isa't sa. "
"How 'bout you? Ganon din ba kasaya ang pamil--"
"Nandito na tayo,bumaba ka na baka maisipan ko pang ibaba ka sa gitna ng kalsada!" Putol nito sa sasabihin ko.
And that's it! That is how our night ends.
One thing that I can say right now, is that I'm just so happy and was glad at the same time. That I get the chance to witness how simple persons celebrate such occasions.
I hate to admit it but, Juztin's right. Dame's indeed the reason.
Damn Her!
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro